Wednesday, December 18, 2013

Simbang Gabi

Bumangon ako, naghilamos, nagbihis. Tahimik at maingat ang bawat kilos. Pati pagsisindi ng ilaw ay iniwasan ko -- lampshade lang -- upang huwag mabulabog ang mga kasambahay. Sa dilim ng aking silid ay saglit akong humimpil. Huminga nang malalim at pinakiramdaman ang sarili -- ang pusong mabilis ang tibok, ang hindi mapigil na excitement. Ang tila ba ay muling pagiging teen-ager na sa unang pagkakataon ay kinatok ng pag-ibig. Sino ang mag-aakala na sa ikatlong araw ng simbang gabi ay muling magkakakulay ang aking paligid?

Nagkatabi kami sa simbahan noong unang gabi. Gayundin noong pangalawa na kung saan nagkatitigan kami, nagkangitian at nagkasabay sa paglalakad pauwi. Iisa lang ang aming direksiyon dahil magkapitbahay kami -- bagong lipat lang sila sa aming subdivision. At kahit tahimik, naroroon ang aming pakikipagkomunikasyon -- nasa kalkuladong mga hakbang upang manatiling magkasabay, nasa kislap ng mga matang kasingningning ng morning star at nasa mga ngiting patuloy sa pagsilay katulad ng pagbubukang-liwayway. 

Nang sapitin namin ang gate ng bahay, ginawaran ko siya ng sulyap na namamaalam. Sinalubong niya ang aking mga mata. “Bukas, sabay na tayong magsimba,” ang sabi niya bago lumisan. Tinanaw ko siya habang papalayo, patungo sa bandang dulo ng kalye na kung saan naroroon ang apartment nila.

At ngayon nga, ito na ‘yung sinasabi niyang “bukas”. Gayong hindi malinaw ang usapan kung paano kami magtatagpo, tiyak ang aking pagkakaintindi. Maya-maya pa’y kumahol ang aming aso. Dahan-dahan akong bumaba at lumabas ng bahay. Malamig ang simoy ng hangin subalit kaagad akong binalot ng mainit na pakiramdam. Naroroon siya, nakatayo sa tapat ng gate. Nabanaag ko ang kanyang ngiti sa tanglaw ng parol na nakasabit sa poste.

Friday, December 6, 2013

Sleepover

i looked at him and his bulge
as he pranced around in briefs
he was my officemate
and he knew i wasn’t straight.

he moved closer to where i sit
and towering over me
with a grin on his face
he touched my lips.

husto na ang pagkukunwari
matagal ko na siyang gusto
palay na ang lumalapit sa manok
tatanggi pa ba ako?

i closed my eyes
and i enveloped him
bumukas ang pinto --
his mom with my extra pillow.

wala sa aming nakapagsalita
siya, dahil sa pagkabigla
ang nanay niya, dahil sa pagkahindik
at ako, dahil puno ang bibig. 

Saturday, November 30, 2013

Best Man (ebook)


















I had a hard time composing myself. “Alam ko na kahit noong tayo pa, mas nangingibabaw ang pagiging lalaki mo. Pero hindi ka 100% straight!” 

“Nakapagdesisyon na ako. Pakakasalan ko si Romina,” ang sagot niya. 

Parang saglit na tumigil ang mundo ko. 

“May hihilingin sana ako sa’yo,” ang sabi niya pagkaraan. 

“Ano yun?” ang tanong ko, pilit ikinukubli ang pagkabagabag. 

Inapuhap niya muna ng tingin ang mga mata ko bago nagsalita. 

“Will you be my best man?”

BEST MAN
by Aris Santos

Read or download the free ebook at Smashwords.

Check me out at Goodreads.

Tuesday, November 19, 2013

Plantation Resort 17

“Ano’ng ginagawa mo rito?” ang tanong ni Leandro.

Titig na titig siya kay Leandro. Pahapyaw na nagbalik ang mga alaala -- ang tag-init na iyon nang maging panauhin nila ito sa hacienda at ang mainit na tagpong nasaksihan niya sa pagitan nito at ni Miguelito sa tabing-ilog.

“Alberto?” Napukaw siya sa saglit na pagkatigagal nang muling banggitin ni Leandro ang kanyang pangalan.

Sa gilid ng kanyang mga mata ay namataan niya ang papalapit na si Jun.

“Tulungan mo ako,” ang sabi niya kay Leandro. “Sinusundan niya ako.”

Unang tingin, alam na ni Leandro na hindi kanais-nais ang karakter ng lalaking paparating. Kaagad niyang hinawakan sa braso si Alberto at hinila palayo. “Halika, sumama ka sa akin.”

Mabilis silang naglakad, halos patakbo. Hindi na niya pinagkaabalahang lingunin pa si Jun. Ngayong hindi na siya nag-iisa at may kakampi na, tila nawalan na siya ng takot dito.

Pagliko nila sa isang kanto, eksaktong may dumaraang taksi. Pinara iyon ni Leandro at nang huminto,  kaagad silang sumakay.

Binigyan ni Leandro ng direksiyon ang driver. “Bilisan mo, Manong!” ang dugtong pa nito.

Humarurot ang taksi at saka lang siya napanatag.

“Sino ang lalaking iyon?” ang tanong ni Leandro.

“Nakilala ko sa Ali Mall. Niyaya akong magsine. May gustong gawin sa akin sa loob.”

Hindi alam ni Leandro kung maaawa o matatawa kay Alberto. “Kailan ka pa rito?”

“Kagabi lang. Natulog ako sa istasyon ng bus kaya lang, nanakaw ang bag ko. Wala akong pera kaya hindi ko alam kung saan ako pupunta.”

Napailing si Leandro. “Bakit ka nagpunta rito?”

Gumuhit ang lungkot sa mukha ni Alberto. “Mahabang kuwento.”

Hindi na nagpilit si Leandro na alamin ang dahilan. Tila naunawaan na nito na kung ano man ang nag-udyok kay Alberto upang lumuwas ng Maynila, iyon ay isang malungkot na kuwento. May tamang panahon at pagkakataon upang isalaysay iyon.

Ilang sandali pa ay sinapit na nila ang kanilang patutunguhan. “Diyan na lang, Manong, sa tabi.”

Bumaba sila sa tapat ng isang apartment.

“Dito ako nakatira.”

Napatingin siya kay Leandro, nakakunot-noo. Mansion ang inaasahan niya dahil iyon ang kanyang naulinig sa ina nitong si Doña Rosario noong magbakasyon ang mga ito sa hacienda.

Tila nabasa ni Leandro ang nasa kanyang isip. “Kinuha ni Mama ang apartment na ito para may matuluyan ako malapit sa eskuwelahan ko. Nagsa-summer classes kasi ako ngayon.”

Tinungo ni Leandro ang unang pinto ng apartment -- kasunod siya -- at nang mabuksan ito, bumungad sa kanya ang isang simpleng tirahan na essentials lang ang mga kagamitan -- sala set, dining table, refrigerator. Wala ni anumang dekorasyon at medyo may kaguluhan dahil sa mga hindi nailigpit na pinagkainan at nagkalat na mga libro. Subalit naisip niya, ano nga ba ang kanyang aasahan? Lalaki si Leandro, mag-isa lang sa bahay. Natural lang na ito ay maging makalat.

Lalaki nga ba? Muling nanumbalik sa kanyang alaala -- kagaya kanina -- ang naging kuwento sa kanya noon ni Miguelito tungkol kay Leandro at ang namagitan sa kanila. Gayundin ang pagkakaroon nito ng kaugnayan hindi lang kay Miguelito kundi sa isa pang lalaking kaeskuwela. Dahil doo’y nadagdagan ang katanungan niya. Hindi na lang tungkol sa kasarian ni Leandro kundi pati sa status nito. Mag-isa nga lang ba?

“Mag-isa ka lang ba rito?” Hindi niya napigilan ang magtanong.

Sa halip na sumagot ay nagkibit-balikat lamang si Leandro, tinungo ang hagdan at umakyat sa itaas. Naiwan si Alberto sa salas, minabuti ang manatili at maghintay.

Bakit siya dinala rito ni Leandro? Ibig ba nitong sabihin, binubuksan nito ang tahanan upang siya ay may matuluyan?

Tanong na kaagad nagkaroon ng kasagutan dahil hindi nagtagal ay bumaba rin si Leandro, may dalang damit na iniaabot sa kanya. “Magpalit ka muna,” ang sabi. “Basa ang damit mo.”

Saka niya lang napansin na nakapagpalit na ito dahil pareho nga silang nabuhusan ng softdrink kanina.

“Dumito ka na lang muna kung wala kang matutuluyan,” ang sabi ni Leandro.

Para siyang nabunutan ng tinik. Noong una niyang nakilala si Leandro, hindi ito naging mabait sa kanya. Hindi niya inaasahan na ito ang sasalba sa kanya sa kagipitan niya ngayon. “Salamat,” ang tanging nasabi niya, pigil ang emosyon subalit mababakas iyon sa kanyang mga mata.

“Dito ang banyo,” ang turo ni Leandro sa isang pinto malapit sa kusina. “Kung gusto mo, maligo ka muna. Sandali, ikukuha kita ng tuwalya.”

***

Nakaligo na siya. Gayundin din si Leandro. At dahil gumagabi na, nagboluntaryo siya na maghahanda ng hapunan nila. Hindi tumutol si Leandro dahil natapon nga kanina ang hamburger na binili nito sa A&W. Nagsaing siya at nagprito ng tusinong nakita niya sa ref.

“Kumusta si Miguelito?” ang tanong ni Leandro habang siya ay nagluluto.

Sa pagkakabanggit kay Miguelito, tila nagbara ang lalamunan ni Alberto. Ilang saglit muna ang lumipas bago niya nagawang magsalita. “Mabuti naman.”

“Anong plano niya? Saan siya magko-kolehiyo? Anong kurso ang kukunin niya?”

“Hindi ko alam,” ang kanyang pagsisinungaling. Makabubuting huwag na lang siyang mag-detalye upang hindi na humaba pa ang kanilang usapan tungkol kay Miguelito.

Subalit nagpatuloy si Leandro. “Iyang si Miguelito, medyo kulang sa sipag mag-aral kaya puwede na sa kanya ang Agriculture. Gustung-gusto niya naman doon sa probinsya. At saka ikatutuwa iyon ni Tito Miguel. Maaari niya nang pamahalaan ang asyenda balang araw.”

Hindi na lang kumibo si Alberto. Kung alam lang ni Leandro ang mga plano nila noon ni Miguelito. Kung alam lang nito kung bakit hindi na iyon magkakatotoo. Pero sa isang banda, maaari pa ring magpatuloy si Miguelito. Siya ang hindi na maaaring maging bahagi ng mga plano. Kasabay sa pagkawasak ng relasyon nila ni Miguelito ay ang pagkawasak din ng kanyang mga pangarap. Muling nanariwa ang kirot sa kanyang dibdib subalit iyon ay kanyang pinaglabanan.

“Ikaw, anong plano mo ngayong nandito ka na sa Maynila?”

Napailing si Alberto. “Wala akong plano. Biglaan ang pagluwas ko rito. Bahala na kung saan ako dalhin ng kapalaran ko.”

Napatitig sa kanya si Leandro. “Bakit? Ano ba talaga ang nangyari at napasagsag ka rito?”

Muli siyang natigilan. Mahirap sa kanyang isiwalat ang katotohanan. Maaaring hindi siya maunawaan ni Leandro at siya’y pagtawanan lamang. Bukod pa sa masakit sa kanya ang mga nangyari at gusto niya na lamang iyong kalimutan.

Naghihintay si Leandro sa kanyang sagot.

Subalit bago pa niya nagawang magsalita, binasag ng mga katok ang katahimikang namamagitan sa kanila.

Tumayo si Leandro at tinungo ang pinto. Binuksan iyon. At sa pintuan ay naroroon, nakatayo ang isang lalaking kasinggulang nila. Kaagad itong pinatuloy ni Leandro. Humakbang ito papasok at nang makita siya’y bigla itong naudlot. Gayon din siya. Nagkatitigan sila na parang sinisino ang isa’t isa, na kahit noon lang nagkita’y parang may pamilyar sa kanilang mga itsura.

Napangiti si Leandro habang pinagmamasdan ang mga reaksiyon nila.

“I told you,” ang baling nito sa lalaki. “You look alike, hindi ba?”

Napakunot-noo si Alberto.

“Hindi naman magkamukhang-magkamukha,” ang patuloy ni Leandro. “Magkahawig lang. Parang magkapatid.”

Napatawa ang lalaki at nagpatuloy sa paghakbang palapit sa kanyang kinaroroonan.

“Alberto, Henry. Henry, Alberto,” ang pakilala sa kanila ni Leandro. HIndi niya magawa ang makipagkamay dahil nagluluto siya at madumi ang kamay niya. Ngumiti na lamang siya.

At muling nanumbalik sa kanya ang kuwento ni Miguelito tungkol sa karelasyon ni Leandro na kamukha raw niya. Ito pala yun. Si Henry. At totoo nga, malaki ang pagkakahawig nila. Muli niya ring naalala ang sinabi ni Miguelito na noon pa ma’y may gusto na sa kanya si Leandro. At kaya nabaling ang atensiyon nito kay Henry ay dahil dito niya natagpuan ang katuparan ng naging frustration sa kanya noong magkakilala sila sa probinsiya.

Na parang ayaw niyang paniwalaan dahil sa nakikita niyang “sweetness” at “connection” ngayon sa pagitan nina Leandro at Henry. Hindi naman iyon hayagan pero hindi rin naman itinatago. Parang normal lang pero makikita iyon at mararamdaman sa kanilang mga tinginan at galaw.

Nagsimula siyang maghain ng hapunan para sa kanilang tatlo. Naupo sa dining table sina Leandro at Henry, magkatabi.

“Uy, homecooked meal,” ang sabi ni Henry.

“Better than hamburger,” ang sabi naman ni Leandro. “Buti na lang, natapon yung binili ko.”

Kunot-noong napatingin si Henry kay Leandro, nagtatanong.

Nagpaliwanag si Leandro sa pamamagitan ng pagkukuwento sa insidente nila ni Alberto.

“So that’s how you met. Literally, by accident,” ang sabi ni Henry.

“Buti na lang nagkabanggaan kami dahil kung hindi, walang matutuluyan itong si Alberto. Alam mo ba na nawala ang bag niya at may bading pa na naghahabol sa kanya? Kung hindi kami nagkita, matutulog siya sa bangketa at mare-rape pa siya.”

“Really?” ang sabi ni Henry. “Kawawa naman pala itong si Alberto kung nagkataon.”

Walang masabi si Alberto habang pinag-uusapan siya ng dalawa. Nag-concentrate na lamang siya sa pagkain niya.

Nagpatuloy sa pagkukuwentuhan ang dalawa na parang wala siya. Hindi na niya kailangang magsalita dahil si Leandro na ang bumanggit ng iba pang mga bagay-bagay tungkol sa kanya upang ipakilala siya ng lubos kay Henry. Mula sa pagiging anak niya ng katiwala hanggang sa pagiging malapit niya sa anak ng may-ari ng asyenda -- kay Miguelito nga -- na kilala rin pala ni Henry.

“Gaano kayo ka-close ni Miguelito?” ang walang abog na tanong sa kanya ni Henry. “Close lang na magkaibigan? O higit pa roon?”

Nananansala ang tingin ni Leandro kay Henry pero nagpatuloy pa rin ito. “Wala naman sigurong masama kung higit pa sa pagiging magkaibigan ang closeness nila ni Miguelito. Hindi ba, Alberto?”

Ano ang sasabihin niya? Aamin ba siya sa totoong relasyon nila ni Miguelito? Naisip niya, ngayon niya lang nakilala si Henry at wala siyang dapat ipagpaliwanag dito.

“Magkababata sila ni Miguelito,” ang salo sa kanya ni Leandro. “Mga bata pa lamang sila ay magkalaro na sa asyenda.”

“Parang kayo ni Miguelito. Magkababata rin at magkalaro.” May obvious na ibig ipakahulugan si Henry.

“Stop it, Henry,” ang saway ni Leandro. “Huwag mong pressure-in si Alberto. Bagong salta lang ‘yan at hindi pa sanay sa mga ganyang bagay.”

“Wala naman sigurong pagkakaiba sa probinsiya at sa Maynila pagdating sa mga ganyang bagay.”

Pinandilatan na ito ni Leandro.

“Oh well.” Nagkibit-balikat si Henry. “Hindi na niya kailangang magsalita. Sapat na ang kanyang pananahimik upang magkaroon ng sagot ang tanong ko.”

Hindi pa rin kumikibo si Alberto. Kung dahil sa kanyang pananahimik ay nagkaroon na ng konklusyon si Henry tungkol sa kanila ni Miguelito, so be it. Ang mahalaga hindi iyon nanggaling sa kanya mismo. At hindi na niya kinailangang magsinungaling.

Wala nang nagsalita hanggang sa matapos ang paghahapunan nila.

***

Dalawa ang silid sa itaas. Ang silid na sabi ni Leandro ay silid ni Henry ay ipinagamit muna sa kanya. (Ang ipinagtataka niya ay kung bakit maliban sa ilang pirasong damit ay wala siyang ibang nakitang gamit ni Henry sa silid.) Ang sabi rin ni Leandro, doon na lang muna sa kanyang silid matutulog si Henry.

Nang nakahiga na siya’y hindi niya naiwasang mag-isip. Pansamantala lang ang panunuluyan niya rito. Kailangan niyang magplano, kung paano siya tatayo sa sarili niyang mga paa. Kailangan niyang maghanap ng trabaho at ng mauupahang bahay -- kahit kuwarto lang -- upang siya ay magkaroon ng sariling tirahan.

Hindi nagtagal, sa kabila ng mga pag-aalala ay nakatulog na rin si Alberto dahil sa sobrang pagod.

Sa kalaliman ng gabi ay nagising siya dahil naramdaman niya na may humihipo sa kanya.

Nagmulat siya. At sa liwanag ng poste sa labas na naglalagos sa bintana, nabanaagan niya si Leandro. Nakaupo sa gilid ng kama at nakapatong ang kamay sa ibabaw ng shorts niya.

Napamulagat siya at hindi agad nakakilos.

Nagulat siya nang makita niya si Henry na naroroon din sa loob ng silid, nakatayo sa may paanan ng kama at nakangiti habang pinanonood sila.

(Itutuloy)  

Saturday, November 9, 2013

Magpapaalam Na Sana Ako

Isasara ko na itong blog ko
Pero dahil sa bagyo
Nawalan ng internet.

Naghintay ako buong gabi
Pero hindi nagkaroon
Kaya nagsulat na lang ako.

Ngayong umaga paggising ko
May internet na uli
At kalmado na ang panahon.

Nagbago na ang isip ko.

Tuesday, October 1, 2013

Desiderata

By MAX EHRMANN


Go placidly amid the noise and haste, and remember what peace there may be in silence.

As far as possible, without surrender, be on good terms with all persons. Speak your truth quietly and clearly; and listen to others, even the dull and the ignorant, they too have their story. Avoid loud and aggressive persons, they are vexations to the spirit.

If you compare yourself with others, you may become vain and bitter; for always there will be greater and lesser persons than yourself. Enjoy your achievements as well as your plans. Keep interested in your own career, however humble; it is a real possession in the changing fortunes of time.

Exercise caution in your business affairs, for the world is full of trickery. But let this not blind you to what virtue there is; many persons strive for high ideals, and everywhere life is full of heroism. Be yourself. Especially, do not feign affection. Neither be cynical about love, for in the face of all aridity and disenchantment it is perennial as the grass.

Take kindly to the counsel of the years, gracefully surrendering the things of youth. Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune. But do not distress yourself with imaginings. Many fears are born of fatigue and loneliness.

Beyond a wholesome discipline, be gentle with yourself. You are a child of the universe, no less than the trees and the stars; you have a right to be here. And whether or not it is clear to you, no doubt the universe is unfolding as it should.

Therefore be at peace with God, whatever you conceive Him to be, and whatever your labors and aspirations, in the noisy confusion of life, keep peace in your soul.

With all its sham, drudgery and broken dreams, it is still a beautiful world.

Be cheerful. Strive to be happy.

=== 

Ngayon ay kaarawan ko at sa patuloy na pagtanda, higit na nagiging makabuluhan ang tulang ito na noon pa man ay itinangi ko na (may poster ako nito na binili ko sa National, ipina-frame at isinabit sa kuwarto) at itinuring na pamantayan ng isang buhay na maligaya at mapayapa (kapag malungkot, stressed at confused, binabasa ko lang ito, gumagaan na ang pakiramdam ko).

Monday, September 30, 2013

Plantation Resort 16

Pasado alas-onse na nang marating nila ang Cubao. Habang papasok ng Metro Manila, sandali siyang namangha sa kung gaano ito kabuhay at kasigla. Subalit nang nasa terminal na sila at kailangan na niyang bumaba, doon siya nagsimulang matakot at mangamba. Maghahatinggabi na, saan siya pupunta?

Pinagmasdan niya ang kanyang kapaligiran. Paroo’t parito ang mga tao, alis-dating ang mga bus. Bente-kuwatro oras ang operasyon ng terminal kaya patuloy pa rin ang mga aktibidad kahit malalim na ang gabi.

Sa waiting area ng mga pasahero ay may namataan siyang isang bakanteng upuan. Tinungo niya iyon at siya ay naupo. Ipinagpasya niyang doon na lang muna magpalipas ng gabi. Alam niyang delikado sa labas at maaaring siya ay mapahamak. Doon na lang muna siya, kung saan siya ligtas at bukas, kapag maliwanag na ay saka siya lalakad.

Dahil sa pagod ay kaagad siyang nakatulog at nang magising ay nagulat pa siya dahil mataas na ang araw. Kaagad niyang hinagilap ang dalang bag subalit wala iyon sa kanyang tabi. Napatayo siya at tarantang naghanap subalit wala talaga ang bag. Kinabahan siya at nanlamig. Naroroon ang lahat ng kanyang pera. Wala siya ni kahit isang kusing sa bulsa.

May nakita siyang guwardiya, nakatayo sa di-kalayuan. Kaagad niya itong nilapitan.

“Kuya, tulungan mo ako,” ang sabi niya. “Nanakaw ang bag ko.”

Tiningnan siya ng guwardiya. “Paanong nanakaw?” ang tanong, blangko ang mukha sa anumang pakikisimpatiya.

“Nakatulog kasi ako. Nasa tabi ko lang ang bag ko. Paggising ko, wala na.”

Nagkibit-balikat ang guwardiya. Itinuro sa kanya ang anunsiyong nakapaskel sa dingding: Bantayang mabuti ang mga gamit. Mag-ingat sa mga magnanakaw.

“Hindi sagutin ng management ‘yan,” ang sabi ng guwardiya. “Sa susunod, mag-ingat ka. Huwag kang tatanga-tanga.”

Nasaktan siya sa huling tinuran ng guwardiya. Nanakawan na nga siya, nasabihan pa siyang tanga.

Mangiyak-ngiyak siyang tumalikod na lamang at humakbang palabas ng terminal. Ngayon higit na nag-ibayo ang takot niya. Paano na ngayon, ano ang kanyang gagawin?

Naglakad siya sa bangketa na parang wala sa sarili. Sumabay siya sa hugos ng mga tao. Lahat ay nagmamadali, may kanya-kanyang patutunguhan, ni hindi tumitingin sa mga nakakasalubong o nakakasabay.

Nang mapatapat siya sa isang botika, nakita niya sa orasan nito na mag-a-alas dose na. Kaya pala nagugutom na siya. Pero wala siyang pera kaya nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad.

Napadpad siya sa Ali Mall. At doon, nakita niya ang mga kagaya niyang kabataang lalaki na nakatambay, nakasandal sa mga barandilya. Padungaw-dungaw sa ibaba. Patingin-tingin sa mga nagdaraan. At minsa’y pangiti-ngiti pa.

Nakitambay na rin siya at nakisandal sa barandilya. Pagod na siya at kailangan niya munang magpahinga.

Nakadungaw siya sa ibaba nang may marinig siyang boses mula sa kanyang likuran.

“Hi.”

Pumihit siya upang sinuhin ang nagsalita.

Isang lalaki na medyo may edad na. “Hi,” ang bati uli nito sa kanya, nakangiti.

Hindi niya alam kung babati rin siya o ngingiti. Subalit bago pa siya nakatugon, muling nagsalita ang lalaki. “May hinihintay ka?”

“Ha? Wala,” ang sagot niya.

“Mag-isa ka lang?”

Tumango siya.

“Maaari ba kitang imbitahan?”

“Ha? Saan?”

“Mag-lunch. Wala kasi akong kasabay.”

Natigilan siya. Gusto niya sanang tumanggi subalit matindi na ang gutom na kanyang nararamdaman.

“Ha? Sige.”

Nangislap ang mga mata ng lalaki sa kanyang pagpayag sabay sa pagkislap ng gintong pustiso na lumitaw sa maluwag nitong pagkakangiti.

“Halika, sumunod ka sa akin,” ang sabi.

Dinala siya nito sa Jollibee at doo’y ipinag-order ng Chicken Joy.

Nang mailatag ang pagkain sa kanyang harapan, kaagad niya itong nilantakan. Pinanood siya ng lalaki at sa tuwing mapapatingin siya rito, panay ang sabi sa kanya ng: “Sige, magpakabusog kang mabuti.”

“Ano nga pala ang pangalan mo?” ang tanong ng lalaki nang matapos na silang kumain.

“Alberto,” ang kanyang sagot.

“Ako si Jun.”

Nakipagkamay ito sa kanya.

“Halika, Alberto. Samahan mo na rin akong magsine,” ang sabi nito pagkaraan.

“Ha?” Hindi niya alam ang isasagot.

“Huwag mong sabihing tatanggihan mo ako.”

Ayaw niya sana pero dahil pinakain siya nito, pumayag na rin siya. “Sige.”

Si Jun ang namili ng palabas. Bold. At pagkapasok na pagkapasok nila sa madilim na sinehan ay agad nitong hinawakan ang kanyang kamay at giniyahan siya paakyat sa balcony, doon sa pinakaituktok na hilera ng mga upuan.

Matagal na silang nakaupo ay hindi pa rin binibitiwan ni Jun ang kanyang kamay. Maya-maya’y nagulat siya nang may pilit itong ipinahihimas sa kanya. Matigas. Mabilis siyang napapitlag.

Bago pa siya nakaiwas, nagawa na nitong dakmain ang kanyang harapan. Agad na nabuksan ang kanyang zipper at naipasok ang kamay. Naramdaman niya na lamang na hawak-hawak na nito ang kanyang ari at marahas na pinaglalaruan.

Noong una’y parang hindi siya makakilos subalit nang subukan siya nitong halikan at malanghap niya ang mabaho nitong hininga, nagawa niya ang pumalag. Itinulak niya si Jun, kaagad siyang tumayo at patakbong lumabas ng sinehan.

Nakalabas na siya ng Ali Mall ay mabibilis pa rin ang kanyang mga hakbang. Ni hindi lumilingon, ang tanging nais ay makalayo kaagad sa lugar na iyon.

Dinala siya ng kanyang mga paa sa Fiesta Carnival. Doo’y saglit na bumagal ang kanyang mga lakad. Na-attract siya ng mga tiyubibo at ng masayang atmosphere. Nagmasid-masid siya sandali at nagsisimula nang malibang nang biglang mamataan niya si Jun na siya pala ay sinundan.

Kaagad siyang humakbang palayo. Muli ay naging mabilis ang lakad, halos patakbo.

Pagtapat niya sa A&W, may isang lalaking papalabas na may bitbit na take-out. Huli na nang ito ay kanyang mapansin.

BLAG! Sa isang iglap ay naligo siya ng rootbeer. Gayundin ang lalaki na nabitiwan din ang bitbit na hamburger.

Napamura ang lalaki at siya ay galit na hinarap. Subalit bigla itong natigilan.

Natigilan din siya.

Nagkatitigan sila, parehong hindi makapaniwala.

“Alberto?” ang sabi ng lalaki.

Halos hindi siya makapagsalita.

“Leandro? Ikaw nga ba?”

(Itutuloy)

Part 17

Tuesday, September 24, 2013

Angkas (ebook)


















“Sakay na,” ang muli niyang yaya. Gusto ko sanang tumanggi pero hindi ko siya ma-resist. Napakaguwapo niya at napaka-sexy. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakaangkas na sa motorsiklo niya. Habang tumatakbo kami nang mabilis, hindi ko naiwasang mapakapit sa kanya. Wala akong bilbil na nasalat at sa halip, ang nahawakan ko ay ang matigas niyang abs!

ANGKAS
by Aris Santos

Read or download the free ebook at Smashwords.

Check me out at Goodreads.

Wednesday, September 18, 2013

Plantation Resort 15

Iginala ni Albert ang kanyang paningin sa kabuuan ng silid. Hindi na iyon katulad ng dati, naiba na ang itsura dahil sa renovation. Subalit naroroon pa rin ang mga antigong kagamitan. Ang kama. Ang aparador. Ang tokador. Maging ang kandelabra. Mga bagay na nagpapaalala pa rin sa kanya sa isang malungkot at masakit na nakaraan.

Fully-booked ang main house at parang biro ng tadhana na iyon pa ang naireserba sa kanya ni Aurora, ang silid na iyon na dating silid ni Miguelito. Hindi niya maaatim na tumuloy doon. Nasasakal siya ng mga alaala. Nagsisikip ang kanyang dibdib.

Lumabas siya ng silid na parang hindi makahinga. Dama ang hapdi ng mga sugat na muling nanariwa. Kaagad niyang tinawagan si Aurora upang magpalipat sa riverside cottage.

***

Hindi niya natanggihan ang imbitasyon ni Aurora na mag-dinner muna sila bago siya umalis ng main house.

“Is there a problem with your room?” ang usisa ni Aurora habang sila ay naghahapunan.

Gusto niya sanang maging honest kay Aurora but he decided against it. “No. Everything’s fine.”

“Then why are you transferring?”

“I just changed my mind, that’s all.” Naisip niya, there’s no point in confessing now. Hindi dahil hindi siya maaaring magpakatotoo kay Aurora subalit hindi iyon ang tamang panahon ng paglalahad tungkol sa kanyang nakaraan.

“Sabagay, ako man ay mas gugustuhin kong mag-stay sa riverside cottage if I need to sort out something. It’s closer to nature. Mas magagawa kong makapag-isip nang maayos.”

Ngumiti lang si Albert at hindi na sumagot.

“If you need anything, just give me call.”

“I’d rather not disturb you, Aurora. Kailangan mo ring magpahinga.”

“I need to make sure that my boss is comfortable.”

“I’ll call the front desk if I need anything. And please, I’m not your boss.”

“Yes, you are.”

“No. I’m your friend. Quit fussing about me.”

Ngumiti si Aurora. “Sorry, I just can’t help it. Lalo na’t alam kong may dinadala kang problema sa ngayon.”

“I’m fine,” ang pagtitiyak ni Albert. “You don’t have to worry about me.”

“Okay, then.” Tinapik siya ni Aurora sa kamay, affectionately. “I already had your things transferred. Now, how are you going to go there? Magko-kotse ka ba? O magsa-shuttle?”

*** 

Nagpahatid si Albert sa driver niya. Nang makarating sa cottage ay kaagad niya rin itong pinaalis. “Tatawagan na lang kita bukas, Mang Carding, kung kailangan ko ng sasakyan.”

Nang makaalis ang kotse ay hindi muna siya tuminag. Saglit niyang pinagmasdan ang cottage mula sa labas. Nakasindi na ang mga ilaw at hindi niya naiwasang muli ay i-admire ang pagkakayari nito ayon na rin sa kanyang specifications.

Inakyat niya ang iilang baytang na hagdan patungo sa balkonahe at nang bubuksan na niya ang pinto, nakita niya na ito ay nakaawang at hindi nakalapat.

Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto at sumilip siya sa loob. Naroroon, nakalapag sa sala ang kanyang mga maleta. Tumuloy siya, dinampot ang mga maleta at nang pumasok siya sa silid, nagulat siya sa kanyang dinatnan.

May lalaking nakahiga sa kanyang kama, naka-brief lang at nakangiti sa kanya.

“Hi, Albert.”

Si Francis.

“Anong ginagawa mo rito?”

Bumangon si Francis at lumapit sa kanya. “I brought your things.”

“Bakit ka nakahubad?”

“I was thinking, you might need me. You seem tired.” Yumakap sa kanya si Francis subalit hindi siya tumugon. Umiwas siya nang akma siya nitong hahalikan.

“Francis, stop it.” Nagpumilit siyang kumawala sa mga bisig nito.

Bumitiw si Francis at nagbaba ng tingin. Hindi maikubli ang pagkabigo.

Hinarap siya ni Albert. “Hindi ba’t nag-usap na tayo tungkol dito? That one time na may nangyari sa atin, hindi na iyon dapat maulit.”

“Nagbabakasakali lang ako.”

“Look, Francis. Aurora, your mother, is my friend. Ano ang kanyang iisipin kapag nalaman niya ito?”

“I think she will be happy. She adores you.”

 Napailing si Albert. “No. She will be angry. She trusts me and she expects me to get my hands off you.”

“Hindi na ako bata, Albert. I can do whatever I want. I am twenty-five.”

“And I am thirty-eight. Now, that’s another reason why we should just be friends.”

 Si Francis naman ang napailing at gumuhit sa mga labi ang isang mapait na ngiti. “That’s just an excuse. Mas bata sa akin si Miko.”

Hindi nakakibo si Albert.

“Mahal kita, Albert. Mula noong bata pa ako, minahal na kita. Why can’t you love me back?”

Napabuntonghininga si Albert. “Alam mo ang dahilan. In fact, kababanggit mo lang.”

“Si Miko. Siya ang mahal mo.”

Kinumpirma ng katahimikan ni Albert ang bagay na iyon.

“I’m not asking you to stop loving him,” ang patuloy ni Francis sa kabila ng panlulumo. “All I’m asking you is to love me too. Willing akong makihati, makisalo basta’t suklian mo lang ang pagmamahal ko sa’yo.”

Hinarap ni Albert si Francis at sinalubong ang tingin. Hindi nalingid sa kanya ang mga mata nitong maluha-luha. Bunsod ng pagkaawa, niyakap niya ito.

“Mahal din kita, alam mo ‘yan,” ang sabi niya. “Hindi nga lang kagaya ng iyong inaasahan.”

Hindi tumugon si Francis. Tila walang lakas na napahilig na lamang ito sa kanyang dibdib habang balot ng kanyang mga bisig.

Saglit silang nanatili sa ganoong posisyon.

Maya-maya’y kumalas si Albert. Dinampot ang mga damit ni Francis na nakasampay sa backrest ng isang silya.

“Magbihis ka na,” ang sabi.

*** 

Dahil nais niyang maibsan ang sama ng loob ni Francis, niyaya niya ito sa Jungle Bar. 

Ang Jungle Bar ay latest addition sa recreational facilities ng resort. Isa itong dance club (na itinayo sa dating kinalalagyan ng “makasaysayang” kamalig) upang tugunan ang pagdagsa ng mga kabataan lalo na kapag ganitong summer.

Punumpuno ito ngayong gabi. Siksikan ang lahat sa dancefloor, nagsasayawan sa live DJ mixes habang tinutudla at hinahaplos ng nagsasalimbayang laser lights.

Umorder sila ng isang pitcher ng Blue River, ang signature cocktail ng bar. Tila isang magical potion ang inumin dahil nang mangalahati na sila, nag-iba na ang kanilang pakiramdam. Napawi na ang anumang discomfort na dulot ng “drama” kanina at nagsimula silang maging masaya. Katulad noong nasa Maynila pa sila, noong una silang nag-bar, noong may nangyari sa kanila.

Sa mga unang bara ng “Just TheWay You Are” ay nagkatinginan sila. Nangislap ang mga mata, napangiti at sabay na napatayo. Humabi sila sa crowd at maya-maya pa, nasa dancefloor na sila. Nagsayaw sila na parang walang inaalala, hinayaang alipinin ng musika hindi lamang ang katawan kundi pati ang kamalayan.

Sa pagtugtog ng “Acrobats” ay lubusan nang naging magaan ang kanilang pakiramdam. Higit na naging masigla ang kanilang mga galaw sabay sa tila paglutang sa alon na likha ng iba pang mga nagsisisayaw.

At dahil siksikan, hindi maiiwasang magkadikit ang kanilang mga katawan at magkalapit ang mga mukha. At dahil lango sa alak at “high” sa musika, hindi rin maiiwasang sila ay makalimot.

Sa isang pagkakataong sila ay nagkagitgitan, kusang nagtagpo ang kanilang mga labi. Napapikit sila, napayakap sa isa't isa at nilasap ng mga bibig ang tamis ng isang halik. It took a while bago sila natauhan sa kanilang pagkakatangay.

Kaagad silang nagbitiw.

“Sorry,” ang nasambit ni Francis.

Bago pa nagawang sumagot ni Albert, tinalikuran na siya nito at umalis.

***   

Sa kabila ng pagod ay hindi dalawin ng antok si Albert kaya minabuti niyang mag-stay na lang muna sa back porch ng cottage na kung saan tanaw niya ang ilog.

Nakapahingalay siya sa chaise lounge, naninigarilyo at umiinom ng beer. Pilit na pinapayapa ang sarili at bina-block ang mga bagay na gumugulo sa isip.

Iginala niya ang mga mata sa kanyang paligid, sa mga bahagi ng resort na kayang abutin ng kanyang paningin. Sino ang mag-aakalang ang lahat ng ito ay pag-aari na niya?

Parang kailan lang nang palayasin siya ni Don Miguel sa lugar  na iyon, walang tiyak na patutunguhan nang sumakay sa isang karag-karag na bus.

Sinaid niya ang laman ng bote ng beer. Gumuhit ang pait hindi lamang sa kanyang bibig kundi pati sa kanyang dibdib.

Katulad ng tubig sa ilog, hindi niya napigilan ang mga alaala sa pag-agos.

(Itutuloy)

Part 16

Tuesday, September 10, 2013

Ang Pagpapatuloy

Nakatakda na ngayong Setyembre.


Samantala, balikan muna natin ang nakaraan.

Saturday, August 31, 2013

Balagoong | Bagoong

It happens to singles like us.

On a Sunday, matatagpuan mo ang iyong sarili na mag-isang nagsisimba. Patingin-tingin sa mga magpapamilya, magbabarkada, magsyota at maiinggit, maiisip mo na buti pa sila, may mga kasama. Subalit mapapatingin ka rin sa mga kagaya mo, mapapakibit-balikat at sasabihin sa sarili, hindi ka nag-iisa.

Maya-maya’y matutuon ang atensiyon mo sa isang namumukod-tangi. At ikaw ay magtataka, bakit mag-isa siya? Sa isang kagaya niya na guwapo, matangkad, matikas, hindi ba’t dapat lang na may kasama siya? Wala ba siyang syota?

At ang presence niya ay babagabag sa’yo. Pasulyap-sulyap ka sa kanya, distracted sa misa. Mawi-wish mo na sana, kayo na lang ang magkasama. Siguro ay higit na magiging exciting ang iyong pagsisimba. Less lonely. Mas masaya.

Bago matapos ang misa, magkakaroon ng anunsiyo na ang lahat ng mga tatay at lolo ay inaanyayahang  pumunta sa harapan. Babasbasan sila ng pari. Father’s Day pala. At ikaw ay mananatili sa pagkakaupo habang ang karamihan sa mga kalalakihan ay magsisimulang lumapit sa altar.

Magugulat ka at matitigilan. Dahil ang lalaking namumukod-tangi at kanina mo pa sinusulyap-sulyapan ay kabilang sa mga lalaking magsisitayo. At ikaw ay muling magtataka, nasaan ang anak niya? Ang kanyang asawa? At higit sa lahat, ikaw ay magtatanong, straight ba talaga siya o kagaya mo ring naiiba?

Lalabas ka ng simbahan na malungkot, bigo dahil sa natuklasang tatay na pala ang crush mo. Next Sunday, mag-isa ka uling magsisimba at makikita mo siya subalit hindi mo na iilusyonin pa na maaari kayong mag-connect.

Forever ka na nga yatang balagoong sa pag-ibig.

***

Napagpasyahan kong mamasyal sa mall pagkatapos magsimba at doon na rin mag-lunch. Walking distance lang iyon mula sa simbahan. At dahil mag-isa, pinili kong kumain na lang sa foodcourt. At least matao roon, hindi ako magmumukhang tanga.

Lumapit ako sa isang food stall. Wow, kare-kare. My favorite. Kaagad akong umorder. May extra rice pa. Nagbabayad ako sa cashier nang makita ko siya. The guy from church. Tumitingin din siya ng pagkain. And guess what, kare-kare rin ang kanyang inorder. 

Dala-dala ang tray ng pagkain, iniwan ko na ang food stall at si Mr. Bukod-Tangi. Naghanap na ako ng mauupuan. Dahil Linggo (at nagkataong Father’s Day), ang daming tao. Buti na lang nakahanap pa ako ng bakante. Pagkaupo ay agad ko siyang inapuhap ng tingin. Kababayad niya lang at ngayo’y naglalakad na patungo sa dining area, palinga-linga at naghahanap ng mapupuwestuhan.

I held my breath dahil papalapit siya sa aking kinaroroonan. At dahil punung-puno nga ang foodcourt, nakita niya na ang tanging bakante ay ang upuan sa aking harapan. Huminto siya, tumingin sa akin at ngumiti.

“May I?” ang muwestra niya sa upuan.

Nag-unahan ang tibok ng aking puso. Napatitig ako sa kanya. Higit pala siyang guwapo sa malapitan. May biloy pa sa pisngi.

“Sure. Sure.” Nagawa ko pa ring magsalita sa kabila ng tila pagkatulala.

Naupo siya. “Uy, pareho tayo ng ulam,” ang sabi niya.

Ngumiti ako. “Paborito mo rin?”

“Oo.” At saka siya may naalala. “Naku, nakalimutan kong humingi ng bagoong.”

“Eto, o,” ang alok ko sa bagoong ko. “Ang dami nito.”

Akala ko ay tatanggi siya at tatayo subalit ngumiti lang siya. “Sige, pa-share na lang.”

Pilit kong ikinubli ang tuwa/taranta/kaba sa pamamagitan ng biglaang pagsubo. At dahil biglaan din ang aking paglunok, muntik na akong ma-choke sa isang pirasong tuwalya.

Kumuha siya ng bagoong at inihalo sa kare-kare niya. “Hindi kasi talaga masarap ang kare-kare kung walang bagoong,” ang sabi niya.

“Tama ka,” ang sagot ko. “Mahilig ka rin ba sa ibang pagkain na may bagoong?”

“Yeah. Paborito ko rin ang binagoongan. At saka bagoong rice. Ikaw?”

“Oo naman. Kahit nga bagoong lang, pwede ko nang ipang-ulam.”

“Masarap ‘yun. Lalo na kung may kamatis at sibuyas.”

Sabay kaming napangiti. And I started to relax.

Nagpakilala kami sa isa’t isa at nagpatuloy ang aming pag-uusap habang kumakain.

“Nakita kita sa simbahan kanina,” ang sabi ko.

“Ikaw rin, nakita ko,” ang sagot niya.

“Mag-isa ka lang ba kung magsimba?”

“Oo. Nasa province ang family ko. Mag-isa lang ako rito sa Manila.”

“Happy Father’s Day nga pala. Nakita kitang nagpa-bless kanina...”

“Thanks. But I’m not married...”

Napatingin ako sa kanya, nagtatanong.

“Single.” Sinalubong niya ang aking mga mata. “And available.” Nanuot ang kanyang mga titig.

Napasubo ako ng bagoong.

At pagkatapos, napangiti ako na para bang napakatamis niyon.

Saturday, August 24, 2013

Kahit Sandali

“Hi. Musta?”

Surprised ako sa text mo. Lumukso ang puso ko. It has been ages since I last heard from you.

Kahit nasa gitna ako ng sobrang ka-busy-han, nag-reply ako: “Buti. May exhibit ako ngayon.”

The last time I participated in an exhibit, you attended. Kaka-break lang natin noon pero dumating ka. Mas na-surprise ako noon.

Ikaw: Bakit di mo ako inimbita?

Ako: Baka kasi di ka pumunta.

Ikaw: Siyempre, pupunta ako kung invited mo.

Ako: Talaga?

Ikaw: Akala ko nasa house ka.

Ako: Why?

Ikaw: Am here near your house. Sunduin sana kita. Coffee tayo.

Huh? Bakit? Antagal-tagal na nating wala. May jowa ka na. Antagal-tagal mo na ring walang paramdam. Nakalimutan na kita. Tapos, heto ka na naman.

Ikaw: What time ka uwi?

Ako: Mga 10pm siguro.

Ikaw: Text me. Maybe we can still meet.

Why oh why? Kailangan pa ba talaga? Kahit isipin ko man na friends na lang tayo at wala nang ibang kahulugan ang mga ganitong pagkikita, heto, bumabalik na naman sa akin ang ating nakaraan. Ikaw talaga, bakit parang hindi mo magawang tuluyan na akong iwanan at pabayaan? Mahirap ito para sa akin, alam mo ba, kasi parang pinag-iisip mo ako… pinapaasa mo ako… na may pag-asa pa rin tayong magpatuloy na dalawa.

Pero kapag ganito, nakakadama rin ako ng excitement. Excited ako na andyan ka na naman at gusto mo akong makita. Sa totoo lang, gusto rin kitang makita… makausap… makumusta. Pero kadalasan kapag ganito, pagkatapos nating magkita, nalulungkot lang ako. Kaya as much as possible, ayaw ko na sana ng ganito.

Ewan ko ba, what’s with you. Bakit kaya kahit nakakalimutan na kita… kapag nagparamdam ka, balik na naman ang feelings ko sa’yo na parang hindi nawala. Isang text mo lang parang napindot na naman ang switch ng puso ko at muling magsisindi ang pagmamahal ko sa’yo.

Siguro dahil iba ka at iba ang naging pagmamahal ko sa’yo. Kahit sinaktan mo ako noon, naroroon pa rin, hindi nawawala ang pagtatangi ko sa’yo. Siguro dahil din sa mga maliliit na bagay na patuloy mo pa ring ginagawa para sa akin na nagpapakitang mahalaga pa rin ako sa’yo… na naaalala mo pa rin ako… na ayaw mong maputol ang ating connection… na gusto mo pa rin akong i-keep sa buhay mo… kahit bilang isang kaibigan na lang. Katulad ngayon, nagparamdam ka na naman… nangungumusta… nag-iimbita after a long, long time na wala akong balita sa’yo.

Pero mahirap sa akin ito. Minsan nga, pakiramdam ko, parang pinaglalaruan mo lang ako. Magkikita tayo… mag-uusap… mag-e-enjoy ako sa company mo. Tapos, balik ka uli sa jowa mo. Malulungkot ako at mami-miss kita.

Effort na naman ang gagawin kong paglimot sa’yo. And back to square one ako.

Ewan ko ba sa sarili ko, parang hindi na ako natuto. Makailang beses nang nangyari ito pero parang wala akong kadala-dala. Kahit alam kong masasaktan ako pagkatapos, sige pa rin ako.

Katulad ngayon, pagdating ko, tinext kaagad kita: “Home na.” kahit kaninang nasa sasakyan ako, paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili na “No. No. No.”

“Will pick you up. Wait lang po,” sagot mo.

Nakapagpalit na ako ng damit. Nakapag-ayos na. At naghihintay sa’yo, excited na makita kang muli.

Sabado ngayon. Who knows, baka after coffee, yayain mo ako sa Malate. Kahit hindi ako dapat magpuyat ngayong gabi, sasama ako sa’yo sa Bed.

Gusto kong magsayaw tayo katulad ng dati.

I just want to hold you close to me.

Kahit sandali.


=== 

A repost. Originally published as MULI in 2008.

Thursday, August 22, 2013

Old Rose

Nagdadapithapon nang sapitin namin ang San Antonio Parish. Iyon ang venue ng aming dalawang gabi at dalawang araw na retreat. Requirement sa all-boys catholic high school na pinapasukan ko ang retreat bago mag-summer vacation.

Tumuloy kaagad kami sa retreat house na bahagi ng kumbento malapit sa simbahan. Luma na ang kumbento, gayundin ang simbahan. Panahon pa raw ng mga Kastila nang itinayo iyon.

Dinala kami ng katiwala sa quarters na aming tutulugan. Isa iyong malaking silid na kung saan maraming kama – parang ward sa ospital. Kumpleto sa beddings at may kulambo pa. Ang instruction sa amin ni Fr. Francis, ang kasama naming pari, ay ayusin na namin ang aming mga gamit, pati na ang aming mga hihigaan at magbihis na kami ng kumportable para sa dinner at pagsisimula ng retreat.

Gusto sana naming mamasyal muna sa vicinity ng simbahan pero mabilis ang naging pagdidilim sa labas. Sinunod na lang namin ang utos ni Fr. Francis. Nagkanya-kanya na kaming bihis, ayos ng higaan at kabit ng kulambo.

Habang ginagawa namin iyon, hindi naiwasang magkabiruan tungkol sa multo. Dahil luma na ang kumbento, may nagsabing maaaring haunted ito. Siguro raw ay marami nang mga pari at madreng namatay rito. Dahil mga bata pa, masyadong naging over-active ang imagination namin.

Tumunog ang bell ni Fr. Francis at nagtungo na kaming lahat sa dining hall. Nagsalo kami sa isang simpleng hapunan at pagkatapos ay dumiretso na kami sa session hall. Doon ay pormal nang binuksan at sinimulan ni Fr. Francis ang aming retreat.

Bandang alas-nuwebe natapos ang aming session at nagtungo na kami sa quarters upang matulog.

Pagpasok sa room, may naamoy kaming kakaiba.

“Amoy bulaklak at kandila!” ang bulalas ng isa kong kaklase.

“Oo nga,” ang sang-ayon ng iba.

“Naku, palagay ko, may multo nga rito,” ang sabi ng isa pa.

May nag-switch ng ilaw at nagliwanag ang buong silid.

Nagtatakutan at nagtatawanang dumiretso ang lahat sa kanya-kanyang kama.

Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako habang papalapit sa aking kama.

Pagsapit ko roon, inangat ko ang kulambo. At nagulat ako sa aking nakita.

Doon sa aking kama, sa ibabaw ng unan, may nakalapag na isang tuyong rosas.

Ginapangan ako ng kilabot. Hindi ako nakapagsalita.

Napansin ng kapit-kama kong si Ned ang aking pagkatigagal.

“Aris? Bakit?”

Nakita niya ang tuyong rosas at hindi ko na kinailangang sumagot.

“Saan nanggaling yan?” ang kanyang tanong.

“Hindi ko alam.”

Nagkatinginan kami. Siya man ay kinakitaan ko ng pagkatakot.

“Baka may nagbibiro lang sa’yo,” ang sabi niya.

“Sino naman? At paano niya gagawin iyon? Lahat tayo ay nasa session hall kanina. Wala namang naiwan dito.”

Dinampot ko ang bulaklak. “Huwag mo na lang sabihin sa iba,” ang sabi ko kay Ned.

Tumango siya. Kinuyumos ko ang bulaklak at itinapon sa labas.

Restless ako nang gabing iyon. Halos hindi ako nakatulog.

***

Kinabukasan, sabay kaming nagising ni Ned. At dahil masyado pang maaga, nagkayayaan kaming mamasyal muna.

Lumabas kami ng retreat house. Natuklasan namin na may creek pala sa di-kalayuan. May daan din doon patungo sa hardin sa tabi ng simbahan. Napakaganda roon, napaka-peaceful. Saglit kaming naupo sa bench at hindi namin naiwasang pag-usapan ang tungkol sa rosas. Nagtataka pa rin kami kung saan nanggaling iyon. Maya-maya'y napagpasyahan naming ipagpatuloy ang pamamasyal. Doon kami sa likod ng simbahan nagtungo at pagbungad namin doon, sabay kaming nagulat at napahinto.

Sementeryo.

May sementeryo sa likod ng simbahan.

Dapat bumalik na lang kami pero hindi ko alam kung bakit parang na-curious kaming magpatuloy. Pumasok kami ni Ned sa sementeryo.

Naglakad-lakad kami. Nag-ikot-ikot.

Palabas na kami nang may biglang umagaw sa aking atensiyon. Isang puntod na kung saan sa lapida ay nakasulat ang pangalan ko.

ARIS

Napatingin ako kay Ned. Nakita niya rin iyon at nanlaki ang kanyang mga mata.

Ang apelyido ay natatakpan ng tumutubong damo.

Dahan-dahan akong lumapit at hinawi ko ang damo. Nakita ko ang unang tatlong letra ng apelyido.

SAN

Nakaramdam ako ng panlalaki ng ulo. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Kaagad kong binunot ang damo.

SANTIAGO

Mabuti na lang at hindi SANTOS dahil kung iyon ang nakita ko, baka hinimatay ako.

Binalingan ko si Ned.

Hindi siya sa lapida nakatingin kundi sa ibabaw ng puntod. May itinuturo siya sa akin.

Sinundan ko iyon ng tingin at nangilabot ako.

Sa ibabaw ng puntod ni ARIS SANTIAGO ay naroroon ang pumpon ng mga tuyong rosas.

Katulad na katulad ng tuyong rosas na natagpuan ko sa kama ko.

Saturday, August 17, 2013

Messed Up

Break na tayo pero nag-insist ka pa ring sumama sa outing namin ng barkada. Inisip ko, marahil iyon ay dahil gusto mong magkaayos tayo. Pumayag ako dahil iyon din ang gusto ko.

Masaya ako na sweet ka sa akin noong una. Pero tila biglang nagbago ang ihip ng hangin nang ipakilala kita sa friend ko.

Napansin ko na naging magiliw ka sa kanya. May mga pagkakataong nasa balkonahe ako ng cottage, mag-isa, subalit sa halip na samahan mo ako, nasa loob ka, kayo ni friend at nag-uusap. O kaya’y nasa labas kayo at namamasyal.

Nagkainuman tayo noong gabi – ikaw, ako, si friend at ang buong barkada. Sa inumang iyon, sinubukan nila tayong pag-ayusin. Subalit nagtaka ako dahil sa halip na maging responsive, ikaw ay naging malamig. Na para bang okay lang sa’yo kahit hindi na tayo magkabalikan. Napansin ko rin, panay ang sulyap mo kay friend.

Pilit kong ikinubli ang disappointment. Uminom na lang ako nang uminom hanggang sa malasing. At dahil wala na sa sarili, pinagtulungan ninyo akong dalhin sa kama – ikaw at si friend. In fairness, hindi ninyo ako pinabayaan. Tinabihan n’yo pa ako. At niyakap mo ako. Dahil doon, kahit paano’y naibsan ang sama ng loob ko.

At nakatulog na ako.

Subalit sa kalaliman nang gabi, ako ay nagising. At nagulat sa tanawing tumambad sa akin. Naroroon ka pa rin sa aking tabi, kayo ni friend. Iyon nga lang, kayo na ang magkayakap at magka-holding hands!

Napabalikwas ako. Napatayo. Sabay kayong nagising at kaagad na nagbitiw. Kinumpronta ko kayo. Naalimpungatan ang barkada sa ating gulo.

Bigla akong nahilo at nasuka. Napatakbo ako sa banyo. Sinundan mo ako pero galit na galit ako sa’yo kaya ipinagtabuyan kita.

Paglabas ko, nag-sorry sa akin si friend. Hinihintay din kitang mag-sorry pero tahimik ka na, ni hindi tumitingin sa akin.

Tahimik din ang buong barkada, nakikiramdam sa susunod na mangyayari.

Tumalikod ako at umalis. Ibinalibag ko ang pinto.

Naglakad-lakad ako sa beach upang i-compose ang sarili. 

At pagkatapos, nagwala ako sa Mikko's.

Tuesday, August 13, 2013

Ang Misteryo Sa Ilog


Sabi nila, huwag na huwag daw akong gagawi sa ilog kapag ganitong kabilugan ng buwan. Dito raw nagaganap ang mga misteryong mahirap ipaliwanag. Mga kaganapang kinatatakutan, pinakaiiwasan. Na kahit makabago na ang panahon ay patuloy na pinaniniwalaan.

Subalit sa halip na matakot, umiral ang aking kuryusidad na tuklasin, lutasin ang sinasabing hiwaga. Hindi nararapat na patuloy na mabuhay sa pamahiin at kamangmangan ang mga taga-San Simon. Ako, bilang isa sa mga umalis noon at ngayo’y nagbabalik na may taglay nang karunungan, ay may tungkuling makapag-ambag, makapag-angat sa kanilang kamalayan. Mapasinungalingan ang mga maling paniniwala. Mabigyan sila ng bagong pananaw sa buhay.

Kaya ngayong gabi ng tinatawag na “supermoon” na kung saan pinakamaliwanag ang buwan at halos abot-kamay sa langit, nagtungo ako sa ilog. Nakahandang harapin ang anumang pinangingilagan, alamin ang katotohanan sa likod ng misteryong sa loob ng mahabang panahon ay walang nangahas maghanap ng kasagutan.

Ginawa ko iyon dahil na rin siguro sa kawalan ng mapaglilibangan at sa paghahanap ng lunas sa kalungkutang namamayani sa aking puso. Dahil sa kabiguan sa pag-ibig kaya nagbalik ako sa San Simon. Dahil sa pakikipaghiwalay sa akin ni Aldo kung kaya ang aking buhay ay tila nawalan ng saysay. At sa aking estado, maaari kong gawin ang kahit ano, mapanganib man at ipinagbabawal, dahil kailangan kong muling makaramdam ng kahit anong emosyon upang magawa ko ang magpatuloy.

Dinatnan kong tahimik ang ilog. Walang bakas ng anumang nakapanghihilakbot. Sa katunayan ay napakaganda nito. Nanghahalina ang mga mumunting alon na tila hibla ng mga pilak na hinahabi sa tanglaw ng buwan. At sa malinaw nitong tubig ay nasasalamin ang kutitap ng mga bituin.

Naupo ako sa isang malaking batong nakausli sa baybayin at pinagmasdan ko ang malumanay na agos. Nakadama ako ng kapayapaan sa halip na takot. Nakadama ako ng lungkot at pangungulila kay Aldo, higit lalo at nagsimulang umihip ang hangin at sa paglalagos nito sa mga puno, sa pagitan ng mga dahon, ay tila may naulinig akong himig. Malamyos na himig na bagama't walang titik ay tumatagos sa dibdib. Paanong ang hangin ay nagawang tukuyin ang pait sa aking damdamin, ang pananabik sa isang naglahong pag-ibig?

At ako'y nagsimulang umiyak habang nakatunghay sa tubig. Higit na nagtumining ang agos at ang hangin ay hindi lamang nalipos ng himig kundi pati ng hinagpis. Tila may uli-uli ng lungkot na humalukay sa aking dibdib. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa mapahagulgol. Hindi ko alam kung bakit ang mga naipong sakit ay parang bukal na biglang nag-umapaw. Hindi ko mapigil. Hindi ko maunawaan kung bakit.

Doon ko siya nakita. Sa una'y parang pagkalabusaw lamang ng tubig, pagpasag ng isang malaking isda. Subalit iyon ay nagpatuloy nang paulit-ulit mula sa malayo, gumuhit nang pabalik-balik sa kahabaan ng ilog. Hanggang sa maya-maya'y nakita kong papalapit na ito sa akin at doon ko napagtanto na ito ay hindi isda o anumang nilikha kundi tao. Nagulat ako nang bago makarating sa akin ay bigla itong umigpaw at pumaimbulog sa hangin. Napakaganda ng hubog ng katawang nalantad sa akin, halos perpekto. Isang lalaking matipuno at hubo't hubad ito.

Nang tuluyan nang makalapit sa akin ang lalaki ay natigilan ako. Napatitig ako sa kanya at napatayo. Napasalubong, halos patakbo, upang tiyakin na hindi ako pinaglalaruan ng imahinasyon ko. Nakatingin din siya sa akin, ang kalahati ng katawan ay nakalubog sa tubig.

Tinanglawan ng napakaliwanag na buwan ang kanyang mukha na sa aking banaag ay tila kumikislap, nagniningning. Ngumiti siya sa akin.

“Aldo?” Umalingawngaw ang tinig ko sa katahimikan ng gabi.

Nanuot ang kanyang mga titig. Ang mga mata'y tila batubalaning humigop sa akin. Hindi ko nagawang bumitiw, maglayo ng tingin.

“Aldo? Ikaw nga ba?” ang ulit ko, mabilis ang tahip ng dibdib. Ang paninimdim ay kaagad nahalinhan ng tuwa.

***

Alam kong namamalikmata lamang ako dahil sa isang iglap, nagbago ang kanyang anyo. Hindi na si Aldo ang nasa aking harapan kundi isang makisig na estranghero. Gayunpaman, hindi napawi ang aking tuwa. Tila higit pa itong naging masidhi habang nakatitig sa kanya.

"Bakit ka naririto?" ang tanong niya. "Hindi ka ba natatakot?"

“Natatakot?” ang aking sagot. “Bakit ako matatakot?”

“Ang ilog na ito ay kinatatakutan kapag ganitong kabilugan ng buwan.”

“Mistulang paraiso ang lugar na ito sa liwanag ng buwan. Sabihin mo nga sa akin, may dapat ba akong ikatakot?”

Hindi siya sumagot. Nanatiling nakatingin sa akin.

“Bakit ka naririto?” Muli, ang kanyang tanong.

“Dahil gusto kong tuklasin ang misteryo ng ilog,” ang sagot ko. “Gusto kong alamin kung totoo ang mga sinasabing kababalaghan. At kung hindi man, gusto ko iyong pabulaanan.”

“May iba pa bang dahilan?”

“Malungkot ako,” ang aking pag-amin. “Mayroon akong pinangungulilahan. Isang naglahong pag-ibig. Isang masakit na nakaraan.”

“Si Aldo?”

Tumango ako.

Patlang. Maya-maya ay dahan-dahan siyang umahon. Muli kong nasilayan ang kanyang kahubdan at mataman ko iyong pinagmasdan. Hindi ako tuminag hanggang sa siya ay makalapit sa aking kinaroroonan. Humimpil siya sa aking harapan, halos isang dangkal lang ang aming pagitan. Nalanghap ko ang maskulinong halimuyak ng kanyang katawan.

Patuloy na namagitan sa amin ang katahimikan.

“Ano ang pangalan mo?” ang basag niya rito pagkaraan.

“Ako si Dino,” ang sagot ko.

“Ako si Rio.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Ako ang misteryo ng ilog.”

Napakunot-noo ako.

“Ako rin si Aldo... kung gugustuhin mo.”

Lalo akong naguluhan. “Hindi ko maintindihan...”

“Maaari mo akong tuklasin. Alamin kung totoo. At maaari mo rin akong damhin upang maibsan ang pangungulila mo.”

Dinala niya ang kamay ko sa kanyang dibdib. Nadama ko ang pintig ng kanyang puso. Nasalat ko ang pintog ng kanyang masel. Tila may init na nagpakislot sa aking mga ugat sa paglalapat ng palad ko sa kanyang balat.

Bago pa ako nakahuma, ako ay kanyang hinagkan. At niyakap. Ang init na dumaloy sa aking katawan ay parang lagnat na nanuot sa aking kaloob-looban at nagpahina sa aking pakiramdam.

Bago ko pa namalayan, napagtagumpayan niya na akong hubaran. Naglakbay ang kanyang mga halik at haplos sa aking kabuuan. Para akong yagit na nagpatangay sa agos, nagpatianod at nagpaubaya sa kanyang pagsiklot-siklot.

Tinalik niya ako at huminto ang mga sandali. Nahibang ako at nakalimot.

Nang siya ay dagliang magbitiw, napasinghap ako. Tumalikod siya at dahan-dahang lumayo. Lukob ng pagnanasang hindi mapawi, sinundan ko siya ng tingin at nang magawa kong magsalita, halos magmakaawa ako.

“Huwag. Huwag kang umalis. Huwag mo akong iwan.”

Sa gilid ng dalampasigan kung saan nagtatagpo ang lupa at tubig, siya ay tumigil. Nang humarap siya sa akin, muli kong nasilayan si Aldo. Inilahad niya ang kanyang kamay. 

“Halika, Dino. Sumama ka sa akin.”

Lumapit ako nang walang pag-aatubili. Inabot ko ang kanyang kamay at hinayaan kong dalhin niya ako sa ilog.