Friday, June 28, 2013

San Marino Summer 10


Nagsimulang umusad ang bus palabas ng terminal. Kinawayan ni Adrian ang mga kaanak na naghatid sa kanya, lalo na ang kanyang Tiya Dolores. Nakikaway na rin si Dave na nakaupo sa tabi niya. Ilang sandali pa ay nasa highway na sila at pinapanood ang unti-unting paglalaho ng stretch ng beach mula sa bintana.

Mixed ang kanilang feelings – masayang-malungkot – dahil ang San Marino ay naghatid sa kanila ng mga di-inaasahan at di-malilimutang karanasan.

Nang mawala sa view ang dagat at mapalitan iyon ng mga puno ng niyog, lumipat ang tingin ni Dave kay Adrian at siya naman ang mataman nitong pinagmasdan.

Napansin iyon ni Adrian. “Why are you looking at me like that?”

Tila higit na nanuot ang tingin ni Dave.

“I was thinking...”

 “What?”

“Bakit hindi natin totohanin?”

“Ang alin?”

“Ang pagiging... mag-boyfriend.”

Gulat si Adrian, hindi nakasagot. Napatitig siya kay Dave.

Seryoso si Dave nang muling magsalita. “Aaminin ko, noong papunta pa lamang tayo dito, attracted na ako sa’yo. Tinimpi ko lamang iyon dahil ayon nga sa kuwento mo, kaka-break n’yo lang ng boyfriend mo. But I can’t help it lalo na nang magkasama tayo sa Long Beach. Nasabi ko sa sarili ko: This is it. I finally found the person I want to share my life with. Kaya noong kasal ng Tiya mo, our last day in San Marino, I decided to go. I had to claim you for myself at nagkataon ngang natagpuan kita sa isang sitwasyong kailangan mo ng rescue, na magpapatunay na iniwan ka man ni Gerard, may nakahandang magmahal sa’yo. Mahal kita, Adrian. Will you be my boyfriend?”

Napangiti si Adrian. “Are you proposing?”

“Yes. Are you accepting?”

“Pwede ko ba munang pag-isipan?”

Gumuhit ang disappointment sa mukha ni Dave.

Natawa si Adrian. “No, just kidding. The feeling is mutual. Yes, I want us to be boyfriends.”

Nagliwanag ang mukha ni Dave at kaagad na ginagap ang kanyang kamay. “So, simula ngayon, tayo na?”

“Yes. You and me. Boyfriends.”

Napatitig sila sa isa’t isa, walang pagsidlan ng tuwa.

“I love you.”

“I love you, too.”

Kung wala lang sila sa bus, they would have embraced and kissed.

5 comments:

Rygel said...

buti naman happy ending :D

Dominique said...

Hi Aris. Isa ako sa mga silent reader mo. Hindi ko lang matiis na hindi mag-comment kasi nagustuhan ko ang kuwento mo. Salamat. More power.

Aris said...

@rygel: sabi nga ni ryzza mae: bawal ang sad, dapat happy. :)

@dominique: masaya ako na nagustuhan mo. salamat sa pagbabasa at sa comment. :)

amador1969 said...

whewwwww... fantastic love affair! well done Aris...

Aris said...

@amador1969: thanks, amador. :)