Thursday, December 25, 2014

Greetings

My dear friends and readers,


Wishing you all the hope, wonder and joy that Christmas brings!

Love,
Aris

Monday, December 22, 2014

California Dreaming

Photo credit: Marco-art

Nangako akong magbabalik. At ngayon, pinagmamasdan ko ang dati nating silid. Nasaan ka? Hindi ba’t nangako ka rin na maghihintay sa akin?

***

Iniwan kita upang i-pursue ang aking California dream. Kahit na noong mga panahong iyon ay napaka-perfect ng mundo natin.

Nakatira tayo sa farm – sa bahay na ito – na magkatuwang nating itinayo. Masaya at tahimik ang pamumuhay natin na ginulo ng pagdating ng petition ko sa States.

Hindi madali ang magdesisyon at magpaalam subalit mapanukso at mapang-akit ang kabilang mundo.

Alam kong sinaktan kita nang husto sa aking pag-alis. Dinurog ko ang iyong puso at sinira ko ang mga pangarap natin.

Subalit nanaig ang aking pagiging selfish. Isinakripisyo kita, ipinagpalit sa tawag ng isang panibagong excitement.

Na pinagsisisihan ko ngayon. Nang labis.

***

After ten years, nagbalik ako. Umaasang naririto ka pa rin, naghihintay sa akin. Subalit ang dinatnan ko’y ang abandonadong bahay natin. Maayos pang tingnan sa labas – naroroon pa rin ang tikas – subalit sa loob, nagsisimula nang mabulok.

Parang ako, sa ayos kong ito, sino’ng magsasabing sa loob ay sirang-sira na ako?

Sa pagtapak ko sa sunshine state, nasilaw ako sa kinang ng mga pangako, naakit sa tukso at nakalimot. Nakipagsugal sa buhay hanggang sa itinaya ko na ang sarili ko. Sa pagsunod ko sa pangarap, dangal ang aking isinuko.

Kung tutuusin, hindi na ako dapat nagbalik. Dahil sa dumi ng pagkatao ko, hindi na ako nababagay sa’yo.

*** 

Pinik-ap niya ako sa Sunset Boulevard na kung saan naglipana ang mga kagaya ko – latino, negro, asyano – na nagbebenta ng laman. Kung paanong napabilang ako sa kanila, iyon ay dala na rin ng matinding pangangailangan. Pagdating ko sa Amerika, I had to fend for myself at kinailangan kong kumapit sa patalim. Hindi sapat ang naging pagtitinda ko ng hamburger sa Carl’s Jr. to pay the rent kaya sa gabi, nagtitinda rin ako ng sarili.

Nagpakilala siya bilang si Joe at nang nasa apartment niya na ako, kaagad niya akong pinaghubad at sinuri ang katawan ko. Hindi niya ako ginalaw o hinipo, pinatuwad niya lang ako, pinagbate, pinanood at kinunan ng mga litrato.

It turned out na si Joe pala ay producer at direktor ng gay porn at naghahanap siya ng bagong modelo. Nauuso noon ang mga asyano at namamayagpag si Brandon Lee. Nais niyang tapatan ang mga obra ni Chi Chi La Rue. At ako ang napili niyang gawing bida sa susunod niyang video.

*** 

Sa una'y the usual ang mga pinagawa sa akin ni Joe – jack-off, blow job, anal. Subalit hindi nag-hit ang aming video, hindi napansin sa market. Kaya nang sumunod ay naging mas mapangahas na ito – bareback, bukkake, double penetration. Pinagdroga ako upang mamanhid sa mga kahalayang pinaggagagawa ko at dahil mahina ang aking resolve, nalulong ako. Nagmuntik-muntikang mamatay sa overdose.

Si Joe ang nagpa-ospital sa akin. Subalit bago pa man maka-recover, binitawan na niya ako. Hindi na uso ang asyano – latino naman – at si Joe ay may bago nang inaalagaan na kanya ring kinababaliwan.

*** 

Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng ating silid. Nagbalik ang mga alaala natin  masakit kaya ipinagpasya ko na lamang ang umalis. Labis ang lungkot na aking pinigil hanggang sa maipinid ko ang pinto. Parang pagpipinid na rin sa ating nakaraan at ako ay lumuha dahil sa iyong pagkawala at sa nasayang nating pag-ibig.

***

At saka kita natanaw. Sa una'y hindi ako makapaniwala, inakalang baka ako'y nananaginip lamang. Mula sa malayo, nakita kitang paparating. Tila tumigil ang pag-inog ng mundo. Bumilis ang tibok ng aking puso, umapaw sa dibdib ang tuwa at pananabik.

Kapwa tayo natigilan nang ikaw ay makalapit. Kapwa hindi makakilos, titig na titig na tila ba'y sinisino at tinitiyak na ang kaharap ay hindi isang multo o produkto ng imahinasyong mapaglaro.

At tayo'y nagyakap. Mahigpit, halos pugtuin ang hininga ko at doon ko nadama ang kaagad na paglalaho ng mga nagpapabigat sa loob ko – ang mga agam-agam, takot, pagsisisi, galit sa sarili. Sa mga bisig mo ay muli kong nadama ang tunay na halaga ko, na sa kabila ng naging kapariwaraan ko, hindi pa rin ako lubusang bigo dahil naririyan ka na napagtagumpayan ko.

Saka ko lang napagtanto: All along, ikaw pala ang California na pinapangarap ko.





California, December 2014

Friday, December 19, 2014

The Way Love Goes


Pumunta ako sa party na walang expectations. Basta’t ang nasa isip ko lang ay ang mag-enjoy. I just wanna get drunk and dance. You were farthest from my mind. But then, hindi ko alam na imbitado ka rin pala. At nang dumating ka, nagulat ako at napatulala. Na-tense ako habang papalapit ka.

***

Ilang taon na ba nang huli tayong magkita? Two? Three? Hindi ko na maalala. Basta, ang tagal na. At nang maghiwalay tayo, we’re not exactly okay. Nag-away tayo at galit ka. Ako rin, galit sa’yo. Nagkamurahan pa nga yata tayo. Iyon ay dahil sa selos – matinding selos – at ang anim na buwan nating relasyon ay nauwi sa wala.

***

I should have known na darating ka. Dahil ang host ng party ay common friend natin. In fact, siya ang nagpakilala sa atin, remember? Siya ang nag-match sa atin. At siya rin ang labis na nalungkot nang maghiwalay tayo. Had I known na imbitado ka rin, sana hindi na lang ako nagpunta. Sana iniwasan ko na lamang ang sitwasyong ganito – ang muli tayong magkita. Ang awkward kasi. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Kung paano kita haharapin.

Parang nag-stand still ang paligid habang ikaw ay papalapit nang papalapit. Pati mga friends na kasama ko sa circle ay parang na-tense din. Nag-aabang sa kung ano ang mangyayari sa muling pagtatagpo natin.

***

I’ve made up my mind na dedma lang ako – tahimik. At most siguro ay ngingitian kita nang tipid. Iiwasan ko hangga’t maaari ang magsalita – ang kausapin ka. Mas safe ang ganoon para hindi na muling manariwa ang anumang naging samaan ng loob natin.

***

Hindi ako makaiwas ng tingin dahil nakaharap ako sa iyong direksiyon – sa entrance na kung saan ka nanggaling. Kaya napagmasdan kitang mabuti habang paparating. Punumpuno ka ng confidence, saying hello sa mga nadaraanang kakilala. Ikaw pa rin ang dating ikaw na makisig ang tindig if not better looking dahil sa pagkakalaman ng iyong dibdib. Ang nagagawa nga naman ng work-out. Kung dati-rati’y conscious ka sa medyo pagiging impis, ngayo’y proud na proud ka na sa pagiging matipuno. Na-achieve mo na ang goal mo sa pagdyi-gym na noo’y lagi mong binabanggit sa akin.

I held my breath nang magtama ang ating paningin. Nagulat ka rin. Hindi mo rin siguro inaasahang makikita mo ako nang gabing iyon. At dahil aware ka na sa aking presence, hindi ko alam ang gagawin. Gusto kong umiwas, gusto kong maglaho. I wasn’t prepared for this. Hindi ko alam kung paano magbe-behave. Deep inside, natataranta ako. Nagpa-panic.

Una mong binati ang mga kaibigan kong nakapaligid sa akin. At nang halos sure na akong iisnabin mo ako, saka mo ako hinarap at nasilayan ko ang iyong ngiti. Hindi lang sa mga labi kundi pati sa mga matang tila nanunuot kung makatingin.

“Hi,” ang iyong sabi sabay beso at yakap sa akin. Mahigpit.

Napayakap na rin ako. Nadama ko ang ngayo’y bato-bato mo nang mga muscle. Nalanghap ko ang iyong pabango, dati pa rin – ang paborito mong Contradiction by Calvin Klein.  At ako’y napapikit, tila saglit na nakalimot habang ang pakiramdam ng iyong katawan ay nanumbalik hindi lamang sa aking pandama kundi pati sa alaala.

***

Nang magbitiw tayo, nakangiti na rin ako. At dahil sa hindi ko inaasahang mainit na pagbati mula sa’yo, ang agam-agam at kanina’y discomfort ay tila biglang naglaho. Genuinely I was happy na nagkita tayo. Parang biglang-bigla ay nagkabuhay ang party, nagkaroon ako ng rason to be there.  At ang gabi’y napuno ng pangako, ng excitement sa maaaring mangyari. Magkakaroon ba tayo ng pagkakataong mag-usap? Magkapaliwanagan at magkahingian ng sorry?

“Catch you later,” ang iyong sabi bago umalis.

“Yeah,” ang tangi kong naisagot habang inihahatid ka ng tingin.

Pagbaling ko sa mga kaibigan ko, nakangiti sila. May magkakahalong pahiwatig sa mga mata – panunukso, pang-iintriga, tuwa.

May pahapyaw pang kumanta:

Two old friends
Meet again
Wearing older faces…

***

I had to check myself kaya nag-restroom ako.

At doon sa harap ng salamin, pinagmasdan ko ang aking sarili. Suddenly, na-conscious ako sa aking itsura. Ang guwapo mo pa rin kasi and I just wanna make sure na… guwapo rin ako. I should have worn long sleeves. I should have gelled my hair. At sana nag-contacts ako instead na nagsalamin. I should have concealed my dark circles. Nevertheless, I decided I don’t look bad at all. Okay pa rin naman ako. Mukhang katulad pa rin ng dati. Never mind the imperfections. Noon namang nagkakilala tayo ganito na ako at nagustuhan mo pa rin ako.

***

“Why didn’t you tell me?” ang kaagad kong sabi sa host ng party na common friend natin.

Alam niya na ikaw ang aking tinutukoy at siya ay napangiti. “It was a surprise, honey.”

“And why do you have to surprise me with him?”

“Dahil gusto kong magkaayos na kayo – ma-patch up ang differences n’yo.” 

“You mean, be friends again?”

“Yeah. At the very least.”

Nagkibit-balikat ako.

“Alam mo ba kung bakit ko siya inimbita?

Nagtatanong ang aking mga mata.

“Kasi lagi ka niyang kinukumusta. Naisip ko, magandang pagkakataon ito para sa inyo... upang magkabati na. And who knows… baka magkabalikan pa kayo!”

***  

Aaminin ko, affected much ako ng muli nating pagkikita. Na pinalala pa ng panunukso ng friend natin na para bang kahapon lang tayo nag-break. Ang tagal na kaya. At nakapag-move on na ako. Nakapag-move on na nga ba? Sure, I had boyfriends after you but…  hindi rin sila nagtagal, pulos nauwi  sa break-up. Hanggang sa mag-decide ako na ayoko na. Nakakapagod lang ang magpapalit-palit, magpalipat-lipat. Kaya single ako ngayon… and not looking. But why am I feeling disturbed right now? Dahil ba sa iyong presence? I’m sure nakapag-move ka na rin. If your new physique is any indication, hindi ka naapektuhan ng break-up natin noon. You made the most out of it. Nagpaganda ka sa halip na nagpaka-miserable. In other words, nakabuti pa sa’yo ang paghihiwalay natin. If only for that, wala na akong dapat asahan. Malamang sa hindi, may bago ka na ngayon na nagpapasaya sa’yo at nagbibigay-inspirasyon. 

Sige, aaminin ko na rin. Ngayong nagkita tayo after a long, long time saka ko lang na-realize na may soft spot ka pa rin sa akin. Akala ko nakalimutan na kita. But then, sa ngayon, habang umiikot ka at nakikipag-chikahan sa ibang guests, hindi ko maiwasang maya’t maya’y apuhapin ka ng tingin. May kakaibang feeling – Happiness? Longing? – na hatid ang pagmamasid ko sa iyong bawat kilos.

***  

Just when I decided na ikaw ay lapitan, natigilan ako dahil sa biglang pagsulpot ng isang bagong bisita – bisita nga ba o gatecrasher? – na kaagad nagpainit sa aking dugo.

Ang taong naging dahilan ng paghihiwalay natin!

Bakit siya naririto? Huwag mong sabihing inimbita rin siya ng friend natin. What is this, some kind of a joke? I’m out of here.

Pero bago pa ako nakakilos, nagawa na niya akong harangin. And as if I am his long lost friend, binati niya ako nang buong tamis at bineso pa. Nagpaka-civil ako pero labag sa kalooban ko na siya ay pansinin. Alam kong alam niya na nagkahiwalay tayo dahil sa kanya and yet, he seemed unaffected, walang bakas ng anumang guilt. Ako lang itong nagngingitngit. At siya, ngiting-ngiti na para bang tuwang-tuwa pagkakita sa akin. Marahil tuwang-tuwa nga dahil nakikita niya ngayon how miserable I have been. No, I take that back. Hindi naman ako naging miserable. Siguro, oo, noong una. But now, I’d like to think na hindi ko naman iyon hinayaang manaig.

Pagkagaling niya sa akin, sa iyo na dumiretso. At ‘yun na, nakita ko na kung gaano kayo kasayang dalawa habang nakikihalubilo sa ibang bisita. May paakbay-akbay pa siya sa’yo, may pabulong-bulong at pahampas-hampas pa. At ikaw nama’y tawang-tawa sa kung anumang sinasabi niya. Kayo na ba? Nang pinagselosan ko siya at hiniwalayan mo ako, sa kanya ka ba tumakbo? Tinotoo mo ba ang mga bintang at pagdududa ko sa inyong dalawa?

Hindi ko yata matiis na panoorin kayo dahil parang ginugutay ang puso ko.

***

“Gurl, I'm sorry,” ang sabi ng friend natin na nag-host ng party. “I didn't know...”

Napatingin ako sa kanya, nakakunot-noo.

“Hindi ko alam na sila na pala.”

“Bakit siya naririto?” ang tanong ko. “Inimbita mo ba?”

“No. Kaya lang siya ang plus one ng ex mo.”

Napabuntonghininga ako.

“Gurl, are you okay?”

“Yeah.”

Pause sandali. Ramdam ko ang mapanuring mga mata ni friend.

“May feelings ka pa sa kanya...” ang sabi pagkaraan.

Gustuhin ko mang tumanggi at magsinungaling, hindi ko nagawa.

***

Nagsindi ako ng sigarilyo. Mag-isa na lamang ako sa veranda, umalis na si friend dahil may mga bagong dating na kailangan niyang asikasuhin.

Habang nakatanaw sa hardin, hindi ko naiwasang mag-isip -- ang harapin at suriin ang tunay kong damdamin. Bakit parang apektadong-apektado ako sa pagkikita nating ito? Lalo na nang makita ko siya at makumpirmang kayo na pala. Parang hindi ko matanggap. Masakit.

After all these years, hindi ko inakalang sariwa pa pala ang sugat ng naging paghihiwalay natin. Hindi ko rin inakalang mahal pa rin kita.

***

After finishing another cigarette and a glass of gin tonic, ipinagpasya kong bumalik na sa loob na kung saan nasa kasagsagan na ang kasiyahan ng pagtitipon.

Hindi na kita kinailangang hanapin dahil kusang iginiya ako ng aking mga mata sa iyong direksiyon. Humawi ako sa mga nagsisisayaw at humakbang papalapit sa iyo. Napatingin ka sa akin at nang magsalubong ang ating mga mata'y napangiti ka. Hindi ko na halos maramdaman ang pagsayad ng aking mga paa sa sahig, para bang ako'y nagga-glide na lamang patungo sa iyong kinaroroonan. At nang ilang hakbang na lamang ang ating agwat, eksakto namang nagpalit ang music -- ang paborito nating remix na noong tayo pa ay madalas nating sayawan kapag tayo'y nagka-clubbing.

Iniabot ko ang aking kamay nang hindi naglalayo ng tingin.

“Wanna dance?” ang aking sambit.

“Sure,” ang iyong sagot, nakangiti pa rin.

Tinanggap mo ang aking kamay at ikaw na mismo ang nagdala sa akin sa dancefloor.

We started dancing. Sa una'y tila pareho tayong hindi alam ang sasabihin, nagpapakiramdaman lang. Subalit maya-maya'y bumulong ka sa akin.

“I missed you.”

Binalot ako ng warm feeling.

“I missed you, too.”

Tila sapat na iyon upang magkaintindihan tayo, upang ma-assure natin ang isa't isa na pareho pa rin tayo ng damdamin.

Napasulyap ako sa mga taong nasa paligid. Namataan ko siya na nakatingin sa atin, nakangiti subalit nasa mga mata ang paninibugho, pag-aalala at galit. Mahal mo ba siya?

Nagpalit ang tugtog at humigpit ang hawak mo sa akin. Naramdaman ko ang iyong init at nang tayo'y magdikit, tuluyan na akong nagpatianod kahit na alam kong ako'y maaaring matupok. Mahal pa rin kita. Inakala ko lang na naka-get over na ako sa'yo pero hindi talaga.

Nagpasya ako. Aagawin kita – no, babawiin – dahil kahit kanya ka na ngayon, una kang naging akin.

Tuesday, December 2, 2014

Album


Browsing through our “Galera 2012” album, hindi ko naiwasang malungkot. Nanariwa ang mga alaala kung gaano kami kasaya noon. Anim kaming magbabarkada at kitang-kita sa mga pictures namin kung gaano kami ka-close.

Nalulungkot ako dahil nasira ang barkadahang iyon. Dahil sa isang simpleng hindi pagkakaintindihan at pagkakampi-kampihan, nahati kami sa dalawa.  At nang sumapit ang summer of 2013, dalawang grupo kaming nag-Puerto Galera. Kaming tatlo nina Axel at Allen sa isang grupo; at silang tatlo naman sa kabila. Habang nasa Galera, naisipan kong papag-ayusin kaming anim upang mabuong muli ang barkada. Nagpunta ako sa kabilang kampo subalit ako’y napahiya lamang dahil hindi nila ako pinansin. Nang huling gabi, nagkita-kita kami sa beach party pero dahil sa rejection nila sa akin noong nagdaang gabi, naglagpas-lagpasan ang aming mga tingin. From then on, galit-galit na talaga kami.

Sumapit ang summer of 2014. Magkakasama pa rin kaming nag-Galera nina Axel at Allen samantalang silang tatlo, nabalitaan ko, nagkanya-kanya ng lakad at kung saan-saang beach nagpunta. Ang bakasyon naming iyon ay naging masaya naman (may ka-join kaming tatlo pa na mga bagong kaibigan) subalit parang may kulang. Hindi maalis sa aking alaala ang summer of 2012 na buo ang original barkada. By this time, alam kong lumambot na ako at ang higit na nananaig sa akin ay ang pagpapahalaga at pagmamahal sa mga nawalay na kaibigan.

Then isang araw, bigla na lang ibinalita sa akin ni Allen na in-touch na raw uli sila ni Axel sa tatlong nakaalitan namin. Nagkita-kita raw sila sa gym, nagbatian at nagkumustahan – sila ma’y tila lumambot na rin – hanggang sa mauwi iyon sa mga pag-uusap sa wechat. Nagkakabiruan na raw sila at kinukumusta ako nang madalas.

Nitong huli, nagkagulatan kami ng isa sa kanila nang magkita kami sa Obar. Ang higpit ng naging yakapan namin. Hindi na namin kinailangang magsalita dahil malinaw ang mensahe – magkaibigan pa rin kami sa kabila ng mga awayang nangyari. Ramdam ko ang pagka-miss namin sa isa’t isa, gayundin ang pagkakapatawaran – kung para saan, hindi ko na maalala dahil sa totoo lang, wala naman talagang kakuwenta-kuwenta ang aming pinag-awayan.

Just now, nakatanggap ako ng text mula kay Allen. Nagyayaya raw ang tatlo na magkita-kita kaming anim ngayong gabi – kumpleto, walang absent – para mag-coffee or whatever at magsama-samang muli katulad ng dati. Biglaan man, hindi ako tumanggi. 

Nakangiti ako nang ipininid ko ang album. Parang hindi na ako makapaghintay na makita ang mga larawang madaragdag pa roon – ang mga ngiti, ang mga pose – na bubuo sa mga alaala ng panibago naming kabanata.

Saturday, November 29, 2014

Flirting

Sino ang gagawa ng artwork?

Ako na, sir.

Wala ba si Mark?

Sir, hindi pumasok.

Ah okay. Sige, pagandahin mo na lang ha?

Sure, sir. Kasing guwapo mo, I promise.

Huh?

Smile. Smile.

Will the layout be ready in an hour? Minamadali kasi ako ng kliyente.

Sure, sir. Magpapalabas kaagad ako ng digital proof.

Okay. Magco-coffee muna ako sandali. Can I get you anything?

No, sir. Thanks.

I'll be back in an hour. 

Okay. Oh, by the way, sir…

Yes?

What's your preference? Top or bottom?

Huh?

I mean for the positioning of the color bar... for the layout.

Makahulugang tinginan.

Top.

Perfect, sir.

Smile. Smile.

Tuesday, November 18, 2014

Fallin’ (Throwback)

Asan ka?

Silya. Breakfast kami. Ikaw?

Chelu. Puntahan kita.

Akala ko, matatapos ang gabi (umaga na pala kasi alas-singko na) na hindi nagpaparamdam si Gian. I had a feeling na nasa Malate rin siya at hindi nga ako nagkamali.

Dumating siya. Ipinakilala ko siya sa mga kaibigan ko. It turned out na magkakilala na pala sila ni Basil kasi classmates sila sa college. Small world.

Tumabi siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Katulad ng dati niyang ginagawa, hinalikan niya ito. Tapos bumulong siya sa akin: “I missed you.”

Smile lang ako, pa-demure.

Dedma kunwari ang mga kasama ko na sina Basil at Axel pero alam ko, nakikiramdam sila.

Inakbayan ako ni Gian tapos kiniss ako sa lips.

“Lasang… corned beef,” ang sabi niya pagkaraan.

Na-conscious ako. “As you can see, I am having corned beef for breakfast. Turn off ba?”

“No,” ang kaagad niyang sabi. Tapos kiniss niya akong muli as if to reassure me. “Ok lang, kahit ano pa ang lasa ng bibig mo.”

“Mag-breakfast ka na nga,” ang sabi ko. “Ano ba gusto mo?”

“Ayoko mag-breakfast. Gusto lang kitang makita.”

Hindi na nakatiis si Basil. “Ang sweet naman. Kayo na ba?” ang tanong niya, directed sa aming dalawa.

Nakangiting tumingin sa akin si Gian na parang ako ang pinasasagot niya.

Tumingin din ako sa kanya pero hindi nagsalita. Di ko kasi alam. Wala naman kaming pormal na pinag-uusapan.

“Tayo na ba?” Ako ang tinanong niya.

“Ewan ko sa’yo,” ang sagot ko.

“Oo lang o hindi,” ang singit ni Axel.

“Hindi,” ang sagot ni Gian.

“Ay, bakit?” ang react ni Basil.

“Hindi niya pa ako sinasagot,” ang sabi niya.

“Hindi ka naman nanliligaw ah,” ang sabi ko.

“Sabi mo, ayaw mo.”

“Sabi mo, di ka ready kasi kaka-break mo lang.”

“Ang gulo n’yo ha!” ang sabi ni Axel.

“Pag-usapan n’yo nga yan,” ang sabi naman ni Basil.

Hinug ako ni Gian. “MU lang kami.”

“Oo nga,” ang sang-ayon ko.

“Libre siyang gawin ang gusto niya. Walang expectations o pagbabawal sa akin. Ganito na lang muna until pareho na kaming ready,” ang sabi pa ni Gian.

I just smiled. Then he kissed me again.

Quiet na lang sina Basil at Axel habang naglalambingan kami. I was enjoying it actually kahit ako mismo, parang hindi ko maintindihan ang set-up namin.

***

Nitong nakaraang Sabado, lumabas ako with my friends. We finalized our Galera plans tapos diretso gimik. (I invited Gian na sumama sa Galera pero may work daw siya.) I did not text him na lalabas ako. Actually, I was waiting for him to text me na lalabas siya.

Sa gitna ng kasiyahan namin, I was constantly checking my phone, half-expecting na magte-text siya o tatawag. Pero wala.

Hanggang breakfast, inaasahan ko pa rin na magpapakita siya. Pero wala talaga.

Medyo disappointed ako. Aaminin ko na may mga nakilala ako nang gabing iyon, pero siya ang nasa isip ko. Miss ko siya habang nagsasayaw ako. Miss ko ang mga paglalambing niya. Miss ko ang kiss niya.

Naisip ko tuloy, baka ayaw niya na. Baka nagsawa na. Baka may nakilala siya sa Chelu. Baka nang mga sandaling iyon na hinahanap-hanap ko siya, sumama na pala sa iba.

Pero wala naman kaming relasyon. Sabi niya nga, libre ako at libre siya. Kaya dapat walang expectations.

Pilit ko siyang iwinaksi sa aking isip.

Umuwi ako na parang may mabigat sa aking dibdib.

***

Ngayong umaga, nag-text siya.

Lumabas ka ba nung Sabado? Hinihintay ko ang text mo kasi kung yayayain mo ako, sasama sana ako. But I guess, may iba kang plano.


Nag-reply ako. 


Yup. Akala ko nga magkikita tayo. Pero hindi ka rin nag-text. Wala akong ibang plano, ayoko lang magmukhang makulit sa’yo.

Miss na miss kita.

I miss you too.

Palagay ko, ready na ako.

Saan?

To fall in love again.


Hindi ako sumagot.

Palagay ko, mahal na kita.

Lalo akong hindi nakasagot.

Sana mahal mo na rin ako.


 

===

Originally posted in 2010. 

Saturday, November 15, 2014

Paninindahan

Nang hapong iyon, naisipan kong manindahan sa kanto. Chippy at Coke lang sana ang bibilhin ko kaya lang nakita ko ang kariton ng mga pica-pica – squid balls, kikiam, french fries, cheese sticks – na nakahimpil sa tabi ng sari-sari store at pinagkakaguluhan ng mga bagets. Natakam ako at nagbago ang plano kaya nakigulo na rin ako.

Umorder ako ng french fries at squid balls. At habang naghihintay na maluto iyon, naagaw ang pansin ko ng isang binatang paparating. Pamilyar na siya sa akin dahil minsan ko na siyang na-take note nang makita kong dumaraan sa tapat ng bahay namin. Na-take note dahil may itsura siya – pilyong guwapo na bagama’t may pagka-tambay ang dating ay makinis at maayos manamit. Ang ganda rin ng kanyang buhok – mahaba na wavy na glossy – na kapag naglalakad siya ay nagba-bounce sa hangin. Actually, sa buhok niya ako unang na-attract at higit na naakit nang makita kong, aba, may ka-match palang magandang mukha ang magandang buhok na iyon! At maganda rin ang kanyang tindig – lalaking-lalaki – na nang makita ko siya sa unang pagkakataon ay hindi ko naiwasang mapa-hmmm…

Ang tagal ko siyang hindi nakita na nagdaraan sa tapat ng bahay namin.  Kaya nang makalapit na siya, hindi ko naiwasang hagurin siya ng tingin. Mas guwapo pala siya sa malapitan. Mas maganda ang skin – walang pores – at matipuno, malaman ang mga braso’t dibdib. Mukha siyang bagong shower dahil mamasa-masa pa ang buhok na nang umihip ang hangin ay humalimuyak ang mabango niyang shampoo – Vaseline? – at sabong Irish Spring. So very fresh na kaysarap langhapin! At dahil doon, nakadama ako ng pagkaantig. Tinapunan niya ako ng sulyap at ako’y na-conscious subalit hindi ako naglayo ng tingin. At nang magtama ang aming mga mata’y tumango siya na parang pagbati at pag-acknowledge na ako’y kakilala niya. At siya’y ngumiti. Nginitian ko rin siya – kahit hindi talaga kami magkakilala – dahil hindi naman yata proper kung dededmahin ko siya.

“Kumusta?” ang sabi pa.

Aba, chumichika. “Mabuti,” ang sagot ko. “Ikaw?”

“Ok lang.” Muli siyang ngumiti.

Naramdaman ko na parang hindi ako makahinga dahil sa biglaang pagbilis ng aking heartbeat. Buti na lang at sumingit sa eksena si Kuya na nagtitinda ng pica-pica.

“Ano sa’yo, Darwin?” ang sabi.

Darwin! Iyon ang name niya. At close sila ni Kuya dahil pagkatapos niyang umorder – kikiam at cheese sticks – ay nag-chikahan na sila. Nakatayo lang ako sa tabi at pasimpleng nakinig.

“Ang tagal mong nawala ah.” Si Kuya.

“Nagbakasyon lang.” Siya.

“Saan?”

“Sa probinsya.”

“Buti nakapagpaalam ka sa trabaho.”

Uy, hindi naman pala tambay. May trabaho naman pala.

“Kaya ako nakapagbakasyon, na-raid kami.”

Ano daw? Na-raid? Bakit? Kahit sa palagay ko’y luto na ang squid balls ko, tumahimik lang ako dahil sa curiosity.

“E di hindi ka muna ngayon nagsasayaw?” Si Kuya uli na nakalimutan na ang niluluto dahil sa pakikipagkuwentuhan.

“Hindi muna. Pero magbubukas daw uli ang bar.”

“E di habang naghihintay ka, wala munang kita?”

“Pa-booking-booking muna.”

Sumulyap siya sa akin at saka ngumiti. Nahuli ko sa kanyang mga mata ang obvious na pahiwatig.

Nagbaba ako ng tingin – at napapitlag. Nasusunog na sa kawali ang squid balls ko!

“Kuya, ang niluluto mo!” ang bulalas ko.

Nataranta si Kuya sa paghahango. Pagkaabot sa akin ng sunog na squid balls, hindi na ako nag-abalang maglagay pa ng sauce. Nagbayad ako at kaagad na umalis. Hindi pa ako masyadong nakakalayo nang marinig ko ang kanyang tinig.

“Sandali.”

Napahinto ako at napalingon.

Nasa likuran ko lang siya at iniaabot sa akin ang french fries na nakalimutan kong damputin – siguro’y ipinahabol sa kanya ni Kuya.

“Salamat,” ang sabi ko sabay kuha sa french fries. Hindi naiwasang magdikit ang mga kamay namin at ako'y dinaluyan ng kilig.

“Ako nga pala si Darwin. Diyan ka nakatira sa malaking bahay, di ba? Diyan ako sa yellow house. Magkapitbahay lang tayo. Imbitahin mo naman ako minsan sa inyo. Mag-inuman tayo."

Saglit akong natigilan bago nakasagot. “Um... sure.”

“Ano nga pala’ng pangalan mo?”

“Angelo.” 

Nag-hold sandali ang mga mata namin at siya’y ngumiti. Pagkatamis-tamis na parang nangse-seduce.

Hindi ko iyon ma-contain at bago pa ako mawala sa sarili, dali-dali na akong nagpaalam at tumalikod.

Nang nasa tapat na ako ng gate namin, hindi ko napigilang siya ay lingunin. Nakabalik na siya sa kariton ni Kuya, nakatalikod sa akin. Na-take note ko ang makipot niyang baywang at matambok na puwet.

Raid… bar… sayaw… booking... 

Lihim akong napangiti. Sa aking imahinasyon ay muling pumasada ang kanyang kaakit-akit na itsura at naisip ko ang mga possibilities.

My life is boring. Maybe I should start living dangerously.

Thursday, November 13, 2014

Asahi

A Guest Post
By JAY CALICDAN

Mag-isa lang ako nang umagang iyon. Nakatayo sa lilim ng isang malaking puno, naghihintay ng masasakyan papuntang eskuwelahan. Karamihan sa mga estudyante sa aming lugar, doon naghihintay ng masasakyan. Naiinip na ako sa kahihintay, nag-aalala rin na baka mahuli ako sa klase at hindi na naman papasukin ng guwardya sa gate. Kinukunsidera ko na ang maglakad na lamang. Tutal hindi naman ganoon kalayo ang eskuwelahan. Pero mapapagod ako kung maglalakad ako dahil sa mga librong bitbit ko.

Halos maglalabing-limang minuto na akong naghihintay. Lahat ng jeep na dumaan ay puno na ng mga pasahero at kahit gustuhin ko mang sumabit sa likuran, wala na talagang lugar. Lahat ng sasakyan ay siksikan, mistulang mga lata ng sardinas. Nagsimula na akong mawalan ng pag-asang makasakay pa at makarating sa eskuwelahan sa tamang oras.

Sa kalagitnaan ng aking paghihintay, may dumating – estudyante rin, kasinggulang ko – at sumandal sa puno na kung saan nakasilong ako. Ilang hakbang lang ang pagitan namin. Naghihintay rin siya ng masasakyan, alam ko. Tahimik lang siya sa pagkakasandal sa puno, nakatingin sa kawalan at tila may malalim na iniisip. Hindi ko naiwasang mag-wonder: May problema kaya siya?

Inisip ko na magtanong ng oras sa kanya kahit hindi kailangan. Para kasing bigla akong naging interesado sa kanya. Walang ibang tao sa lilim ng puno kundi kami lang dalawa. Pakiramdam ko, para kaming  nasa isang isla na kung saan kami lang ang magkasama.

Pasulyap-sulyap ako sa kanya, pasimple lang. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Dala marahil ng paghanga at pagkaakit sa kanya. Na-take note ko ang inosente niyang mukha kahit hindi ko masyadong makita ang kabuuan niyon dahil bahagya siyang nakayuko. Maya-maya’y lumayo siya sa pagkakasandal sa puno... at biglang tumingin sa akin. Kaagad akong umiwas at ibinaling sa ibang direksiyon ang paningin. Kinabahan ako kasi nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Sa mga oras na iyon, hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.

After a while, tiningnan ko siyang muli. Seryoso ang mukha niyang nakatingin pa rin sa akin. At sa hindi ko malamang dahilan, ako ay kanyang nginitian. Subalit kaagad ding umiwas. Nanatili akong nakatingin sa kanya at ang tibok ng aking puso ay higit pang bumilis. Hindi ko iyon maipaliwanag. Basta’t ang naramdaman ko, ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya.

Sinipat ko ang kanyang itsura. Misteryoso ang dating niya. Napag-ukulan ko ng masusing pansin ang magaganda niyang mata, matangos na ilong, makinis na pisngi at... ang mapupula niyang labi na tila hindi pa nahahagkan. Pinaglabanan ko ang urge na siya ay lapitan at dampian ng halik sa mga labi. Naramdaman ko ang panginginig ng aking mga tuhod at tila pagkakaroon ng sariling isip ng aking mga paang kusang humakbang papalapit sa kanya. Sinubukan kong pigilan ang aking sarili subalit hindi ko iyon nagawa. At sa pagtatama ng aming mga mata, kinabahan ako at nataranta. Nabitiwan ko ang dala-dala kong mga libro na naglaglagan sa paanan niya.

Wala akong intensyong magpapansin sa kanya subalit bigla siyang yumuko at tinulungan niya akong damputin ang mga libro ko. Wala akong masabi nang kami’y muling nagkatitigan. Hindi sinasadyang nahawakan ko ang kanyang kamay habang iniaabot niya sa akin ang mga libro. Ang lamig ng kamay niya subalit ang lambot. Napakakinis ng balat na halos ayaw kong bitiwan. Inisip ko na sana tumigil ang mundo nang mga sandaling iyon upang siya’y makapiling kahit saglit lang. Higit na sumasal ang tibok ng aking dibdib. At sa mga sandaling iyon, isa lang ang nasa aking isip... ayaw ko na siyang pakawalan... At nais ko na siya’y maging akin.

Hinagod ko siya ng tingin – dahan-dahan – mula paa hanggang ulo. Napadako ang mga mata ko sa kanyang braso at napapitlag ako nang makita ko ang oras sa kanyang relos. Mahuhuli na ako sa klase! Bigla kong binitiwan ang kamay niya at saka ako nagmamadaling naglakad patungo sa direksyon ng eskwelahan. Saglit akong huminto at siya ay nilingon. Nakita ko siyang nakatanaw sa aking paglayo.

Napangiti na lamang ako.

***

Wala akong ibang inisip kundi siya. Sa buong maghapon na nasa klase ako, siya ang laman ng aking isip. Hindi ko malimutan ang kanyang itsura na tila nakalarawan sa hinagap ko. Pisikal na nasa eskuwelahan ako pero wala roon ang utak ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kung bakit ganoon na lamang ang kanyang naging epekto.

Sa buong maghapon, parang wala ako sa sarili. Naroong mabangga ko ang kasalubong sa corridor, mapasok sa maling classroom, mapatunganga sa jeep nang pauwi na at lumampas sa aking destinasyon. Feeling ko tuloy, pinagtitinginan ako ng mga tao. Ang hirap pala nang ganito – ang hindi inaasahan na bigla kang magkakagusto at mahuhulog ang loob sa isang taong ni hindi mo kilala.

Hindi ako makakain ng hapunan dahil sa kanya. Hindi rin ako makagawa ng assignment. Gulong-gulo ako at hindi mapakali, lalo na nang nakahiga na ako. Pabiling-biling ako, paikot-ikot sa kama dahil hindi ako makatulog. Patuloy sa paggana ang aking isip na walang ibang laman kundi siya.

Curious ako sa kanya. Gusto ko siyang higit na makilala. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? May iniisip din kaya siya? Sino kaya? Ako ba? Hindi rin kaya siya mapakali at makatulog? At oo nga pala, ano ang pangalan niya? Ilang taon na kaya siya? Naranasan na kaya niyang magmahal? At… naranasan niya na rin kaya ang mahalikan? Sa mga oras na iyon dahil sa damdaming hindi ko maipaliwanag, nalaman ko at naunawaan ang tunay na kahulugan ng love at first sight.

Dinama ko ang malakas na tibok ng aking puso. Bakit ganito, hindi ko makontrol? Hindi lang puso kundi pati isip ko. Ganito ba talaga kapag nagmamahal? Tumitibok rin kaya ang kanyang puso na kagaya ng nararamdaman ko? Bakit ganito, ang dami kong tanong?

Sa pagkakahimlay ko sa malambot na unan, inisip ko na nakahiga ako sa ulap. Higit siguro iyong masarap sa pakiramdam kung magkatabi kami at magkayakap. Madaling araw na, gising pa ako at siya'y iniisip. Tulog na kaya siya? Nananaginip kaya? Ako kaya ang nasa panaginip niya? Sana makatulog na rin ako nang mapanaginipan ko rin siya. Sana, doon kami magkita. Inabot ko ang aking hotdog pillow at niyakap iyon nang pagkahigpit-higpit. Inisip ko na kayakap ko siya at kasama sa mga sandaling iyon na malamig ang gabi at ako’y balisa.

***

Masaya ako nang umagang iyon. Nakasakay kaagad ako ng jeep papuntang eskuwelahan. Salamat sa Diyos, hindi ako mahuhuli sa pagpasok. Pero kanina habang nasa may puno ako at naghihintay, naalala ko siya at nakadama ako ng lungkot. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Kumusta na kaya siya? Naaalala niya rin kaya ako at naiisip? Sana, muli kaming magkita. Miss ko na siya at gustong makita. Gusto ko na ring magpakilala sa kanya.

Nasa likuran ako ng jeep na kung saan dinarama ko ang hihip ng hangin. Kayganda ng umagang iyon. Kayningning ng araw. Kayganda ng mga tanawing nadaraanan namin. Habang bumibiyahe, pasalit-salit siya sa aking isip.

Tumigil ang jeep. May bumabang estudyante. Gumawi ang tingin ko sa waiting shed na malapit sa tinigilan namin. At ako’y binalot ng excitement nang siya ay mamataan ko, nakatayo sa may gilid ng daan at nakatingin sa akin! Biglang-bigla, nag-umapaw sa galak ang aking dibdib.

Nginitian ko siya nang walang pagdadalawang-isip. At nagulat ako nang ngumiti rin siya. Para akong idinuyan sa kabila ng masasal na kaba sa aking dibdib at tila biglaang panlalamig. Hinding-hindi ko iyon malilimutan: ang pagkakataong muli ko siyang nasilayan, nakangiti sa akin nang pagkatamis-tamis.

Umandar ang jeep na sinasakyan ko at siya’y unti-unting nawala sa aking paningin. Binalot ako ng lungkot, nawalan ng sigla ang kanina’y kaygandang paligid. Dahil sa hindi inaasahang pagkikita namin, muling nagulo ang aking isip. Nawalan ako ng konsentrasyon at lumagpas sa takdang babaan ko. Ang bigat ng pakiramdam ko habang naglalakad patungo sa eskwelahan namin. Pagdating sa gate, ayaw akong papasukin ng guard dahil late na raw ako. Ang sama-sama ng loob ko. Ang lungkot-lungkot ko. Nagsimula akong umiyak…

Poof! Bigla akong nagising.

Panaginip lang pala ang lahat.  

Bumangon ako na may magkahalong saya at pagkadismaya sa dibdib. Masaya dahil napanaginipan ko siya at dismayado dahil hindi naman pala iyon totoo.

Ako kaya, napanaginipan din niya? Sana... 

***

Makulimlim ang umaga. Maulap ang kalangitan na pinagkukublihan ng araw, maramot sa liwanag. Tila nagbabadya ang ulan. Pero wala akong pakialam kung umulan man. May dala kasi akong payong -- kulay blue -- na nasa loob ng aking bag. Blue ang paborito kong kulay. Kagaya ng suot kong damit.

I was hoping na makakapasok ako ngayon nang maaga sa eskuwelahan. Maaga kasi akong umalis ng bahay. Tumingin ako sa relos ko. Alas-sais pa lang. Marami nang dumaraang  jeep kaya lang, ewan ko naman kung bakit katulad ng dati, lahat ay puno at walang bakante. Okay lang, maaga pa naman.

Umihip ang malamig na hangin na nanggagaling sa silangan. At hindi ko mawari kung bakit tila dala niyon ang mga alaala ng una naming pagkikita. Muli ko siyang naisip. Muli kong na-imagine ang kanyang mga mata, kung paano iyon makatingin. Umusal ako ng dasal na sana, muli ko siyang makita nang umagang iyon.

Six-thirty na at wala pa rin akong masakyan. Naiinip na ako sa paghihintay hindi lang sa jeep kundi sa kanyang  ipinapanalanging pagdating. Siguro, hindi ko naman siya talaga dapat asahang darating. Malamang  nakasakay na siya kanina pa at nasa eskuwelahan na. At naghihintay lang ako sa wala. Napabuntonghininga ako nang malalim. Tanggap ko na.

Tinanaw ko ang pakurbang daan sa di-kalayuan na kung saan nanggagaling ang mga sasakyan. Bago pa makarating ang mga ito sa akin, puno na dahil sa dami ng nag-aabang. Dahil sa pangambang ma-late na naman,  ako ay nagpasyang maglakad na lamang.  Nagsisimula na akong humakbang nang ako ay matigilan. Out of nowhere, bigla siyang nag-materialize. Siya na palaging laman ng aking isip. Siya na kanina ko pa wini-wish na dumating at makitang muli. Naglalakad siya patungo sa aking kinaroroonan, doon sa may lilim ng malaking puno na kung saan una ko siyang nasilayan.

Habang siya’y papalapit, halos hindi ako sa kanya makatingin. Gayunpama’y naging aware ako sa taglay niyang mga katangian na unang kita ko pa lang sa kanya’y naka-attract na sa akin -- magagandang mata, matangos na ilong, makinis na pisngi at mapupulang labi na muli’y pinag-isipan ko kung nahagkan na ba o hindi. Walang pagbabago sa kanya – kaakit-akit pa rin siya. At dahil doon, higit na nag-umigting ang nararamdaman ko para sa kanya. Iniibig ko siya nang hindi niya alam.  Pinapangarap kong ibigin niya rin ako subalit may mga pangamba at insecurities ako. Paano kung hindi niya ako magustuhan dahil sa itsura ko… sa kilos ko… sa katayuan sa buhay? Natatakot akong magtapat sa kanya ng aking nararamdaman dahil baka ako’y biguin niya lamang.

Masaya na sana ang araw ko dahil nakita ko siya subalit biglang bumuhos ang malakas na ulan. Dali-dali kong inilabas ang aking payong at binuksan iyon. Napatingin ako sa kanya. Wala siyang dalang anumang panangga maliban sa bag na kaagad niyang  ipinandong sa ulo niya. Hindi ko alam kung anong nangyari, basta’t natagpuan ko na lamang ang aking sarili at siya na magkasukob sa aking payong.

Nagkatinginan kami at nagkangitian. “Salamat,” ang sabi niya. Doon ko na-realize na ako pala ang gumawa ng move, na ako ang lumapit sa kanya at siya’y isinukob. Hindi ko maiwasang lihim na batiin ang sarili ko dahil doon.

Hinagod ko ng tingin ang kanyang kabuuan – dahan-dahan. Pagdako ng mga mata ko sa kanyang braso, nakita ko ang kanyang relos. Alas-siyete na subalit hindi ko siya maaaring iwan. Mababasa siya sa ulan!

Kapwa kami nagulantang nang mula sa kung saan, isang motorsiklo ang mabilis na dumaan. Splash! Bigla kaming nasabuyan ng nasagasaang tubig na naipon sa daan. Wala akong nagawa kundi ang mapapikit na lamang. Pagmulat ko’y nakita ko siyang nakayakap sa akin (hindi ko naramdaman dahil sa pagkagulat sa saboy ng tubig), putikan ang katawan dahil sa naging instinct na pagprotekta sa akin!

Nakayakap siya sa akin habang nakayuko at nakapikit. Dama ko ang pagkakadikit ng mga katawan namin at ang tila pagtigil ng daigdig. Hindi kami tumitinag na para bang wala sa amin ang gustong bumitiw.  

Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at tumitig sa akin. Sinalubong ko ang kanyang tingin at sa aming mga labi’y sabay na namutawi ang mga ngiti. Niyakap ko rin siya, mahigpit. Nabitawan ko ang payong at ang aking mga libro subalit hindi ko iyon pansin. Humigpit din ang kanyang pagkakayakap sa akin at noon ko na-realize na mutual ang nararamdaman namin.

Hawak-kamay kaming naglakad sa ulan. Hindi alintana kahit kami’y parehong basang-basa na. Maya-maya pa’y tumigil ang ulan at sa mga ulap ay unti-unting sumilip ang araw. Nagliwanag ang paligid at tila nagningning. Hindi pa rin kami nagbibitiw at nang muli ay magtama ang aming paningin, hindi man kami magsalita, naunawaan na namin ang mga mensaheng sa isa’t isa’y nais naming iparating.

=== 

Be my guest. Ang blog na ito ay bukas sa mga manunulat na nais magbahagi ng kanilang kuwento. Ang kuwento ay kailangang naaayon sa tema ng blog na ito. Ipadala ang inyong akda sa: akosiarisblog@yahoo.com.  

Friday, November 7, 2014

De-Susi


Nakatingin lang ako sa kanya nang sabihin niyang nakikipaghiwalay na siya. Walang emosyon sa aking mukha. Walang lungkot o pagkabigla. Nagsimula siyang magpaliwanag kung bakit subalit wala akong naririnig. Tumitig ako sa kanyang mga mata, sinalubong ako ng kanyang tingin at ang lamig na naroroo’y unti-unting sumigid sa akin.

***

I started losing myself when I found him. Nagkakilala kami sa aiport na kung saan ground steward ako. Papunta siya noon sa Singapore on business at in-assist ko dahil nagkaproblema sa booking. Sa kanyang pagbabalik, inimbita niya akong mag-dinner.

He was ten years older, rich, successful and well-connected. Dahil sa kanya, napuntahan ko ang mga lugar na naririnig o nababasa ko lamang – bars, clubs, restaurants. Isinama niya ako sa mga sosyalan. Ipinakilala sa kanyang mga kaibigan. Nakapagsuot ng magagara at mamahaling damit. Naranasan ko ang lifestyle na noong nasa probinsya ako’y pinangarap ko lamang. 

Inalok niya ako ng live-in. Hindi ako nagdalawang-isip.

Pinag-resign niya ako sa trabaho. Huwag daw akong mag-alala, siya ang bahala sa akin.

Naging sunud-sunuran ako sa lahat ng kanyang gusto.

***

As his kept boy, I kept house for him. Inasikaso ko siya – ipinagluto, ipinaglaba. Naging mapagpaubaya ako sa kama. Ano man ang aking magagawa, ginawa ko upang ma-please siya. Inalagaan niya naman ako katulad ng kanyang pangako. Naging sagana ako sa mga materyal na bagay at sa atensyon na itinuring kong pagmamahal.

Subalit nang maglaon, nagkaroon ng mga pagbabago sa takbo ng aming relasyon. For one, naging irregular na ang oras ng kanyang pag-uwi. Lagi na lamang akong naghihintay sa gabi. Naging honest naman siya sa pagsasabing lumalabas daw kasi siya with his friends. Mula raw kasi nang maging kami, na-neglect na niya ang mga ito at kailangan niyang bumawi.

Naisip ko, okay lang siguro kung lumabas-labas din ako. One afternoon, namasyal ako sa Greenbelt. May nakilala ako sa bookstore – a nice guy na mahilig din sa libro. Ang nasimulan naming conversation tungkol kay Murakami ay ipinagpatuloy namin sa isang coffee shop. Nalibang kami at nakalimot. Inabot kami ng gabi.

Pag-uwi ko, sampal ang sumalubong sa akin.

May nakakita sa amin sa coffee shop – isa sa mga kaibigan niya – at itinawag sa kanya.

Galit na galit siya. Malandi raw ako.

From then on, nagmistula na akong bilanggo sa kanyang condo.

*** 

Ano ba ang tawag sa extreme sadness? Iyong naiiyak ka kahit na ang pinapanood mo ay “The Ryzza Mae Show”.

***  

Isang laruang de-susi ang pasalubong niya sa akin nang bumiyahe siya sa Japan. Marahil ay nadampot niya iyon sa isang souvenir shop sa airport. Medyo walang katuturan but still, I kept it in my drawer. Well, it was also a sharpener. Siguro iyon ang dahilan kung bakit iyon ang ipinasalubong niya sa akin. Mula kasi nang magkulong na lang ako sa bahay, I took up sketching.

Hindi ko na kinailangang maghintay sa kanyang pag-uwi dahil madalas hindi na siya umuuwi. Halos hindi na rin kami nag-uusap.

Ginugol ko na lamang ang aking mga araw at gabi sa pag-i-sketch. At pagtatasa ng mga napudpod na lapis.

***

“So when are you leaving?” ang panunuot sa aking kamalayan ng kanyang tinig. 

“Today,” ang nagawa kong isagot. 

“Hindi kita minamadali,” ang kanyang sabi. “Take a few days to pack your things and find an apartment.”

“No. I’m leaving today. Pag-uwi mo mamaya, wala na ako.”

Saglit niya akong hinagod ng tingin bago tumayo.

“I’m sorry,” ang kanyang bulong.

I watched him leave at pagkasarang-pagkasara ng pinto, muli, naramdaman ko ang paninigid ng lamig.

***

“The Ryzza Mae Show” was on at kagaya ng dati, naiiyak ako.

Hawak-hawak ko ang laruang de-susi na naging karamay ko sa lahat ng malulungkot na sandali.

Sinusian ko iyon at pinatakbo. Naging sunud-sunuran ang laruan sa direksyong gusto ko.

Dinampot ko ang laruan at nagtungo ako sa veranda ng condo. Mula sa pasamano, dumungaw ako at tinanaw ang bangketa 18 floors below.

Mula sa veranda, pumailanlang sa hangin ang laruang de-susi. Pagbagsak sa semento, nawasak ito at nagkapira-piraso.





Wind-up, November 2014

Sunday, November 2, 2014

At The Black Party

Sa muling pagtatagpo
Nanariwa ang samyo
Ng mga bulaklak;
Muling tumirik ang mga kandila,
Nagningas at lumuha
Sa muling paghimlay
Sa puntod ng mga alaalang
Minsan pa’y binalikan
At dinama.

Friday, October 31, 2014

Halik Ng Bampira

Puno ang club, marahil dahil marami ang nais magkanlong mula sa panganib sa labas. Dito, sa ingay ng musika at kislap ng mga ilaw, safe ang iyong pakiramdam at malilimutan mo ang takot.

Dito maaari ka ring makatagpo ng “aaswangin” o kaya ay “aaswang” sa’yo upang makumpleto ang pagdiriwang ng Halloween.

Nasa ledge ako at hindi lang nakikipagsayaw kundi “nakikipag-aswangan” sa isang bagets nang mapatingala ako sa mezzanine. Doon, muli ko siyang nakita. Si “Edward”, nakatunghay sa akin. Pormal ang mukha at hindi ko alam kung epekto lang ng laser lights pero nanlilisik ang kanyang mga mata. May kilabot akong nadama. Good-looking siya pero tila may nakakatakot din sa itsura niya.

Na-distract ako nang magpaalam ang bagets na kasayaw ko. Magsi-CR lang daw siya. Hinalikan muna ako bago umalis. At nang muli kong tingalain si “Edward”, wala na ito sa kinaroroonan niya.

***

Nabulabog ang club nang magkaroon ng komosyon sa itaas. Saglit na itinigil ang music. May mga nagtakbuhan paakyat upang maki-usyuso, kabilang na ako.

Nagkatulakan patungo sa CR na kung saan naroroon ang kaguluhan.

At ako ay nasindak. Naroroon sa sahig, nakahandusay ang bagets na kasayaw ko. Isa nang malamig na bangkay!

***

Tila naging ghost town ang dalawang kalyeng iyon na nag-i-intersect sa labas. Kung dati-rati ay pinamumugaran iyon ng mga bading, ngayon ay abandonado na. Marahil kumalat na ang balita tungkol sa pinakabagong biktima kung kaya marami na ang nag-uwian dahil sa takot.

At dahil din doon kung kaya lumabas ako ng club. Hindi rin safe maging sa loob kaya ipinagpasya kong umuwi na lamang, nagsisisi kung bakit naisipan ko pang dumalo sa Black Party.

Binagtas ko ang deserted na kalye. Sarado na ang streetside bar nang madaanan ko at nakapatay na ang mga ilaw.

Umihip ang malamig na hangin at nanginig ako. Binilisan ko ang lakad, tila nakikipag-unahan sa mabilis ding tibok ng aking puso.

May narinig akong mga yabag sa likuran ko. Naramdaman kong may kasunod ako.

Lumingon ako.

Naroroon sa likod ko, nagmamadali rin ang mga hakbang, si “Edward”. Hindi ko alam kung bakit bigla akong sinaklot ng takot. Napatakbo ako.

Tumakbo rin siya, habol ako.

At bago pa ako tuluyang nakalayo, nadakma na niya ako sa braso. Hinila niya ako at kaagad na tinakpan ang bibig ko. Tinangka ko ang magpumiglas at manlaban subalit napakalakas niya.

Kinaladkad niya ako sa isang madilim na sulok.

At doon naramdaman ko ang pagbaon ng mga pangil niya sa leeg ko. Nanghina ako, sabay sa paglukob sa akin ng maluwalhating pakiramdam habang sinisipsip niya ang dugo ko. Napakamaluwalhati niyon na parang tinatalik ako.

Nagka-erection ako at maya-maya pa, naramdaman ko, papasapit na ako sa kasukdulan.

Nag-orgasm ako sabay sa pagdidilim ng aking paningin at tuluyang pagtakas ng ulirat.

====

Dinala ako ng aking mga paa sa isang liblib na lugar sa dulo ng Metro Manila. Natagpuan ko ang aking sarili sa harap ng isang lumang bahay-Kastila. Pamilyar sa akin ang bahay. Marahil na-feature na iyon sa Halloween Special ng “Magandang Gabi, Bayan” at napanood ko kaya ganoon. Subalit hindi lang familiarity ang aking naramdaman kundi affiliation, na para bang nanirahan na ako roon sa matagal na panahon.

Bahagya pa akong nagulat nang kusang bumukas ang kalawanging gate. Nakangingilo ang ingit ng mga bisagrang nangangailangan ng langis subalit hindi ko iyon pinansin.

Humakbang ako papasok sa bakuran. Sinalubong ako ng hihip ng hangin na nagpaulan at nagpaalimbukay sa mga tuyong dahon mula sa matandang balete na nakatanghod sa lakaran. Sinalubong din ako ng nagliliparan, naghuhunihang mga paniki.

Pagtapat ko sa pinto ng bahay, kaagad din itong bumukas. Madilim sa loob subalit kita ko ang lahat. Maalikabok na bulwagan, mga lumang kasangkapan na inaagiw at inaanay, mga kandelabrang basag, paikot na hagdan, mga librong magulo ang pagkakasalansan.

Nalanghap ko ang halimuyak ng rosas at kandila. Kaagad kong sinundan ang pinanggagalingan niyon. Umakyat ako sa ikalawang palapag, binaybay ko ang mahabang pasilyo at doon sa dulong kuwarto na kung saan may naglalagos na liwanag sa siwang ng pinto, natukoy ko na naroroon ang aking pakay.

Dahan-dahan kong itinulak ang pinto at tumambad sa akin ang kabuuan ng silid na pinaliliguan ng liwanag mula sa mga kandila na kung saan-saan nakatirik -- sa sahig, sa ulunan ng kama, sa mga muwebles. Nagkalat din ang mga talulot ng pulang rosas na parang basta na lang isinabog. At sa gitna ng silid, naroroon nakatayo, nakatalikod ang hubog ng isang matangkad at makisig na lalaki na nang ako ay lumapit ay pumihit at humarap sa akin.

Hindi pagkagulat kundi pagkamangha ang lumukob sa akin dahil sa tanglaw ng mga kandila ay tila higit na nagningning at naging luminous ang kanyang maputla at maputing kutis, higit na nagpatingkad sa mapang-akit niyang mukha na pamilyar na sa akin.

"Edward...?" ang tawag ko, halos pabulong.

Ang pormal na ekspresyon ng kanyang mukha ay nahalinhan ng ngiti na nauwi sa maiksing tawa.

"Mas gugustuhin kong tawagin mo akong Lestat kaysa Edward," ang wika niya, may lamyos ang mababang tinig na naghatid ng kilabot at kiliti sa akin. "Subalit hindi iyon ang aking pangalan. Ako si Regidor at kanina pa kita hinihintay. Maligayang pagdating sa iyong bagong tahanan, Carlito."

"Bagong tahanan?" ang tanong ko.

"Mula ngayon, dito ka na maninirahan. Dahil ikaw ang itinakda at sasailalim ka sa proseso ng pagbabago sa pamamagitan ko."

"Itinakda? Proseso ng pagbabago?" Kumunot ang aking noo.

"Halika, maupo ka," ang muwestra ni Regidor sa kama. "Ipaliliwanag ko sa'yo."

Tahimik akong tumalima. Naupo rin siya sa kama, sa tabi ko. At ako ay nagulat nang itulak niya ako pahiga. Subalit hindi ako tumutol nang pumaibabaw siya sa akin, marahil dahil sakop ako ng kanyang kapangyarihan o dahil gusto ko rin at sakop ako ng pananabik.

Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at nagtama ang aming mga mata. Napatitig ako sa kanyang pupils na kakaiba ang anyo at hugis, parang sa pusa. At sa halip na berde, dilaw o asul, kulay pula ang mga iyon.

Nalanghap ko rin ang kanyang likas na bango. Nakalalasing, nakalalango, parang drogang nagpa-high sa akin.

"Ipagpatawad mo," ang sabi ni Regidor, hindi naglalayo ang mga mata sa akin. "Hindi ko mapigil ang aking pagnanasa. Napakaguwapo mo."

Dumako ang kanyang kamay sa mga butones ng aking damit. Isa-isa niya itong pinigtal. "Hindi nababagay sa'yo ang iyong suot."

At saka lang ako naging aware na naka-hospital gown ako. Mahaba, shapeless, parang daster. At wala akong underwear!

Hindi naging mahirap para kay Regidor na iyon ay pilasin at nang ako ay lubusang mahubaran, lumuhod siya sa aking paanan at hinagod ng tingin ang aking kabuuan. Nakahiga ako sa kama na tila nakahain, wala ni anumang pagtatakip. Hinayaan kong mabuyangyang ang aking katawan nang buong-ningning. Proud ako sa aking katawan, sa resulta ng aking pagdyi-gym. At proud din ako sa sentro ng aking pagkalalaki na ang sukat ay tumutugma, tumutumbas sa laki ng aking mga masel.

Hinaplos niya ang aking balat, sinalat ang bawat contour ng aking kahubdan. Nag-linger ang kanyang kamay sa depinisyon ng aking kasarian na unti-unting bumalikwas, nanigas at umigkas. Kinulob niya iyon sa kanyang palad at dinama ang pintig at pitlag ng mga ugat. Kaagad din siyang bumitiw at nagsimulang maghubad.

Nalantad sa akin ang kanyang katawan na hindi man maskulado, firm at lean ang kalamnan, parang swimmer's bod. Malapad ang kanyang balikat at makipot ang baywang, walang kataba-taba at flat ang tiyan. Maputi at maputla ang balat.

Malugod ko siyang tinanggap nang muling kumubabaw sa akin. Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya. Saka ko lang nadama na napakainit niya, parang may lagnat.

"Akala ko, may ipaliliwanag ka sa akin," ang pakli ko.

"Hayaan mo munang angkinin kita. Hindi ko na mapigil, baka magliyab ako sa init," ang sagot niya.

"Muli mo ba akong sisipsipin?"

"Oo. Subalit hindi na dugo mo ang aking iinumin."

"Bakit?"

"Dahil bampira ka na rin. At ang magaganap sa atin ay pagsasalin, pagpapalit. Bahagi ng prosesong aking binanggit."

Magtatanong pa sana ako subalit pinatahimik na ako ng kanyang mga halik. At dahil heightened ang aking senses, parang kuryenteng gumapang sa akin ang bawat dampi at hagod ng kanyang labi at dila. Nanuot ang kiliti at luwalhati sa bawat ugat, nerve at himaymay ng aking katawan, tumagos sa balat, buto at laman. At nang ako ay kanyang kubkubin, para akong iniangat, inilutang, idinuyan ng kanyang panginginain. Makapangyarihan ang kanyang pagsipsip at parang agos ng tubig nang ako ay pumulandit, halos hindi maampat na kanyang sinaid hanggang sa huling patak.

-- Excerpts from my unfinished Black Party series.