Friday, October 31, 2014

Halik Ng Bampira

Puno ang club, marahil dahil marami ang nais magkanlong mula sa panganib sa labas. Dito, sa ingay ng musika at kislap ng mga ilaw, safe ang iyong pakiramdam at malilimutan mo ang takot.

Dito maaari ka ring makatagpo ng “aaswangin” o kaya ay “aaswang” sa’yo upang makumpleto ang pagdiriwang ng Halloween.

Nasa ledge ako at hindi lang nakikipagsayaw kundi “nakikipag-aswangan” sa isang bagets nang mapatingala ako sa mezzanine. Doon, muli ko siyang nakita. Si “Edward”, nakatunghay sa akin. Pormal ang mukha at hindi ko alam kung epekto lang ng laser lights pero nanlilisik ang kanyang mga mata. May kilabot akong nadama. Good-looking siya pero tila may nakakatakot din sa itsura niya.

Na-distract ako nang magpaalam ang bagets na kasayaw ko. Magsi-CR lang daw siya. Hinalikan muna ako bago umalis. At nang muli kong tingalain si “Edward”, wala na ito sa kinaroroonan niya.

***

Nabulabog ang club nang magkaroon ng komosyon sa itaas. Saglit na itinigil ang music. May mga nagtakbuhan paakyat upang maki-usyuso, kabilang na ako.

Nagkatulakan patungo sa CR na kung saan naroroon ang kaguluhan.

At ako ay nasindak. Naroroon sa sahig, nakahandusay ang bagets na kasayaw ko. Isa nang malamig na bangkay!

***

Tila naging ghost town ang dalawang kalyeng iyon na nag-i-intersect sa labas. Kung dati-rati ay pinamumugaran iyon ng mga bading, ngayon ay abandonado na. Marahil kumalat na ang balita tungkol sa pinakabagong biktima kung kaya marami na ang nag-uwian dahil sa takot.

At dahil din doon kung kaya lumabas ako ng club. Hindi rin safe maging sa loob kaya ipinagpasya kong umuwi na lamang, nagsisisi kung bakit naisipan ko pang dumalo sa Black Party.

Binagtas ko ang deserted na kalye. Sarado na ang streetside bar nang madaanan ko at nakapatay na ang mga ilaw.

Umihip ang malamig na hangin at nanginig ako. Binilisan ko ang lakad, tila nakikipag-unahan sa mabilis ding tibok ng aking puso.

May narinig akong mga yabag sa likuran ko. Naramdaman kong may kasunod ako.

Lumingon ako.

Naroroon sa likod ko, nagmamadali rin ang mga hakbang, si “Edward”. Hindi ko alam kung bakit bigla akong sinaklot ng takot. Napatakbo ako.

Tumakbo rin siya, habol ako.

At bago pa ako tuluyang nakalayo, nadakma na niya ako sa braso. Hinila niya ako at kaagad na tinakpan ang bibig ko. Tinangka ko ang magpumiglas at manlaban subalit napakalakas niya.

Kinaladkad niya ako sa isang madilim na sulok.

At doon naramdaman ko ang pagbaon ng mga pangil niya sa leeg ko. Nanghina ako, sabay sa paglukob sa akin ng maluwalhating pakiramdam habang sinisipsip niya ang dugo ko. Napakamaluwalhati niyon na parang tinatalik ako.

Nagka-erection ako at maya-maya pa, naramdaman ko, papasapit na ako sa kasukdulan.

Nag-orgasm ako sabay sa pagdidilim ng aking paningin at tuluyang pagtakas ng ulirat.

====

Dinala ako ng aking mga paa sa isang liblib na lugar sa dulo ng Metro Manila. Natagpuan ko ang aking sarili sa harap ng isang lumang bahay-Kastila. Pamilyar sa akin ang bahay. Marahil na-feature na iyon sa Halloween Special ng “Magandang Gabi, Bayan” at napanood ko kaya ganoon. Subalit hindi lang familiarity ang aking naramdaman kundi affiliation, na para bang nanirahan na ako roon sa matagal na panahon.

Bahagya pa akong nagulat nang kusang bumukas ang kalawanging gate. Nakangingilo ang ingit ng mga bisagrang nangangailangan ng langis subalit hindi ko iyon pinansin.

Humakbang ako papasok sa bakuran. Sinalubong ako ng hihip ng hangin na nagpaulan at nagpaalimbukay sa mga tuyong dahon mula sa matandang balete na nakatanghod sa lakaran. Sinalubong din ako ng nagliliparan, naghuhunihang mga paniki.

Pagtapat ko sa pinto ng bahay, kaagad din itong bumukas. Madilim sa loob subalit kita ko ang lahat. Maalikabok na bulwagan, mga lumang kasangkapan na inaagiw at inaanay, mga kandelabrang basag, paikot na hagdan, mga librong magulo ang pagkakasalansan.

Nalanghap ko ang halimuyak ng rosas at kandila. Kaagad kong sinundan ang pinanggagalingan niyon. Umakyat ako sa ikalawang palapag, binaybay ko ang mahabang pasilyo at doon sa dulong kuwarto na kung saan may naglalagos na liwanag sa siwang ng pinto, natukoy ko na naroroon ang aking pakay.

Dahan-dahan kong itinulak ang pinto at tumambad sa akin ang kabuuan ng silid na pinaliliguan ng liwanag mula sa mga kandila na kung saan-saan nakatirik -- sa sahig, sa ulunan ng kama, sa mga muwebles. Nagkalat din ang mga talulot ng pulang rosas na parang basta na lang isinabog. At sa gitna ng silid, naroroon nakatayo, nakatalikod ang hubog ng isang matangkad at makisig na lalaki na nang ako ay lumapit ay pumihit at humarap sa akin.

Hindi pagkagulat kundi pagkamangha ang lumukob sa akin dahil sa tanglaw ng mga kandila ay tila higit na nagningning at naging luminous ang kanyang maputla at maputing kutis, higit na nagpatingkad sa mapang-akit niyang mukha na pamilyar na sa akin.

"Edward...?" ang tawag ko, halos pabulong.

Ang pormal na ekspresyon ng kanyang mukha ay nahalinhan ng ngiti na nauwi sa maiksing tawa.

"Mas gugustuhin kong tawagin mo akong Lestat kaysa Edward," ang wika niya, may lamyos ang mababang tinig na naghatid ng kilabot at kiliti sa akin. "Subalit hindi iyon ang aking pangalan. Ako si Regidor at kanina pa kita hinihintay. Maligayang pagdating sa iyong bagong tahanan, Carlito."

"Bagong tahanan?" ang tanong ko.

"Mula ngayon, dito ka na maninirahan. Dahil ikaw ang itinakda at sasailalim ka sa proseso ng pagbabago sa pamamagitan ko."

"Itinakda? Proseso ng pagbabago?" Kumunot ang aking noo.

"Halika, maupo ka," ang muwestra ni Regidor sa kama. "Ipaliliwanag ko sa'yo."

Tahimik akong tumalima. Naupo rin siya sa kama, sa tabi ko. At ako ay nagulat nang itulak niya ako pahiga. Subalit hindi ako tumutol nang pumaibabaw siya sa akin, marahil dahil sakop ako ng kanyang kapangyarihan o dahil gusto ko rin at sakop ako ng pananabik.

Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at nagtama ang aming mga mata. Napatitig ako sa kanyang pupils na kakaiba ang anyo at hugis, parang sa pusa. At sa halip na berde, dilaw o asul, kulay pula ang mga iyon.

Nalanghap ko rin ang kanyang likas na bango. Nakalalasing, nakalalango, parang drogang nagpa-high sa akin.

"Ipagpatawad mo," ang sabi ni Regidor, hindi naglalayo ang mga mata sa akin. "Hindi ko mapigil ang aking pagnanasa. Napakaguwapo mo."

Dumako ang kanyang kamay sa mga butones ng aking damit. Isa-isa niya itong pinigtal. "Hindi nababagay sa'yo ang iyong suot."

At saka lang ako naging aware na naka-hospital gown ako. Mahaba, shapeless, parang daster. At wala akong underwear!

Hindi naging mahirap para kay Regidor na iyon ay pilasin at nang ako ay lubusang mahubaran, lumuhod siya sa aking paanan at hinagod ng tingin ang aking kabuuan. Nakahiga ako sa kama na tila nakahain, wala ni anumang pagtatakip. Hinayaan kong mabuyangyang ang aking katawan nang buong-ningning. Proud ako sa aking katawan, sa resulta ng aking pagdyi-gym. At proud din ako sa sentro ng aking pagkalalaki na ang sukat ay tumutugma, tumutumbas sa laki ng aking mga masel.

Hinaplos niya ang aking balat, sinalat ang bawat contour ng aking kahubdan. Nag-linger ang kanyang kamay sa depinisyon ng aking kasarian na unti-unting bumalikwas, nanigas at umigkas. Kinulob niya iyon sa kanyang palad at dinama ang pintig at pitlag ng mga ugat. Kaagad din siyang bumitiw at nagsimulang maghubad.

Nalantad sa akin ang kanyang katawan na hindi man maskulado, firm at lean ang kalamnan, parang swimmer's bod. Malapad ang kanyang balikat at makipot ang baywang, walang kataba-taba at flat ang tiyan. Maputi at maputla ang balat.

Malugod ko siyang tinanggap nang muling kumubabaw sa akin. Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya. Saka ko lang nadama na napakainit niya, parang may lagnat.

"Akala ko, may ipaliliwanag ka sa akin," ang pakli ko.

"Hayaan mo munang angkinin kita. Hindi ko na mapigil, baka magliyab ako sa init," ang sagot niya.

"Muli mo ba akong sisipsipin?"

"Oo. Subalit hindi na dugo mo ang aking iinumin."

"Bakit?"

"Dahil bampira ka na rin. At ang magaganap sa atin ay pagsasalin, pagpapalit. Bahagi ng prosesong aking binanggit."

Magtatanong pa sana ako subalit pinatahimik na ako ng kanyang mga halik. At dahil heightened ang aking senses, parang kuryenteng gumapang sa akin ang bawat dampi at hagod ng kanyang labi at dila. Nanuot ang kiliti at luwalhati sa bawat ugat, nerve at himaymay ng aking katawan, tumagos sa balat, buto at laman. At nang ako ay kanyang kubkubin, para akong iniangat, inilutang, idinuyan ng kanyang panginginain. Makapangyarihan ang kanyang pagsipsip at parang agos ng tubig nang ako ay pumulandit, halos hindi maampat na kanyang sinaid hanggang sa huling patak.

-- Excerpts from my unfinished Black Party series.

Tuesday, October 28, 2014

Orosa-Nakpil

Ang kantong iyon ng nagku-krus na daan ay abandonado na. Nilisan na ng mga yapak ng mga naghahanap, nagtatagpo, nagsasaya. Ang mga gusali roon ay tahimik na, naglaho na ang mga musika at halakhak ng mga nagsisiindak. Maliban sa mangilan-ngilang bar na ang mga ilaw ay aandap-andap, naglalamay, naghihintay sa muling pagbabalik ng mga kaluluwa. Malamig ang hangin at wala na ang init ng mga pagnanasa. Ang hihip ay lipos ng mga alaala. Mga alaalang nagmumulto sa sandali ng pag-iisa at pagkawala sa masalimuot na paghahanap ng ligaya.

Tuesday, October 21, 2014

The Ugly Duckling

Gusto ko siyang intindihin. Dahil nang makilala ko siya, hindi siya “maganda”. Maitim, ma-pimples, mataba. 

Minsan daw nakipag-EB siya. Namuti na ang mga mata niya, hindi dumating ang ka-EB niya. Duda niya, naispatan na siya mula sa malayo at hindi mineet dahil hindi nagustuhan ang itsura niya. Hindi pa siya nadala. Nakipagkita siyang muli sa isang guwapong nakilala niya sa G4M. Hindi siya pinagtaguan subalit prangka siyang sinabihan na hindi siya type, na iba pala ang itsura niya sa personal at inakusahan pa siyang poser. Hurt na hurt siya noon dahil nagpagupit pa siya at bago ang damit niya. Pinaniwalaan niya tuloy na pangit talaga siya at wala nang pag-asa.

Noong mga panahong iyon na mababa ang tingin niya sa sarili, nagkakilala kami at naging friends. Naging bukas siya sa pagkukuwento ng mga karanasan at insecurities niya (kagaya ng mga nabanggit ko na) at ako’y naawa. Tinulungan ko siyang mag-transform dahil may nakita akong potensyal sa kanya at gusto ko ring magkaroon siya ng sweet revenge sa mga umapi sa kanya. Una’y nag-share muna ako sa kanya ng beauty tips -- tamang paglilinis at pag-aalaga ng skin, tamang pagko-conceal ng blemishes at pagfo-funda na hindi halata. Gayundin ang pag-aayos ng buhok na bagay sa hugis ng kanyang mukha. Sinamahan ko siyang maghanap ng mga damit -- iyong magmumukha siyang tall and slim. Isang gabing lumabas kami upang gumimik, napansin ko kaagad ang difference. It was very encouraging at siya ay tuluyan ko nang prinoject. Dinala ko siya sa aking derma hindi lamang upang maremedyuhan ang kanyang pimples kundi upang kumonsulta na rin tungkol sa skin whitening. Isinama ko siya sa gym at ipinakilala sa aking trainor. Binigyan siya ng programa at diet. To his credit, naging matiyaga naman siya at masigasig. Every two weeks siyang bumisita sa derma at four times a week siyang nagreport sa gym.

At hindi nga nagtagal, makalipas ang tatlong buwan, ayun na, kitang-kita na ang dramatic change. Kuminis na siya at pumuti. At pumayat na. At dahil nagkaroon na ng definition ang katawan niya, totally naiba na ang kanyang tindig. Naiba na rin ang kanyang wardrobe na karamiha’y body fit dahil siguro nais niyang i-show off ang kanyang bagong hugis. Hanggang kinalaunan, napansin ko na kapag kami’y gumigimik, ang dali niya nang kumonek. Ang dami na sa kanyang pumapansin at may mga pagkakataong nararamdaman ko na mas pinapansin na siya kaysa sa akin. Okay lang dahil natutuwa ako na makita ang kanyang metamorphosis and I take pride sa kanyang success.

Ang hindi ko lang ma-take ay ang ginawa niya sa akin na hindi ko inexpect. Inagaw niya ang aking boyfriend!

Summer noon at nagpunta kami sa beach -- buong barkada, kasama siya at ang aking boyfriend. Sa gitna ng aming pagpapakalasing, nahuli ko sila na may ginagawang kataksilan sa akin. They were kissing sa madilim na sulok ng cottage. I confronted them, pareho silang nagpaliwanag at nag-sorry but after that, things were never the same.

The ugly duckling has turned into a swan and what the heck, he’s going to enjoy the pond!

Gusto ko siyang intindihin. Na-overwhelm lang siguro siya ng mga biglaang pagbabago sa sarili niya at nakalimot sa mga bagay na off limits. Subalit masakit na ako ay tuluyan nang iniwan ng boyfriend at sa kanya ay ipinagpalit. Ang pakiramdam ko ngayon, ako na ang pangit.        

Friday, October 17, 2014

Homeless

Nang magkita tayo, nanumbalik ang nakaraan nating pilit kong nililimot. At nang magyakap tayo, muli kong nadama ang ginhawang dulot ng isang tahanan. Ayoko na sanang bumitiw subalit nabasa ko sa iyong mga mata ang pagtutol – ako’y isang bisita na lamang na saglit mong pinatuloy. Wala na akong puwang sa iyong silid dahil may iba nang naninirahan doon. Magpapatuloy na lamang ako sa paglaboy-laboy.

Tuesday, October 14, 2014

Drink | Dance | Drama

Nitong Sabado, napagplanuhan namin nina Allen at Axel na mag-O. Nagkita muna kami ni Axel sa Shangri-La at sabay na kaming pumunta. Dumating si Allen na may kasamang dalawa pa – sina Elmer at Lee – na first time kong ma-meet. Na-take note ko kaagad na pareho silang may itsura. Uminom muna kami sa Jay-j’s. Maya-maya pa’y dumating ang dalawa pa naming friends – sina Kristoff at Argel. Pito na kaming lahat at habang nalalasing, patuloy ang kuwentuhan at biruan namin. Napansin ko na sina Elmer at Lee ay palaging tawang-tawa sa jokes ko. Bumulong ako kay Allen: “I like your friends.” “Define ‘like’,” ang sagot niya. “Like, as in gusto ko rin silang maging friends.” “Etchosera.” Ayaw maniwala. Ok, fine, ine-etchos ko siya. Dahil ang totoo, ipinapakilala pa lang niya ako sa dalawa, crush ko na silang pareho. Haha! “Parehong single ‘yan,” ang sabi ni Allen. “Mamili ka na. Sino ba sa dalawa?” Sa halip na sumagot ay pinagtakpan ko na lamang ng tawa ang tanong niya.

Later on, naging madali sa akin ang pumili. Nasilip ko kasi si Elmer na nagbukas ng Grindr sa kanyang phone. Ay, ayoko na sa kanya. Maraming kakumpetensya. Haha! Kaya nag-focus ako kay Lee. Chinika-chika ko. Saan ka nagwo-work? Ilang taon ka na? Etc. Sagot naman siya ng sagot, nakangiti pa. At kinalauna’y nagkukuwento na. At habang nag-uusap kami, saka ko lang na-place kung bakit magaan ang loob ko sa kanya. May hawig ang features niya – ilong, mata, bibig – sa ex ko noong college. Needless to say, lalong nadagdagan ang attraction ko sa kanya.

Bandang ala-una, napagpasyahan na naming pumunta sa O. Lasing na kaming lahat, lalo na ako. Dahil ewan ko naman, masyado akong nalibang at siguro’y dahil ang tagal ko ring hindi lumabas at masyado akong nasabik sa beer kaya hindi ako nagbilang ng bote. Ako yata ang pinakamaraming nainom. Pero okay pa naman ako, nakakalakad pa rin ng diretso. Iyon nga lang inalalayan ako ni Allen dahil alam niya – kilala niya ako – na sa gayong mga pagkakataon kailangan ko ng tulong. At ang ikinagulat ko, aba, nakialalay din si Lee. Hmmm, additional pogi points for him! Hehe! Itong si Allen, masyadong perceptive dahil napansin niya iyon. At masyado ring playful. Ang ginawa, bumitiw sa akin at hinayaan si Lee na mag-isang umalalay sa akin. Ngiting-ngiti si Allen – at napansin kong gayon din si Axel – habang pinagmamasdan kaming naglalakad ni Lee nang magkaakbay.

Pagkapasok sa O, pagkaraang mangalahati ako sa Red Horse na iniabot sa akin ni Axel, doon ko na naramdaman ang extent ng kalasingan ko. Nasusuka ako. Sinabi ko kay Allen. Kaagad niya akong sinamahan sa restroom. Nag-unload ako sa cubicle and I felt better. Nabawasan ang hilo ko at umayos ang pakiramdam ko. Back to normal. Ipinagpatuloy ko ang pag-inom and we hit the dancefloor. Kaming pito, nagsayaw kami nang nagsayaw. Nag-partner kami ni Lee at makailang-ulit na na-tempt akong siya ay halikan or at least maging forward at ipakita sa kanya ang aking interes. Pero, ewan ko ba, sa kabila ng epekto ng alak ay parang hindi ko iyon magawa. Nahihiya ako na nag-aalangan. Baka magulat. Kulang na yata talaga ako sa practice dahil unsure ako sa susunod na gagawin. Naisip ko rin, this has to be different. If I intend to connect with him, kailangan may respeto. Hindi ko siya dapat biglain dahil baka isipin niya, ang presko ko. Ayaw ko ring isipin niya na player ako dahil matagal na akong gumradweyt doon. And so, nagpatuloy kami nang ganoon. Pakiramdaman lang. Pangiti-ngiti kami pareho at pabulong-bulong upang makalikha ng conversation. Kinalaunan, napansin ko, we’re not getting anywhere. Inisip ko na hanggang ganoon na lang ba kami buong gabi? Si Allen na nasa di-kalayuan at  kanina pa pala kami pinagmamasdan ay lumapit sa akin at nagyayang mag-CR. May sasabihin daw siya sa akin.

“What happened to you? Nawala na ba ang angas mo?” ang sabi niya kaagad sa akin. Hindi kami sa CR tumuloy kundi sa labas. Nagsindi ako ng sigarilyo. “Natotorpe ka ba kay Lee?” ang dugtong pa niya. “Hindi naman,” ang sagot ko. “Then why? Kanina pa kayo nagsasayaw, walang nangyayari.” “Tinatantya ko pa kasi. Baka mabigla.” “Hindi ‘yun mabibigla. Hindi na inosente ‘yun sa mga ganito.” Humithit at bumuga ako ng usok sa sigarilyo ko. Kung nagtataka si Allen, ako rin nagtataka sa sarili ko. Hindi ako dating ganito. Dati, hindi na ako nag-iisip. Go lang nang go. Bakit ngayo’y…? I tried to explain myself kay Allen. “Alam mo naman, tapos na ako sa mga kalandian. Nagbago na ako, friend. Iniisip ko kasi, kung gusto kong magkaroon ng seryosong relasyon, kailangan maging seryoso na rin ako sa mga ways ko. Madaling maghanap ng sex. Madaling makipaghalikan sa kung sino-sino. Pero di na talaga iyon ang gusto ko.” “I know,” ang sagot ni Allen. “Kaya lang, friend, kung ganyang sobrang bagal mo, baka isipin ni Lee, hindi ka interesado. Ewan ko ha. Walang masama sa sinasabi mo. In fact, I agree with you na panahon na talaga para ikaw ay magseryoso.  Kaya lang, sayang naman kung hindi ka magiging maagap. Mahalaga ang timing, you know. Obvious naman na okay ka kay Lee. Ano pa ba ang hinihintay mo? At least you have to assure him na okay rin siya sa’yo, na interesado ka. Don’t bore him waiting for your next move.”

Kahit parang usapang lasing – pareho kaming lumalaklak ng beer – alam kong nagkakaintindihan kami ni Allen. Gets ko ang kanyang point kaya sabay sa pag-ubos ko sa sigarilyo at beer, nakabuo ako ng resolve na sige, I have to be my old self again – ‘yung go-getter, mapangahas at hindi mahiyain. Kailangan eh.

Muli kaming pumasok ni Allen sa loob. Nang sumulyap ako sa kanya, ang ekspresyon sa kanyang mukha ay nagsasabing: “Ano pa ang hinihintay mo? Kumilos ka na.” Nginitian ko siya to assure him na exactly ‘yun ang aking gagawin. Inihakbang ko ang aking mga paa, papalapit sa kung saan iniwan namin si Lee. Punumpuno ako ng confidence. Tiyak na tiyak ang gagawin. Nanumbalik sa akin ang feeling noong mga panahong walang-wala akong reservations pagdating sa mga ganitong bagay, iyong mga panahong sobrang harot ko sa Bed. Hinanap ko si Lee sa siksikan ng mga nagsisisayaw, expecting him to be there… waiting for me. Noong una, akala ko, namamalikmata lang ako nang mamataan ko siya. Inakala kong hindi siya iyon. Na kasingkatawan lang niya at kapareho ng damit. Nakatalikod sa akin subalit hindi nag-iisa. May kasayaw nang iba. Napahinto ako sa paglapit at sinaklot ng hindi maipaliwanag na damdamin – magkakahalong gulat, disappointment, selos, lungkot, inis at kung anu-ano pang emosyon na tila nagpamanhid sa akin.

Walang anu-ano’y nakita kong naghahalikan na sila ng kanyang kasayaw.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig, sabay sa pagguho ng confidence ko at pag-set in ng pagkabigo. Para akong ipinako sa aking pagkakatayo. Nakabibingi ang malakas na music at ang mga drag queens na nagpe-perform sa stage ay tila nanunudyo, nang-iinis.

Naramdaman kong  muli ang epekto ng mga nainom ko. Nahihilo ako, nanghihina at parang lumulutang sa hangin. I was trying to steady myself nang maramdaman ko ang akbay ni Axel. Hindi man siya magsalita alam kong alam niya what's going on. Kanina pa siya nakamasid at kagaya ni Allen, perceptive siya sa mga pagkakataong gaya nito. Kailangan kong umalis at lumayo. Alam ni Axel na kailangan ko siya upang ako ay makakilos.

Pagpihit namin ay naroroon si Allen, nakatingin sa akin. Sa mga mata’y nakita ko ang higit na pakikisimpatiya kaysa paninisi. Umiling-iling siya at pagkatapos ay umakbay din sa akin.

Malamig ang hanging sumalubong sa amin paglabas namin ng O. Naroroon sina Kristoff at Argel, maging si Elmer, na tila naghihintay sa amin.

Friday, October 10, 2014

Musa


Ang dampi ng hangin sa aking mukha ay halik ng iyong pamamaalam, pilit ipinadarama sa huling sandali ang pag-ibig na binalewala at ngayo’y hinahanap-hanap, sadyang itinakwil ng maling akala na ang “I love you” mo ay walang ibig sabihin at nais lamang na ako’y pukawin upang makapagsatitik. 

Ang dampi ng ulan sa aking katawan ay haplos ng pangungulila, parang malamig na yakap ng iyong pag-alis na nais ipadama upang muli ako ay makapaghabi ng mga salita tungkol sa pait at lungkot ng pag-iisa.  

Wednesday, October 8, 2014

Glasses

A Guest Post

Blag! Isang malakas na kalabog ang narinig sa hallway.

“Are you alright?” ang tanong ng lalaki sa likuran ko na dali-daling tumulong sa akin upang makatayo.

“Vince, ano’ng nangyari sa’yo?” ang tanong ni Greg na eksakto namang papalabas ng elevator. Pinulot niya ang sumabog na mga papel sabay turo sa isang bagay na tumilapon din dahil sa pagkakadulas ko.

“Hala, ang salamin ko.” Kaagad ko iyong pinulot at isinuot.

“Hindi ka kasi nag-iingat.” Si Greg uli.

“May pagka-lampa kasi talaga ako,” ang sagot ko.
  
“Naku, tingnan mo ang nangyari sa salamin mo,” ang sabi pa niya. “Nagkalamat sa frame.”

Sinalat ko iyon. “Naku, oo nga. Bad trip!”

Nagprisinta si Greg na siya nang bumuhat sa mga dala ko.

It’s been almost two years nang mag-work ako after I graduated and decided to live on my own. Noong una ayaw pumayag ni Mommy dahil only child ako. But later on, sa kakukulit ko, napapayag ko rin. Spoiled daw kasi ako at immature pa, but I wanted to prove myself. Naging malapit ako kay Greg, siguro dahil magkatabi kami ng desk at dala na rin ng kakulitan ko at pagiging makuwento, instantly ay nagkaroon ako ng bestfriend at kuya na rin sa katauhan niya.

Breaktime. As usual, kanya-kanyang puwesto sa lounge ang mga kaopisina ko at nag-uumpisa nang maghalo-halo ang amoy ng iba’t ibang klase ng kape. Nagpaiwan ako sa desk ko at pinagmasdan ang salamin ko. Hindi nagtagal, nanariwa na naman sa aking isipan ang mga pangyayari sa aking buhay kailan lang.

“You said you love me. Na hindi mo ako iiwan. Bakit ngayo’y…” Namumugto na ang mga mata ko sa kaiiyak. “Brent, please answer me…,” hawak ko nang mahigpit ang strap ng nakasukbit niyang bag.

“I’m really sorry, I thought we could be forever but sadly, we cannot.” 

Wala akong nagawa kundi ang bumitiw.

It was in college nang magkakilala kami ni Brent. Sa campus gazette. Part ako ng editorial team at siya naman, sa layout department. We became friends kahit magkaiba kami. I’m quite outgoing, he’s not. I’m into arts at siya naman, sports. We’re different pero nag-click pa rin kami. We kept our friendship going until after graduation when we officially became boyfriends.

“A penny for your thoughts?” Nagulat ako sa tinig ni Greg. Nabitawan ko ang salamin na bumagsak sa mesa at tuluyang nadisgrasya.

 “Oh no!” ang sabi ko habang dinadampot ang naputol na bahagi ng frame. Kaagad niya itong kinuha sa akin.

“’Yan na nga ba ang sinasabi ko. Wait here, I’ll try to fix this.” Saglit siyang umalis.

After a few minutes bumalik si Greg at naremedyuhan naman niya ang salamin sa pamamagitan ng scotch tape.

The day went on na parang lumulutang ako at wala sa sarili.

After work sabay kami ni Greg na bumaba at nagtungo sa lobby. Tahimik pa rin ako. Nandoon na si Paul nakatayo sa may reception.

“Kanina ka pa ba?” tanong ni Greg.

“Hindi naman masyado,” ang sagot ni Paul. Napatingin siya sa akin sabay tanong: “O, Vince, anong nangyari sa salamin mo?”

“Nagmamadali kanina kaya nadulas.” Si Greg ang sumagot.

“Mag-ingat ka sa susunod…” ang sabi ni Paul.

“Opo,” ang tangi kong naisagot.

Inakbayan ako ni Paul. “Good.”

Naglakad na kami papuntang sakayan. Nasa gitna ako nina Greg at Paul na parehong protective na nakaakbay sa akin.

Nakatira ako sa dorm na kalapit ng dorm nina Greg at Paul. Dahil na rin sa kakulitan ko ay palagi akong nanggugulo sa kanila kapag weekend at kapag sobrang bored ako. Kilala na rin ako ng ibang boarders doon. Lalo akong naging malapit sa kanila nang minsan hindi sinasadya ay tuluy-tuloy akong pumasok sa kanilang kwarto at naabutan kong naghahalikan sila. Akala ko ay magagalit sila pero natawa lang. Hindi na nila kinailangang magpaliwanag dahil alam ko na at naiintindihan na may namamagitan sa kanila. At dahil doon, nagbahagi na rin ako ng tungkol sa akin – na ako ay nasa ganoon ding pakikipagrelasyon. Naging sympathetic sila sa pakikinig sa aking kuwento. At hindi nagtagal, nagkukulitan na kami. Noong una akala ko suplado at seryoso si Paul pero parang bata rin pala kung makipagkulitan.

Hindi lingid kina Greg at Paul ang naging kumplikado kong relasyon kay Brent. Madalas kaming  magtalo at mag-away noon. Napagbubuhatan niya pa ako ng kamay. Kahit alam kong nanlalamig na siya sa akin, patuloy pa rin akong nag-effort upang kami ay magkaayos. But it was all for naught.

“Saan mo gustong  kumain?” ang tanong ni Greg.

“Libre mo ako? Salamat…” Alam ko na ayaw nila akong nakikitang malungkot kaya pilit pa rin akong nagpapakakalog.

“Doon na lang sa karinderyang malapit sa’tin,” ang sabi ni Paul.

“Ang kuripot naman…”

Tumuloy nga kami sa karienderya at naglibre si Greg.

“Paul, di ba may kaibigan kang Optometrist?” ang tanong ni Greg.

“Ah, oo, si Jeoff , may clinic siya sa Quiapo. Maybe we should pay him a visit to have your glasses fixed, Vince.”

“How about this weekend? Sa Sabado.”

Saturday came at maaga akong gumising. Nagmadali akong nag-ayos at pumunta sa dorm nina Greg at Paul. Nadatnan ko si Aling Josie, ang kanilang landlady, na nagwawalis sa bakuran.

“Good morning po,” ang bati ko, nakangiti.

“Good morning din iho. Maaga ka yata.”

“Mangugulo lang po dun sa dalawa…” sagot ko sabay tawa.

“Natutulog pa yata sila. Pero sige, umakyat ka na”

Dali-dali akong pumasok at umakyat sa second floor. Magkakasunod na katok sa pinto ang ginawa ko. May narinig akong biglang kumalabog (baka may nahulog sa kama). Ilang saglit pa at bumukas ang pinto. Laking gulat ko nang makita si Paul na pupungas-pungas pa at tanging boxers lang ang suot. Hindi na ako nakapagsalita dahil bigla niya akong hinatak sa loob. Kiniliti niya ako nang kiniliti hanggang sa magpagulong-gulong kami sa kama. Tawa kami nang tawa. Maya-maya nakita ko si Greg na papalabas ng CR. Humingi ako ng tulong pero lumapit siya at kiniliti rin ako. Ang lalakas ng tawa namin. At dahil weekend, wala masyadong tao sa dorm kaya walang magrereklamo sa ingay namin. Nang matigilan, sumenyas sa akin si Paul at si Greg naman ang kiniliti namin. Halos mahubaran siya sa kagugulong at katatawa. Nang tumigil na kami, agad siyang niyakap ni Paul. At habang pinagmamasdan sila, naalala ko si Brent at ako ay nalungkot. Napansin yun ni Greg kaya lumapit siya sa kinauupuan ko at niyakap ako. Lumapit din si Paul at ginulo ang buhok ko.

“Don’t be sad. Nandito naman kami ni Greg.”

Ngumiti na lang ako at sabay silang niyakap, grateful sa kanilang friendship.

“Vince, I’m sorry. Si Greg na lang ang sasama sa’yo kasi nagkaroon ako ng biglaang lakad.”

“Ok lang basta akin na lang ito,” ang sagot ko sabay bukas sa bag ng potato chips na nahanap ko sa likod ng headboard. Palagi siyang nagtatago ng chips sa kung saan saan sa kuwarto pero magaling akong maghanap.

“Grabe ka, Vince.” Natawa na lang si Paul. Humalik si Greg kay Paul na yumakap naman sa kanya. Ang sweet! Sa totoo lang, kinikilig ako sa kanila.

Umalis na kami ni Greg at dahil weekend, wala gaanong traffic. Kaagad kaming nakarating sa Quiapo at makaraang suyurin ang kalye ng mga optical clinics, supplies and laboratories, natagpuan din namin ang clinic ni Jeoff. Pumasok kami at sinalubong ng isang babae na nagpupunas ng mga display sa estante.

“Good morning,” ang masaya niyang bati.

“Good morning din,” ang sagot namin.

“We’re looking for Jeoff. Ni-refer siya sa amin ng kaibigan ko,” ang sabi ni Greg.

“Sorry sir, but he’s on leave.”

Isang lalaki ang lumapit sa amin.

“Good morning. Can I help you?” ang sabi. Sabay kaming napatingin at natigilan ni Greg. Nakangiti sa amin ang lalaki na hindi naglalayo ang edad sa amin. Moreno, matangkad, guwapo.

“I’m Mon,” ang pakilala sa sarili.

“I’m Vince,” ang pakilala ko rin.

Nagkamay kami.

Siniko ako ni Greg at doon  ko namalayan na hindi ko pa rin binibitawan ang kamay ni Mon.

“I’m Greg,” ang pakilala ni Greg. Nagkamay din sila ni Mon. “Ni-refer kami ni Paul kay Jeoff. Magpapagawa kasi ng bagong salamin si Vince.”

“Wala si Jeoff. Okay lang ba na ako na lang ang mag-attend sa inyo?”

Nakamasid lang ako habang nag-uusap sina Greg at Mon. Maya-maya’y bumaling sa akin si Mon at ngumiti. Agad akong umiwas at nagkunwaring tumitingin sa mga frames sa estante. Halos hindi ko namalayan ang kanyang paglapit.

 “Let me get a good look at those…,” ang sabi sabay kuha sa suot kong salamin. Nanlaki ang mga mata ko at nang mapansin niya ang reaksyon ko, bahagya siyang natawa.

“Ano’ng nangyari dito?”

“Naupuan niya,” ang sagot ni Greg sabay tawa.

“Naupuan?” Nagtatanong pati mga mata ni Mon.

“Hindi,” ang sagot ko. “Tumilapon nang madulas ako.”

“Oh.” Muli kong nasilayan ang kanyang ngiti. “Anyway, you need a new frame. I also need to check kung nagbago na ang grado ng mga mata mo.”

Matapos niyon ay ipinakita niya sa akin ang iba’t ibang klase ng frames. Ang dami niyang suggestions, at hindi ko maiwasang mapasulyap-sulyap sa kanya habang ipinapakita sa akin ang mga frame sa estante.

“I think bagay sa’yo ito.” Isinuot niya sa akin ang isang simpleng Diesel navy blue frame. “See? You look cute!” He was again smiling.

Pakiramdam ko nagba-blush ako kaya agad kong tinanggal ang frame at sinabi: “It fits well, pero sana may grey.”

“Unfortunately, out of stock na ito sa ibang kulay. But I can order and have your glasses ready by next week,” sagot niya.

“That will be great. Thanks, Mon.” Nagbayad ako pagkatapos niyang mag-issue ng job order. At pagkatapos, nagpaalam na kami ni Greg at lumabas ng clinic.

Hindi pa nakakalayo ay umakbay si Greg at pabirong nagtanong: “May sasabihin ka ba sa akin?” 

“Wala naman. Bakit, may dapat ba akong sabihin?”

Ngumiti lang siya. “Sige. Sinabi mo eh.”

Nagyaya si Greg na gumala muna kami. Lakad-lakad, patingin-tingin sa mga paninda sa bangketa hanggang sa makarating kami sa may simbahan. Maya-maya’y bigla akong natigilan.

Sa di-kalayuan, sa gitna ng hugos ng maraming tao, isang pamilyar na mukha ang aking namataan.

Si Brent. At hindi siya mag-isa. May kasamang iba, nakaakbay sa kanya. Lalaki na hindi ko kilala. Ito pala ang ipinagpalit niya sa akin. 

Akala ko ako lang ang nakapansin, pero napansin din pala siya ni Greg. “Vince, we have to go,” ang hila niya sa akin palayo.

Nakatingin pa rin ako kay Brent. At habang papalapit, napansin kong nakatingin na rin siya sa akin. Hinawakan ako ni Greg sa braso at hinila papasok sa isang masikip at mataong building na tindahan ng mga swarovski beads. Nagpasikot-sikot kami sa mga pasilyo para lang makalayo at hindi masundan ni Brent.

Saglit kaming nag-stay sa loob at nang sa palagay namin ay nakaalis na si Brent, lumabas na kami sa kabilang exit at muli naming tinunton ang daan pabalik sa LRT. Nagsimulang tumulo ang luha ko habang nakatingin lang sa akin si Greg.

“Vince!”

Sabay kaming napalingon ni Greg. Si Mon, nasa kanto ng “optical” street. Mabilis siyang humakbang papalapit sa amin. “Nalaglag mo kanina sa clinic,” ang sabi habang iniaabot ang aking wallet.

“Ha?” ang sabi ko, sabay kapa sa aking back pocket. “Naku, hindi ko napansin.”

“Buti na lang, nakita ko kaagad sa sahig.”

Natigilan si Mon, nakatingin sa akin nang mataman. “Is something wrong? Are you crying?”

Hindi ako sumagot. Gayundin si Greg.

Sandaling namagitan ang katahimikan sa amin.

“Naku, muntik ko nang makalimutan,” ang biglang bulalas ni Greg. “May bibilhin nga pala akong cake boxes.” Tumingin ito sa akin at pagkatapos ay kay Mon. “Ok lang ba, Mon, iiwan ko muna sa’yo si Vince? Ako na lang ang pupunta sa bilihan para mas mabilis.”

At bago pa nakasagot si Mon – o ako – dali-dali na itong umalis.

“Vince, siguro doon muna tayo sa clinic para makaupo tayo,” ang sabi ni Mon sa akin.

Tumango ako at nag-text kay Greg na doon na lang kami maghihintay sa clinic. Doon lang kami sa labas na kung saan may bench.

“Is there something wrong?” ang marahang tanong ni Mon nang matagal-tagal na rin kaming nakaupo. Hindi ako sumagot, sa halip ay muling namuo ang mga luha sa mata ko.

“It’s alright...nandito lang ako.”

Napatingin ako sa kanya.

Ngumiti siya. “Hindi bagay sa’yo umiiyak. Sige, lalong lalabo ang iyong mga mata,”ang biro pa niya.

Napangiti na rin ako. “Thanks Mon,” ang sabi ko habang pinupunasan ang mga mata.

Makalipas ang mahaba-haba ring sandali, dumating na rin si Greg, at tama ako andami na naman niyang biniling boxes para sa cake at cookies.

“What did I miss?” ang sabi, at napansin ko na natawa si Mon. Nagpaalam na kami kay Mon at muli, nasilayan ko ang kanyang ngiti.

No choice ako kung hindi ang tulungan si Greg sa pagbubuhat ng kanyang mga pinamili. Pagdating sa dorm nila, saglit kaming nagpahinga at namapak ng chips na nahanap ko na naman sa taguan ni Paul. Maya-maya pa’y dumating na si Paul. At ang bungad kaagad sa kanya ni Greg: “Paul, may ikukuwento si Vince!”

“Ano ‘yun?” pag sabi ni Paul sabay agaw sa hawak kong Pringles na nakakalahati ko na.

“Wala…” ang sagot ko.

“O nagkita ba kayo ni Jeoff?” ang tanong ni Paul habang nagpapalit ng shirt.
 
“Nope. Wala siya, naka-leave. Pero may gagawa pa rin ng salamin ni Vince.”

“Si Mon,” ang sabi ko.

“Mon?” Tumaas ang kilay ni Paul, napatingin sa akin.

“Why are you looking at me like that?” ang paseryoso kong tanong.

“Wala lang, bakit masama?” may kasamang pang-aasar na sagot. “Pero ang masama ay ang pagkain ng sobrang chips lalo na yung hindi ipinagpaalam.” Lumapit siya sa akin at umakmang mangingiliti. Paiwas akong tumakbo patungo sa may pinto. Natawa na lang si Greg.

Lumipas ang mga araw at hindi maalis sa isip ko si Mon lalo na kapag hinahawakan ko ang salamin ko. Naaalala ko siya at ang kabaitan niya at para bang gustong-gusto ko siyang makita. Kung dati-rati, si Brent ang laging laman ng aking isip, ngayon ay si Mon na.

Friday night, habang nasa dorm ako nina Greg, naka-receive ako ng message. Unregistered number.

Good evening, Vince. Your glasses are ready for pick up tomorrow. See you. – Mon.

Nag-iisip ako ng magandang sagot nang mapansin ni Paul ang kakaibang pagkakangiti ko. Bigla niyang inagaw ang cellphone ko at binasa nang malakas kay Greg ang mensaheng natanggap ko.. Inasar nila ako nang todo dahil doon.

“Sino ba ‘yang Mon na’yan?” ang tanong ni Paul sabay akbay sa akin. Alam ko, nagba-blush ako.

“Hmp, ba’t ka ba nakikialam?” ang sagot ko.

“Naku, mukhang tinamaan ang kaibigan natin,” ang sabi ni Greg. Siankal ako kunwari ni Paul bago muling piangtripan ang buhok ko. As usual, ginulu-gulo. Kaya minsan ayoko nang  maglagay nang wax eh!

Dumating ang kinabukasan – Sabado – at ako’y maagang gumising at nag-prepare. Sinundo ko si Greg upang magpasama uli sa Quiapo.

“Vince, I’m sorry, hindi kita masasamahan,” ang bungad ni Greg pagbukas ng pinto. “Medyo masama kasi ang pakiramdam ko.”

Tumingin ako kay Paul, nagbabakasakaling pwede siya. “Kawawa naman si Greg kung iiwanan ko. Kailangan niya ng mag-aalaga sa kanya.”

Napakibit-balikat na lamang ako.

“Ayaw mo nun, walang istorbo sa inyo ni Mon?” ang pabirong dugtong pa ni Paul.

Wala akong nagawa kundi ang lumakad nang mag-isa. Nag-FX ako sa halip na mag-LRT. Nakarating pa rin ako nang maaga dahil maluwag ang trapik. Sobrang napaaga naman yata ako dahil napansin ko na sarado pa ang karamihan sa mga clinic at tindahan na nadraanan ko. At medyo konti pa ang tao. Habang naglalakad, nagulat ako nang may biglang pumigil sa braso ko. Mapapasigaw sana ako dahil akala ko snatcher pero natigilan ako at saglit na natuliro nang mapagsino ko ito. Si Brent.

“Pwede ba tayong mag usap?” ang sabi habang pigil pa rin ang braso ko.

“About what?” ang sagot ko. Pinilit kong kumawala sa kanyang hawak subalit hindi ko magawa, masyadong mahigpit.

“About us. Bakit, ayaw mo na bang pag-usapan ang tungkol sa atin? Kinalimutan mo na ba ako?”

“Wala akong dapat ipagpaliwanag sa’yo!”

“Dahil ba sa nakita mo last week? He’s just a friend.”

“Ok, fine. But it’s over between us. Naka-move on na ako. So, let me go.” Muli ay nagpumiglas ako upang makawala sa pagkakapigil niya sa aking braso.

“Pare, may problema ba?”

Sabay kaming napatingin sa pinaggalingan ng tinig. 

Si Mon. 

Binalingan siya ni Brent. “Stay out of this!”

“Mon,” ang nag-aalala kong sambit.

“You know him?” ang sabi ni Brent. “Siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mong makipag-usap sa akin?”

Hindi ako umimik. Nag-alala sa maaaring mangyari sa pagitan nina Mon at Brent.

“Paano kung sabihin kong oo?” seryoso ang sagot ni Mon.

Hinarap siya ni Brent at inundayan ng suntok. Nakaiwas si Mon at nagawa nitong itulak si Brent. Mabuti na lang at may mga tambay na kaagad na umawat at namagitan. Umalis si Brent na nagmumura, galit na galit.

“Vince, are you alright?” ang tanong sa akin ni Mon.

“Yeah. Sorry, nadamay ka pa,” ang nahihiya kong sabi, halos hindi makatingin sa kanya.

“Kalimutan mo na ang gagong iyon. Halika sa clinic, tingnan mo na ang bago mong salamin.”

Pagkapasok sa clinic, kaagad niyang kinuha sa isang drawer ang bago kong salamin. At bago pa ako nakahuma, isinuot na niya iyon sa akin.

Napangiti ako nang makita ko ang aking repleksiyon sa mirror na iniabot niya sa akin.
  
“It fits perfectly. Napakaganda. I like it, Mon,” ang masaya kong sabi.

“I like you too,” ang biglang sabi niya sa akin. Nagulat ako.

Humarap ako sa kanya at nagtama ang aming mga mata.

“Vince, magpapakatotoo na ako,” ang kanyang sabi. “The moment I saw you, hindi ka na nawala sa isip ko. Do you believe in love at first sight?”

Hindi na rin ako nakapagkaila. “Yes, I do. At dahil nagpakatotoo ka, magpapakatotoo na rin ako. Ganoon din ang nararamdaman ko para sa’yo.”

Natigilan si Mon subalit kaagad ding napangiti.

“You mean, you like me, too?”

Tumango ako.

At bugso marahil ng nag-uumapaw na damdamin, niyakap niya ako.

“I shouldn’t be doing this but I can’t help it,” ang sabi ko pagkaraan. “Kagagaling ko lang sa isang magulong relationship. Kay Brent, ‘yung naka-engkuwentro mo kanina. Ayoko na sana munang magmahal dahil natatakot akong muling masaktan…”

“I promise not to hurt you, Vince.”

I looked straight into his eyes at doon, nakita ko ang sincerity ng kanyang tinuran.

“Thanks for the glasses,” ang sabi ko. “Mas malinaw na ngayon ang tingin ko. Mas nakatitiyak na ako at hindi na nabubulagan.”

Napangiti kami nang sabay, hindi pa rin nagbibitiw sa pagkakayakap.

=== 

Be my guest. Ang blog na ito ay bukas sa mga manunulat na nais magbahagi ng kanilang kuwento. Ang kuwento ay kailangang naaayon sa tema ng blog na ito. Ipadala ang inyong akda sa: akosiarisblog@yahoo.com.  

Monday, October 6, 2014

Hotdogs


Nagkasabay kaming dumampot ng hotdog sa kariton ni Manang. Sabay din kaming nagsalang sa ihawan. Itinabi niya ang hotdog niya sa hotdog ko at nang magkadikitan, nagkatinginan kami at nagkangitian. Pinahiran ni Manang ng catsup ang mga hotdog namin at pinaypayan. Namula ang mga baga at nagliyab. Nagliparan ang alipato sa aming pagitan. 

Saturday, October 4, 2014

Marahas

That evening I saw him again sa Club. He was kissing somebody while pinning him against the wall. I could see him kissing hard and rough. He was drunk. And handsome.

I just danced to Leona Lewis.

***

“Do you like sex?” ang tanong niya.

“Of course, I do,” ang sagot ko.

“Ako, hindi ordinaryong sex ang gusto ko. Ang gusto ko, medyo naiiba...”

“Like..?”

“'Yung medyo extreme. 'Yung may pain. You appreciate pleasure more when there is pain.”

Natigilan ako.

“I don’t do it often pero kapag nakipag-sex ako… buhos lahat. Kailangan gawin, maramdaman at ma-experience lahat. 'Yung lamog at bruised ka after pero ang sarap ng feeling. Alam mo ba ang ibig kong sabihin?”

“I am not sure…” ang sagot ko.

“Maybe you’ll understand what I mean kapag nag-sex tayo.”

“Should I be scared?”

“No, you shouldn't be. You should be excited. It is something you will never forget.”

Ewan ko, pero may alinlangan ako. Parang natatakot sa kanyang mga sinasabi.

***

It was a slow evening nang magkakilala kami sa Club. Lasing na ako noon at nahihilo kaya hindi ako makapagsayaw. Nakatayo lang ako sa isang sulok. Nilapitan niya ako  at walang kaabog-abog na hinalikan. Nagulat ako at hindi nakapalag. He was also drunk. And handsome.

There was something about his kiss na parang lalong lumango sa akin. Sabik. Madiin. Marahas. Almost painful as it was pleasurable. Lumaban ako, gumanti ako ng halik na marahas din. Gusto kong bumawi sa pagkaka-overpower niya sa akin.

We kissed long and hard. When our lips parted, we were both gasping for air. Kaagad na bumaba ang kanyang mga labi sa leeg ko at naramdaman ko ang pagmamarka ng kanyang halik. Nagpaubaya ako hanggang sa bumaba ang kanyang bibig sa balikat ko. Bigla niya akong kinagat. Napapitlag ako. Masakit na masarap ang kagat na iyon. Naitulak ko siya subalit bigla niya rin akong hinatak at nagpatuloy ang aming marahas na paghahalikan.

Muli akong nakipagtunggalian sa kanya ng labi sa labi. Matagal. Maalab.

Nang muli kaming magbitiw, basta na lang siya umalis na parang walang nangyari. Naiwan ako na parang higit na nalasing at nahilo subalit may kahalong masarap na feeling. May kiliti akong nararamdaman sa makirot na kagat niya sa aking balikat. I was too drunk to think and analyze. I dismissed him as just one of those crazy guys you encounter sometimes.

Pero bumalik siya. I braced myself for the continuation. Pero hindi na siya muling nagtangkang halikan ako. Sa halip, nagsalita siya.

“What’s your number?” Inabot niya sa akin ang celfone niya.

I typed my number.

Nagpalitan kami ng pangalan.

Maya-maya tumunog ang celfone ko.

“My number. Save it,” ang sabi niya sa akin.

And he left without saying goodbye.

***

“Saan ka?” Saturday night, I got a text from him.

“Malate,” I replied.

“Meet me now at Resto.”

At nag-meet nga kami. Mas guwapo siya kaysa sa naaalala ko. At ang tangkad niya talaga. Meron siyang over-powering presence. He kissed me on the cheek nang magkita kami.

“Sino kasama mo?” he asked.

“My friends. Nasa Bar kami. Ikaw, sino kasama mo?”

“My friends. They are inside,” sabay turo sa loob ng Resto. “Umiinom kami.”

“Punta kami sa Club later,” ang sabi ko.

“Punta rin kami…”

“I’ll see you inside?”

“Yeah, sure. Halika muna sa loob. Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko.”

***

Our favorite song was playing nang pumasok kami ng barkada sa Club.

Sayaw kaagad kami. Akyat sa ledge.

Dami cutie. Dami naka-shirtless.

One shirtless guy started dancing with me. He was cute and flirty.

I danced with him. I was feeling flirty too pero nagpigil ako. Iniisip ko siya – that he’s around somewhere. Ayokong makita niya akong wild sa ledge. Wala lang, para kasing may potential kami and I didn’t want to spoil it. I was trying my best na mag-behave. I continued dancing with the shirtless guy but I was keeping my distance.

Another shirtless guy joined us, he was as flirty as the first guy. I still tried my best na magpakatino, magpigil. Aba, pinagsasalikupan ako ng dalawa. One was even attempting a kiss pero pasimpleng umiiwas ako at patuloy lang sa pagsasayaw. Smile smile lang ako. Nasa isip ko siya.

Maya-maya, nag-vibrate ang celfone ko sa bulsa. I checked the message.

“I am watching you.” Him!

Luminga-linga ako, pilit ko siyang hinahanap.

“I don’t like what I am seeing.” Follow-up message.

I texted back. “Saan ka?”

No reply.

Bumaba ako ng ledge. I decided to look for him.

Umikot ako sa ibaba, di ko siya makita. Umakyat ako.

Doon ko siya nakita sa itaas. “Hey,” ang bati ko.

Madilim ang kanyang mukha. Walang ngiti.

Hinawakan niya ako sa braso. Mahigpit. Tapos bigla niya iyong pinilipit. Napaigtad ako sa sakit. “Aray!” ang sabi ko. He pinned me against the wall.

“Hey, nasasaktan ako!”

“You have to be punished,” ang sabi niya. I could not seem to recognize his voice. He was drunk. “You were dancing like a slut down there!”

He was big and overpowering. Sinikap kong kumawala pero mas malakas siya.

“You embarrassed me in front of my friends. You are a slut! A slut!”

“What are you saying? Let me go!” Nagpupumiglas ako.

Bigla niya akong hinalikan. His lips crushed mine. It was a rough, angry kiss! Hindi ako makahinga! Patuloy ako sa pagpupumiglas.

Then he bit my lip. Napaigtad ako sa sakit. Itinulak ko siya nang ubos-lakas. Nakawala ako sa kanyang grip. I tasted blood. Shit!

I looked at him. Nakatayo lang siya sa harap ko at nakatingin sa akin.

“Fuck you!” I said.

At nagmamadali akong bumaba.

I went up the ledge. Slut pala ha? I will show you what a real slut is!

I took my shirt off and danced wildly with the two shirtless guys. Hindi na ako umiwas sa kanilang mga halik. Instead, pinagsabay ko pa silang halikan.

***

He texted me the following day. “Don’t ever text or call me again.”

Fine. I did not reply.

Two Saturdays after that, I saw him habang papasok ako sa Club. Binati ko siya, thinking na maaari pa rin kaming maging magkaibigan.

He ignored me.



=== 

A reconstruction of “Rough” posted in 2008.