Monday, October 9, 2017

Baby Boy


Pumupuwesto pa lang kami sa O, namataan ko na siya at hindi naiwasang sulyap-sulyapan habang nanonood ng drag show at nakikipag-chikahan sa mga kaibigan. Pilit kong hinuhuli ang kanyang mga mata. Pilit akong nagpapapansin sa kanya.

Nahalata ni Allen ang aking pagka-aligaga. "I wonder who's keeping us interested tonight," ang sabi. Sinundan niya ang direksiyon ng aking tingin.

Agad niyang nahulaan ang kanina ko pa sinisipat. "Yun bang naka-cap?"

BFF ko talaga siya. Alam na alam niya ang aking type. "Ang cute niya, di ba?"

Tumango-tango siya. "Chinito. Moreno. Yung tipo mo."

"Crush ko na siya," ang dugtong ko pa.

Ewan ko naman kung bakit, pero habang pinag-uusapan namin siya, bigla siyang napatingin at nagtama ang aming mga mata. Parang biglang nag-mute at nag-slow mo ang paligid. Para akong napatulala.

I was jolted back to reality nang sikuhin ako ni Allen. "Gurl, he's smiling at you," ang sabi.

Saka ko lang na-realize na, oo nga, nakangiti siya sa akin habang nakatingin. OMG!

And so, nginitian ko na rin siya. The sweetest I could manage.

"Go, gurl!" ang bulong ni Allen na bukod sa nang-e-encourage ay tila nanghahamon din.

***

I saw him head for the back door. After a few beats, I decided to follow. But to my disappointment, natagpuan ko siya sa labas surrounded by his friends. Not the perfect time for me to say hello. Tumayo na lamang ako sa di-kalayuan at uminom-inom ng beer mula sa boteng hawak ko. Nag-yosi na rin ako. Maya-maya, heto na rin ang mga friends ko, sumunod sa akin. Maybe to check on me dahil alam ko, nai-chika na sa kanila ni Allen ang tungkol sa kanya.

After a while, nagkayayaan nang pumasok sa loob ang grupo nila. Nagpatihuli siya. At bago lumisan, pinukol niya ako ng sulyap. Saglit na nag-hold ang aming mga mata. Bago tuluyang nagsara ang pinto, nasilayan ko ang pagguhit ng ngiti sa mga labi niya.

Tila mas higit pang kinilig ang mga kaibigan ko kaysa sa akin.

"Push!" ang sabi ni Allen.

***

Muli kaming pumasok sa loob. Nakasalang na ang mga go-go boys sa stage at kung saan-saan pang sulok ng bar. Todo sa seksing pagsasayaw na ipinagbubunyi naman ng crowd. Siksikan na sa loob at sa dami ng tao, muli ko siyang hinanap. Wala na siya sa dati nilang puwesto. Hindi ko na siya makita. Pati mga kaibigan niya. Parang bigla na lang silang naglaho. Nalungkot ako. At upang maibsan ito, pinanood ko na lamang ang pag-indayog ng mga go-go boys. Makikisig, matatangkad, matitipuno. At kahit na very suggestive ang kanilang mga galaw, hindi ko alam kung bakit parang hindi ako sa kanila natu-turn on. They are nice to look at. Pero kahit magpalipat-lipat pa ako ng tingin sa bawat isa sa kanila, wala pa rin akong maramdamang kakaiba.

***

I may have had too much beer or umatake ang claustrophobia ko kaya para akong nahilo at nainitan na hindi ko maintindihan. I needed some fresh air. Kaya nagpasya akong lumabas, hindi sa back door kundi sa front door ako dumaan. Hindi ko alam kung bakit doon. Basta’t parang may humihila lang sa akin doon. Posible nga kayang kapag in tune ang dalawang tao sa iisang wavelength, maaari silang mag-communicate sa pamamagitan ng isip? Or whatever, nabasa ko lang ‘yun somewhere.

Nabanggit ko ‘yun dahil paglabas ko, siya kaagad ang namataan ko. Nakaupo siya sa pandalawahang mesa, mag-isa, umiinom ng beer at nagyoyosi.

Saglit akong napatda. Nakatitig lang sa kanya. Siya nama’y nakatingin din sa akin na parang inaasahan niya ang aking pagdating.

Dinala ako ng aking mga paa sa kanyang kinaroroonan.

Nakalapit na ako sa kanya’y tahimik pa rin kami. Walang nagsasalita. Patuloy lang na nag-uusap ang aming mga mata.

Pagkalipas ng ilang sandali, tumayo siya at ngumiti. “Hi,” ang sabi.

“Hi,” ang sabi ko rin. Ngumiti na rin ako.

“Care to join me?” ang kanyang tanong.

“Sure,” ang sagot ko. Naupo ako.

“Franco nga pala, pare,” ang kanyang sabi, sabay abot ng kamay niya sa akin.

Na tinanggap ko nang malugod. “ Aris,” ang pakilala ko rin.

Saglit na nagdaupang  ang mga palad namin sa isang pakikipagkamay. Malambot ang kanyang palad, mainit. Mahigpit kung humawak, parang ayaw bumitiw.

“May I offer you a beer?” ang alok niya sa akin.

“No, thanks,” ang tanggi ko. “I‘ve already had so much.”

“Then maybe you can join me for a smoke?”

“Yeah, sure.” Dumukot ako ng Marlboro Black mula sa bulsa ko at nagsindi.

Makalawang beses akong naghithit-buga habang nakatingin sa kanya nang diretso.

“Bakit nandito ka at mag-isa lang?” ang tanong ko, feeling relaxed na ako, hindi katulad kanina na parang nahihiya at nag-aalinlangan. Nakahanda na akong lubusang makipagkilala kay Frank.

***

“Nasaan ang mga kasama mo kanina?” ang dugtong ko pa.

“Umuwi na. Iniwan na nila ako,” ang sagot niya.

“Ba’t ka naman nagpaiwan?”

“Dahil ayoko pang umuwi.” Lumagok siya ng beer at humithit ng yosi. “May gusto pa akong mangyari bago umuwi.”

“At iyon ay…?”

“Ang makilala ka,” ang walang gatol niyang tugon. “Na ngayo’y nangyari na kaya pwede na akong umuwi.”

“Oh okay. Bye.”

“Kidding.”

Bahagya kaming natawa at sabay pang napahithit ng yosi.

“Seriously, I want to know you,” ang sabi niya pagkaraan.

“I want to know you too,” ang pag-amin ko na rin.

Patlang. Na para bang pareho kaming nag-aapuhap ng sasabihin.

“So, how old are you? ” ang tanong ko, bunsod ng kagustuhang maipagpatuloy ang aming pag-uusap.

“Nineteen.”

“Huwat???” Gosh, ang bata niya. As in, ang laki ng agwat ng edad namin. I knew he was young but I didn’t expect him to be this young.

“Why? Ayaw mo ba sa bata?”

“Masyado kang bata for me. It makes me uncomfortable.”

“Sabihin na lang natin na bata akong mahilig sa matanda.”

“Ouch.”

“I mean, older,” ang bawi niya. “Not that you’re old or something. I just like older men. At wala akong issue sa tatay ko. Na kaya ganon ang preference ko ay dahil naghahanap ako ng father figure. No. Okay kami ng tatay ko. At hindi father figure ang hanap ko kundi boyfriend. An older boyfriend.”

“So, we’re talking about boyfriends now…” ang tukso ko.

“Yeah,” ang tugon niya. “Ikaw, do you go for younger?”

“No.”

May gumuhit na disappointment sa kanyang mukha.

“I mean, yes,” ang bawi ko. “ For every rule, there’s always an exception, right?”

“Uhuh.” Tumango-tango siya. Muling lumagok ng beer at nag-yosi.

Parang biglang nanuyo ang lalamunan ko sa tinatakbo ng usapan namin. Parang bigla ring nawala ang amats ko kanina. “I think I need a drink.”

Inunahan niya na akong sumenyas sa waiter.

“Red Horse,” ang sabi ko paglapit ng waiter.

“Dalawa na, Kuya,” ang sabi niya sa waiter.

Pinatay niya sa ash tray ang kanyang sigarilyo at nagsinding muli ng panibago. Napagaya na rin ako.

Pinanood namin ang paglutang at pagsasanib ng mga usok na ibinuga namin.

Nagkatinginan kaming muli. At nagkangitian. Parang wala na namang masabi.

(May Karugtong)

Thursday, September 28, 2017

Just Fine

A THROWBACK POST. Ganito ako 8 years ago. Ang dami nang nagbago. Parang hindi ko na makilala ang sarili ko.


No, hindi dumating si James noong Sabado.

Tinitext siya ni A. Hindi sumasagot.

Ang excitement at anticipation ko, nauwi sa matinding disappointment. Gustong-gusto ko pa naman siyang makita.

Pinangarap ko siya buong linggo. Pero wala talaga, kahit paramdam.

Bagong gupit pa naman ako. (Yes, Pao, ginaya kita at sinunod ko ang beauty tip mo!) Sabi ng bestfriend ko, ang ganda ko raw (pagbigyan n'yo na ako please!) pero dahil wala si James, ang pangit ng pakiramdam ko.

Napagbalingan ko ang Strong Ice. At ako ay nagkunwari sa harap ng aking mga kaibigan. Nagkunwari akong masaya. Itinago ko ang aking pagkabigo.

Nalasing ako pero nasa katinuan pa rin naman. Kaya pagpasok sa Bed, aware pa rin ako sa aking kapaligiran.

Nalasing din si H. Naghubad at nakipag-sexy dance sa akin. Walang malisya, katuwaan lang. Pilit niyang tinatanggal ang aking damit pero nag-resist ako. Mataba kasi ako ngayon. (Kelan ba ako huling naghubad sa Bed? Matagal na. Isang gabi iyon na pulos nakahubad ang nagsasayaw sa ledge. Bawal ang naka-damit. Pag-akyat ko, hinubaran nila ako.)

Speaking of ledge-dancing, umakyat kami ni H sa square table na patungan ng drinks. Doon kami nagsayaw. May friend siya (na noon ko lang nakilala) na nag-join sa amin. Nagkaroon ng malisya ang sexy dance namin ng friend niya. Ang holding hands ay nauwi sa paggapang ng mga kamay sa kung saan-saan. I had to detach.

I joined my other friends. At dahil panay din ang inom nila, medyo naging rowdy kami. Naka-imbento kami ng game. Mahirap i-explain, pero may accidental kissing and crotch grabbing. Nakakapikon pero nakakatuwa, parang laro ng mga salbaheng bata.

Nagkabanggaan kami ng isang tao na kinabaliwan ko dati. Mr. Right pa nga ang codename ko sa kanya noon. Nagkatinginan kami pero hindi nagbatian. Hindi ko alam kung nagkahiyaan lang kami kasi wala naman talaga kaming pinag-awayan. Very attractive pa rin siya. Pero si Mr. Wrong na siya para sa akin ngayon. (Oh well, that’s another story!)

Nagkita rin nga pala kami ni McVie. I hugged him kasi antagal ko na siyang hindi nakikita. I asked him kung sino ang kasama niya. Ang sagot niya: si Lord! (Friend, nakakaloka ka!)

Later on, three of my friends got connected. Magkakabarkada ang naka-connect nila. Ibinuyo sa akin ang isa pang kabarkada. Para nga naman mas masaya, di ba? (Ok, jumoin ako pero, for the record, hindi ako nakipaghalikan.)

Pakiramdam ko nagpapatianod lang ako nang gabing iyon. Pinipilit kong maging masaya at magmukhang masaya. In denial ako sa lungkot habang sinasabayan ko ang “Just Fine”.

I skipped breakfast. Maaga akong umuwi.

Nakapag-desisyon na ako.

Magpapahinga muna ako sa party scene. Nakakapagod na kasi. Hindi lang physically. Kundi emotionally.

Nakakasawa na rin. Parang pare-pareho na lang ang nangyayari. Masaya pa rin naman kaya lang parang nawala na ang dating excitement.

Aayusin ko muna ang sarili ko. Gusto kong maging worthy sa mamahalin ko at magmamahal din sa akin.

Tuesday, September 26, 2017

Ang Kariktan Ng Iyong Paglisan


Ang kariktan ng iyong paglisan
Ay ang pagtimo sa puso na parang punyal
Ng kalungkutan
Na kung saan ang mga takot ay pilit pinaglalabanan,
Iwinawaksi ang bagabag,
Ngumingiti sa kabila ng pighati
At pangamba
At pangungulila
Hanggang sa ang sundot ng kabaliwan
Ay magmistulang ligalig
At panganib na nakaamba
Sa katinuan ng isip.    

Friday, September 8, 2017

Mash-Up

Mula nang mag-disappear ka, hindi ka na uli nagparamdam.

Hindi ka na uli nag-text.

Nabalitaan ko na lang mula sa common friend natin: Nagkabalikan na kayo ng ex mo.

Noong iniwan ko kayo sa Kapihan para mag-usap, you kissed and made up.

Sumama ka na pala sa kanya habang ako ay parang tangang naghihintay sa’yo sa Club.


Sa harap ng isang bakanteng mesa, pilit kong nilunod sa Red Horse ang magkakahalong damdamin.

It felt like a roller coaster mishap. After all the thrill and excitement, I fell hard and was broken.  

***

Nang magkakilala kami sa Club, inisip ko na pang-isang gabi lang siya.

Pero ang sabi niya, he wanted a relationship daw.

And so I was made to believe na doon na kami papunta. Konting-konti na lang, magiging kami na.

Pero, isang gabi, nag-text siya sa akin. He was meeting a friend daw. May kailangan lang daw silang pag-usapan.

Medyo late na ah, ang sagot ko.

Huwag daw akong mag-alala dahil malapit lang ang meeting place sa bahay nila.

Ingat, sabi ko na lang.

Hindi na siya nag-reply.

My celfone was silent hanggang kinabukasan.

***

“Wala na kami. Hiwalay na. Maaari ba tayong magpatuloy?” ang tanong niya.

Sinaid ko ang laman ng bote ng Red Horse. At pagkatapos, tumayo ako.

“Bumalik na tayo sa loob,” ang sabi ko.

Mabilis ang aking mga hakbang. Kasunod ko siya. Tahimik akong nag-iisip habang naglalakad sa Nakpil pabalik sa courtyard ng Orosa.

Pagpasok namin sa Club, “Bleeding Love” was playing.

I saw my friends on the ledge. I joined them. Nagsayaw ako na parang may gustong kalimutan.

Naiwan siya sa dancefloor. Nakatayo. Nakatingin lang.

***

Last night , hindi ako makatulog.

Nananariwa ang mga alaalang pilit kong sinu-suppress nitong mga nagdaang araw.

Naiisip pa rin kita. Ayokong aminin sa sarili ko na in-love ako sa’yo. No, I’m not.

I was just caught off-guard kaya ako nagkakaganito.

I was at my most vulnerable nang bahagian mo ng atensyon kaya huling-huli mo ako.

Lilipas din ito.

I will be fine, I know.

*A merging of scenes from two of my old stories to see if they will work to form another story.

Friday, September 1, 2017

Pagpipinid


Dahan-dahan kong hinagod ng tingin ang kabuuan ng silid.

Naroroon sa dingding ang larawan namin. Nakatabingi. Puno ng pagkukunwari ang aming mga ngiti.

Sa sahig ay ang basag na plorera. Nagkalat ang mga talulot ng rosas.

Sa hangin ay nakalutang pa rin ang naiwan niyang halimuyak.

We tried our best to patch things up, didn’t we?

Tumayo ako. Dinama ang namamaga at nananakit na mukha. Pinahid ang mga luha.

Dinampot ko ang susi ng kotse.

Tinungo ko ang pinto, mabuway ang mga hakbang.

At nang makalabas, ipininid ko iyon nang marahan.

Sad Story


Ni hindi siya lumingon.

Thursday, August 31, 2017

Without Me

Nakita kita sa simbahan. May kasamang iba.

Nagsisimba ka na pala ngayon.

Noong tayo pa, kahit minsan hindi kita nayayang magsimba. “Hindi ako religious,” ang sabi mo pa.

Isa iyon sa mga dahilan kung bakit nagkahiwalay tayo.

Iniwasan kita. Mas mabuti nang hindi mo ako makita.

***

Pagkatapos ng misa, muling nag-krus ang landas natin.

Sa bookstore sa kalapit na mall. Kasama mo siya.

Noong tayo pa, kahit minsan hindi mo ako sinamahang mag-bookstore. “Hindi ako mahilig magbasa,” ang sabi mo pa.

Isa uli iyon sa mga dahilan kung bakit nagkahiwalay tayo.

Iiwas sana ako subalit nagkasalubong na ang ating mga mata.

***

“Kumusta?” ang bati mo.

“Mabuti,” ang tugon ko.

Ipinakilala mo ako sa kasama mo. Kunwari wala tayong nakaraan.

“Saan kayo galing?” ang chika ko pa.

“Nagsimba,” ang sagot niya.

“Uy, nagsisimba ka na,” ang tukso ko sa’yo.

“Oo. Good boy na ako,” ang sagot mo, nakangiti.

“At nagbabasa na rin,” ang dugtong ko pa.

“Dahil sa kanya,” sabay turo sa kasama mo.

Ngumiti siya at nakita ko sa mga mata niya na proud siya dahil napagbago ka niya.

***

Bitbit ang mabibigat na libro, lumabas ako ng bookstore na mabigat din ang dibdib ko.

Sa huling sulyap, nakita ko kayong masayang nagba-browse.

Willing ka palang magbago at mag-adjust, bakit hindi pa sa akin noon?

Sana tayo pa rin hanggang ngayon.

At sana hindi ako nagbabasa ng romance upang pawiin ang lungkot.


*previously posted as Ex-sena in 2010.

Tuesday, August 29, 2017

Naaalala Ka, Paminsan-Minsan


Kahapon, naalala kita nang makita ko ang isang bata.

Pinagmasdan ko siya habang karga-karga ng kanyang ina.

Ang cute niya. Kamukhang-kamukha mo siya.

Pinanood ko siya habang paulit-ulit niyang tinatanggal ang sumbrerong pilit na isinusuot sa kanya ng kanyang ina. Nagpupumiglas pa siya.

At ako ay natawa.

Ang tigas ng ulo ng bata. Parang ikaw. 

Parang ikaw noong tayo pa.

Wednesday, August 23, 2017

Kadugo


Tradisyon na ang pagtitipong iyon ng mga kaibigan at kapamilya sa kaarawan ng aking ama.

Sa gitna ng pagdiriwang, nakikipagkwentuhan ako sa isa sa aking mga tita nang lumapit sa amin ang isa kong tito.

"Aris, may ipakikita ako sa'yo," ang sabi sabay dukot ng celfone sa kanyang bulsa. May hinanap na larawan at nang makita, izinoom pa sa aking mukha. Nakitingin na rin ang aking tita.

Isang gwapong lalaki, nakangiti. Mga 22 to 23 years old.

"Anak ko sa labas," ang sabi nang tila may pagmamalaki pa. "Si Paolo."

Tumaas ang kilay ng aking tita. Tumango-tango naman ako.

"Kagaya mo rin siya," ang sabi pa.

Napakunot-noo ako. Nandilat naman ang aking tita.

"Pero tanggap ko kung anuman siya," ang dugtong pa ng tito ko. "Anak ko siya, kaya mahal ko siya."

Nagkatinginan kami ng tita ko.

Katahimikan.

"As you were saying, auntie..." ang basag ko pagkaraan.

Tuesday, August 15, 2017

Extra Service


“Male,” ang sabi ko sa counter.

Ngumiti sa akin ang receptionist sabay abot sa menu ng kanilang services.

Bahagya ko iyong sinulyapan. Shiatsu. Swedish. Thai.

“Shiatsu,” ang sabi ko na parang kasingkahulugan na rin ng “whatever” kasi nga hindi ko naman talaga alam ang pagkakaiba ng tatlo.

“Very well, sir,” ang sabi ng receptionist sabay pindot sa buzzer. Tatlong beses. At mula sa kurtina sa kanyang likuran ay sumilip ang isang lalaking kaagad na ngumiti pagkakita sa akin.

“Sir, this is Miguel,” ang sabi ng receptionist. “Siya po ang inyong magiging therapist.”

Tuluyan nang lumabas si Miguel mula sa pagkakakubli. Naka-white sando at jogging pants. He must be 5’8 or 5’9. Moreno at matipuno. Squarish ang panga, mabibilog at mapipilik ang mga mata, makakapal ang mga labi.  

“This way, sir,” ang giya niya sa akin.

Hindi siya perfect but I think I liked what I saw.

***   

Dinala nya muna ako sa isang parang receiving room na may mahabang sofa.

“Footbath muna tayo, sir,” ang sabi. “Pakitanggal na lang ng shoes.”

Naupo ako sa sofa. Umupo sya sa bangkito sa aking harapan at hinawakan ang aking mga paa. One after the other ay maingat niyang inilubog ang mga ito sa maligamgam na tubig ng electric footbath. Nanuot sa aking ilong ang mabangong aroma ng minty herbs na nasa tubig. Hinagod-hagod niya ang aking mga daliri at hinaplos-haplos ang aking talampakan.

Nakadama ako hindi lang ng ginhawa kundi ng kiliti.

Pinagmasdan ko siya. Nakita ko ang mapuputi niyang ngipin nang siya ay ngumiti.

***

Maliit ang cubicle. At madilim ang ilaw. Tila sadyang ikinukubli hindi lamang ang aking masseur kundi pati ang kapaligiran.

“Sir, hubad na po tayo,” ang sabi ni Miguel.

Literal pala ang ibig niyang sabihin ng “tayo” dahil nang maghubad na ako ng damit, sinabayan niya ako. Naghubad siya ng sando at naghubo ng  jogging pants. May shorts siya sa loob na kanyang itinira. Natambad sa akin ang mahahaba niyang legs.

Dumapa ako sa kama nang naka-brief. At saka lang ako naging aware sa background music. Kenny G. What the f! Asan na ang mga huni ng ibon at lagaslas ng tubig?

Ang unang dampi ng mga palad ni Miguel sa aking likod ay tila naghatid ng chills sa aking kabuuan. Matatag iyon, lalaking lalaki. Una niya munang ikinalat ang oil sa aking likod pababa sa balakang. At nagulat ako nang bigla niyang hinaklit ang aking brief.

“Sir, tanggalin na natin ito,” ang sabi. “Para hindi malagyan ng oil.” At bago pa ako nakatutol, hinubo niya na iyon. Pinahiran niya na rin ng langis ang aking butt cheeks. Pagkatapos ay kaagad nya rin naman akong  tinakpan ng towel.

At doon na nagsimula ang kanyang pagmamasahe.

***

Nakapikit ako. Pilit na iwinawaksi ang epekto ng erotikong musika ni Kenny G. Ewan ko kung bakit ang bawat pagdiin ng mga daliri ni Miguel sa masasakit na bahagi ng aking katawan ay tila pagduro rin sa aking kamalayan ng mga nakakikiliting isipin. At dahil hindi ko naman siya nakikita, tila nasa balintataw siya ng aking isip na nanunukso ang bawat galaw, nag-aanyaya, nang-aakit. Bukod sa haplos ng kanyang mga kamay, dama ko rin ang pagkiskis ng kanyang mga binti sa aking balat.

Napaungol ako nang dumako siya sa aking puwet. Masinsinan niya iyong hinagod. At doon ko naramdaman ang mga pahapyaw nyang sundot sa aking butt crack. Dedma lang ako kunwari subalit  hindi ko naitago ang excitement dahil kaagad akong nagkaroon ng erection.

Bahagya akong napapitlag nang maramdaman ko ang strokes na kumalabit sa aking bayag.

***

Sapo-sapo ko ang towel sa aking harapan dahil ayokong malantad sa kanya ang aking kahubdan.

Nakatihaya na ako at ngayo’y minamasahe na sa dibdib. Pilit kong inaninag ang kanyang itsura sa malapitan. Kung saan-saan dumako ang aking mga mata sa kanyang kabuuan, kung paanong dumako rin sa kung saan-saan ang kanyang mga kamay sa aking katawan.

Napapikit ako nang agawin niya sa akin ang towel. Higit akong naghumindig nang sinimulan niyang hagurin ang aking mga singit, pati na ang aking mga hita, na ewan ko naman kung bakit sa bawat muwestra ay hindi maiwasang masagi ang aking ari.

Kaagad akong nagmulat nang maramdaman ko ang kanyang lantarang paghaplos at pagpisil sa aking maselang bahagi.

Sinalubong niya ang aking mga mata na bagamat madilim ay nanuot sa akin ang kanyang titig.

“Sir, extra service?” ang halos pabulong niyang sabi.

***

Mahina ako subalit pilit ko pa ring hinanapan ng lakas ang kahinaan ko.

Ipinagpasya kong makipaglaro, sukatin ang hangganan ng kakayahan kong magtimpi.

Ang simpleng pag-aalok ng extra service ay isang tunggalian sa pagitan ng buyer at seller. Matira ang matibay. Manalo ang mahusay.

“Magkano?” ang tanong ko.

“1K,” ang maiksing sagot.

“Mahal,” ang sabi ko.

Katahimikan.

Nakikiramdam si Miguel, alam ko. Hinihintay niya na ako ang hindi makatiis na muling magsalita. Subalit determinado ako na paghintayin siya.

Dedma lang ako kunwari na hindi na interesado sa alok nya.

“Kasama na doon ang romansa.” Siya ang hindi nakatiis.

Tahimik ako.

“Hand job,” ang dugtong niya pa.

Tahimik pa rin ako.

“Pwede rin akong magpalabas.”

“Pag-iisipan ko muna,” ang sagot ko. “Meanwhile, tapusin na muna natin ang masahe.”

Ipinagpatuloy niya ang pagmamasahe. At dahil siguro sa alok niya kung kaya’t para siyang nagkaroon ng pahintulot na manaka-nakang hagurin ang sentro ng aking pagkalalaki.

Nang matapos ang masahe, balik kami sa negosasyon.

“Sir…” ang untag niya uli.

“Uhum?”

“Sige na, sir, pa-service ka na.”

Pinagmasdan ko siya. May nakita akong  tila pagsusumamo sa kanyang mga mata.

“Kung namamahalan ka sa isang libo, sige, kahit seven hundred na lang.”

Napatitig ako sa kanya subalit hindi ako nagsalita.

Tumango ako. Hindi dahil minurahan niya ang singil kundi dahil bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya.

He proceeded to do his thing. Sa una’y parang distracted ako, parang hindi ko lubusang ma-enjoy ang sensasyong dulot ng aming pagniniig dahil iniisip ko na bumigay na naman ako, nagpadala sa kahinaan ko.

Gayunpaman, nairaos din namin ang init. Sinabayan namin ang sirit ng background music. Ang tuwalya na kanina ay pantakip, naging pamunas na ng katas at pawis.

Nag-alok siya ng hot towel.

Siya mismo ang nagpunas sa akin. Maingat, aakalain mong may pag-ibig.

At nang makapagbihis, iniabot ko sa kanya ang seven hundred.

Nakita kong nagliwanag ang kanyang mukha.

“Thank you, sir,” ang sabi. “Please come again.”

Nginitian ko siya bago ako tuluyang lumabas ng cubicle.

Monday, August 14, 2017

Just Friends


“Aris, Tonio here. Nasaan na kayo? Pinatatanong ni Christian.”

“Oh hi, Tonio. Magkasama na kayo?”

“Yup, nandito na kami sa High Street.”

“Nasa shuttle bus na kami.”

“Who’s with you?”

“Allen.”

“Nice. Meet you at Starbucks. Christian’s excited to see you.”

“Really?”

Nakangiti ako nang ibaba ko ang telepono. I’m excited too na makita si Christian. No, wala kaming something. We’re just friends. Sila pa ni Tonio ang may something. Kaya lang “kabit” lang si Tonio dahil si Christian ay matagal nang in a relationship.

As I’ve said friends lang kami. Special friends dahil may kakaiba sa friendship namin ni Christian. We are extra affectionate with each other. We are very expressive about how we feel. Lalong-lalo na kapag nagkikita kami. At hindi yun madalas. The last time was noong Summer na nag-Puerto Galera kami.

***

Halata yatang stressed-out ako kaya out-of-the-blue, nag-offer si Christian na i-massage ako.

“Seryoso?” ang sabi ko.

“Oo,” ang sagot nya.

How can I resist, di ba? Massage on a beachfront cottage. It was so perfect.

And so, pinadapa niya ako. Isa-isa niyang tinanggal ang damit ko. Kumot na lang ang natirang pantakip sa katawan ko.

Nilagyan niya ng lotion ang likod ko at sinimulan nyang hagurin ang sore spots ko.

Napapikit at napa-aaahh ako. He has big, strong hands. His strokes are hard just the way I want them.

Habang naglalakbay ang kanyang mga kamay sa aking katawan, wala akong malisyang naramdaman. Walang na-induce na anumang reaksyong sekswal mula sa akin. O sa kanya. Sa halip ang naramdaman ko ay pagmamahal na nanggagaling sa mga hagod nya, sa kagustuhang mabigyan ako ng ginhawa.

Habang dinidiinan at dinudurog nya ang mga tension bulges sa balikat, likod at balakang ko, nadama ko rin ang pag-uumapaw ng emosyon ko – magkahalong lungkot at saya na hindi maipaliwanag – na parang gusto kong maiyak sa pagpapasalamat sa kanya.

Inantok ako dahil sa kanyang ginagawa. At bago ako tuluyang nakatulog, narinig ko pa ang bulong niya.

“I love you.”

***

Sa Galera rin nagsimula ang relasyon nila ni Tonio. Isang gabi, basta na lang sila nawala at hindi namin nakasabay mag-dinner. Late na nang bumalik sila sa cottage – nag-iinuman na kami – at may kakaibang ningning sa kanilang mga mata. We knew it. They went to somewhere private at doon may nangyari. Hindi man nila aminin, obvious na obvious. At sa halip na magselos, na-amuse ako. Ang tinik din talaga ni Christian. May jowa na at lahat and yet…

Jumoin sila sa inuman namin. Tumabi sila sa akin, sa magkabila ko. At habang nalalasing, salitan ang naging pagbulong nila sa akin.

“Aris, I think I’m in love with him,” ang sabi ni Tonio.

“Aris, I’m confused,” ang sabi naman ni Christian.

Sinabi ko kay Tonio ang totoo, na taken na si Christian. Okay lang daw sa kanya ang maging number two.

“Hindi ako worried basta hindi ikaw ang karibal ko,” ang dugtong pa.

“What?” Napatingin ako sa kanya na parang takang-taka sa tinuran niya.

“He’s in love with you.”

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. “You know very well na friends lang kami.”

“Yeah. Special friends. Yan ang mas nakakatakot dahil between two special friends, pure love at special bond ang namamagitan. Mahirap silang paghiwalayin.

As if on cue at tila pagkumpirma, naramdaman ko ang pag-akbay ni Christian.  Pinisil-pisil nya pa ang balikat ko.

***

Napapangiti ako sa mga alaalang iyon at ngayon nga, after three months, nag-decide ang Galera group namin na mag-reunion. At si Christian na hindi sumasagot sa mga text ko ay finally nagparamdam thru Tonio (nalaman ko kinalaunan na nasa Korea pala kasi siya nung tinetext ko).

Nakababa na kami sa shuttle bus at naglalakad na patungo sa Starbucks nang muling tumunog ang phone ko. Si Christian.

“Hey, Aris.”

“Hi, Christian.”

“Asan na kayo?”

“Lapit na diyan.”

“Bilisan nyo. Kayo na lang ang hinihintay.”

Pagsapit namin sa tagpuan, naroon  na nga ang lahat. Beso-beso, hello-hello.

Tila sinasadyang nagpahuli sa pagbeso at pag-hello si  Christian. Nagyakap kami. Mainit. Mahigpit. Puno ng pananabik. Spontaneously, nagdampi ang aming mga labi na parang normal lang, na parang palaging nangyayari. At nagkasabay pa kami sa pagbulong ng “I love you.”

Sa gilid ng aking mga mata, nasilip ko na nakatingin si Tonio na tila naninibugho.

***

Nagtungo kami sa Petals, bagong bukas na club sa BGC. Exclusive daw ang bar at hindi basta-basta nagpapapasok (Studio 54, isdatchu?). Mahaba ang pila at sa kabila ng discriminatory admittance, nakapasok naman kaming lahat.

Sa loob, daming bata, daming guwapo. I felt old, really! Kailangan ko na yata talagang tanggapin na tapos na ang pamamayagpag ng aming henerasyon. Ang bilis ng panahon. Parang Project Runway lang: “one day you’re in and the next day you’re out.” Oh well…

Circulate. Circulate.

So this is the club scene now. Meron pa rin namang mga pamilyar na mukha subalit dahil na rin sa pagkaka-displace namin sa pagsasara ng Bed, sa paglipat ng Obar at sa pagkamatay ng Malate ay parang nagkakahiyaan na kaming magbatian at magchikahan. At katulad ko, parang nakikimi na rin silang makisalamuha sa mga bagong mukha.

And so lumabas na lang kami ng best friend kong si Allen. May nakita kaming inuman na katabing-katabi ng Club. Japanese bar na medyo mahal but then al fresco, kaya sige na. Umorder kami ng isang bucket na SanMig Light at sinimulan naming mag-reminisce ng nakaraan. Noong mga panahong kami ang nagrereyna-reynahan, kami ang nagbibida-bidahan.  Kaydali lang noong magpaibig, kaydali lang makipaglaro.  At habang binabalikan namin ang nakaraan, tila higit kong nararamdaman ang lamig ng pagiging single. At napapag-isip: inaksaya ko nga ba ang aking kabataan kung kaya’t hindi ako nagkaroon ng meaningful relationship?

***

But I’ve changed. Nagbago na ako, matagal na. Kasabay ng pagkaka-edad ay ang reyalisasyon na ang buhay ay hindi isang laro lamang, lalo na ang pag-ibig. Na kailangan mong mag-settle down with somebody. Na hindi ka maaaring mabuhay nang mag-isa. Kaya kahit nag-depreciate na ang market value, I am not giving up on love. Marami pa rin namang maaaring magkagusto. It is just a matter of time bago ako muling makahanap ng iibigin at magiging forever ko.

Meanwhile, I have my special friendships and relationships I should be thankful for.

Like Allen here na sa hirap at ginhawa sa matagal na panahon (panahon pa ng Club Bath at Red Banana) ay kasama ko na.

At si Christian na sa kabila ng pagiging kaibigan lang ay kakaibang pagmamahal ang sa akin ay ipinapadama.

***

Nakakadalawang bucket na kami ni Allen nang mamataan namin ang paglabas nina Christian at Tonio mula sa Petals. Tinawag sila ni Allen at niyayang  jumoin sa amin.

“Where are you going?” ang tanong ni Allen.

“Pauwi na sana,” ang sagot ni Christian.

“Maaga pa,” ang sabi ko.

“May pupuntahan pa kami,” ang sabi ni Tonio.

“Oh,” ang sabi ko.

Nagtama ang mga mata namin ni Christian. Hindi na namin kailangang magsalita upang magkaintindihan.

“Tutuloy na kami,” ang pagmamadali ni Tonio.  

Tumayo ako at nagyakap kami ni Christian. Mahigpit.

Kusang nagdampi ang aming mga labi.

“I love you,” ang sabay naming sabi.

Dumukot siya sa kanyang bulsa. Isang napakaliit na stuffed toy ang kanyang kinuha.

“Pasalubong ko sa'yo. Galing Korea.”

Friday, July 7, 2017

9th Anniversary


After nine years, nandito pa rin ako. Sana nandiyan pa rin kayo. Cheers!

Tuesday, June 27, 2017

Sukdulan 2

A Collaboration with my EX


December 30, 2015

Matalas ang pakiramdam ko about lies and half-truths. And I still have this strange feeling about your coach. If something is going on between you o kung may nangyari man sa inyo in the past,now is the right time to confess. Lubus-lubosin mo na ang pag-amin para malinis ang iyong konsensya. Para makapagsimula tayo on a clean slate if ever we're getting back together.

Alam mo natatawa na lang ako sa mga accusation mo sa amin ni coach eh.

E di mabuti. Napapasaya kita.

E di okay.

Bakit ba ipinipilit mo na may relasyon kami ng coach ko?

Itigil na natin ito.

Okay.

Hindi ko na kaya.

Ang alin?

Ang ganito. You don't trust me at all.

We can't go on like this. Palagi nating magiging issue ito. Palagi mong ipagpipilitan na may relasyon kami ng coach ko kahit wala naman.

Nasa resort na ako ngayon. Later.


December 31, 2015

You know what's eating me about you and your coach? Siya ang dahilan ng pinakaunang away natin. Buong gabi't maghapon ka sa bahay niya na itinago mo sa akin at nag-oversleep ka pa kaya hindi ka nakapasok. Siya rin ang dahilan ng sumunod nating away. Dapat umaga pa lang nasa bahay ka na pero alas-kuwatro ka na nakarating dahil nag-coffee coffee ka pa kasama siya. Ang oras mo na dapat sa akin na ay inagaw niya pa.

Lately, dalawang beses kang hindi nakapasok dahil imbes na magpahinga, gumala ka kasama mo siya. Ano ba kino-coach niya sa'yo? Ang maging iresponsableng empleyado? Siya rin ang dahilan ng pinakamalaking away natin ngayon. Dahil sa pagtatanong ko tungkol sa kanya, inaway mo ako at tinrato nang hindi maganda. Hindi baleng masaktan ako, maipagtanggol mo lang siya.

Lagi ka ring natutulog sa bahay niya na hindi mo ipinapaalam sa akin. Paanong hindi ako magdududa? Kung wala kang ginagawang masama, bakit kailangan mong itago sa akin? Ganoon ba siya kaimportante sayo kaya kahit masira ang relasyon natin, patuloy ka pa rin sa pagtulog sa bahay niya kahit aam mong apektado ako? Ganoon ba ako ka-insignificant sa'yo para balewalain mo ang nararamdaman ko?

Nasa sa'yo na kung ano ang iyong gagawin. I need not spell out kung ano ang solusyon. Bahala ka na. Magdesisyon ka based on what's important to you.

Bahala ka sa gusto mong isipin. Basta alam ko kung ano ang totoo. If you refuse to believe in what I say, then so be it.

Alam mo, it's easier to say "If it bothers you, then I'll stop sleeping in his house". Pero hindi, talagang ipagtatanggol mo siya kahit masira tayo. Is that the choice you're taking? Is that the decision you're making?

I don't see anything wrong kung matulog man ako doon. Friends kami ni coach so why would I stop sleeping there kung wala naman kaming ginagawang masama?

Okay, fine. You've made your decision.

Hindi naman kasi natin dapat pinagtatalunan ito eh.

Don't worry, you won't hear about this from me ever again.

Okay.

Goodbye.

Meaning?

You're breaking up with me because you've chosen your coach, right?

Really now?

Okay. Kung yan ang gusto mo.

Ganoon talaga ako kadaling i-give up in favor of your coach, ano? I hope it's worth it. Kanyang-kanya ka na. I wish you happiness. Happy new year.

Oh yes. Happy new year to you, too!

Thursday, June 22, 2017

Sukdulan

A Collaboration with my EX


December 28, 2015

Ano, ganito na lang ba tayo?

Wala talagang balak mag-reply?

I have nothing to say.

So ganito na lang tayo?

Ikaw ang may gustong patagalin ito, di ba?

E di kasalanan ko pala lahat?

Kung sa palagay mo ako ang may kasalanan, then so be it.

So ganito na tayo? Hindi na natin aayusin? Dumaan ang Pasko, magkagalit tayo.

Binati kita. Di ka nag-reply.

Wala akong natanggap.

Tinext kita.

Wala nga akong natatanggap.

So ganito na lang tayo? Hindi na natin aayusin? Palalagpasin natin ang bagong taon na di tayo nagkakaayos.

Ano ba kasing nagawa ko sa'yo for you to treat me like shit?

Silent treatment lang, shit na kaagad?

I'm at the barber's now. Later.

***

Siguro naman tapos ka nang magpagupit by this time...

Nasa mall ako with my pamangkins. May pasok ka, di ba?

Bad timing huh?

Pauwi na. Will text you when I get home.

***

Home na. Dinner lang with family. Anong oras pasok mo?

Office na ako.

Ano, kumusta ka?

Okay naman. Ikaw?

Nasa probinsya ako ngayon. Having a quiet stress-free vacation.

Kumusta na kayo ng coach mo? Sa kanya ka na naman ba natulog?

Sa kanya na ako nakatira. Satisfied?

Ito pa rin ba ang issue natin?

Okay, that explains it. Umamin ka rin sa relasyon n'yo.

Kaya pala ganon ganon na lang kung awayin mo ako.

Ano pang pag-uusapan natin eh live-in na pala kayo.

Patola ka rin ano? Gosh!

Ang bilis mong maniwala.

Ang hinihingi ko sa'yo, magpaliwanag ka nang maayos. Hindi yung inaaway mo ako kapag nakakanti ko yang coach mo.

Lagi na lang kasi yun yung issue eh. Kahit wala naman dapat pagtalunan, lagi mo syang bino-brought up.

Kung mas importante sya sayo, kanyang-kanya ka na. I wish you happiness.

Hindi kasi baleng masaktan ako, maipagtanggol mo lang sya.

Hindi naman kasi sya dapat pagtalunan eh.

Bakit kapag nagtatanong ako, hindi ka makasagot nang maayos. Umiiwas ka to the point na aawayin mo na lang ako kesa mag-explain. So anong maiisip ko?

At saka bakit lagi kang nakikitulog sa bahay nya? Ano bang ginagawa nyo?

Alam mong hindi okay sa akin na nakikitulog ka dun, sige ka pa rin.

At kapag natutulog ka sa bahay nya, itinatago mo sa akin. So ano ang maiisip ko?

Ano ba gusto mong malaman tungkol sa coach ko? Una, wala kaming relasyon. Pangalawa, dun kami madalas tumambay at matulog sa bahay nya kasi wala kaming ibang tambayan. At wala kaming ibang ginagawa. Satisfied?

Kaya nga. Kung saan ka masaya eh di doon ka. Nakakagulo lang ako senyo.

Alam mo napaka-petty nitong pinagtatalunan natin eh. Maliit na bagay, pinalalaki.

Ayoko na kasing maging doormat. You've been treating me like one.

Grabe ka naman.

Parang sabit lang ako sa buhay mo eh. I'm not even in your priorities. I have to beg for your time and attention. Parang libangan mo lang kapag wala kayong lakad.

Hindi mo ba naisip na napakalayo mo? Na napakalayo ng bahay mo? Ako nang ako ang pumupunta sayo. Bakit hindi ako naman ang puntahan mo?

Bukas na lang uli tayo mag-usap. Pagod na kasi ako at nasa trabaho ka na. Baka mapagalitan ka pa.


December 29, 2015

I can't believe we're still arguing about this.

May pag-asa pa bang maayos ito?

We can try. We can give ourselves one last chance.


Gusto mo pa ba?


Pauwi pa lang ako.


***

Anong nangyari sa atin? Bakit tayo nagkaganito? 

Hindi kasi tayo nag-uusap.

Wala kasi tayong bonding. Ilang ulit na kitang niyayang mag-dinner sa labas, manood ng sine, ayaw mo.

Mas gusto mong kasama ang mga kaibigan mo kesa sa akin. Mas gusto mong gumala kasama sila kahit di ka matulog at di makapasok sa trabaho.

Alam ko malaki ang pagkukulang ko. I've been neglecting you. Not giving you importance. mAnd I am sorry. I really am. It's just that hindi ko alam kung ano ang uunahin. Maybe the problem is with me. Maybe I should pull my act together first.

Before I sleep, I think about you. Gumigising pa ako in the middle of the night to check kung may message ka. When I wake up, you're the first thing I think about. And when I'm working, ikaw ang inspirasyon ko. Kaya kung nasa party ka o nasa team building o nasa Baler na hindi nagtetext, ano sa palagay mo ang nararamdaman ko? The moment na kasama mo ang mga kaibigan mo, nalilimutan mo ako. I feel unimportant, insignificant and taken for granted in your life.

Maybe I wasn't a good boyfriend after all. I'm sorry, I really am sorry. Maybe I don't deserve all the love that you can give. Sorry. Sorry for all the heartaches that I've caused you.

Nung nag-Baler ka, di ka nagpaalam sa akin. Basta lumarga ka. No text whatsoever. Nung nandoon ka na, saka ka nagtext: "Baler na ako." Then nothing. Kaya ako nag-Obar dahil masama ang loob ko sa'yo. Dahil kasama mo mga kaibigan mo, wala ka na namang pakialam sa akin.

Sorry. Yun lang masasabi ko. It's hard growing up with only a few friends. Kaya siguro nung dumami sila, mas napahalagahan ko sila. Even to the point na nakakalimutan kita. And  am sorry. Maybe ako talaga ang may problema. Ako itong maarte, immature. 

Hindi mo ako iniisip at ang mararamdaman ko. Pati sa mga tweet mo, nakakasakit ka. Okay, bumibida ka sa mga followers mo but at my expense? Alam mo kung anong tweet ang tinutukoy ko. You posted it nung time na may away din tayo. It was very wrong to do that at that particular time. Aaminin ko, hanggang ngayon masakit pa rin sa akin ang tweet na yun.

Anong tweet?

"When I found love in someone else's arms."

Pagbali-baliktarin ko man I can't seem to shake off its implication.

Ah. Can I really be honest with you? Yes, tama ka. I've slept with my ex-GF that day.

Just what I thought.

I'm sorry. I know you're really mad at me right now.

Ex-GF or ex-BF?

Ex-GF.

It still hurts, you know...

Lahat ng sinabi ko sa'yo nung kinumpronta mo ako is true. She said that she still loves me and wants me back. It's just that I didn't tell you that we slept together.

I'm sorry. I really am.

Anong nangyari sa atin? Bakit tayo nagkaganito? I think we have the answers.  

Yeah. Ako rin pala makakasagot sa mga tanong ko.

For what it's worth, I am sorry. I am really sorry I cheated on you. Can you still forgive me?

I can forgive. But can I still trust you?

I don't know, really.

I don't think we can still save this relationship. Napakarami kong pagkakamali.

You don't know if you can trust yourself not to cheat on me again?

Are you giving up on us now?

Hindi yun eh. Sa tingin ko kasi, I still need to have a little time for myself. To think things over. I don't want to hurt you again.

This is what you want, right?

Sige, pag-isipan mo muna. Then maybe we can talk about it pagbalik ko sa Manila. Don't worry, hindi kita papupuntahin sa bahay. Ako ang pupunta sa'yo.

Tulog muna ako.

(May Karugtong)