Tuesday, April 14, 2009

Pagkakataon

Ang balak ko talaga maaga ako magsisimba pero late na ako nagising. At kahit mainit na ang sikat ng araw na iniiwasan ko sana, humabol pa rin ako sa 10:30 mass.

Sa kabila ng masiglang atmosphere dahil Pasko ng Pagkabuhay, napakainit sa simbahan. Mabuti na lang at ang napuwestuhan ko ay malapit sa electric fan.

Nagsimula ang misa at mataimtim akong nagdarasal nang may naki-excuse at nakiraan sa harap ko upang umupo sa bakanteng espasyo sa tabi ko. Sa aking pagkakayuko, nalanghap ko ang halimuyak niya na bagong paligo. Nag-angat ako ng mukha, sinulyapan ko siya at ako ay natigilan.

Kung gaano ka-fresh ang kanyang amoy ay ganoon din ka-fresh ang kanyang itsura. Para akong nawala sa sarili na napatitig sa kanya. Bata pa siya at napaka-guwapo niya.

Nginitian niya ako. Yumuko akong muli upang ipagpatuloy ang pagdarasal.

Pero distracted na ako. Parang may magnetic energy na hatid ang presence niya sa tabi ko. Pumikit man ako, nakalarawan na sa isip ko ang kanyang itsura.

Soft, shiny, black hair. Makapal na kilay at mahahabang pilikmata. Chinito eyes (na naman!). Cute nose. Mapupulang labi. Makinis at maputing kutis. Kaunting baby fats.

Ang hirap paglabanan ng tukso kahit na nakaharap ako sa altar at nakikinig sa pangaral ng pari. Pasundot-sundot sa aking kamalayan. Padampi-dampi sa aking pandama dahil sa manaka-nakang pagdidikit ng aming mga balikat at pagkikiskisan ng aming mga braso.

Napapabuntonghininga na lamang ako.

Nang nasa bahagi na ng pagkanta ng “Ama Namin”, nagulat ako when he grabbed and held my hand. Nadama ko ang malambot niyang palad.

Bumilis ang tibok ng aking puso nang maramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa aking kamay.

Sinulyapan ko siya sa gilid ng aking mga mata. Diretso ang tingin niya pero higit na naging madiin ang pressure na iginagawad niya sa aking kamay. Hinigpitan ko rin ang pagkakahawak sa kanya.

Tahimik na nagpambuno ang aming mga kamay sa pagpisil hanggang sa matapos ang kanta at kami ay nagbitiw.

Sa pagsapit ng “Peace Be With You”, nagbatian kami. Nagngitian. Nagtitigan. Kung maaari ko nga lang siyang hagkan katulad ng paghalik sa bawat isa ng mga magkakapamilya sa aming paligid.

Natapos ang misa na may pagpipigil sa aking kalooban. Tinanaw ko siyang papalayo paglabas sa simbahan. Pinagmasdan ko ang kanyang kabuuan.

Tumigil siya sa paglalakad. Lumingon sa aking kinaroroonan.

Napako ako sa aking kinatatayuan. Sa gitna ng hugos ng mga taong katatanggap lang ng bendisyon, nawalan ako ng lakas ng loob upang i-pursue ang blessing na nakangiti, nag-aanyaya at naghihintay sa akin.

***

Later that day, nayaya akong mag-mall ng dalawa kong kaibigan. Pagkatapos maglibot, kumain at magkape, tumuloy kami sa Powerbooks. Nagsisimula nang gumabi at iyon na ang aming last stop. Naghiwa-hiwalay kami sa loob.

I was browsing at the Fiction section nang may tumawag sa pangalan ko.

“Aris…”

Nag-angat ako ng paningin. Nasa harap ko ang isang smartly dressed na babae in her 40’s na kaagad kong nakilala.

“Katrina!” ang bulalas ko.

Officemate ko siya dati (actually, supervisor ko siya) and it has been years nang huli kaming magkita.

Nagbeso-beso kami. Hindi kami close pero ok naman kami. Hindi lang siguro kami nagkaroon ng pagkakataon noon na maging magkaibigan.

“How are you?” ang pangungumusta ko.

“Still connected with the same company. Ikaw?”

I updated her a little about myself.

“You still look the same,” ang sabi niya. “Are you married?”

“No. Ikaw?”

“Single mom pa rin. Pero masaya na ako.”

Gusto kong sabihin: ako rin, masaya na sa pagiging single. Pero bago ako nakapagsalita, nakita ko siya.

The boy from church.

Para siyang isang aparisyon na dahan-dahang nagmula sa likod ng bookshelves at ngayon ay papalapit sa kinaroroonan namin ni Katrina.

Natigilan ako. May sinasabi si Katrina pero hindi ko na narinig dahil inagaw na ang atensyon ko ni church boy. Nakatingin siya sa akin at nakangiti.

Napansin yata ni Katrina na may tinitingnan ako sa likuran niya kaya napalingon siya. Napangiti siya nang makita si church boy.

“Oh, there you are,” ang sabi ni Katrina.

Nagulat ako at nagtaka.

“Aris,” ang baling niya sa akin nang nasa tabi na niya si church boy. “I would like you to meet my son, Xyrus.”

Hindi ako makakibo. Napatda ako sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa kanila. Parang na-shock ako.

“Xyrus, this is my former officemate, Aris. Say hello, anak.”

Inabot ni Xyrus ang kamay niya upang makipag-shake hands sa akin.

Muli, nadama ko ang malambot niyang palad. At ang marahang pisil.

Napangiti ako hindi lang dahil pleased ako na makilala siya kundi dahil mangha ako sa pagkakataong iyon.

I tried my best to compose myself. Ipinagpatuloy ko ang pakikipagkuwentuhan kay Katrina at nagkunwari akong hindi apektado sa presence ng anak niya.

Tumingin-tingin ng libro si Xyrus sa di-kalayuan sa amin.

Maya-maya, nagpaalam si Katrina. “May hinahanap nga pala akong recipe. Maiwan na kita, Aris. It was nice seeing you again.”

Tinawag niya ang pansin ni Xyrus. “Anak, I am going to the Cookbook section.”

“I’m staying right here, mom,” ang sagot ni Xyrus.

“Ok.” At umalis na si Katrina.

Naiwan kami ni Xyrus sa lane na iyon ng mga fiction books.

Nagkatinginan kami. Nagkangitian.

Magkatabi kaming nag-browse. Walang imikan. Nagpapakiramdaman.

Siya ang unang hindi nakatiis sa katahimikan.

“So, you and my mom were officemates…” ang sabi niya.

“Yup. She’s older though.” I had to emphasize that.

“I can see that…”

“But that still makes you very young…” ang sabi ko.

“I’m old enough to be allowed beer in Malate.”

Natigilan ako. “Malate? You go to Malate?”

“Yup. And guess what… I’ve seen you there. Once… twice…”

“Huh? Really?”

“Minsan nang nagkatabi ang mga mesa natin sa Silya. Minsan mo na ring nakasayaw ang friend ko sa Bed.”

Gosh, I must really be all over the place. Wala na yata talaga akong mystery.

“Please don’t tell my mom about Malate, ok?” ang sabi niya.

“Don’t worry, I won’t.” I assured him.

Sandali kaming natahimik. Waring parehong nag-aapuhap ng sasabihin.

“I have to go find my mom,” ang sabi niya pagkaraan.

“Will I see you again?” ang tanong ko.

“Sure. I’ll see you in Malate.”

“Bakit doon?”

“Dahil doon, we can be ourselves. Maaari tayong mag-usap na hindi iniisip ang mom ko." At halos pabulong: “Aris, I want to know you better.”

Napangiti ako. “Gusto rin kitang higit na makilala, Xyrus.”

“I’ll see you then.”

Hindi na ako nagtanong kung kailan. Bahala na ang tadhana sa pagtatakda ng pagkakataon upang kami ay muling magkita. Sapat nang assurance ang dalawang ulit na pagku-krus ng aming landas ngayong araw na ito upang ako ay maniwala at umasa na kami ay muling pagtatagpuin.

“Bye, Aris.”

“Bye, Xyrus.”

He gave me a playful wink bago siya umalis.

22 comments:

Tristan Tan said...

Aba aba aba... parang gusto ko ito. Dapat talaga makatambay na ng madalas sa Malate... Hehe.

Jinjiruks said...

bakit ganon kung san ka pupunta nakakatagpo ka agad ng prospect, anu bang mga ritual ang ginagawa mo bahay at mukhang madaming pheromones ka sa katawan na nakaka-attract sa mga yan. oy aris anak ng officemate mo iyan, paano pa pag nalaman ng mom niya yan.

MkSurf8 said...

astig to! iba na tlaga ang sikat sa malate. hinahabol, masimbahan o bookstore!

happy easter mah frend! ;-)

Herbs D. said...

haha. so does that mean im legal to flirt with older guys now? hahaha.

i can go to bars na rin at Malate eh. hahaha weeeeeeeeee! LOL

wanderingcommuter said...

hindi ko alam kung maeexcite ako o kakabahan! hehehe

joelmcvie said...

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!

Ilang taon na si "pagkakataon", ha? =)

Friend, the next time we bump into each other in Malate, pakilala mo naman ako kay Miley Xyrus!

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!

Luis Batchoy said...

saya saya naman! Swerte mo naman at naka hanap ka ng sampares ng "easter egg!' hehehehe

Theo Martin said...

WHY DOES YOUR LIFE HAVE TO BE LIKE THE ONES I WATCH IN MOVIES? BAKIT GANUN HA? BAKIT MASHADONG PERFECT? MAY TOTOO BANG NANGYAYARING GANITO? NAKAKAINIS KA BAKLA KA! HAHAHHAA :)

. said...

Ang liit ng mundo. Hahaha.

Gram Math said...

OMG! im so happy for you.
I shall go to that place then every night, maybe someone is there waiting for me too

lucas said...

such a small world...

Jinjiruks said...

i agree with Theo bakit lahat na lang ng best of both world eh nasa iyo. anung meron ka na wala kami. ahehe! inggit ako. grr!

Yj said...

ano vah!!! ito ang mga post mo na pumapatay sa akin eh hehehehehe

nakaka excite....

Herbs D. said...

speaking of which, i just realized how you're so popular in Malate. Ni flower and candy vendors kilala ka.

iba talaga pagmay connectionzzz eh no? hahaha

Kane said...

Aris,

I guess you're singing a new song.

To James:
Last night I fell in love without you
I waved goodbye to that heart of mine
Beating solo on your lawn

K

Aris said...

@tristan tan: i expect to see more of you in malate. :)

@jinjiruks: iniisip ko lang lagi na desirable ako hahaha! wala pa naman akong ginagawa kaya walang dapat ipag-alala si mama. :)

@mksurf8: friend, hindi naman ako sikat. mabait lang hehe! happy easter. ingat always. :)

@herbs d.: why not? wait, 16 ka lang di ba? ay, wag muna. delikado hehe! thanks for dropping by. i just followed your blog. :)

@wandering commuter: medyo kinakabahan nga rin ako hehe! bahala na. maraming salamat sa pagbabasa at sa comment. :)

@joelmcvie: 18 or 19? ay, ano ba yan, may-december din? kapag nagkita kami at nandun ka, surely ipapakilala ko siya sa'yo. :)

@luis batchoy: ay, wag easter eggs. baka mabasag kapag hinawakan. easter bunny na lang para pwedeng i-hug hahaha! :)

@theo martin: perfect ba yun? e lagi nga akong sawi. :)

@mugen: hindi ko alam kung bakit lately parang nagiging claustrophobic na ako hehe! :)

@gram math: wag naman gabi-gabi hehe! every saturday na lang. sana ma-meet din kita minsan sa malate. :)

@lucas: this has been happening to me a lot lately. sana last na ito. :)

@jinjiruks: lagi nga akong broken-hearted eh.

@yj: sana nga may karugtong ang kwentong ito. excited rin ako pero ngayon pa lang, sinasaway ko na ang sarili ko, na wag masyadong umasa. ayoko na uling mabigo. char! :)

@herbs d.: hindi ako popular. lagi lang nga ako sa tabi. friendly lang siguro. :)

@kane: james? sinong james? joke lang hahaha! over na ako sa kanya but we are still friends. :)

wanderingcommuter said...

hoping for the best for you, aris.

matagal na ako nagbabasa. ngayon lang nagkaroon ng time magcomment. hehehe

Dabo said...

hayy maka pag malate na rin kaya lagi hahaha..

Mac Callister said...

ang haba ng hair!!!kinilig ako promise!

sana kinuha mo number kainis ka naman LOL!

Aris said...

@wandering commuter: thank you very much. sana kahit paano, napapasaya ka ng mga sinusulat ko. ingat always. :)

@dabo: pramis yan ha? para ma-meet na rin kita in person. :)

@mac callister: kaka-tense din. baka sampalin ako ng nanay hehe! our paths will cross again one day, i'm sure. :)

Anonymous said...

anak ng. DESTINY??? nyahahahaha! ang galing naman... nakakakilig naman. at sana nga naman eh magkita pa kayong ulit.

Kokoi said...

anoh to? parang pelikula! liit ng mundo!