Friday, May 8, 2020
Veerus
At ang virus ay biglang naglaho. Bumalik sa normal ang lahat. Ang hindi alam ng mga tao, ang ugong ng kanilang mga dasal ang dumurog sa virus. At ngayong tumigil na sila at muli ay nakalimot, may mga alikabok sa hangin na dahan-dahang nagsasanib at nagsisimulang kumislot.
Saturday, July 6, 2019
Onse
Kung katanggap-tanggap ang walong entries sa loob ng isang
taon, ipagdiwang pa rin natin ang ika-labing-isang anibersaryo ng blog ko. Sa
kabila ng mga hindi natupad na pangako, sisikapin ko pa ring panatilihing buhay
ang talaan na ito ng mga kuwento ng buhay ko at ng buhay ninyo na sana ay patuloy n'yo pa ring basahin at kalugdan. Pasasaan ba’t muli pa ring sisigla
ang aking pananamlay.
Thursday, June 27, 2019
Jacket*
I met this guy.
Trainor siya sa isang call center. Former print ad model.
Akala ko, simpleng pagkikilala lang iyon pero hiningi niya ang number ko.
Akala ko rin, kunwari lang na interesado siya but he actually texted.
Tinawagan niya rin ako. At nang magkita uli kami sa imbitasyon niya, sinabi niyang may gusto siya sa akin. Parang hindi ako makapaniwala. Masyado siyang guwapo at ang pakiramdam ko, he was too good for me.
Pero kinilig ako siyempre. At nang tinanong niya ako kung pwedeng maging kami, hindi na ako nagpakipot pa. Kailangan ko pa bang maging choosy?
And so, naging kami. I could not be happier. Feeling ko, ang suwerte-suwerte ko.
Idinispley ko siya sa Malate kasi proud ako sa kanya. Ipinakilala ko siya sa mga kaibigan ko at nainggit sila.
Pinlano niya rin ang pagpapakilala sa akin sa mga kaibigan niya.
“But first, kailangan nating baguhin ang iyong pananamit,” ang sabi niya. “Tuturuan kitang maging stylish.”
Sinamahan niya akong mag-shopping. He picked-out clothes for me na sa palagay niya bagay sa akin. At kahit medyo may alinlangan ako, binili ko ang mga iyon to please him.
Pinagupitan niya rin ako sa isang salon at siya ang nagbigay ng instructions sa hairstylist.
Naiba ang itsura ko. At kahit parang nanibago ako, I went along. Inisip ko na lang, he just wanted me to look my best. And so I embraced the change.
Na-feel ko naman na proud siya sa akin nang finally, ipakilala niya ako sa mga kaibigan niya over dinner sa isang sosyal na restaurant.
Ok naman ang mga friends niya. Nice sila sa akin. Ok rin ang pakikipagkuwentuhan ko sa kanila. Everytime mapapatingin ako sa kanya, nakangiti siya sa akin.
It was not until pauwi na kami nang malaman ko na may displeasure pala siya. Pinagsabihan niya ako sa kotse.
“I think, masyado kang naging makuwento,” ang sabi. “You also laughed too much.”
“Huh?” Hindi ko yata napansin iyon. Sinagot ko lang naman ang mga tanong nila. Tumawa rin ako kasi nagjo-joke sila.
“And yes,” ang dugtong niya pa. “Kapag nagyoyosi ka, huwag mo nang hintaying maubos ang yosi mo. Halfway pa lang, patayin mo na. Hindi class yung halos umabot na sa filter ang sindi bago mo patayin.”
Napa-“Huh?’ uli ako. May ganoon? Noon ko lang yata narinig iyon.
“Inubos mo rin ang dessert mo. Hindi magandang tingnan. Mukha kang hindi health-conscious.”
Hindi ako sumagot. Hindi ako nag-defend. Inisip ko na lang, he just wanted to bring out the best in me. Kaya tinanggap ko na lang ang criticisms niya.
Kaya lang after that, napansin ko na sa tuwing nag-uusap kami, naging ugali niya rin na ikorek ako sa aking pagsasalita.
“Why do you keep on doing that?” Hindi na ako nakatiis kaya nagtanong na ako.
“I just want you to speak better. Trainor ako sa call center, remember?”
Alam ko na hindi naman mali ang mga pronunciation ko. Gusto niya lang akong mag-enunciate at magkaroon ng konting accent. Naisip ko, ok sige, wala namang masama kung gusto niyang pagandahin ang pagsasalita ko. Para sa ikabubuti ko rin naman iyon.
Kaya lang naging madalas iyon. Palagi niya akong kinokorek . Para tuloy ayaw ko nang magsalita. Parang hindi na rin kami makapag-communicate nang maayos dahil lagi na lang siyang may puna.
Nagsimula na akong mabahala. At mainis.
Minsan, isinama niya akong manood ng ballet sa CCP at hindi ko sinunod ang sabi niya na mag-jacket ako.
“You look so casual. Sinabi ko na kasing mag-jacket ka,” ang sabi niya pagkakita sa akin, may disapproval at annoyance sa tono ng boses niya.
“Medyo naiinitan kasi ako,” ang sagot ko.
“Malamig sa loob. It’s not your first time sa CCP, I assume.”
“Of course not.” Hindi nakaligtas sa akin ang sarcasm sa sinabi niya. Kahit parang medyo nainsulto ako, pinalampas ko iyon.
Habang nanonood, wala sa loob na napahalukipkip ako.
Bumulong siya sa akin, “See? I told you na mag-jacket ka. Nilalamig ka tuloy.”
Hindi naman ako nilalamig. Napahalukipkip lang ako kasi relaxed ang pakiramdam ko at nag-e-enjoy ako sa palabas. Hindi na lang ako kumibo.
Nang mag-intermission, we went to the lobby to drink something. Hindi pa rin siya tumigil.
“Tingnan mo, lahat maayos ang damit. Kung nag-jacket ka, e di hindi ka sana nagmukhang out-of-place.”
Sumagot na ako. “What’s wrong with what I am wearing? Maayos naman ang damit ko ah. Confident naman ako sa itsura ko.”
“Para kang gigimik. CCP ito, hindi Malate.”
Nagsimula na akong mabuwisit. Pero tinimpi ko pa rin ang sarili ko. I excused myself.
“I’ll just go to the comfort room,” ang paalam ko.
Hinawakan niya ako sa braso.
“Comfort room?” ang tanong niya.
“Yeah,” ang sagot ko.
May condescending look sa kanyang mga mata. “You should say restroom. Or washroom. Or loo.” Madiin ang bigkas niya sa bawat salita. “Comfort room is not a universal term.”
Hindi ko na napigilan ang sulak ng galit ko. Tinabig ko ang kamay niya.
“Putang ina, tigilan mo na ako. Kahit ano pa ang itawag mo diyan, kubeta pa rin yan!”
Sinabayan ko ng walk-out. Hindi niya ako hinabol.
***
Naisulat ko ito dahil noong isang araw, nagpunta ako sa mall upang bumili ng damit.
Pagpasok ko sa fitting room, I was surprised to see him. It has been years nang maghiwalay kami.
Nagkatinginan kami, matagal. Pero hindi kami nagbatian.
Bumukas ang pinto ng cubicle.
“Babe, what do you think?” ang tanong sa kanya ng boylet na nasa loob habang ipinapakita ang isinukat na jacket.
Pinagmasdan ko ang nagtatanong. Parang hindi siya sigurado sa suot niya, na napipilitan lamang siya dahil mayroong may gusto niyon para sa kanya. Nanghihingi siya ng approval, ng assurance na gusto hindi lamang ang damit niya kundi pati siya.
Parang ako. Noon.
“Looks good on you,” ang narinig kong sabi niya. “Try on the other one.”
Muli, may tinuturuan siyang maging stylish.
And I am sure, susunod na ang speech lessons.
*This is a repost of something I wrote in 2010. Something I think is worth revisiting.

Thursday, May 16, 2019
Lipas
Gusto kong magkuwento pero wala kasi talaga akong
kuwento. Wala akong kuwento na kagaya noong kasibulan ko. Iyong huwag lang na
di ako mapaliko sa isang kanto, may bagong kakilala na ako. May bago nang
kapalitang-text at kaharutan. Iyong
parang laro lang ang sex na hindi ka
nag-iisip ng kinabukasan. Iyong parang ang kariktan mo ay palagi lang nandiyan,
gabi-gabi ka mang magwalwal. Palaging mapula ang iyong mga labi, makislap ang
mga mata at flawless ang kutis. Iyong
kahit hindi ka naligo dahil sa pagmamadali, fresh ka pa rin at mukhang mabango.
Iyong hindi mo kailangang gumugol nang ilang oras sa harap ng salamin. Everything just falls into place: ang buhok mo kahit fininger comb mo lang, ang kilay mo na walang stray kahit sobra na ang kapal, ang ngiti mo na kahit nag-mouthwash ka lang ay kakaiba pa rin ang
kinang. Iyon ang mga panahon ng aking kasariwaan na hindi ko ma-imagine na
kukupas. Iyon ang kasagsagan ng aking pang-akit na nagsilbing bitag o pain
upang ang sinumang nais ay mabihag. Iyon ang mga panahong lumipas nang halos
hindi ko namamalayan. Mga panahong naglaho kasabay sa pagkaubos ng aking mga
kuwento. Mga sandaling kailangan ko sana upang muli akong makapagsalaysay ng
tungkol sa isang mundo na kung saan naroroon ako, namamayagpag. Mga panahong
ako ang naghahari-harian (o nagrereyna-reynahan) subalit ngayo’y nasa isang
sulok na lamang at pinagmamasdan ang mundong minsan ay naging palaruan.
Thursday, January 17, 2019
Antisipasyon
Nagkakilala
kami
sa
isang sinehan sa Makati.
Nagkatabi
sa upuan, nagkatinginan.
Kinalauna’y
nagkadikitan
Nagkahipuan,
nagkahawakan.
Pagkatapos
ng palabas, kumain kami sa Jollibee.
Niyaya
ko siya sa bahay subalit siya ay tumanggi
At
ang sabi, sa susunod na lang.
Nagpalitan
kami ng number bago naghiwalay.
Two
days later, tumawag siya sa akin.
Magkita
raw kami sa weekend.
Tuesday, January 15, 2019
Kapit Lang
Ang hirap naman. Nagmahal lang ako, ang dami nang naging kaaway. Hindi ko naman talaga sinadyang sa’yo ma-in love. Kaya lang, ayun, tinamaan. Kasalanan bang mahalin ka? Malaki ba talagang issue ang edad? Malas ko lang siguro dahil nagkataong ang Nanay mo, kaklase ko noong high school. Maeeskandalo nga siya – understandable yun – kapag nalaman niyang magkarelasyon tayong dalawa. Na nangyari nga kagabi nang inimbita mo akong mag-dinner with your family. Nagkagulatan kami ng Nanay mo. Gosh, hindi ko ma-describe ang reaksyon niya nang malaman niyang ako ang karelasyon mo na matagal mo nang binabanggit sa kanya. Timping-timpi siya, alam kong gusto niyang magwala – sigawan at palayasin ako. Inisip niya kaagad na nag-take advantage ako sa’yo. But no, walang ganon. Remember, ikaw pa nga ang nakipagkilala sa akin sa bar, di ba? Ikaw ang unang nanghingi ng number ko? Hindi ko naman talaga sinadyang ikaw ang piliin ko. Kaso, sa sobrang sweet at caring mo, tinamaan ako at na-in love nang husto. Kasalanan mo ‘to. Joke. But then, sabi mo nga, hindi ka na bata. And yes, naniniwala ako na mature ka sa edad mo. Ako pa nga itong parang bata minsan kung umasta. Ikaw pa nga itong sa akin ay laging nagpapasensya. At isa yan sa mga dahilan kung bakit minahal kita. Pero ang tindi talaga ng Nanay mo. Palagay ko kaya ganoon siya dahil may crush siya sa akin noong high school. Joke. At ang Kuya mo, alam mo bang pinagbantaan niya akong bubugbugin kapag ipinagpatuloy ko pa rin daw ang pakikipag-relasyon sa’yo. Isusumbong niya raw ako sa Bantay-Bata. Hello, nakalimutan niya na bang 19 ka na at hindi na bata. At ang Ate mo, sasampalin niya raw ako kapag nakita niya uli tayong magkasama. Ewan ko naman, kung anong binait-bait mo, kabaliktaran naman ang mga kapatid mo. Sabagay, hindi naman ako natatakot sa kanila. Sabunutan ko pa sila isa isa. Joke. So ano, ipagpapatuloy pa ba natin ito? Ganoon ba katatag ang pagmamahal natin para ilaban ito? Ako, willing akong ipaglaban ka. Ewan ko lang sa’yo.
Saturday, July 14, 2018
Ten
This should have been posted last July 6. But as usual,
nakalimutan ko na naman. Sorry, hindi talaga ako ganoon ka-thoughtful. But
anyway, the important thing is, I remembered.
Today is my blog’s 10th anniversary!
(fireworks)
Wow, ten years! What can I say? Naging madalang man ang
posts ko, ang mahalaga, buhay pa rin ako. Hindi ko pa rin tuluyang isinasara
ang blog ko. At kahit malalayo ang
pagitan, patuloy pa rin naman ako sa pagpo-post. I haven’t stopped writing.
Medyo pahirapan lang makahanap ng time na in the mood at inspirado akong magsulat dahil na rin sa stress at pagod sa
work.
Pero sabi ko nga, I never stopped. Mahal ko ang pagsusulat
at kailangan ko lang magpahinga paminsan-minsan pero hinding hindi ako titigil.
At upang patunayan ito at ipagdiwang na rin ang ika-sampung
anibersaryo ng blog ko, may I present to you my new book! Not an ebook but a
printed book. Finally! Nabigyan din ng katuparan ang matagal ko nang pangarap, ten years after sinimulan ko ang blog ko. At kanino ko pa ba ito ihahandog kundi sa inyo, mga tapat kong kaibigan at mambabasa.
Abangan sa Agosto. Limited copies only. Bili na po kayo.
Saturday, March 17, 2018
Pasya
Inapuhap ko ang iyong mga mata.
Sinalubong mo ang aking tingin. Ang inaasahan kong pag-iwas
ay hindi mo ginawa.
Buo ang iyong loob sa kung ano man ang iyong
ipinaglalaban.
Dinudurog ang puso ko sa iyong pakikipaghiwalay.
Subalit nagmamatigas ka sa gitna ng aking panghihina.
Nagmamayabang sa gitna ng aking pagpapakumbaba.
Hindi ka matitinag. Buo na ang iyong pasya.
Wednesday, February 28, 2018
Unang Gabi
Babangon sana si Alberto subalit pinigilan siya ni Leandro.
Lumapit sa kanila si Henry. “Pagbigyan na natin si Leandro,” ang
sabi.
Napakunot-noo si Alberto.
Lumipat ang tingin ni Henry kay Leandro, humihingi ng saklolo.
“Noon pa ma’y gusto na kita,” ang sabi ni Leandro. “Unang kita ko
pa lamang sa iyo’y pinagnasaan na kita. Hindi ko nga lang nagawang sabihin noon
dahil hindi pa hayag ang tunay na pagkatao ko. Subalit ngayon, naririto ka at
wala na akong dapat itago. Ito na ang tamang pagkakataon upang bigyang
katuparan ang matagal ko nang pagnanasa sa’yo.”
Napatingin si Alberto kay Henry, nagtatanong.
Tila nabasa ni Henry ang nasa kanyang isip. “Hindi ka niya
nalimot,” ang sabi nito. “Kahit noong nagkarelasyon sila ni Miguelito. Kaya nga
nabaling sa akin ang kanyang pagtingin dahil magkamukha raw tayo. Okay lang sa
akin iyon. Alam ko na kapag kami ay nagse-sex, ikaw ang kanyang naiisip. Okay
lang din sa akin iyon. Open si Leandro tungkol sa mga pantasya niya sa’yo at
tanggap ko iyon. Nito ngang huli, ang pantasya niya ay ang makaniig ka... at
ako... nang sabay. Ang sabi niya, iyon ang magbibigay sa kanya ng lubos na
kaligayahan at ayokong ipagkait sa kanya iyon.”
Muli ay tila nagbara ang kanyang lalamunan. Hindi siya makapaniwala.
Nais niya mang tumutol, hindi niya alam ang sasabihin o gagawin. Tila nawalan
siya ng lakas at nanatili na lamang siyang nakatingin.
“Pagbigyan na natin si Leandro,” ang ulit ni Henry habang nagtatanggal
ng damit.
Naghubad na rin si Leandro. At pagkatapos ay hinubaran na rin siya
nito.
Ilang sandali pa’y hubo’t hubad na silang tatlo.
Hindi niya alam kung bakit nagpaubaya na lang siya. Marahil, dahil
sa pagkabigla. Maaaring dahil sa likod ng kanyang isip ay naroroon ang pag-iwas
na maka-offend dahil nga sa utang na loob ng pagpapatuloy sa kanya. O maaari
rin namang dahil sa ang nangyayari ay gusto niya rin, hindi nga lang niya
maamin.
Muli niyang naramdaman ang paggapang ng mga kamay ni Leandro.
Gayundin ang mga kamay ni Henry. Napapikit na lamang siya. Hanggang sa ang
pandama ng mga palad ay naging pandama ng mga labi. Mainit-init, mamasa-masa. Maya-maya
pa’y sumiping na sa kanya ang dalawa.
Nilingkis siya ng mga bisig at binti sabay sa patuloy na paghimas,
paghaplos at pagdampi.
Saturday, January 20, 2018
Club Havana
(Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents
are either the products of the author's imagination or used in a fictitious
manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is
purely coincidental.)
Sa muli kong pagtapak sa Club Havana, wala na ang dating mainit na pagtanggap. Wala nang nakakaalala kung sino ako at kung ano ang aking nakaraan.
Sa muli kong pagtapak sa Club Havana, wala na ang dating mainit na pagtanggap. Wala nang nakakaalala kung sino ako at kung ano ang aking nakaraan.
Dumadagundong ang tugtugan. Maharot ang sayawan ng mga kalalakihan
sa tanglaw ng aandap-andap na mga ilaw. Wala silang pakialam at pakundangan.
Nagyayakapan, naghahalikan, naghihipuan.
Wala pa ring ipinagbago, kagaya pa rin ng nakaraan. Pati
ang lungkot na mababanaag sa likod ng kasiyahan. Marami ang naghahanap ng hindi
pa rin matagpuan. Marami ang uhaw na naghahanap ng katighawan.
***
Ang bulwagan ay sentro ng pagpapakitang-gilas. At doon ko
siya napagmasdan. Guwapo, maalindog,
matikas. Mag-isang nagsasayaw sa gitna ng kaguluhan. Sa kabila ng pagiging
mapang-akit, walang ibang nangangahas na siya’y lapitan. O kaya’y landiin.
Maliban sa akin.
***
Sinimulan ko munang hagilapin ang kanyang paningin at
nang magtama ang mga mata namin, nginitian ko siya, sabay padala ng mensahe sa
pamamagitan ng isip: Gusto kita.
Tumugon siya. Ngumiti rin. At tila may mensahe rin akong
natanggap mula sa kanya. Kung kaya nilapitan ko siya. “Hi,” ang halos
magkasabay pa naming sabi.
“Ilang taon ka na?” ang tanong ko.
“Twenty two,” ang sagot niya.
Bigla akong nagkaroon ng pag-aatubili. 44 na ako. He’s
half my age.
“Ang bata mo pa pala,” ang sabi ko.
“Sa tingin ko, magkasing-edad lang tayo,” ang sagot niya.
Saka ko lang naalala na iba na nga pala ang aking itsura
pagkatapos kong dumaan sa procedure.
Ang sinumang nakakita na ng billboard ni Korina sa EDSA
ay magsasabing halos hindi nila ito nakilala.
Pareho kami ng pinagdaanang procedure ni Korina. Ako ang male counterpart niya na best-kept
secret ng clinic. Bago siya, ako muna ang pinagpraktisan ni Doktora. Libre lang.
Inalok ako at napapayag na maging guinea pig. Swerte ko dahil naging matagumpay
din ang resulta. Kagaya ni Korina, bumata rin ako ng twenty years.
Kaya muli akong tumapak sa club dahil pakiramdam ko ay
bagong tao na ako. Hindi na ako ang dating naghahari-hariang nalaos. Bata na
uli ako and this is my rebirth and comeback of sorts.
***
Nagsayaw kami ni bagets na hindi nagbibitiw ang aming mga
tingin. Doon ko siya napagmasdang mabuti. Singkit ang kanyang mga mata, kaytangos ng kanyang ilong at kaypupula ng kanyang mga labi. Kaykinis
din ng kanyang kutis. At dahil nasa uso ang buhok at pananamit, mapagkakamalan
siyang isang K-Pop artist.
Dahan-dahang naglapit ang aming mga mukha at sabay sa
aming pagyayakap ay nagtagpo ang aming mga labi. Nagsalo kami sa isang matamis
na halik.
Dinaluyan ako ng excitement na hindi ko mapigil. Para
akong kinikiliti na nagpahumindig sa aking pagkalalaki. Tingnan mo nga naman
ang nagagawa ng pagbabagong-anyo. Hindi lang kumpiyansa sa sarili ang
ibinabalik kundi pati sigla ng libido.
***
Sa dark room sa itaas ng club, doon kami nag-make out. Nagdukutan,
naghawakan at naghimasan ng mga ari habang ang mga labi’y abala sa
paghahalikan. Maya-maya’y naglakbay ang bibig ko sa kanyang leeg, dumako sa
dibdib at doo’y namalagi sa magkasalit na pagsipsip sa kanyang mga utong. Naglakbay
din ang aking mga kamay sa kanyang puwet. Pinisil-pisil ko iyon, dinakot-dakot,
pinanggigilan ang tambok.
Nang ako’y bumitiw, siya naman ang nagpaligaya sa akin.
Hinimod niya ang aking dibdib, ang aking tiyan. Nagulat ako nang ako ay kanyang
luhuran. Walang kaabog-abog, isinubo niya ang aking paghuhumindig at taas-babang pinaglaruan. Para akong
idinuyan. Napapikit ako habang nilalasap ang sarap. Itinulak ko siya nang
maramdaman kong malapit na akong labasan. Huwag muna, may gagawin pa ako sa
kanya.
At isinubo ko rin siya, mahigpit na kinuyom sa aking
bibig, labas-masok na hinagod ng dila ang ulo at tagdan. Napakapit siya sa
aking buhok, napasabunot. Napaungol, habol ang hiningang tila nagkabuhol-buhol.
Kumadyot siya, pabilis nang pabilis. At nang maramdaman ko ang contraction ng
mga ugat, bumitiw ako sabay sa pagpulandit ng kanyang katas.
At pagkatapos ako naman ang kanyang sinalsal. Muli kong hinanap
ang kanyang mga labi at doon ako ay nanatili hanggang sa sapitin ko ang
sukdulan. Umabot hanggang leeg ang talsik ng aking tamod.
***
“Mag-uumaga na pala,” ang sabi niya nang masulyapan ang
aking relos. “I need to go.”
Magkayakap kami sa sofa, ninanamnam pa rin ang tamis ng
mga nagdaang sandali.
“Do you really have to go?” Gusto ko siyang pigilan
subalit kumalas na siya sa aking mga bisig at nag-ayos ng sarili.
“Hindi ako pwedeng maarawan,” ang sabi niya.
“Bakit, bampira ka ba?” ang biro ko.
“Yes,” ang sagot niya. “May lihim akong nakatago sa dilim ng gabi.”
“Pareho pala tayo. I am not exactly who you think I am.”
Hinagkan niya ako sa labi. “That makes us compatible,
baby.”
Saglit kaming nagkatitigan, figuring out kung seryoso ba
ang isa’t isa sa mga sinasabi.
“I really have to go.” At tumayo na siya.
Tumayo na rin ako. “Will I see you again?”
“Sure,” ang sagot nya.
At tumalikod na siya.
“Wait,” ang habol ko.
Pumihit siya.
“Aris nga pala. Ikaw, anong pangalan mo?”
“Hindi mo ba ako nakikilala?” Ngumiti siya, labas ang mga ngiping porselana.
Nanatili akong nakatingin sa kanya, naghihintay sa kanyang pagpapakilala.
“Ako si Xander. Xander Forbes.”
Monday, October 9, 2017
Baby Boy
Pumupuwesto pa lang kami sa O, namataan ko na siya at hindi naiwasang sulyap-sulyapan habang nanonood ng drag show at nakikipag-chikahan sa mga kaibigan. Pilit kong hinuhuli ang kanyang mga mata. Pilit akong nagpapapansin sa kanya.
Nahalata ni Allen ang aking pagka-aligaga. "I wonder who's keeping us interested tonight," ang sabi. Sinundan niya ang direksiyon ng aking tingin.
Agad niyang nahulaan ang kanina ko pa sinisipat. "Yun bang naka-cap?"
BFF ko talaga siya. Alam na alam niya ang aking type. "Ang cute niya, di ba?"
Tumango-tango siya. "Chinito. Moreno. Yung tipo mo."
"Crush ko na siya," ang dugtong ko pa.
Ewan ko naman kung bakit, pero habang pinag-uusapan namin siya, bigla siyang napatingin at nagtama ang aming mga mata. Parang biglang nag-mute at nag-slow mo ang paligid. Para akong napatulala.
I was jolted back to reality nang sikuhin ako ni Allen. "Gurl, he's smiling at you," ang sabi.
Saka ko lang na-realize na, oo nga, nakangiti siya sa akin habang nakatingin. OMG!
And so, nginitian ko na rin siya. The sweetest I could manage.
"Go, gurl!" ang bulong ni Allen na bukod sa nang-e-encourage ay tila nanghahamon din.
***
I saw him head for the back door. After a few beats, I decided to follow. But to my disappointment, natagpuan ko siya sa labas surrounded by his friends. Not the perfect time for me to say hello. Tumayo na lamang ako sa di-kalayuan at uminom-inom ng beer mula sa boteng hawak ko. Nag-yosi na rin ako. Maya-maya, heto na rin ang mga friends ko, sumunod sa akin. Maybe to check on me dahil alam ko, nai-chika na sa kanila ni Allen ang tungkol sa kanya.
After a while, nagkayayaan nang pumasok sa loob ang grupo nila. Nagpatihuli siya. At bago lumisan, pinukol niya ako ng sulyap. Saglit na nag-hold ang aming mga mata. Bago tuluyang nagsara ang pinto, nasilayan ko ang pagguhit ng ngiti sa mga labi niya.
Tila mas higit pang kinilig ang mga kaibigan ko kaysa sa akin.
"Push!" ang sabi
ni Allen.
***
Muli kaming pumasok sa
loob. Nakasalang na ang mga go-go boys sa stage at kung saan-saan pang sulok ng
bar. Todo sa seksing pagsasayaw na ipinagbubunyi naman ng crowd. Siksikan na sa
loob at sa dami ng tao, muli ko siyang hinanap. Wala na siya sa dati nilang
puwesto. Hindi ko na siya makita. Pati mga kaibigan niya. Parang bigla na lang
silang naglaho. Nalungkot ako. At upang maibsan ito, pinanood ko na lamang ang
pag-indayog ng mga go-go boys. Makikisig, matatangkad, matitipuno. At kahit na
very suggestive ang kanilang mga galaw, hindi ko alam kung bakit parang hindi
ako sa kanila natu-turn on. They are nice to look at. Pero kahit
magpalipat-lipat pa ako ng tingin sa bawat isa sa kanila, wala pa rin akong maramdamang
kakaiba.
***
I may have had too much
beer or umatake ang claustrophobia ko kaya para akong nahilo at nainitan na
hindi ko maintindihan. I needed some fresh air. Kaya nagpasya akong lumabas,
hindi sa back door kundi sa front door ako dumaan. Hindi ko alam kung bakit
doon. Basta’t parang may humihila lang sa akin doon. Posible nga kayang kapag
in tune ang dalawang tao sa iisang wavelength, maaari silang mag-communicate sa
pamamagitan ng isip? Or whatever, nabasa ko lang ‘yun somewhere.
Nabanggit ko ‘yun dahil
paglabas ko, siya kaagad ang namataan ko. Nakaupo siya sa pandalawahang mesa,
mag-isa, umiinom ng beer at nagyoyosi.
Saglit akong napatda.
Nakatitig lang sa kanya. Siya nama’y nakatingin din sa akin na parang inaasahan
niya ang aking pagdating.
Dinala ako ng aking mga
paa sa kanyang kinaroroonan.
Nakalapit na ako sa
kanya’y tahimik pa rin kami. Walang nagsasalita. Patuloy lang na nag-uusap ang
aming mga mata.
Pagkalipas ng ilang sandali, tumayo siya at ngumiti. “Hi,” ang sabi.
“Hi,” ang sabi ko rin.
Ngumiti na rin ako.
“Care to join me?” ang
kanyang tanong.
“Sure,” ang sagot ko.
Naupo ako.
“Franco nga pala, pare,”
ang kanyang sabi, sabay abot ng kamay niya sa akin.
Na tinanggap ko nang
malugod. “ Aris,” ang pakilala ko rin.
Saglit na nagdaupang ang mga palad namin sa isang pakikipagkamay.
Malambot ang kanyang palad, mainit. Mahigpit kung humawak, parang ayaw bumitiw.
“May I offer you a beer?”
ang alok niya sa akin.
“No, thanks,” ang tanggi
ko. “I‘ve already had so much.”
“Then maybe you can join
me for a smoke?”
“Yeah, sure.” Dumukot ako
ng Marlboro Black mula sa bulsa ko at nagsindi.
Makalawang beses akong
naghithit-buga habang nakatingin sa kanya nang diretso.
“Bakit nandito ka at
mag-isa lang?” ang tanong ko, feeling relaxed na ako, hindi katulad kanina na
parang nahihiya at nag-aalinlangan. Nakahanda na akong lubusang makipagkilala
kay Frank.
***
“Nasaan ang mga kasama mo
kanina?” ang dugtong ko pa.
“Umuwi na. Iniwan na nila
ako,” ang sagot niya.
“Ba’t ka naman nagpaiwan?”
“Dahil ayoko pang umuwi.”
Lumagok siya ng beer at humithit ng yosi. “May gusto pa akong mangyari bago
umuwi.”
“At iyon ay…?”
“Ang makilala ka,” ang walang
gatol niyang tugon. “Na ngayo’y nangyari na kaya pwede na akong umuwi.”
“Oh okay. Bye.”
“Kidding.”
Bahagya kaming natawa at
sabay pang napahithit ng yosi.
“Seriously, I want to know
you,” ang sabi niya pagkaraan.
“I want to know you too,”
ang pag-amin ko na rin.
Patlang. Na para bang
pareho kaming nag-aapuhap ng sasabihin.
“So, how old are you? ”
ang tanong ko, bunsod ng kagustuhang maipagpatuloy ang aming pag-uusap.
“Nineteen.”
“Huwat???” Gosh, ang bata
niya. As in, ang laki ng agwat ng edad namin. I knew he was young but I didn’t
expect him to be this young.
“Why? Ayaw mo ba sa bata?”
“Masyado kang bata for me.
It makes me uncomfortable.”
“Sabihin na lang natin na
bata akong mahilig sa matanda.”
“Ouch.”
“I mean, older,” ang bawi
niya. “Not that you’re old or something. I just like older men. At wala akong
issue sa tatay ko. Na kaya ganon ang preference ko ay dahil naghahanap
ako ng father figure. No. Okay kami ng tatay ko. At hindi father figure ang
hanap ko kundi boyfriend. An older boyfriend.”
“So, we’re talking about
boyfriends now…” ang tukso ko.
“Yeah,” ang tugon niya. “Ikaw,
do you go for younger?”
“No.”
May gumuhit na
disappointment sa kanyang mukha.
“I mean, yes,” ang bawi
ko. “ For every rule, there’s always an exception, right?”
“Uhuh.” Tumango-tango siya.
Muling lumagok ng beer at nag-yosi.
Parang biglang nanuyo ang
lalamunan ko sa tinatakbo ng usapan namin. Parang bigla ring nawala ang amats
ko kanina. “I think I need a drink.”
Inunahan niya na akong
sumenyas sa waiter.
“Red Horse,” ang sabi ko
paglapit ng waiter.
“Dalawa na, Kuya,” ang
sabi niya sa waiter.
Pinatay niya sa ash tray
ang kanyang sigarilyo at nagsinding muli ng panibago. Napagaya na rin ako.
Pinanood namin ang paglutang
at pagsasanib ng mga usok na ibinuga namin.
Nagkatinginan kaming muli.
At nagkangitian. Parang wala na namang masabi.
(May Karugtong)
(May Karugtong)
Thursday, September 28, 2017
Just Fine
No, hindi dumating si James noong Sabado.
Tinitext siya ni A. Hindi sumasagot.
Ang excitement at anticipation ko, nauwi sa matinding disappointment. Gustong-gusto ko pa naman siyang makita.
Pinangarap ko siya buong linggo. Pero wala talaga, kahit paramdam.
Bagong gupit pa naman ako. (Yes, Pao, ginaya kita at sinunod ko ang beauty tip mo!) Sabi ng bestfriend ko, ang ganda ko raw (pagbigyan n'yo na ako please!) pero dahil wala si James, ang pangit ng pakiramdam ko.
Napagbalingan ko ang Strong Ice. At ako ay nagkunwari sa harap ng aking mga kaibigan. Nagkunwari akong masaya. Itinago ko ang aking pagkabigo.
Nalasing ako pero nasa katinuan pa rin naman. Kaya pagpasok sa Bed, aware pa rin ako sa aking kapaligiran.
Nalasing din si H. Naghubad at nakipag-sexy dance sa akin. Walang malisya, katuwaan lang. Pilit niyang tinatanggal ang aking damit pero nag-resist ako. Mataba kasi ako ngayon. (Kelan ba ako huling naghubad sa Bed? Matagal na. Isang gabi iyon na pulos nakahubad ang nagsasayaw sa ledge. Bawal ang naka-damit. Pag-akyat ko, hinubaran nila ako.)
Speaking of ledge-dancing, umakyat kami ni H sa square table na patungan ng drinks. Doon kami nagsayaw. May friend siya (na noon ko lang nakilala) na nag-join sa amin. Nagkaroon ng malisya ang sexy dance namin ng friend niya. Ang holding hands ay nauwi sa paggapang ng mga kamay sa kung saan-saan. I had to detach.
I joined my other friends. At dahil panay din ang inom nila, medyo naging rowdy kami. Naka-imbento kami ng game. Mahirap i-explain, pero may accidental kissing and crotch grabbing. Nakakapikon pero nakakatuwa, parang laro ng mga salbaheng bata.
Nagkabanggaan kami ng isang tao na kinabaliwan ko dati. Mr. Right pa nga ang codename ko sa kanya noon. Nagkatinginan kami pero hindi nagbatian. Hindi ko alam kung nagkahiyaan lang kami kasi wala naman talaga kaming pinag-awayan. Very attractive pa rin siya. Pero si Mr. Wrong na siya para sa akin ngayon. (Oh well, that’s another story!)
Nagkita rin nga pala kami ni McVie. I hugged him kasi antagal ko na siyang hindi nakikita. I asked him kung sino ang kasama niya. Ang sagot niya: si Lord! (Friend, nakakaloka ka!)
Later on, three of my friends got connected. Magkakabarkada ang naka-connect nila. Ibinuyo sa akin ang isa pang kabarkada. Para nga naman mas masaya, di ba? (Ok, jumoin ako pero, for the record, hindi ako nakipaghalikan.)
Pakiramdam ko nagpapatianod lang ako nang gabing iyon. Pinipilit kong maging masaya at magmukhang masaya. In denial ako sa lungkot habang sinasabayan ko ang “Just Fine”.
I skipped breakfast. Maaga akong umuwi.
Nakapag-desisyon na ako.
Magpapahinga muna ako sa party scene. Nakakapagod na kasi. Hindi lang physically. Kundi emotionally.
Nakakasawa na rin. Parang pare-pareho na lang ang nangyayari. Masaya pa rin naman kaya lang parang nawala na ang dating excitement.
Aayusin ko muna ang sarili ko. Gusto kong maging worthy sa mamahalin ko at magmamahal din sa akin.
Tuesday, September 26, 2017
Ang Kariktan Ng Iyong Paglisan
Ang kariktan ng iyong paglisan
Ay ang pagtimo sa puso na parang punyal
Ng kalungkutan
Na kung saan ang mga takot ay pilit pinaglalabanan,
Iwinawaksi ang bagabag,
Ngumingiti sa kabila ng pighati
At pangamba
At pangungulila
Hanggang sa ang sundot ng kabaliwan
Ay magmistulang ligalig
At panganib na nakaamba
Sa katinuan ng isip.
Friday, September 8, 2017
Mash-Up
Mula nang mag-disappear ka, hindi ka na uli
nagparamdam.
Hindi ka na uli nag-text.
Nabalitaan ko na lang mula sa common friend natin: Nagkabalikan na kayo ng ex mo.
Noong iniwan ko kayo sa Kapihan para mag-usap, you kissed and made up.
Sumama ka na pala sa kanya habang ako ay parang tangang naghihintay sa’yo sa Club.
Sa harap ng isang bakanteng mesa, pilit kong nilunod sa Red Horse ang magkakahalong damdamin.
It felt like a roller coaster mishap. After all the thrill and excitement, I fell hard and was broken.

Nang magkakilala kami sa Club, inisip
ko na pang-isang gabi lang siya.
Pero ang sabi niya, he wanted a
relationship daw.
And so I was made to believe na doon na
kami papunta. Konting-konti na lang, magiging kami na.
Pero, isang gabi, nag-text siya sa
akin. He was meeting a friend daw. May kailangan lang daw silang pag-usapan.
Medyo late na ah,
ang sagot ko.
Huwag daw akong mag-alala dahil malapit
lang ang meeting place sa bahay nila.
Ingat, sabi ko na lang.
Hindi na siya nag-reply.
My celfone was silent hanggang kinabukasan.
***
“Wala na kami. Hiwalay na. Maaari ba
tayong magpatuloy?” ang tanong niya.
Sinaid ko ang laman ng bote ng Red
Horse. At pagkatapos, tumayo ako.
“Bumalik na tayo sa loob,” ang sabi ko.
Mabilis ang aking mga hakbang. Kasunod
ko siya. Tahimik akong nag-iisip habang naglalakad sa Nakpil pabalik sa courtyard
ng Orosa.
Pagpasok namin sa Club, “Bleeding Love”
was playing.
I saw my friends on the ledge. I joined
them. Nagsayaw ako na parang may gustong kalimutan.
Naiwan siya sa dancefloor. Nakatayo.
Nakatingin lang.
***
Last night , hindi ako makatulog.
Nananariwa ang mga alaalang pilit kong sinu-suppress nitong mga nagdaang araw.
Naiisip pa rin kita. Ayokong aminin sa sarili ko na in-love ako sa’yo. No, I’m not.
I was just caught off-guard kaya ako nagkakaganito.
I was at my most vulnerable nang bahagian mo ng atensyon kaya huling-huli mo ako.
Lilipas din ito.

I will be fine, I know.
Friday, September 1, 2017
Pagpipinid
Dahan-dahan kong hinagod ng tingin ang kabuuan ng silid.
Naroroon sa dingding ang larawan namin. Nakatabingi. Puno
ng pagkukunwari ang aming mga ngiti.
Sa sahig ay ang basag na plorera. Nagkalat ang mga
talulot ng rosas.
Sa hangin ay nakalutang pa rin ang naiwan niyang
halimuyak.
We tried our best
to patch things up, didn’t we?
Tumayo ako. Dinama ang namamaga at nananakit na mukha.
Pinahid ang mga luha.
Dinampot ko ang susi ng kotse.
Tinungo ko ang pinto, mabuway ang mga hakbang.
At nang makalabas, ipininid ko iyon nang marahan.
Thursday, August 31, 2017
Without Me
Nakita kita sa simbahan. May kasamang iba.
Nagsisimba ka na pala ngayon.
Noong tayo pa, kahit minsan hindi kita nayayang magsimba. “Hindi ako religious,” ang sabi mo pa.
Isa iyon sa mga dahilan kung bakit nagkahiwalay tayo.
Iniwasan kita. Mas mabuti nang hindi mo ako makita.
***
Pagkatapos ng misa, muling nag-krus ang landas natin.
Sa bookstore sa kalapit na mall. Kasama mo siya.
Noong tayo pa, kahit minsan hindi mo ako sinamahang mag-bookstore. “Hindi ako mahilig magbasa,” ang sabi mo pa.
Isa uli iyon sa mga dahilan kung bakit nagkahiwalay tayo.
Iiwas sana ako subalit nagkasalubong na ang ating mga mata.
***
“Kumusta?” ang bati mo.
“Mabuti,” ang tugon ko.
Ipinakilala mo ako sa kasama mo. Kunwari wala tayong nakaraan.
“Saan kayo galing?” ang chika ko pa.
“Nagsimba,” ang sagot niya.
“Uy, nagsisimba ka na,” ang tukso ko sa’yo.
“Oo. Good boy na ako,” ang sagot mo, nakangiti.
“At nagbabasa na rin,” ang dugtong ko pa.
“Dahil sa kanya,” sabay turo sa kasama mo.
Ngumiti siya at nakita ko sa mga mata niya na proud siya dahil napagbago ka niya.
***
Bitbit ang mabibigat na libro, lumabas ako ng bookstore na mabigat din ang dibdib ko.
Sa huling sulyap, nakita ko kayong masayang nagba-browse.
Willing ka palang magbago at mag-adjust, bakit hindi pa sa akin noon?
Sana tayo pa rin hanggang ngayon.
At sana hindi ako nagbabasa ng romance upang pawiin ang lungkot.
*previously posted as Ex-sena in 2010.

Subscribe to:
Posts (Atom)