“Tayo na ba?”
Tumingin siya sa akin. “Kailangan mo pa bang itanong?”
Hindi ako nakasagot. Sinalubong ko ang kanyang mga mata.
“Ano pa ba ang ibig sabihin ng ginagawa natin?” ang sabi niya. We have been seeing each other for a month now after meeting in a club.
“I just want to know,” ang sabi ko. May nararamdaman na kasi ako. At kung wala rin lang kaming patutunguhan, balak ko nang tumigil bago pa maging mahirap.
“Akala ko, nagkakaintindihan na tayo. Na tayo na. Matagal na.”
Lumukso ang aking puso. “Akala ko kasi, nagde-date lang tayo.”
“Pero nagse-sex na tayo, di ba?”
“Maaari rin naman kasing nagse-sex tayo pero walang ibig sabihin.”
“Sa akin hindi. Dahil hindi ako makikipag-sex kung walang feelings.”
Napangiti na lamang ako.
Ngumiti rin siya at inakbayan ako. “Basta tandaan mo, mula ngayon, may boyfriend ka na. Kaya huwag ka nang makikipagkita sa iba.”
“Oo naman,” ang sagot ko. I couldn’t be happier.
***
Bliss. For the next two weeks.
Mula nang magkalinawan sa status namin, higit siyang naging maalaga. At mapagmahal.
Panay ang text niya. Updated ako kung nasaan siya, kung ano ang ginagawa niya. Panay din ang paalala niya na kumain ako sa oras, huwag masyadong magpapagod, etc. Naging expressive din siya – I love you, iniisip kita, I miss you.
Naging mas madalas din ang aming pagkikita. At sa bawat pagkakataon ay lagi kaming puno ng saya. Laging memorable ang aming bawat pagsasama.
Ipinakilala ko siya sa mga friends ko at nag-click siya sa mga ito.
Wala na akong mahihiling pa. It seemed na natagpuan ko sa kanya ang perfect boyfriend na matagal ko nang hinahanap.
Isang araw, may nabanggit siyang problema tungkol sa kanyang tinutuluyan. Nangungupahan lang kasi siya at nitong mga huling araw, may friction daw sila ng kanyang roommate. Hindi sila nag-uusap at nagpapansinan.
“Bakit,” ang tanong ko. “Ano’ng pinagmulan?”
He shrugged. “Wala. Nagkakainisan lang.”
Lumala iyon nang lumala. Hanggang sa nakita kong apektado na siya.
“Bad trip talaga dito sa bahay,” ang text niya sa akin isang hapong kauuwi niya lang.
“Bakit?”
“Pagdating ko, nakahiwalay ang mga gamit ko.”
“Bakit ginawa ‘yan ng roommate mo?”
“Hindi ko alam. Siguro, pinapalayas niya na ako.”
“Bakit hindi kayo mag-usap?”
“Sinubukan kong kausapin, hindi ako pinansin. Lalabas muna ako. Nag-iinit ang ulo ko.”
“Saan ka pupunta?”
“Kahit saan.”
Nag-worry ako. “Gusto mo magkita tayo?”
“Huwag na. I’ll be fine. Uuwi din ako maya-maya. Kapag nakaalis na siya.”
The next day, may bagong issue na naman sila.
“Dapat yata, lumipat ka na lang ng tirahan,” ang sabi ko. “Hindi healthy na lagi kang naiinis pag-uwi mo.”
“Oo nga.”
“Gusto mo, tulungan kitang maghanap ng malilipatan?”
“Sige. Kapag hindi ko na talaga matiis, sasabihan kita.”
Subalit hindi na iyon nangyari. Dahil nang sumunod kaming magkita, ang sabi niya, nagkaayos na sila ng roommate niya.
“Nag-usap na kami at na-solve na ang problema.”
“Ano ba kasi ang naging problema ninyo?” ang tanong ko.
“Huwag na nating pag-usapan,” ang sagot niya. “Hindi na iyon mahalaga.”
***
The following week, may napansin ako. Nabawasan ang mga text niya sa akin.
Inisip ko na lang, baka busy. Ang mahalaga, nagte-text pa rin siya.
Kaya lang nakakapanibago. Dahil kung dati-rati, umaga pa lang, ang dami niya nang text sa akin, ngayon, hapon na ako nakakatanggap ng text mula sa kanya. At sa mga pagkakataong nag-“I miss you” ako, hindi ako nakatanggap ng sagot na “I miss you too”.
Nagkaroon ako ng pagtataka pero pilit ko pa ring binalewala iyon at hindi binigyan ng kahulugan.
Pagsapit ng Sabado na araw ng aming pagkikita, kumpiyansa akong nag-text sa kanya: “What time will I see you later?”
Patlang.
Nag-resend ako.
Saka lang siya sumagot. “I am sorry, hindi muna tayo pwedeng magkita ngayon.”
“Ha? Bakit?”
“Uuwi kasi ako ng Laguna.”
“Biglaan?”
“Oo.”
Gusto kong itanong kung bakit hindi niya iyon binanggit sa akin earlier pero ipinagpasya kong manahimik. Isang maiksing “ok” na lamang ang aking naging tugon.
Pero napag-isip ako. Una, dumalang ang text niya. Pagkatapos, hindi kami pwedeng magkita ngayon.
Hindi ko napigilan, tinext ko uli siya. “May problema ba?”
“Wala,” ang sagot niya.
Hindi ako nakuntento. Nag-follow up ako. “May nabago na ba?”
“Saan?”
“Sa ating dalawa.”
Hindi siya nag-reply.
***
Sa kabila ng mga pagtatanong at pagdududa, ipinagpasya kong manahimik at huwag nang mangulit. Hihintayin ko na lamang ang tamang pagkakataon upang kami ay makapag-usap at saka ako hihingi ng paliwanag.
Subalit hindi ko na kinailangang maghintay nang matagal. Dahil nang gabi ring iyon, may natanggap akong sagot. Hindi nanggaling sa kanya, kundi sa isang kaibigan.
“Break na ba kayo ng jowa mo?” ang text ng friend ko.
“Hindi,” ang sagot ko.
“Bakit ganoon?”
“Anong bakit ganoon?”
“Nandito kasi kami ngayon ng jowa ko sa Greenbelt.”
“O ngayon?”
“Nakita ko ang jowa mo. May kasamang iba. Sweet sila.”
Parang bigla akong nag-shut down.
Hindi muna tayo pwedeng magkita ngayon. Uuwi kasi ako ng Laguna.
Matagal bago ako naka-recover. At ang sakit-sakit ng aking dibdib.
***
Monday, hinintay ko ang text niya subalit wala akong natanggap kahit isa.
Tuesday… Wednesday… wala pa rin. Sabi nga, may ibig sabihin ang silence. At hindi pa ba malinaw ang ibig niyang sabihin? Pinairal ko ang pride ko kaya hindi ko rin siya tinext.
By Thursday, tanggap ko na. Wala na kami. Hindi pa ba obvious?
Masakit. Pero ayaw kong maghabol at magmukhang kawawa. So be it, kung hanggang dito na lang kami. Titiisin ko na lang at pipilitin kong mag-move on.
Kaya nang sumapit ang Sabado, hindi ako nagdalawang-isip sa imbitasyon ng mga kaibigan ko. Sumama ako sa gimik. Kailangan kong malibang at makalimot.
Subalit naganap ang hindi inaasahan. Sa club na kung saan kami nagkakilala, muling nagkrus ang aming mga landas.
Nang magkatinginan kami, akala ko, iiwas siya. Pero nilapitan niya ako.
Alam ko, puno ng hinanakit ang mga mata ko habang nakaharap sa kanya.
Nang hawakan niya ako sa braso, nanghina ako. At nang akayin niya ako palabas, parang gustong bumigay ng mga tuhod ko.
***
“Wala na ba tayo?” ang tanong ko. Nangangalahati na ang bote ng iniinom naming beer.
“I am sorry,” ang sagot niya.
“Sagutin mo ako nang diretso.”
“Hayaan mo muna akong magpaliwanag.”
Ayoko na sana ng paligoy-ligoy, pero dahil gusto kong malaman ang totoo, binigyan ko siya ng pagkakataon.
“Alam mo naman na nang magkakilala tayo, kaka-break ko lang, di ba? Sinabi ko ‘yun sa’yo.”
Tumango ako.
“Nang magkakilala tayo, naging masaya ako. Nahulog ang loob ko sa’yo. Kaya nga nang tinanong mo ako kung tayo na, sabi ko, oo.”
Nakikinig lang ako.
“Sorry, nagkamali ako.”
“Nagkamali?” Hindi ko napigilan ang mag-react.
Bumuntonghininga muna siya bago sumagot. “Akala ko, nakahanda na akong mag-move on. Pero mahal ko pa pala ang ex ko.”
Tumimo iyon sa aking puso. “At ako, hindi mo ako mahal?”
“Minahal kita.” Past tense. Na-take note ko iyon.
“Ok, so wala na tayo?” Nagpakatatag ako.
“Nagkabalikan na kami.”
Higit na naging masidhi ang kirot sa aking puso. Parang gusto kong maiyak pero pinigil ko.
“May dapat kang malaman.”
“Ano ‘yun?”
“Ang ex ko at ang roommate ko ay iisa.”
Stunned ako.
“Matagal na kaming live-in. Ang hirap nang mag-break kami. Tinangka kong umalis sa bahay pero pinigilan niya ako. Hindi ko inakala na sa aming pag-uusap, magkakabalikan kami. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa’yo kaya nanahimik muna ako.”
Nagsisikip man ang dibdib, nagpakahinahon ako. Hindi ko hinayaang kumawala ang emosyon ko. Ayokong makita niya akong distraught.
Muli naming ipinagpatuloy ang pag-inom. At nang maubos ang beer, muli siyang nagsalita.
“Halika, ihahatid na kita sa loob.”
“Huwag na. Mauna ka na.”
“Uuwi na ako. Sandali lang ang paalam ko sa kanya.”
“Sige. Iwan mo na muna ako rito.”
Akmang hahalik siya sa akin subalit pinigilan ko siya.
“Don’t make it harder for me,” ang sabi ko.
Mataman niya akong tinitigan. Tumayo siya at tumalikod.
Nagsindi ako ng sigarilyo.
Hindi ko alam kung dahil sa usok, pero nanlalabo ang mga mata ko habang pinagmamasdan ko ang kanyang paglayo.
39 comments:
from my ex files. :)
shoot!!! sakit sa dibdib... :'(
aray. ang sakit naman nito, lalo yung linyang, "mahal mo pa ba ako?" "MINAHAL KITA" ouch! hahay. pag-ibig nga naman!
i hope this one didn't happen recently.
naka relate ako!!! ganyan din kc ang nangyari sa akin, more than a week lang tapos wala ng kumunikasyon sa isa`t isa....
letse! damang-dama ko to ha... parang ako ang ang nagkikwento...
I went back to those moments. yes, "those" kasi paulit-ulit na nangyari. asar!
I love the story 'tho it is really sad and painful...
JJRod'z
Being in a relationship is such a circus...
I like how you told this story.
Aris, sya din ba yung bida sa Unexpectedly, Unfolding and White Shoe Diary? Hopefully not.
Alam mo mare, pag nagbabasa talaga ko ditey, wit ko ma-recognize ang trulili sa eklavoo. Hinihilo mo akez!
Nanlalabo na mata mo ning, signs of aging. Ipa-rehab mo muna ang puso mo ning, baka nasobrahan na sa pag-ibig.
aw.. rebound. saklap. nakarelate lang ako sa mga pesteng still-in-love-with-my-ex na ganyan! haha
aray.. that hurts haha..
since sabi mo nmn from your ex files so..
bienvenido_lim said...
- Aris, sya din ba yung bida sa Unexpectedly, Unfolding and White Shoe Diary? Hopefully not.
====
heto rin sana ang itatanong ko. hhhmm... aris?
how sad naman ng story nato! huhuhu... hugs from me! :)
kala ko recent lang e...
hay andami mo ng breakups...di ka pa ba napapagod?
pahinga ka kya muna aris :-(
shet.. ayos to ah... nakarelate ako somehow... may pagka "no strings attached" ang drama.. saka ung "tipong kayo na, pero hindi"... pwedeng pang CINEMALAYA to! hehe.. ^^
mahirap, masakit po at mahirap ulit.
ouch! saket naman.. sad story...
@angel: sakit talaga nang mangyari iyon. :)
@ester: sinabi mo pa, friend. kalurkey ang love! :)
@leo: ay, hindi po. matagal na itong nangyari. :)
@mcfrancis: ganoon yata talaga. bigla na lang mawawala kung kailan nag-fall ka na. :)
@jj rodriguez: siguro lahat tayo at one point in our lives, nabigo na sa pag-ibig. pero ganoon talaga. madadapa muna ng ilang ulit habang naglalakbay bago marating ang paroroonan. :)
@xall perce: thank you. i agree, madalas talaga parang perya ang pag-ibig. ang dami-daming sorpresang nakamamangha, nakapagpapasaya at yun nga, minsan nakapagpapalungkot din. :)
@bienvenido lim: no, my friend. ibang tao. hehe! salamat sa iyong concern. :)
@baklang maton: trulili itey, mars. kaya lang bakas na ng lumipas.
ay, akala ko, covered ng olay ang poor eyesight as a sign of aging. hahaha!
don't worry, mare, sa ngayon ay may nag-aalaga na ng puso ko. hehe! :)
@the green breaker: actually. dami kayang ganyan. sabagay, may isang pagkakataon na naging drama ko rin yan noon. na-karma lang ako. haha! :)
@koro: masakit nga. pero tapos na kaya ok lang. bahagi na lang ng mga naging karanasan sa pag-ibig. :)
@adventure: hindi siya ito. salamat sa iyong pag-aalala. masakit noon pero hindi na ngayon. *hugs back* :)
@mac callister: napagod din ako, my friend. pero nakapagpahinga na. at ngayon, sinusubukan kong muli. so far, so good naman. :)
@leonrap: alam kong makaka-relate ka dahil nabasa ko ang huling post mo. pero huwag mong gagayahin ang ending ko ha? wish ko na maging happy ka sa kanya. :)
@anonymous: true. pero bahagi na yata talaga yan ng pag-ibig. :)
@jhammy whoops!: buti na lang, nalagpasan ko na. at sa ngayon, wala nang masakit kaya nagawa ko nang ikuwento. :)
andami namang senyales mula umpisa pa lang eh. nakakabulag talaga ang lecheng pag-ibig na yan.
"Don’t make it harder for me" - Super like ang line. Another moving story. Lesson: Dont give it all, reserve some for yourself, iba na ang segurista... cguro naman di paulit ulit ang mistakes na to, kc kung magkagayon baka ikaw na ang may problem... this serves as a learning experience of the pasts. Muwah!
I can feel your pain, im so sorry, kala ko masaya kana sa kanya.. npaka unfair nang ginawa nya :d
Naiyak ako dun ah... Nararamdaman ko ang sakit... :(( ayus ka lang kuya?
ang lungkot, aris. :'( at fave ko yung last line.
aris! isa akong fan. at may blog na ko. :) http://akoangdramaking.blogspot.com/ pa-follow naman. thanks!
so hindi it recent? buti nanamn. pero musta lovelife at present? :)
Ansakit.
G B ba initials niya o kaya B B? -jake
@nishiboy: actually. nabulagan lang talaga ako nang husto. :)
@arnel: lesson learned. will be more discerning next time. hehe! :)
@anonymous: thanks. thing of the past. sa ngayon, masaya naman ako. :)
@wastedpup: sorry kung pinaiyak kita. yup, ok naman ako ngayon. salamat. :)
@sean: friend, pasensya na kung pinalungkot kita. talaga, nagustuhan mo yung last line? happy ako. salamat. :)
@drama king: welcome to the world of blogging. done, i've followed you na. thanks. :)
@rygel: nope. past na ito. at sa ngayon, masaya naman ang lovelife ko. hehe! :)
@lasher: buti na lang nag-heal na ako sa karanasang yan. :)
@jake: ay, hindi po. :)
wow lng :)
@chuckito: salamat. :)
I can't breath while reading the climax of the story. I felt the same thing. It's hard to find solely genuine na masasabi mong iyo. hayst people change and un ang masakit lalo na pg ginamit ka.
@zirjaye s.: so true. anyways, thank you for the visit and for leaving a comment. salamat din sa follow. ingat. :)
i know this is hard. especially if we need to make this kind of tough decision. iam on the same situation no masakit nga sobra..
@anonymous: sana ay makapagdesisyon ka nang tama at malagpasan mo rin ito nang hindi masyadong nasasaktan. hugs. :)
Post a Comment