Ang dampi ng hangin sa aking mukha ay halik ng iyong pamamaalam, pilit ipinadarama sa huling sandali ang pag-ibig na binalewala at ngayo’y hinahanap-hanap, sadyang itinakwil ng maling akala na ang “I love you” mo ay walang ibig sabihin at nais lamang na ako’y pukawin upang makapagsatitik.
Ang dampi ng ulan sa aking katawan ay haplos ng pangungulila, parang malamig na yakap ng iyong pag-alis na nais ipadama upang muli ako ay makapaghabi ng mga salita tungkol sa pait at lungkot ng pag-iisa.
5 comments:
Nalungkot nmn ako dito. But it was a nice post. :-( hehe
katotohanan na kailangan nating tanggapin. ang taong nasa tabi natin ay malalaman lamang natin ang kahalagahan pag sila ay nawala na.
nice post aris.
red 08
@japaneseadobo: thanks, ron. :)
@red 08: so true. :)
Pwede bang maging muse ang lalaki?
I mean sa mythology, di ba pulos babae lang ang muse?
Post a Comment