Sunday, November 2, 2014

At The Black Party

Sa muling pagtatagpo
Nanariwa ang samyo
Ng mga bulaklak;
Muling tumirik ang mga kandila,
Nagningas at lumuha
Sa muling paghimlay
Sa puntod ng mga alaalang
Minsan pa’y binalikan
At dinama.

5 comments:

Mugen said...

Ang nakaraan nga naman.

Mugen said...

Salamat nga pala sa pagwelcome sa akin. :)

citybuoy said...

Wala bang holiday para sa mga pag-ibig na namatay? Sabi nga ng kanta, ang pusong bagong libing ay tahimik lang. Chos!

Aris said...

@mugen: may kulang sa mundo ng pagba-blog kung wala ka. :)

@citybuoy: hay, pag-ibig! hindi yata talaga namamatay. masagi lang nang bahagya sa pinaglibingan, hayan na ang muling pagkabuhay! haha!

Anonymous said...

Tama ba intindi ko na tungkol ito sa sex?