Thursday, October 22, 2015

Oh Baby Baby

"Baby, sa tingin mo, magkano magpatahi ng suit?"

"Wala akong idea, baby. Ayaw mo ng ready-made? Meron sa Onesimus."

"Baka mas mura kasi kung patahi, baby."

"Bakit kailangan mo ng suit?"

"May formal event kasi sa office."

"Akala ko, baby, magpapakasal ka na. Hehehe!"

A beat.

"Hindi pa naman kita niyayaya ah!"

Two beats.

"Akala ko kasi kailangan ko na ring magpatahi."

"Hahaha! Sasabihan naman kita, baby!"

Mi Baby

Thursday, October 8, 2015

Laro

Ipinagkanulo ka ng post mo sa Facebook.

Mayroon kang iba. Hindi lang ako. At mas mahal mo siya.

Noong una, ayoko sanang maniwala dahil sa iyong pangako.

Subalit nang tanungin kita, hindi ka kumibo. Mas pinili mo ang manahimik. 

Magtatanong ba ako ulit? Mangungulit? Mamimilit? Hindi na siguro.

Nasa korte mo na ang bola at kung ito'y hindi mo ipapasa, tapos na ang ating laro.


Wednesday, September 30, 2015

May-December

Kuwarenta ka at siya'y bente. Nagkakilala kayo dahil nag-effort siya. Siya ang unang nag-hello at nanghingi ng number mo. Hindi ka naghahanap ng bata subalit dahil sa siya ay guwapo at nag-enjoy ka sa conversation ninyo, nagpasya kang gawin siyang exception. For days now, panay ang text at tawagan n'yo, may plano na nga kayong magkita sa Linggo. But then, just today, nadiskubre mo nang hindi sinasadya ang Facebook ng kanyang ex. May picture siya kasi -- sila actually -- na ang caption ay "Me and my boo" posted three months ago. Ang guwapo ng ex niya at bata rin, magkasing-edad lang sila. Ano naman ang laban mo eh bukod sa kuwarenta ka na nga, average lang ang looks mo. (Hindi mo nga lubos maisip kung bakit nagka-interes siya sa'yo.) Hindi mo napigilang halungkatin ang account ng ex niya. Ayun, nakita mo ang "happy times" nila, ang history ng kanilang relasyon -- kung kelan sila nag-on at kung kelan nag-break. (Well at least, hindi siya nagsisinungaling nang sabihin niyang siya'y single.) At ika'y nagulat dahil nadiskubre mo rin na kahit break na sila, may mga "likes" at comments pa rin siya sa posts ng ex niya. (At one point, tinawag niya pa itong "Bae".) At ika'y napag-isip. Ang namumuo na sanang pag-asa at excitement tungkol sa kanya ay napalitan ng pagdududa. Bigla kang naging unsure sa inakalang finally ay pagdating sa'yo ng forever. At gusto mo na lamang tumigil. Gusto mo na lamang supilin ang papausbong mong damdamin. Sa edad mo, surely you must have learned your lessons, na ang ugnayang ganito ay parang bato na titisod lamang sa'yo. Masakit kaya ang madapa lalo na kung paulit-ulit. O nagseselos ka lang at insecure masyado?

Yakap


Yakap sa taglamig ang iyong pagdating na dahil sa higpit, tumagos sa puso ko ang init. Salat man sa pangako ay aking dadamhin at ipananalangin na ika’y manatili’t huwag bumitiw.

At kung sakali man na kumalas ang iyong mga bisig, ipagpapasalamat ko pa rin ang mga sandaling ika’y nakapiling. Hahayaan kitang umalis upang hanapin ang nais; at kung magbabalik, yayakapin kita at tatanggapin nang buong pananabik. 

Monday, August 31, 2015

Tag-Lagas


Naninigid ang lamig, tumatagos maging sa kanyang jacket. Tinatanaw niya ang tila maulap na lawa habang nakaupo sa bench. Tangay ng hangin ang mga dahon ng Maple na bumitiw na sa sanga.

Kanina niya lang nalaman. Pumanaw na si D. Si D na iniwan niya upang makipagsapalaran sa ibang bansa. Si D na babalikan niya sana. Heart attack, ayon sa balita, na marahil ang sanhi ay ang sama ng loob na idinulot niya.  

Sa pag-ihip ng hangin, nanigid sa kanya ang lungkot. Sa pagpatak ng mahinang ambon ay pumatak din ang kanyang mga luha. Huli na ang pagsisisi. Hindi na maibabalik ang nakaraan. Hindi na maitutuwid ang mga pagkakamali. 

Sa panahon ng tag-lagas ay dinudurog siya ng matinding pangungulila. Marupok na ang kanyang kapit. Nais niyang mag-hold on subalit hindi na niya magawa. Bibitiw na rin siya sa pagsapit ng tag-lamig. 

Sunday, August 30, 2015

Boxers


Hi neighbor. May nakapagsabi na ba sa’yo na ang boxers ay underwear at hindi walking shorts? Huwag kang gumala-gala sa bakuran n'yo nang naka-boxers lang. Nakaka-disturb. Sa pagdungaw ko sa bintana, nagkakaroon ako ng dirty thoughts. Paano naman kasi, nabubungaran kitang paikot-ikot, agaw-pansin ang morning wood. Ilang ulit ko na bang pinaglaruan sa imahinasyon ang iyong hubog? Ilang ulit na ba akong namangha/napatulala habang ika'y pinapanood? Napakaharot mo pa namang kumilos. Parang wala kang pakialam kahit na lumuwa man 'yan. At alam mong napagmamasdan kita pero para ka pang nangse-seduce na ngingiti at kakaway. Noong una, nakakatuwa, nakaka-excite. Pero nitong huli, nakakatakot na. Nakapag-iinit na kasi. Baka tuluyan na akong bumigay. Baka hindi ko na mapigil ang sarili.

Monday, August 17, 2015

Ghost Town


Ang kalye ng masisiglang yapak ay naging malamig na at malubak. Nagdilim na ang mga ilaw-dagitab at kung may natitira pang ningas, aandap-andap na at kukurap-kurap. Ang musika sa bulwagan ng mga indak at halakhak ay inumid na ng kawalan ng paglingap. Naglaho na ang pag-asa, ang mga pangarap at pagbabaka-sakali sa walang katiyakang paghahanap.

Sa lamay ng dati kong kanlungan, sinupil ko ang dalamhati habang nagbabalik-tanaw sa nakaraan at nagpapakalunod sa serbesang maligamgam.

Thursday, July 23, 2015

Sagi


Hindi ko sinasadyang masagi ang matigas mong bahagi. Agad akong bumawi subalit pinigilan mo ang aking kamay. Nakapapaso man ang init, nagpaubaya ako sa iyong pinagdalhan. Ipinadama, ipinahimas, unti-unti mong tinupok ang aking lakas. At hindi nagtagal, pareho na tayong nahihibang sa lagnat.

Friday, July 17, 2015

Quickie

My newest ebook, a compilation of selected short short stories, is now available at PdfSR.com. Nahirapan akong ilusot ito sa meatgrinder ng Smashwords kaya naghanap na lang ako ng ibang platform. 


To read or download your free copy, click here.

And please rate me on Goodreads.

Monday, July 6, 2015

Seven


Ngayon ang ika-pitong anibersaryo ng aking blog.

How time flies. Parang kailan lang nang ako ay nagpakilala sa inyo. Parang kailan lang nang ang mga makukulay kong karanasan ay sinimulan kong ibahagi sa inyo.

Sa paglipas ng mga taon, marami na ang nabago. Siyempre, nagkaedad na tayo at nabago na ang takbo ng mga kuwento. Pero nananatili pa rin ang pagiging makulay ng mga ito.

Sa pagdiriwang ng aking anibersaryo, balikan natin ang bahagi ng isa sa mga pinaka-memorable kong kuwento na inilathala ko noong Hulyo 2008...

***

Dumiretso ako sa lugar na kung saan iniwanan ko si M. Wala siya doon. Iginala ko ang aking mga mata. Sa dami ng tao, hinanap ko siya.

Di ko makita.

Sinuyod ko ng tingin ang dancefloor.

Inisa-isa ko ang mga nagsasayaw sa ledge.

At doon sa bandang likuran na kung saan medyo madilim ang ilaw, naaninag ko ang makisig niyang hugis.

Excited akong umakyat sa ledge para lapitan siya. Pero bigla akong napahinto.

Si M. My sweet, beautiful M.

Hindi siya nag-iisa. May kasama siyang iba. At hindi lang sila basta nagsasayaw o nag-uusap.

Naghahalikan sila.

Nanlumo ako. Parang biglang hinipan ang kanina’y nagsinding pag-asa at pangarap sa puso ko.

May naramdaman akong masakit.

Matagal ko silang pinagmasdan. Matagal kong sinaksihan ang mapait na katotohanan.

Nagpalit ang tugtog. Para akong biglang natauhan. Nagsimula akong umindak. Iginalaw ko ang aking katawan, sabay sa maharot na tugtog. Sumayaw ako palayo sa kinaroroonan ni M.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Pilit kong binubura sa aking isipan ang imahe ni M na nakikipaghalikan sa iba.

Matagal akong nagsayaw na nakapikit. Pilit kong pinapayapa ang aking damdamin. Pilit kong itinatakwil ang sakit.

Maya-maya naramdaman ko, may humawak sa kamay ko. It was a familiar touch.

Dumilat ako.

Si N.

Saturday, June 13, 2015

Init


Kaytagal kong nanabik sa halik kaya nang ilapit mo ang iyong bibig, ako ay napapikit. Nang maglapat ang ating mga labi, ako ay nangilig; tila nawala sa sariling bait.

Dama ko ang singaw ng iyong katawan. Langhap ko ang pabango mong CK One. Nang dumampi ang iyong palad at naglakbay sa aking kabuuan, para akong posporong nagsindi, sumirit sa init ng pagkakadarang.

Subalit ang lahat ng ito’y panandalian lamang, saglit na pagpapatangay sa bugso ng kapusukan. Pagkaraang mairaos ang pagnanasa at mahimasmasan, ang pagtatapos ng gabi ay naging pagtatapos din ng kahibangan.

Ni hindi ko nakuha ang iyong pangalan.

Friday, May 22, 2015

Sa Gubat


Nang masabit sa sanga at mapunit ang iyong manipis na salawal, nalantad ang iyong balat mula baywang hanggang sa kung saan nagdurugtong ang iyong biyas. At doon ko napagtanto na wala kang suot na panloob. Pilit mo iyong pinagtakpan subalit sa halip na maikubli ay dagliang lumusot at nabuyangyang ang iyong kasarian. Ako’y natigilan at napatitig, namangha sa kung gaano iyon katikas. Kung anong ipinayat ng iyong katawan ay siya naman niyong inilusog, tila hindi angkop sa iyong kabuuan. Napangiti ka na lamang sa paghulagpos ng iyong ari na siguro dahil sa pagkakabulabog ay nabuhay, nagngalit na parang nanghahamon ng laban. Hinawakan mo iyon at dinaop ng palad na parang pagsansala sa kaaway. Tuluyan mo nang hinubo ang iyong salawal at ang iyong kahindigan ay hinaplos, inamo ng iyong kamay – urong-sulong, baba-taas – hanggang sa ang dalisay na daloy ng batis ay siritan ng iyong katas. 

Sa panahon ng tag-init at tag-tigang, ang pinakamagandang tanawin dito sa probinsyang pinuntahan ay natagpuan ko sa gubat.

Wednesday, May 13, 2015

Alon


Nagkakilala tayo noon sa panahon ng paghahanap. Nang magtagpo tayo sa batuhang iyon, hindi na natin kinailangang magsalita. Sapat na ang mga titig upang ipahiwatig ang kagustuhang makipagniig.

One night stand lang iyon dapat. Subalit pagkaraan nating mag-alab, niyaya mo akong uminom. Nag-usap tayo at nagkapalagayang loob. Papasikat na ang araw, hindi pa rin tayo naghihiwalay. Nakaupo tayo sa beach, nag-uusap pa rin. At nang magyakap tayo upang magpaalamanan, alam natin na may magic na naganap. Sa isang hindi inaasahang lugar at pagkakataon, natagpuan natin ang pag-ibig.

Lumisan tayo sa isla at ipinagpatuloy sa Maynila ang ating naging simula.

Subalit katulad ng paglalayag sa Batangas Bay, naging maalon ang ating relasyon. Ang hindi natin maintindihan, mahal naman natin ang isa’t isa subalit bakit palaging may unos?

Hanggang sa pareho tayong mapagod at mawalan ng lakas upang labanan ang paulit-ulit na mga pagsubok.

“Bakit mo ako iniwan noon?” ang tanong mo.

“Ikaw ang umiwan sa akin,” ang sagot ko.

“Binalikan kita. Pero may iba ka na.”

“Akala ko, hindi ka na babalik.”

It was our biggest mistake. Ang gumive-up nang ganoon kabilis. Siguro dahil napakabilis din ng mga naging pangyayari sa atin.

Hanggang sa nabalitaan ko, may bago ka na rin.

Hindi ko akalain na magiging ganoon iyon kasakit. Ang intensyon kong saktan ka ay nag-boomerang sa akin.

At ang higit na masakit ay nang muling mag-krus ang landas natin nang sumunod na tag-init. Sa Galera rin, nagkita tayo at pareho nang may kasamang iba.

Nagpaka-civil tayo. Nagbatian at ipinakilala ang mga partner. The four of us even shared a pitcher of Mindoro Sling. Subalit sa likod ng pagpapaka-pleasant, nag-uusap ang ating mga mata. Nagtatanong… nagsusumamo… nasasaktan.

Nang summer na iyon, iisa ang aking naging realisasyon. Mahal pa rin kita.


-- Excerpt from Summer's End.

Sex On The Beach

Parang hindi ako makakilos. Nakatingin lang ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin, waring pinagmamasdan niya ang aking kabuuan habang nakahiga ako sa buhangin.

Maya-maya, dahan-dahan siyang umupo. Bumangon ako. Nagtapat ang aming mga mukha. Nagtama ang aming mga mata. Naglapit ang aming mga labi at dahan-dahang naglapat sa isang halik. Sa simula’y marahan, maingat pero nang lumaon naging marahas, mapusok. Matagal na naglaro ang aming mga labi at dila. Napakatamis sa panlasa ng halik na iyon. Napakasarap. In my mind, the
perfect beach music started playing.

Nang magbitiw ang aming mga labi, muling nagtama ang aming mga mata. Matagal. Hinagod ko ng tingin ang kanyang mukha. Hindi ako makapaniwala na kaharap ko siya ngayon… abot-kamay… naghahandog ng kanyang sarili.

Sinimulan niyang hubarin ang aking damit. Hinubaran ko rin siya. Nagyakap kami at mariing nagdikit ang hubad naming mga katawan. Napakainit sa pandama ng kanyang balat. Sinimulan niya akong halikan sa leeg, pababa sa aking dibdib. Gayundin ang ginawa ko sa kanya. Hinalikan ko ang buo niyang katawan. Hanggang sa muling magtagpo ang aming mga labi at maghinang sa isang maalab na paghahalikan. Nahiga kami sa buhangin.

Sex on the beach. May kakaibang sensasyon ang buhangin sa aming kahubdan. May kakaibang thrill ang open air sa pagsasanib ng aming mga katawan.

Pareho kaming nagpaubaya… nagpatianod sa daloy ng aming pagnanasa. Matagal naming tinuklas ang ligayang hatid ng bawat dampi…hagod… at haplos.

Kumawala ang init mula sa aming mga katawan.

Isang mahabang katahimikan. 

Nanatili kaming nakahiga sa buhangin. Nagpapakiramdaman.

“Ako si TJ,” ang sabi niya.

“Aris,” ang sagot ko.

Inabot niya ang aking kamay.  “Let’s go.”

Tumayo siya sabay hila sa akin. Tumayo na rin ako.

Nagsimula kaming maglakad pabalik sa beachfront ng resort.

Akala ko, didiretso na kami pauwi sa cottages pero nagyaya pa siyang dumaan sa isang bar. We ordered Mindoro Sling and we started drinking.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong kaligayahan nang mga sandaling iyon. I still could not believe we just made love. Kanina ina-admire ko lang siya from a distance, pinapangarap, pero ngayon magkasama pa kami sa isang bar, nag-iinuman at nag-uusap. Naghahawakan pa ng kamay. It was too much.

Ever After played. Tumayo siya at nagyayayang sumayaw. Exactly what I wanted to do. Sa maharot na beat ng kanta ni Bonnie Bailey, muling nag-ulayaw ang aming mga katawan sa isang sayaw. Alternately we danced and hugged. Hanggang hindi na namin mapigilan ang aming mga sarili, we kissed. Naroroon pa rin ang pananabik at tamis sa kanyang mga labi na hindi ko ma-resist. Higit na nakalalasing si TJ kaysa sa Mindoro Sling.

-- Excerpt from Mindoro Sling.

Thursday, April 23, 2015

Kasabay

Lagi ko siyang nakikita sa gate ng village. Nakakasabay sa pagsakay at pagbaba sa traysikel. Nakakasabay ko rin siya sa 7-11 at sa Chow King. Ewan ko kung bakit tila laging pinagtitiyap ng tadhana na makasabay ko siya. At sa tuwing siya’y makikita, natutuwa ako at sumasaya. Matagal ko na siyang crush at sa araw-araw na nakikita at nakakasabay ko siya, higit na tumitindi ang kagustuhan kong siya’y makilala.
 
***

Nakasabay ko siyang bumili sa 7-11 sa kanto isang gabi. Naka-shorts siya nang maiksi at litaw na litaw ang mabibilog niyang hita at mahahabang binti. Humagod ang tingin ko sa kanyang crotch na maumbok, sa kanyang torso na naka-outline sa kanyang sando, sa kanyang matipunong dibdib at malapad na balikat, sa kanyang mukha na ang bawat bahagi – matangos na ilong, singkit na mga mata, mapintog na mga labi, kuwadradong panga – ay nagko-complement upang sa kabuuan ay masabing siya ay guwapo.

***

Sinundan ko siya sa kanyang pag-ikot sa convenience store. Pilit hinahagip ang kanyang mga mata. Kung titingin siya, ngingitian ko siya. Subalit occupied siya, unaware sa interes ko sa kanya. Dumampot siya ng 2 liter Coke at dalawang supot ng Chicharron ni Mang Juan. At nang makita ko siyang papunta na sa counter, dumampot ako ng kahit ano na lang upang sabayan siya sa pagbabayad. Nagdagdag siya ng Marlboro Black at bukod doon, may itinuro pa siya sa kahera na ikinatigagal ko.

***

Condom.Trojan Ultra-Thin. At lubricant. Bliss. Nagdalawang-isip pa siya kung Fire Ice

***

Kasunod niya ako sa pila. Langhap ko siya at dama ang singaw ng katawan niya. Naramdaman niya rin siguro ang "init" ko kaya napasulyap siya. At nang magtama ang aming mga mata, ginapangan ako ng thrill mula ulo hanggang paa. Lalo na nang ngitian niya ako na para bang proud pa siya na nahuli ko siya sa kanyang kapilyuhan. Bumilis ang tibok ng aking puso at ako’y parang natulala. Bago pa ako nakahuma o nakaganti man lang ng ngiti, natapos na ang transaction niya sa counter at siya’y papunta na sa pintuan. Ibinaba ko ang hawak-hawak kong Chippy (hindi ko na binili) at siya’y mabilis na sinundan.

***

Pagkalabas na pagkalabas ng convenience store, kaagad ko siyang hinanap. At nang makita ko siyang nakatayo sa tapat ng Andok's, ako’y muling natigilan. May katagpo siya na naghihintay sa kanya sa labas. Guwapo. Matangkad. Matipuno. Naka-shorts din at naka-sando. Nakita kong ngiting-ngiti ito nang iniabot niya rito ang supot ng condom at lubricant. Maya-maya pa’y inakbayan na siya nito at naglakad na sila patungo sa gate ng village.

***

Muli ay nakasabay ko siya sa traysikel. May kasama siya sa loob (baka magka-holding hands pa sila, who knows). Nakaupo ako sa likod ng drayber, tinitiis ang maingay na motor at mabahong usok.

Wednesday, April 22, 2015

After All


Hindi ko inaasahan na sa Galera muling magkukrus ang landas namin ng isang dating pag-ibig.

“Aris,” ang tawag niya.

Lumingon ako. Sa gulat pagkakita sa kanya, natapunan ako ng ice crumble na iniinom ko. Agad kaming nagyakap at natapunan ko rin siya pero hindi siya nagbitiw.

Si Ramon. Walong taon na ang nakalilipas nang kami ay magkakilala at lumabas-labas. Okay na kami noon, nagkakamabutihan na, subalit sa kung anong kadahilanan, naudlot kami at hindi natuloy.

“Iniwan mo ako noon dahil ayaw mo sa bata,” ang tila pagpapaalala niya sa aming nakaraan. Eight years din kasi ang aming age difference. Nakaupo na kami sa lilim ng isang higanteng payong sa tapat ng Pacific Divers, nagma-mango juice siya at ako, nagko-Coke. Papaalis na siya ng isla nang hapong iyon at naghihintay sa pagdating ng bangkang “Golden Hawk”.

“Hindi,” ang sagot ko. “Hindi ako sigurado sa feelings ko dahil kaka-break ko lang noon.”

“Unsure ka pa rin ba sa feelings mo hanggang ngayon?”

Tiyak na ang damdamin ko pero hindi ko alam kung paano sasabihin iyon. Ngumiti na lamang ako at hinayaang makita niya roon ang sagot.

“Ako, from the very start, sigurado ako sa nararamdaman ko,” ang sabi niya. “Walang nababago.”

Tumindi ang ngiti ko at napatitig sa kanya. Sinalubong niya ang aking mga mata at doon, nabasa ko ang sinseridad niya.

“Hanggang ngayon, naaalala pa rin kita. Naaalala ko pa rin ang masasayang pinagsamahan natin.”

Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ko at nanatili akong nakatingin sa kanya, nakikinig sa mga sinasabi niya.

“Hindi ko pa rin nalilimutan ang mga pagkakapareho natin. Magkasundong-magkasundo tayo noon. Sa hilig, sa pagkain, sa bisyo. Pati na sa kabaduyan.” Tumigil siya at saglit na natawa. “Remember ‘yung ‘Til There Was You’ na pinanood natin on our first date?”

Natawa na rin ako at napa-reminisce. Sa movie na iyon ni Juday kami unang nag-holding hands, nagyakap at nag-kiss.

“Gayon pa rin ba ang mga gusto mo ngayon?” ang tanong niya.

“Oo, wala pa ring nababago,” ang sagot ko. “Dati pa rin, pati mga pangarap ko.”

“Pangarap mo pa rin bang tumira sa farmhouse malapit sa beach?”

“Iyan pa rin ang inaasam ko kapag nag-retire na ako. Ikaw, nagbago na ba?”

“Hindi, pareho pa rin tayo.” Naglayo siya ng tingin, saglit na tinanaw ang dagat na tila may inaapuhap sa isip.

May ningning sa kanyang mga mata nang muling bumaling sa akin. “Ilang ulit ko nang inilarawan sa isip ang farmhouse na iyon. Kung gaano kalawak ang lupang kinatitirikan niyon, kung anu-anong mga halaman ang nakatanim doon. Kung ano ang itsura ng kusina, kung ilang silid, kung gaano kalaki ang porch, pati na ang mga muwebles at tumba-tumbang naroroon.”

Hindi ko naiwasang mapangiti. Lumarawan din sa aking isip ang imahe ng pangarap kong farmhouse.

Nagpatuloy siya. “Alam mo ba kung ilang tumba-tumba ang nasa porch?”

“Dalawa?” Hindi iyon hula kundi batay sa sarili kong imahinasyon.

“At alam mo ba kung sino ang nakikita kong nakaupo roon, nagpapahangin, nagkukuwentuhan, nagtatawanan tuwing hapon?”

Hindi ako sumagot. Bumilis ang tibok ng puso ko sa antisipasyon.

“Ikaw at ako,” ang kanyang tugon, sabay sa matamang pag-apuhap ng aking reaksiyon.

Hirap man sa paghinga dahil sa mabilis na tibok ng puso, nagawa ko pa ring magsalita. “Bakit ako? Bakit tayo?”

“Dahil alam kong ikaw lang ang makaka-appreciate nang ganoon. Dahil alam kong iyon din ang pangarap mo.”

Magkahalong saya at lungkot ang nadama ko. Saya dahil magkatulad pa rin ang gusto namin sa future. At lungkot dahil binalewala ko iyon at hindi pinahalagahan sa nagdaang panahon. Kasunod niyon ang pangamba na baka kuwento-kuwento na lamang iyon, na tuluyan na siyang gumive-up sa akin, at ang totoong nakatakda sa hinaharap ay ang umupo ako nang mag-isa sa tumba-tumba sa porch ng farmhouse.

“After nung nangyari sa atin, nagkaroon ka ba ng serious relationships?” I had to fish.

“Relationships, yes. But serious, no.” ang kanyang sagot. “Ikaw?”

“Wala rin akong masasabing serious dahil karamihan sa mga iyon ay hindi nagtagal.”

“Nitong huli, I dated somebody. He reminded me so much of you. But I found out he’s all wrong for me. Hindi siya mabubuhay sa farmhouse. Hindi siya kumakain ng tuyo at sardinas. Hindi niya type si Juday. After him, ayoko na. Parang gumive-up na ako sa paghahanap. Nakakadala na.”

“Ako rin, parang nadala na. Kaya kapag may nakikilala ako, hindi ko na sineseryoso. Nakikipaglandian na lang ako tapos, wala na.” Sa kabila ng Dalisay water na pinag-iinom ko sa isla, hindi na ako nagpakadalisay pa. Ayaw kong magkunwari. Gusto kong magpakatotoo.

“Walang masama, single ka. Ginawa ko na rin ‘yan pero napagod lang ako. Hindi ka pa rin ba napapagod?”

“I haven’t been in Malate for a while. I consider myself semi-retired na. Kung hindi lang dahil sa mga kaibigan ko, hindi na ako pupunta.”

“But you were in Mikko’s last night?”

“Umm, yeah.”

“Buti na lang hindi ako nagpunta roon kagabi. Dahil kahit walang masama, maaapektuhan pa rin ako kung makikita kitang nakikipaglandian sa iba. Masasaktan ako.”

Napatingin ako sa kanya, nagtatanong ang aking mga mata.

“Aris, mahal pa rin kita. Hanggang ngayon.”

Natigilan ako sa sinabi niya.

Binulabog kami ng megaphone ng Minolo Shipping. Nagtatawag na para sa pagsakay sa “Golden Hawk”. Kanina pa pala ito nakadaong. Naghuhugusan na ang mga pasahero.

“Puwede ba uling maging tayo? Ang haba na ng nalakbay natin, nakakapagod na. Ang dami nang naaksayang panahon, hindi pa rin ba tayo nakatitiyak sa ating damdamin? Ilang ulit na ba tayong naghanap, nabigo at nasaktan? Bakit patuloy nating ipinagkakait sa ating sarili ang kaligayahang matagal na nating natagpuan?”

Hindi ako makasagot. Hindi ako makahinga. Patuloy ang mabilis na tibok ng aking puso na parang nag-uunahan na.

“After all these years, connected pa rin tayo at walang nababago. Maybe because we’re really meant for each other. We’re soulmates and we just didn’t know.”

Muli, ang anunsiyo sa megaphone ng pagsakay sa bangka.

Tumayo ako at tumayo siya. Subalit sa halip na tunguhin ang pila, nanatili kaming nakatayo at nakatingin sa isa’t isa.

“Hindi na ako bata,” ang patuloy niya. “May maayos na akong trabaho. May sarili na akong condo. Handa na akong mag-asawa.”

Tila napagkit ang mga paa ko sa buhangin, gayundin ang mga mata ko sa kanyang mukha.

“Aris, will you marry me now?”

Huling tawag sa pagsakay.

Napasinghap ako. Nakalulunod ang galak sa aking puso.

Niyakap ko siya, mahigpit.

At nang ulitin niya ang tanong, ibinulong ko ang sagot.

=== 

A throwback post. Originally published as "Reasons" in 2012.

Friday, April 10, 2015

Makeover Magic

Nang nilalagyan ko siya ng concealer saka ko lang napansin kung gaano kaganda ang kanyang mga mata. Lalo na nang matakpan na ang kanyang dark circles. Maningning, nanunuot kung makatingin.

Nang pinupulbusan ko siya saka ko lang din napansin kung gaano kaganda ang kanyang mukha, kung gaano kakinis ang kanyang kutis. Hindi ko napigilang iyo’y haplusin, kunwari upang pantayin.

Bago pa ako lumabis, sarili naman ang pinagtuunan ko ng pansin. Nakatingin lang siya habang ako naman ang nag-aayos. At nang may inilalagay na ako sa aking mga labi, saka siya nagtanong.

“Lipstick?”

“Lip balm,” ang aking sagot.

“Why is it red?”

“It’s cherry.”

“Does it taste like cherry, too?”

“Yup. You wanna try it?”

Umakma akong siya naman ang lalagyan. Subalit bigla niyang sinapo ang aking mga pisngi at ako’y kanyang hinagkan.

Tila tumigil ang mga sandali sa paglalapat ng aming mga labi.

Nang kami’y magbitiw, inapuhap ko siya ng tingin. Hindi siya umiwas, sa halip ay tinitigan ako nang malalim.

“What?” ang tanong ko.

Ngumiti siya.

“Lasang cherry nga,” ang sabi.

***

We were not supposed to be partners nang gabing iyon. Subalit pagtapak namin sa bar, hindi na kami naghiwalay.

Nagsayaw kami na parang walang ibang tao sa paligid. Sa tama ng patay-sinding mga ilaw, higit na bumagay sa kanya ang matte-finish

Nang kami’y magyakap at humilig siya sa aking balikat, I didn’t mind kung magmantsa man ang natural beige sa aking damit. Dinama ko ang kanyang katawan, ang init na hatid ng aming pagdirikit.

Nang muling magtagpo ang aming mga mata, dahan-dahang naglapit ang aming mga mukha.

At ako’y napapikit nang muli ay malasahan ko ang cherry sa aking bibig.

Wednesday, April 8, 2015

Sa Iyong Pagkabigo

Nang magsimula ang pagdiriwang sa hatinggabi, hinanap kita sa Mikko's. Subalit sa halip na ikaw ang matagpuan ko roon, nakita ko ang boyfriend mo. Hindi ikaw ang kasama. Hindi ikaw ang kasayaw. At siya'y masaya.

Nitong mga huling araw, nabalitaan ko na may pinagdaraanan ka, na mabuway na ang relasyon ninyo. Kung kayo pa ring dalawa, kumpirmadong pinagtataksilan ka niya.

Dapat ba akong matuwa? Maaari ko kasing ipagpalagay na dahil sa sakit na idinulot niya sa'yo ay muli mong mapagtanto ang kahalagahan at kaibahan ko. Ni minsan hindi ako nagtaksil sa'yo at hindi ako nang-iwan noon.

But then, sa pagyayakap at paghahalikan nila ngayon sa harapan ko, nalulungkot at nasasaktan ako para sa'yo.

***

I edged my way patungo sa kinaroroonan nila. Tinapik ko siya sa balikat at nang mag-angat siya ng mukha, sinalubong ko ang kanyang mga mata.

"Rex, hi!" ang bati ko.

Kumunot ang noo niya. "Do I know you?"

"Aris," ang agad kong pakilala. "Claude's ex. We met a year ago. Dito rin, remember?"

May recognition na rumehistro sa kanyang mukha.

"Where's Claude? At bakit hindi mo siya kasama?"

Nagkibit-balikat siya, hindi sumagot.

Nanatili ako sa pagkakatayo, nanunumbat ang mga mata.

Nagbawi siya ng tingin, ibinaling ang atensiyon sa kasama niya.

Napailing na lamang ako at lumayo. Hindi ko maatim na maging masaya sa iyong pagkabigo.

Saturday, March 28, 2015

Libro Libre

Of the 51,892 free ebooks to date on Smashwords, my ebook Hangganan is now ranked at No. 37 as most downloaded on the Gay and Lesbian Category.


Sa mga nag-download at nagbasa, maraming salamat. Sa mga wala pang kopya, download na. And while you’re at it, maybe you would also like to check out my two other ebooks Angkas and Best Man.


My fourth ebook is now in the works. Watch out for it soon.


Ang lahat ng ito ay ipinamimigay ko nang libre.

Wednesday, March 25, 2015

Tilamsik


Sa gitna ng tag-init, bumuhos ang ulan. Malakas at masaganang ulan. Tinigmak ang mga halaman at pinaglawa ang daan. Maya-maya'y lumabas siya sa kanilang bakuran. Hubad-baro at naka-manipis na shorts lang. Sinahod niya ang mga patak hanggang sa mabasa na rin at matigmak. Doon na bumakat ang kanyang katangian. Humugis, humulma, humubog ang sukat. Naglaro siya sa ulan nang walang pakundangan. Binayo ako ng pananabik. At sa panahon ng tag-tigang, nabasa ako ng mga tilamsik.

Friday, March 20, 2015

Galera! Galera!


Wala nang bakante sa VM Resort for Holy Week. Kahit sa katapat nitong White Beach Hotel. Tinawagan ko ang Villa Bienvenida, fully booked na rin. Late na kasi kaming kumilos upang magpa-reserve.  Well, napagdesisyunan namin na maghanap na lang pagdating sa Galera. Konting adventure, ang sabi ko nga sa barkada. At saka kung wala talagang matutuluyan, e di matulog sa buhanginan. Parang Temptation Island lang!

*** 

But no, may options kami. One, makikisiksik kami sa room ng isa pang grupo na kakilala namin (may reservations sila sa VM). At least on the first night, kasi sa Sabado nang gabi, may vacancy na raw na pwede naming lipatan. Two, may ex ako na taga-Calapan at ang alam ko, ma-koneksyon siya sa Galera dahil nasa hotel and bar business siya. We’ve remained friends all these time at maaari ko siyang tawagan kung sakaling magkagipitan.

*** 

May nag-o-offer sa amin ng room for 12K for four days (Thursday to Sunday). Okay sana, kaya lang walang gusto sa aming bumiyahe nang Thursday. Lalo na ako. Sa dalawang instances kasi na sinubukan naming pumunta nang Thursday, Diyos ko, dusa! Grabe ang traffic sa South Super Hiway. At pagdating sa Batangas port, umaapaw ang tao. Tulakan at agawan sa bangka. Last time na ginawa namin ito, umalis kami ng Manila nang 6:00 am, nakarating kami sa port nang 12 noon, nakasakay kami sa bangka nang 3:00 pm at nakarating kami sa isla nang pasado alas-kuwatro. Ubos ang araw sa biyahe! Whereas kapag Friday kami umaalis, bago mag-alas dose nang tanghali, nasa isla na kami. Ang luwag kasi ng biyahe sa bus at kokonti na lang ang mga pasahero sa port. Ang mga shipping lines ang nag-aagawan sa mga pasahero at halos walang waiting time dahil nakapila ang mga bangka. Pagpasok mo sa holding area, boarding na kaagad. 


***

Ano nga ba ang mga unang ginagawa namin pagdating sa Galera? Siyempre, check-in muna sa hotel (sa kaso ng pagpunta namin ngayon, hanap muna). Side kuwento: Three years ago, napaaga kami nang dating. Mga bandang eleven lang. Inaayos at nililinis pa ang aming tutuluyan. At dahil kailangan naming maghintay, naisipan naming mag-inuman. Yes, inuman sa katanghalian! Nalasing kami lahat kaya pag-akyat sa kuwarto, ayun, total eclipse of the heart ! Well, on normal circumstances, ganito talaga ang routine namin: Pagdating sa isla, check-in muna. Then, lunch. Doon lang sa mga cheap na carinderia. And then, mamimili na kami ng mga pangangailangan. Like drinking water (Dalisay!) na tigdadalawang galon kami for the duration of our stay. At mga inuming pampalasing. May barkada kaming mahilig at marunong magmix kaya siya ang nakatoka rito. Kami lang ang tagabitbit. Then, short nap. At pagkatapos, kapag hindi na masyadong mainit ang araw, swimming. Actually, pasyal na rin sa dalampasigan at boy watching! Pinapanood din namin ang sunset before showering and preparing for dinner.

*** 


Sa dinner kami medyo maarte. Gusto namin by the beach. Yung candle-lit. Alam mo na, para medyo romantic naman kahit na magbabarkada lang kami. At dito sa dinner na ito, nakikita at nararamdaman ko kung gaano kami ka-relax. Kung paano namin nalilimutan ang mga alalahanin ng kanya-kanya naming buhay. Magaan at masaya ang aming kuwentuhan. Halos puro kalokohan at kantiyawan lang. At dahil “sarado” ang mga bar kapag Biyernes Santo, balik kami sa room after dinner upang doon mag-inuman. Tuloy ang kuwentuhan at kapag naubusan na, games naman. Sa room na muna kami (actually sa balkonahe) hanggang alas-dose nang hatinggabi na kung saan nili-lift na ang “curfew” sa mga bar. At saka kami bababa uli para mag-party party!

***

But then, hindi na kami kumpleto sa pagbaba naming muli dahil ilan sa amin ang bumabagsak na sa inuman. Nangunguna ako roon. Ewan ko ba, tradisyon na yata sa akin ang malasing tuwing Biyernes Santo. As in, mega throw-up talaga! Itong mga friends kong matatatag, aasikasuhin lang muna kaming mga “mahihina” – aalalayan sa banyo at ita-tuck-in sa kama – bago magsiharap sa salamin at magpaganda. Tapos, bababa na upang rumampa. Maaalimpungatan ako sa mga kaluskos at boses na hindi ko kilala pero wala na akong lakas upang bumangon at makipagsosyalan pa.

Sunday, March 15, 2015

Pakunsuwelo

Had a bad week. Hindi nasunod ang production schedule ko dahil sa dami ng stumbling blocks. And to top it off, kagabi habang nagpapa-overtime ako, biglang nasira ang makina! Hindi maayos-ayos ng mekaniko ngayon. Tumawag na ako ng isa pang mekaniko na pupunta bukas. I just hope magagawan ng paraan ang sira dahil kung hindi, magkakaproblema ang deliveries ko. May “100% on-time delivery” pa naman kaming pakulo.

Pakunsuwelo na lang siguro. May kasamang alalay ang mekanikong gumawa ngayon. Guwapo, matangkad, bato-bato. Nag-shirtless pa habang nagtatrabaho. Imagine brown skin and muscles glistening with sweat and grease. May bonus pang karug dahil sa kanyang low-rise jeans.

Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang busugin na lang ang mga mata upang maibsan ang stress.

Thursday, March 12, 2015

Alaala Ng Mga Lumang Kanta

Sa gabi, kapag nakahiga na ako at naririnig ang mga lumang kanta na nagmumula sa radyo ng kapitbahay, nalulungkot ako.

Naaalala ko kasi ang mga panahong ang simple lang ng buhay. Simple lang ang mga pangarap, simple lang ang mga problema, at simple lang din ang mga dahilan upang ako’y makuntento at mapanatag.

Naaalala ko rin ang kasimplehan ng ating pag-iibigan. Basta’t magkita lang at magkasama, masaya na tayo at hindi na maghahanap. Kahit na ang pagkikita natin ay sa isang karinderya lang, sa parke, o sa simbahan.

Naaalala ko rin ang sumpaan natin noon na tayo lang sa habang-buhay. Nanunumbalik ang sakit at panghihinayang dahil nauwi pa rin tayo sa paghihiwalay.

Ngayong naiba na ang takbo ng lahat – ang buhay ay isa nang karera na kaakibat ang pag-iisa – nalulungkot akong marinig ang mga lumang kantang nagpapaalala sa ating nagdaan. 

Nasaan ka na kaya? At kumusta na?

Monday, March 9, 2015

Summer Lovers


Hindi ako makatulog nang gabing iyon kaya naisipan kong maglakad-lakad sa dalampasigan. Nakita ko silang naglalaro at naghahabulan. Naka-bikini si Tanya at naka-trunks si Adrian. Naupo ako sa buhangin at pinanood sila.

Larawan sila ng isang masayang magkasintahan. Maganda si Tanya at makisig si Adrian. Bagay na bagay sila.

Napansin nila ako. Kinawayan ako ni Tanya.

Nahiya ako kaya tumayo ako upang umalis subalit hinabol ako ni Adrian.

“Hey,” ang tawag niya sa akin. “Anong pangalan mo?”

Huminto ako at nilingon siya.

“Diego,” ang sagot ko.

Lumapit siya sa akin. “Join us,” ang sabi.

Kasunod niya si Tanya. “Huwag ka munang umalis. Samahan mo kami.”

Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya at nag-aanyaya ang kanyang mga mata.

Nakangiti rin si Adrian.

Hinawakan ako ni Tanya sa braso at hinila. “Halika,” ang sabi.

Inakbayan naman ako ni Adrian.

Hindi na ako nakatanggi. Sumama ako sa kanila.

Sa di-kalayuan, naroroon ang kanilang tent. Doon nila ako dinala.

Naupo kami sa harap ng siga.

“Umiinom ka ba?” ang tanong sa akin ni Adrian.

Kahit hindi, tumango ako.

Inabutan niya ako ng beer.

“Siyanga pala, ako si Adrian,” ang pakilala niya. “At siya si Tanya.”

“Hi,” ang sabi ni Tanya. “Nice to meet you.” Bumaling siya kay Adrian. “Hon, he’s cute.”

Ngumiti lang si Adrian.

Nagsimula kaming uminom.

Tumayo si Tanya at nagpatugtog ng isang maharot na musika.

Hinila niya si Adrian at nagsayaw sila sa harap ko.

Pinanood ko sila.

Nagyayakapan sila habang nagsasayaw. Gumagapang ang mga kamay nila sa katawan ng isa’t isa.

Nagsimula akong makaramdam ng pag-iinit. Hindi ko alam kung dahil sa iniinom ko o dahil sa nasasaksihan ko.

Maya-maya, naghahalikan na sila. Bumaba ang mga halik ni Adrian sa leeg ni Tanya…sa balikat…at sa dibdib. Doon siya nagtagal.

Nakatingin sa akin si Tanya. Namumungay ang mga mata.

Tinanggal ni Adrian ang takip sa dibdib ni Tanya.

Tumambad sa akin ang kanyang dibdib. Higit na nag-ibayo ang aking pag-iinit. Naging alumpihit ako sa aking pagkakaupo.

Kumalas si Tanya sa pagkakayakap ni Adrian. Lumapit siya sa akin at hinila ako patayo.

Pilit niyang tinanggal ang aking T-shirt.

Sa akin naman siya nakipagsayaw. Nakatingin lang sa amin si Adrian.

Asiwa ako habang nagsasayaw dahil sa sobrang lapit namin ni Tanya sa isa’t isa. Nararamdaman ko ang pagdidikit ng aming mga hubad na dibdib.

May nagpupumiglas sa loob ng aking shorts habang panay ang yakap at haplos niya sa akin.

Nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan sa bibig.

Napayakap ako sa kanya. Nakalimot.

Nang magbitiw kami, napatingin ako kay Adrian. May kasiyahan akong nakita sa kanyang mukha.

Lumapit si Adrian sa akin.

Hinaplos niya ang aking balikat… ang aking dibdib… ang aking tiyan.

Nagtama ang aming mga mata. Para akong hinihigop ng kanyang mga titig.

Ginagap niya ang aking mga kamay.

Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin.

Napapikit na lamang ako nang maglapat ang aming mga labi.

*** 

Siniil ako ng halik ni Adrian.

Tumugon ang aking mga labi. Nakipagtunggali ang aking dila.

Napayakap ako sa kanya.

Pilit niyang ibinaba ang aking shorts.

Naramdaman ko ang pagyakap ni Tanya mula sa aking likuran. At pagkatapos, ibinaba niya rin ang suot ni Adrian.

Hinarap ko si Tanya at siya naman ang aking hinalikan sabay tanggal din sa kanyang pang-ibaba.

Ilang sandali pa, hubo’t hubad na kaming tatlo.

Nasa likod ko si Adrian. Nasa harap ko si Tanya. Dama ko ang init habang napapagitnaan nila. Nagpalipat-lipat ang aking mga labi sa paghalik sa kanilang dalawa. Nagpapalit-palit ang aking mga kamay sa paghaplos sa kanilang kahubdan.

Dala marahil ng sensasyon, napaluhod kami. Napaupo.

Humiga si Tanya at hinila ako upang pumaibabaw sa kanya.

Pumatong naman sa akin si Adrian.

Naglingkisan ang aming mga katawan. Nagsalo kami sa isang maalab at marahas na pagtuklas.

Nagpaubaya ako. Idinuyan ako ng magkahalong sakit at sarap.

Halos mawala ako sa sarili sa pag-iisa ng aming mga katawan.



-- An excerpt from Minsan May Isang Tag-Init posted in 2009.