Sunday, December 25, 2011

Maligayang Pasko



Sana ngayong Pasko ay ating bilangin
Ang mga biyayang natanggap natin
At tayo ay magpasalamat, manalangin
Na patuloy Niya tayong pagpalain
At patnubayan sa taong darating.

Saturday, December 24, 2011

Status

Ano nga ba ang pinag-awayan namin?

Nagsimula ang lahat right after our “honeymoon”. Two months after magkaroon kami ng relasyon.

Hindi ko inakala na may mababago sa amin at magsisimula iyon sa pamamagitan ng isang bagay na may kinalaman sa kanyang trabaho.

Teambuilding daw, ang paalam niya. Sorry, hindi raw muna siya pupuwede sa lakad namin sa Saturday.

Okay, no problem. Naiintindihan ko naman na parte iyon ng kanyang pagiging call center agent.

Pagkatapos niyon, sumunod ang birthday party na kailangan niyang daluhan dahil magtatampo raw ang kanyang officemate. Muli, nakansela ang lakad namin na nag-coincide sa okasyong iyon.

Okay, fine. Ganoon talaga, kahit may relasyon kami, may social obligation pa rin siya sa mga kaibigan at kaopisina niya.

Then, he started mentioning the name “Bong”. Naka-close niya raw sa Teambuilding at ito ‘yung nag-birthday. It didn’t bother me na mayroon siyang ka-close sa office. Ang sabi ko pa nga, gusto ko itong makilala.

Kaya lang nagsimula akong maapektuhan nang minsang nanonood kami ng sine, naging abala siya sa pakikipag-text.

Tuluy-tuloy iyon at parang nakalimutan niya na nasa moviehouse kami.

Nagtanong ako. “Sino ba ka-text mo?”

“Si Bong,” ang sagot niya. Doon ako nairita.

“Can’t it wait until later?” ang sabi ko.

Subalit sa halip na sumagot, nagpaalam siyang magsi-CR muna.

Ang tagal niya. Ano pa ba ang maiisip ko kundi tinawagan niya si Bong at nag-usap sila. O kaya nagpatuloy ang pakikipag-text niya. Nadagdagan ang iritasyon ko dahil we were supposed to be on a date at basta niya na lang ako inabandona dahil sa Bong na ‘yan.

Sa unang pagkakataon mula nang maging kami, nakaramdam ako ng pagdududa at matinding selos.

Nang bumalik siya, tahimik ako. Hindi ako nagtanong dahil ayokong magmukhang nagger.

At nang kunin niya ang kamay ko, umiwas ako.

Tumingin siya sa akin. “Something wrong?”

Hindi ako sumagot.

Natapos ang palabas na hindi ko siya kinakausap. Immature, I know, but I was really pissed off.

***

Ayun, sa parking lot na kami nag-away. For the very first time.

At dahil selos nga ang pinag-ugatan, ang hirap pag-usapan at ayusin right there and then.

For two days, dedmahan. Pero na-patch up din namin kaagad.

Subalit pagkatapos niyon, heto na naman.

Ang usapan, didiretso siya sa bahay pagkatapos ng kanyang shift dahil rest day niya. Mag-o-overnight na rin siya. Sa tantiya ko, darating siya around 7am. Pero dumating siya 9am na. Saan pa siya nagpunta pagkagaling sa trabaho?

Wala, hindi ako nagtanong pero pahapyaw siyang nag-explain. Nayaya raw kasi siyang mag-breakfast ng mga katrabaho niya at hindi niya natanggihan. Okay, fine, I believed him.

Maliligo raw muna siya bago matulog. Inayos ko ang hihigaan niya.

Tumunog ang cellphone niya habang nasa banyo siya. Ewan ko kung bakit parang kinutuban ako kung kaya hindi ko na-resist na silipin ang mensahe niya. I know, hindi ko iyon dapat ginawa.

Subalit tama ang kutob ko. Si Bong nga ang nag-text sa kanya at ang sabi: “Had a great time. Just got home and will be sleeping now. See you.”

Muli, ang panunumbalik ng pamilyar na pakiramdam ng panibugho. Gusto ko siyang katukin sa banyo at ibato sa kanya ang cellphone niya. Pero nagtimpi ako. Pinigil ko ang emosyon ko.

Paglabas niya ng banyo, pinilit kong magpaka-composed. “May text ka,” ang sabi ko. “Sorry, binasa ko.”

May rumehistrong pangamba sa kanyang mukha.

At nang mabasa niya ang mensaheng nabasa ko, ang ekspresyon ng pangamba ay nauwi sa pagkabagabag.

***

Oh, yes, we fought again after that. At hindi na naman kami nag-usap. Pinabayaan ko siyang matulog na lang. At hindi ko siya tinabihan.

Bandang hapon, nagpaalam siya na may aayusin daw siyang mga papers para sa kanyang regularization. I didn’t know na hindi pa siya regular sa trabaho. Hindi na lang daw muna siya mag-o-overnight. At dahil may away nga kami, hindi na ako kumibo. Pinabayaan ko siyang umalis.

The following day, wala kaming imikan sa text. I was thinking, mauna siya. Mag-sorry siya dahil may kasalanan siya. Pero hindi iyon nangyari. Ma-pride kami pareho at mas makabubuti nga siguro ang manahimik muna kami para makapagpalipas ng sama ng loob.

The day after that, ako ang unang lumambot. Gusto kong bumalik kami sa dati. Willing akong kalimutan ang away namin kahit di siya mag-sorry. Napag-isip-isip ko na in a way, at fault din ako dahil nagpadala ako sa emosyon ko at medyo OA ako. If ever kailangan kong maging mas understanding. Hindi ko dapat pairalin ang pagdududa at selos. I just have to trust him.

I texted him.

“Hey, let’s have dinner,” ang sabi ko. “Meet tayo mamaya bago ka pumasok sa work.”

I had to wait for a while bago siya sumagot.

“Saan tayo magkikita?” ang sabi niya.

Natuwa ako na di niya ako in-ignore.

“Sa KFC na lang. Malapit sa office n’yo. Around 5pm.”

“Ok.”

At nang magkita kami, parang walang nangyari. Kumain kami, nag-usap. We even shared a few laughs. Wala nang saysay pa na balikan ang naging pag-aaway namin dahil ang mahalaga, okay na kami. Na-achieve na ang purpose ng pagkikitang iyon, ang mag-reconcile kami. At happy na uli ako.

Subalit may nag-text sa kanya.

Binasa niya.

Nakatingin lang ako, on hold ang emosyon.

“Si Meg,” ang sabi niya.

I was relieved. Akala ko si Bong na naman. Kilala ko si Meg sa mga kuwento niya. Sort of fag hag niya sa office.

“Tinatanong niya kung nasaan ako.”

“Tell her nandito tayo. Ask her to join us.”

“Okay lang sa’yo?”

“Sure. I would love to meet her.”

And so, ni-reply-an niya si Meg.

Maya-maya pa, I saw this girl na pumasok sa KFC, luminga-linga at kaagad na kumaway pagkakita sa kanya. Dumiretso ito sa table namin.

Beso-beso sila.

“Meg, I would like you to meet my boyfriend,” ang sabi niya. Tapos, ipinakilala niya ako by name.

Kaagad na bumeso sa akin si Meg. “Hello,” ang sabi. “I’ve heard so much about you.”

“I hope they’re all good,” ang sagot ko nang nakangiti. “Halika, upo ka.”

Nagsimulang dumaldal si Meg sa kanya. Mga office-related kuwento.

Tapos, bigla itong nagtanong: “Bes, bakit absent ka kahapon?”

Bigla siyang natahimik.

Nag-stiffen naman ako.

“Ano’ng nangyari sa’yo?” ang dugtong pa ni Meg.

“Nagka-fever ako,” ang agad niyang sagot.

Napatingin ako sa kanya, pinipigil ang magsalita.

Nagpatuloy si Meg. “Inilabas na kahapon ang memo. Congratulations, Bes. Regular na tayo.”

Akala ko ba, aayusin niya pa lang ang mga requirements niya para sa regularization? At bakit hindi ko alam na umabsent siya kahapon?

Nanatili ang tingin ko sa kanya, nagtatanong ang mga mata.

Naging uncomfortable siya. Obvious na may inililihim sa akin.

Unti-unting namuo ang galit sa aking dibdib.

***

At doon sa may entrance ng kanilang building, pagkaraang makaalis ni Meg, sumabog ang giyera mundiyal sa pagitan namin.

“Bakit hindi ko alam na absent ka kahapon?” ang tanong ko, madiin ang tinig.

“I was sick,” ang sagot niya.

“Bakit hindi ko alam na nagkasakit ka?”

“I don’t wanna disturb you.”

“Why? Hindi ba dapat tinext mo ako? Ipinaalam sa akin na may sakit ka?”

“It was nothing. I didn’t feel it was necessary.”

“Boyfriend mo ako. It’s necessary for me to know. Not unless, hindi totoong nagkasakit ka.”

Natahimik siya. Nag-aakusa hindi lang ang aking mga salita kundi pati ang tingin ko sa kanya.

Sinubukan niyang salubungin ang aking mga mata subalit kaagad din siyang bumawi.

“Why did you lie to me?” ang sumunod na tinuran ko. Hindi na lamang iyon pag-aakusa kundi pangongompronta.

“What are you talking about?” Hindi niya pa rin magawang salubungin ang matalim kong titig.

“About your regularization. About the requirements na sabi mo kailangan mong ayusin.”

Muli siyang hindi nakasagot.

“Something just doesn’t fit. Inaayos mo pa ang mga requirements mo, tapos na-regular ka na pala?”

Tahimik pa rin siya.

“Saan ka nagpunta? Ano’ng ginawa mo? Bakit hindi ka nakapasok kahapon? Sino ang kasama mo?” Hindi ko na mapigil ang tuluy-tuloy na panunukol sa kanya.

At dahil siguro wala na siyang masulingan, hinarap niya ako.

“Ok, fine. You wanna know the truth?” Palaban na siya.

Ako naman ang natahimik. Dama ko ang pintig ng mga ugat sa aking sentido, gayundin ang mabilis na tibok ng aking puso.

“Nagkita kami ni Bong.”

Para akong sinampal ng sinabi niyang iyon.

“Lumabas kami. Uminom. Sa kanila ako natulog.”

Parang hindi ako makahinga at nagsimulang umikot ang aking paligid.

“Buong araw kaming magkasama kahapon kaya hindi ako nakapasok.”

I was in shock. Nagsisikip ang aking dibdib sa sakit. Sa galit.

“Bakit mo ginawa sa akin ito? Bakit mo ako niloko? Bakit ka nagsinungaling?”

“Dahil nasasakal na ako sa’yo!”

“Ano?”

“Dahil wala ka nang ginawa kundi ang magselos.”

“Dahil may rason.”

“Dahil insecure ka.”

At bago pa kami magkapalitan ng higit na masasakit na salita, tumalikod na ako at umalis.

Hanggang ngayon, makalipas ang dalawang linggo, nananatiling buo ang katahimikang namamagitan sa amin.

Thursday, December 22, 2011

If You Forget Me

Neruda as read by Madonna




I want you to know
one thing.

You know how this is:
if I look
at the crystal moon, at the red branch
of the slow autumn at my window,
if I touch
near the fire
the impalpable ash
or the wrinkled body of the log,
everything carries me to you,
as if everything that exists,
aromas, light, metals,
were little boats
that sail
toward those isles of yours that wait for me.

Well, now,
if little by little you stop loving me
I shall stop loving you little by little.

If suddenly
you forget me
do not look for me,
for I shall already have forgotten you.

If you think it long and mad,
the wind of banners
that passes through my life,
and you decide
to leave me at the shore
of the heart where I have roots,
remember
that on that day,
at that hour,
I shall lift my arms
and my roots will set off
to seek another land.

But
if each day,
each hour,
you feel that you are destined for me
with implacable sweetness,
if each day a flower
climbs up to your lips to seek me,
ah my love, ah my own,
in me all that fire is repeated,
in me nothing is extinguished or forgotten,
my love feeds on your love, beloved,
and as long as you live it will be in your arms
without leaving mine.

Tuesday, December 20, 2011

Moves

Nitong Sabado, finally nakalabas din ako. Ang huling gimik ko noong Black Party pa. Na-neglect ko na ang social life ko dahil sa trabaho. Actually, pilitan lang ang nangyari dahil maulan at medyo may sinat ako. Ang tagal na naming hindi nagkikita-kita ng mga friends ko at baka magkatampuhan na kung hindi ako sisipot. Anyway, magpa-Pasko naman kaya tumuloy na ako para sa get-together namin na bale Christmas party na rin.

Late ako. Ang usapan, 10:30 pero nakarating ako 12:30 na. Nagpatila pa kasi ako ng ulan. Naghintay naman sila at hindi nainip dahil nag-iinuman at nagkukuwentuhan. Yun nga lang, pagdating ko parang ang dami na nilang napag-usapan at lost na ako. Hindi na rin ako nakainom masyado dahil by 1:00 a.m., nagyaya na sila sa Bed.

Pero pagpasok naman namin, diretso kami sa itaas at doon ipinagpatuloy ang inuman. Blue Frog, two pitchers kaagad. At ilang sandali pa, may tama na kami at maingay na lahat. Binalikan namin ang mga pinagsamahan namin noon at pinagtawanan ang mga kalokohan. Nagkaroon din ng kantiyawan at asaran. Inasar nila ako pero hindi ako napikon. Ang saya lang kasi ng pakiramdam ko at wala ako sa mood magsuplada.

Maya-maya pa, nagkayayaan na kami sa ibaba. Aba, ang dami nang tao. At may performance ang mga go-go boys sa ledge. Bukod sa Santa cap, red trunks lang ang suot! Apat sila na nagsasayaw nang mapang-akit habang ipinagbubunyi ng crowd.

Kuha uli kami ng drinks. Rum Coke naman. Naku, sa sobrang saya ko, hindi ko na inisip ang magiging epekto ng halo-halong drinks sa katinuan ko. Basta sige, inom lang. At sayaw-sayaw. Di nagtagal, namalayan ko na lang nasa ledge na ako kasama ang dalawang friends. Todo hataw pa rin, walang pakialam dahil lasing. At nang mapagod at magsawa, bumaba ako at dumiretso sa couch upang magpahinga at magpa-sober.

Medyo nanibago lang ako dahil parang wala na akong masyadong kilala. Although mayroon pa rin naman pero hindi katulad noon na parang halos lahat pamilyar. Nasaan na kaya ang mga dating regulars? Mayroon na kaya silang ibang pinupuntahan?

Nag-restroom lang ako sandali – pinanood ang mga knife fish sa aquarium habang dyumi-jingle – bago muling bumalik sa dancefloor. Nakita ko ang mga friends ko pero hindi na ako pwedeng jumoin dahil may mga bagong “kaibigan” na sila at abala na sa “getting-to-know-you”. So, sayaw-sayaw na lang uli ako nang mag-isa, palinga-linga, naninipat ng mga guwapo. Ang daming bagong mukha pero ang babata at grupo-grupo. Sa kagagalaw ko, napunta ako sa may sulok sa tabi ng DJ’s booth. Magpapaka-wallflower na sana ako subalit may umagaw sa aking atensiyon.

Katulad ko, pasayaw-sayaw din siya at mag-isa. Matangkad, maputi, chinito.

Napatingin din siya. At maya-maya pa, nag-uusap na ang aming mga mata.

Hindi ko alam kung bakit ang mga galaw namin ay naging tila pag-gravitate sa isa’t isa. Basta’t napansin ko na lang, halos isang dangkal na lang ang pagitan ng aming mga mukha.

Nagtitigan kami at sabay na napangiti.

Bumulong siya sa akin. “Are you alone?”

“Yeah,” ang pagsisinungaling ko.

“Are you Filipino?”

“Yeah.” Mukha ba akong foreigner? “You?”

“Korean.”

“Oh.”

Hindi na naglayo ang aming mga mata and we moved even closer.

Langhap ko na ang kanyang mabangong hininga.

“I’m Kim,” ang pakilala niya.

“Aris,” ang pakilala ko rin.

Nagkamay kami at hindi na nagbitiw.

And then, we kissed.



Wednesday, November 16, 2011

Live Show 6

Hindi na nila kinailangang diktahan sa gagawin.

Kusa silang gumalaw nang naaayon sa kanilang instincts, nang walang direksiyon mula sa nag-private na nanood na lamang at nag-enjoy.

Malugod na tinanggap ni Angelo ang halik ni Warren. Nagsalikop ang kanilang mga labi at nagkiskisan ang mga dila. Napapikit siya. Nagngabngaban sila – marahan na naging marahas – hanggang sa malasap niya hindi lamang ang tamis kundi pati ang init ng kanilang pag-iisang bibig. Napakapit siya kay Warren na nakayakap na sa kanya at nakapikit din.

Tangay ng damdaming binuhay ng natugunang pananabik, bumaba ang mga halik ni Warren sa kanyang leeg, sa kanyang dibdib. Masuyo, mapaglaro, mapangiliti na sa kanyang balat ay dumiit-diit. Napahigpit ang kanyang kapit nang himurin nito ang kanyang mga utong, kubkubin ng bibig at ut-utin, ipit-ipitin sa pagitan ng mga ngipin.

Napaawang ang kanyang mga labi sa daloy ng masarap-masakit na sensasyon. Napaliyad siya, napasinghap, napahilig. Hindi malaman kung sasalubong o uurong habang patuloy si Warren sa pananaliksik sa kanyang katawan na sapo-sapo ng mga bisig.

Fully aware na may nanonood sa kanila, pinahiga siya ni Warren sa anggulong kita sa kamera. Dumako ang mga bibig nito sa kanyang tiyan, hinagkan-hinagod muna ang palibot bago sinundot-sinimsim ang pusod. At siya ay nakalimot, walang naging pagtutol nang hubuan at pakawalan ang aring nakukulob na sumabit-umigkas at humampas sa kanyang puson.

Kaagad na binalot ni Warren sa mga palad nito ang kanyang paninigas, taas-babang hinimas, makailang-ulit, na para bang maaari pa iyong papag-igtingin, bago ikinulong sa kanyang bibig na nagsimulang lumuwag-humigpit, humigop-sumipsip.

***

Nakakaisa na sila subalit hindi pa rin napapawi ang kanilang init. Nang sumunod na may nag-private, si Angelo naman ang naging mapusok. Ang katawan ni Warren ay nagmistulang buffet ng masasarap na pagkain nang ito ay daanan ng kanyang bibig. Bawat bahagi, bawat sulok ay kanyang tinikman, kinain nang buong pananabik higit lalo ang kaselanan na masigasig niyang pinagpistahan.

Nabalisa si Warren, napabiling-biling. Nilasap ang ligayang dulot ng kanyang panginginain. Malapit na ito subalit patuloy na nagpipigil, pinahahaba ang mga sandali hindi lamang upang kumita nang malaki kundi upang manatili nang matagal sa duyan ng luwalhati.

***

“Are you lovers?” May nagtanong sa chat.

“No, BB,” ang sagot ni Warren. “We’re just friends.”

“But you look good together. And you seem so hungry for each other.”

“We like each other, BB.”

“Then you should be lovers.”

“We’ll see, BB. Maybe soon we will be.”

Napatingin si Angelo kay Warren. Bahagi pa rin ba ng kanilang act ang sagot na iyon?

Nag-apuhap siya sa mukha nito ng kahit katiting na hint of truth.

Nitong mga huling araw kasi, may kakaiba na siyang nararamdaman sa tuwing sila ay magpe-perform. Dala marahil ng gabi-gabing intimacy, tila napapalapit na rito ang kanyang loob.

At upang makatiyak at mabigyang depinisyon ang damdaming iyon, may mga tanong siya na naghahanap ng tugon.

***

“Andito ka na pala.” Pamilyar ang nick na nag-send ng mensaheng iyon.

Napangiti si Warren. “Hey, PapaBear, kumusta na?”

“Kaya pala nawala ka, may kapartner ka na…”

“Mas masaya, di ba?”

“I don’t think so. I still prefer you solo.”

“Talaga?”

“Ikaw lang ang gusto ko. Ayoko ng may kasalo.”

“Bakit naman?”

“Dahil seloso ako. At nagseselos ako sa kapartner mo.”

Napaangat ang kilay ni Angelo dahil nakatutok siya sa computer screen, nakasunod sa chat. Si Warren naman ay hindi alam ang isasagot, hindi sigurado kung seryoso o nagbibiro si PapaBear.

“I don’t like your partner,” ang sabi pa ni PapaBear.

“Mabait siya,” ang sagot ni Warren. “And we can do a lot of things for you.”

Hindi kumibo si Angelo. Ayaw niyang magpakita ng anumang reaksiyon.

Patuloy naman si Warren sa sales talk. “Bakit hindi mo kami i-private ngayon? We’ll show you. Siguradong mag-e-enjoy ka sa gagawin namin.”

“No. Ikaw lang ang gusto kong panoorin.”

“Seryoso?”

“Yeah.”

Parang nainsulto si Angelo. Hindi niya expected iyon, ang hayagang rejection ng isang customer. Trabaho lang, ang paalala niya sa sarili, hindi dapat personalin.

“I want you solo,” ang muling diin ni PapaBear.

Hinihintay na lamang ni Angelo na pumayag si Warren at siya ay paalisin. Subalit nagulat siya dahil taliwas ang naging sagot nito.

“If you don’t want him, then you can’t have me, BB. It’s the two of us or nothing.”

Saglit na natahimik si PapaBear. Akala nila, na-offend. Subalit pagkaraan, muli itong “nagsalita”.

“Ok, sige. I’ll bring you both to private. But I will be needing a few things and you have to show me first.”

Sabay silang napakunot-noo. Taka kung ano at para saan ang requirements na iyon ni PapaBear.

“What are these, BB?” ang tanong ni Warren.

“Rope.”

Nanatili silang nakakunot, nagtatanong ang ekspresyon sa mukha.

“And?”

“Belt.”

“Anything else?”

“Dildo. I know you have it.”

Saka nila napagtanto kung ano ang trip ni PapaBear.

“Sure, BB. Is that all?”

“Yeah.”

Tumayo si Angelo upang likumin ang mga bagay na sinabi ni PapaBear.

At nang siya ay bumalik, isa-isa niya iyong ipinakita sa kamera.

“Well?” ang tanong ni Warren.

“Now, let’s go private,” ang sagot ni PapaBear. “It’s time for your partner to be punished.”

***

“Tie him up.”

Nakadama ng takot at pangamba si Angelo pero hindi siya nagpahalata.

“Spread eagle in bed. And remove his briefs.”

Nag-alinlangan si Warren, hindi kaagad kumilos.

“Go! You’re wasting my time.”

Tumayo si Warren, tumalikod sa kamera at bumulong sa kanya. “Don’t worry. It’s ok.”

Humiga sa kama si Angelo. Siya na mismo ang nagtanggal ng brief niya at dumipa, bumukaka. Masasal ang kaba sa dibdib niya.

Tumalima si Warren sa ipinag-uutos ni PapaBear at itinali ang mga kamay at paa niya sa tukod ng kama.

“Perfect,” ang sabi ni PapaBear. “Now, isn’t that very sexy?”

Hinagod ng tingin ni Warren ang kabuuan ni Angelo. He had to agree dahil higit ngang sexy si Angelo sa pagkakatali na may helpless look sa mga mata.

“In fairness, he has a nice dick,” ang dugtong pa ni Papa Bear. “Now, let’s see if we can make it hard.”

Naghintay si Warren sa susunod na utos. Gayundin si Angelo na panay ang hinga nang malalim upang payapain ang loob.

“Hit him with the belt!”

“Ha?” Napamaang si Warren subalit wala siyang nagawa kundi ang sumunod.

Ang unang hampas ay kontrolado, mahina, subalit napapitlag pa rin si Angelo dahil sa pagkagulat.

“Lakasan mo!”

Whack!

“Harder! Harder!”

Whack! Whack!

“Mas malakas pa! ‘Yung masakit!”

Whack! Whack! Whack!

Napaigtad si Angelo sa kanyang pagkakagapos at namilipit sa mga hagupit. Nagmakaawa ang kanyang tingin at nagsabing “tama na”.

Naunawaan ni Warren ang kanyang pahiwatig kaya ito ay tumigil.

“Did I say you stop?” ang sabi ni PapaBear.

Hinarap ni Warren ang computer at nag-type ng sagot. “That’s enough, BB.”

Saglit na patlang.

“Alright,” ang sabi ni PapaBear pagkaraan. “Now, the dildo…”

Napabuntonghininga si Warren, nahuhulaan na ang kasunod.

“I want you to plug it up his ass.”

***

Pinatay ni Warren ang computer.

Tahimik sila, parang walang gustong magsalita. Nanatiling nakahiga si Angelo sa kama, patang-pata, lamog ang katawan. Parang wala siyang lakas na gumalaw.

Pinagmasdan siya ni Warren, may pagkahabag sa mga mata. Pinatay nito ang ilaw at nahiga sa tabi niya. Hindi pa rin siya tumitinag.

Maya-maya, tumagilid si Warren, paharap sa kanya. Naramdaman niya, una, ang palad nito na humaplos sa mga latay niya at pagkatapos, ang bisig nito na yumakap sa kanya.

Bumaling siya kay Warren. Sa lambong ng dilim, inaninag niya ang maningning nitong mga mata. Yumakap na rin siya. At hindi naglaon, naglapat ang mga labi nila.

Nang gabing iyon, may natiyak si Angelo sa kanyang sarili. At kay Warren na hindi man idinaan sa salita, tinugunan ang mga tanong niya.

Kinabukasan, pinagdikit nila ang dalawang kama at tinanggal ang kurtinang nakapagitan sa kanila.

(May Karugtong)

Sunday, October 23, 2011

Proxy

“I met somebody last night,” ang excited na pagbabalita sa akin ni Ace. “He is so gorgeous!”

“I hate you. Isang gabi lang akong umabsent sa gimik, napunta na sa’yo ang dapat para sa akin,” I joked.

“Shut up. He’s meant to be mine,” he asserted.

“So tell me about him.” Excited din ako to know about the guy. “What’s his name?”

“Anthony.”

“Age?”

“Twenty-two.”

“Height?”

“5’8 or maybe 5’9”

Hmmm… young and tall. “Guwapo ba talaga?”

“Of course. And guess what, panay ang text niya sa akin ngayon.”

“Ano’ng sabi?”

“He misses me. And he wants to see me again.”

***

“We talked on the phone last night,” ang kuwento ni Ace sa akin nang sumunod na araw. “Ang tagal naming nag-usap.”

“Ano’ng pinag-usapan ninyo?” ang tanong ko.

“Marami. Tungkol sa kanya. Tungkol sa akin. Masyado akong nag-enjoy. Hindi ko namalayan, madaling araw na pala.”

“Hmmm…”

“There’s something about him I really like. Ang sarap niyang kausap. Napapatawa niya ako sa mga jokes niya. Malambing siya. He makes me feel so special.”

“Gurl, mukhang iba na yan…”

“Kinikilig ako sa kanya. Para akong high school uli na nagsisimulang ma-in love.”

“I am happy for you.”

“And guess what. Gusto niya akong sunduin mamaya paglabas ko sa office.”

“Go!” ang encouragement ko .

Sandaling natahimik si Ace, tila nag-isip. “I’m not sure. I think I am not yet ready.”

“So kelan kayo uli magkikita?”

“Soon. Basta huwag muna ngayon.”

***

After two days, nagkausap uli kami ni Ace.

“I think I am falling for him,” ang sabi niya.

“Sigurado ka ba sa nararamdaman mo?”

“Siya lagi ang laman ng isip ko. I have never felt like this in a long time. I don’t know what’s happening to me.”

Tahimik lang ako at hinayaan ko siyang magpatuloy.

“Kagabi, naging seryoso ang aming pag-uusap. Naging honest siya sa feelings niya para sa akin. At nang tinanong niya ako tungkol sa feelings ko sa kanya, hindi ako nakasagot. At ngayon, parang hindi ako matahimik dahil alam ko kung ano ang totoong nararamdaman ko. May pumipigil lang sa akin. At alam mo kung ano yun.”

“Dahil may boyfriend ka na?”

Napabuntonghininga siya. “Yeah. And I am so confused.”

“Balak mo bang magtaksil sa boyfriend mo… kay Teddy?”

“I don’t know.”

“Balak mo na ba siyang hiwalayan?”

“No!” Maagap at tiyak ang sagot niya. “Mahal ko si Teddy.”

“So anong balak mo kay Anthony?”

“Hindi ko alam. Hindi ko siya kayang i-give-up ngayon. Malulungkot ako kapag nawala siya.”

“Alam ba niya?”

“Ang alin?”

“Ang tungkol kay Teddy.”

“Siyempre hindi.”

“Balak mo bang sabihin?”

“Oo naman. Pero hindi muna ngayon.”

***

“Magkikita kami mamaya,” ang kaagad na bungad ni Ace pagkatapos kong mag-hello sa phone. “Susunduin niya ako sa office.”

“Good,” ang pangungunsinti ko. “So, ano ang mangyayari sa pagkikita ninyo?”

“Mag-uusap lang kami.”

“So, sasabihin mo na sa kanya ang totoong status mo?”

“Maybe. Bahala na.”

***

“Pass muna ako tonight,” ang text ni Ace sa akin kinabukasan. It was a Saturday at may gimik ang barkada. “May obligasyon ako ngayon sa asawa ko.”

“Sinong asawa? Si Anthony?” ang pagbibiro ko.

“Loka. Si Teddy, siyempre,” ang sagot.

“Ano nga pala ang nangyari sa pagkikita ninyo kahapon ni Anthony?”

“Saka na ako magkukuwento.”

“Akala ko pa naman, pupunta ka at isasama mo siya. Excited pa naman akong makilala siya.”

Sa pagkikita-kita namin ng mga friends ko nang gabing iyon sa Malate, hopeful ako na may ma-meet din na kagaya ng na-meet ni Ace. In my mind, “I Gotta Feeling” was playing bilang bahagi ng aking mental conditioning.

Habang umiinom sa Silya, nagpaalam ako sandali para mag-restroom. May nakapila at na-take note ko kaagad ang itsura niya. Hmmm… puwede. Matangkad. Bata. Guwapo. No, gorgeous! Hindi lang puwede kundi puwedeng-puwede.

Hindi ako masyadong nagpahalata na tinitingnan ko siya. Pero naramdaman niya yata dahil tumingin din siya sa akin. Gusto ko sanang umiwas nang magtama ang aming mga mata subalit nginitian niya ako. Ngumiti rin ako sa kabila ng tila biglaang panghihina ng tuhod ko.

“Hi,” ang sabi niya.

“Hey,” ang sagot ko habang may kaba sa dibdib. Subalit bago ko pa madugtungan ang bati ko, bumukas na ang pinto ng restroom at turn niya nang gumamit.

Nagkaroon ako ng time to compose myself habang nasa loob siya.

Paglabas niya, nagngitian uli kami subalit hindi na ako nakapagsalita. It was an awkward moment kaya kaagad na rin akong pumasok sa banyo. Panay ang buntonghininga ko sa loob.

Paglabas ko, wala na siya.

Bumalik ako sa mesa namin. Habang umiinom, nasa isip ko siya. Gumagala ang aking mga mata sa pag-asang nasa paligid lang siya. Pero wala, hindi ko siya makita. Sayang naman.

Nagpatuloy na lang ako sa pag-inom hanggang sa ako ay malasing.

***

Kahit madilim at aandap-andap ang mga ilaw sa Bed, parang hinila ang atensyon ko papunta sa kanya. The restroom guy at Silya. Nakita ko siyang nakatayo sa isang sulok.

Bumilis ang tibok ng puso ko as I slowly edged my way patungo sa kinaroroonan niya. Habang papalapit ako, nagmistula siyang isang pangarap na gusto kong abutin.

“Hi,” ang maagap kong bati, diretso ang tingin ko sa kanya.

Sinalubong niya ang aking mga mata. Ngumiti siya.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at kaagad akong nagpakilala. “Ako si Aris.”

“Mark.”

Nagkamay kami at hindi na nagbitiw. We stood close to each other at nag-communicate sa pamamagitan ng mga titig.

Hindi nagtagal, nagtagpo ang aming mga labi.

Napapikit ako habang nilalasap ang tamis ng kanyang halik.

Niyaya ko siyang magsayaw sa ledge.

“Nahihiya ako,” ang sabi niya. “Maraming nakatingin.”

“Feeling mo lang yan. But everybody is minding their own business. Nobody really cares,” ang giit ko.

Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot. Hinila ko na siya. At kusa na rin siyang sumama.

Nang nasa ledge na kami, hindi ko inakala na magiging agresibo siya. Siya na mismo ang nag-initiate na maghalikan kami.

Magkayakap pa kami habang sinasayawan ang “Good Girls Go Bad”.

***

Kinabukasan, ako naman ang excited sa pagbabalita kay Ace tungkol kay Mark.

“I met somebody last night. He is so gorgeous!” ang sabi ko.

“Gaya-gaya ka,” ang sagot niya.

“Nainggit ako sa’yo kaya ginaya kita.”

“Ano’ng name niya?”

“Mark. Young and tall. With the face of an angel.”

“I am happy for you, friend.”

“And guess what, panay ang text niya sa akin ngayon.”

“Ano’ng sabi?”

“He misses me. And he wants to see me again.”

“Ako naman ang inggit sa’yo…”

“Why?”

“Friend, I have to tell you something…”

“What?”

“Pinutol ko na ang ugnayan namin ni Anthony nang magkita kami noong Friday.”

“Ha?”

“Sinabi ko na sa kanya ang totoo… na may boyfriend na ako. Nasaktan siya. Inisip niya na niloko ko siya… pinaasa. I can’t blame him. Parang ganon naman talaga ang ginawa ko sa kanya. At para huwag ko na siyang masaktan pa, wala man kaming relasyon, nakipag-break ako sa kanya. Which he accepted. Friend, malungkot ako hanggang ngayon dahil doon. Pero ang iniisip ko na lang, it was the right thing to do, di ba? Ituwid ang lahat kasi isang pagkakamali iyon na may boyfriend na ako, I still entertain yung mga ganoon.”

“Korek ka diyan. Kinunsinti lang kita pero from the very start, gusto ko nang sabihin sa’yo na mali ang ginagawa mo. Siguro naghahanap lang ako ng timing because I don’t want to burst your bubble.”

“Oh, well, nagawa ko na ang dapat gawin. Mawawala rin naman ang lungkot na nararamdaman ko. Ang mahalaga, bumawi ako kay Teddy. More than ever, ngayon ko na-realize na siya pa rin pala ang pinaka-importante sa buhay ko.”

“Sige, hindi na muna kita kukuwentuhan tungkol kay Mark. Hindi tama na magkuwento ako ng masaya habang nalulungkot ka.”

“Ok lang. It’s your turn naman para maramdaman ang naramdaman ko last week. Ganyan naman talaga ang buhay, parang gulong.”

“Saka na lang. Huwag muna ngayon. Wala pa namang masyadong nangyayari sa amin. Basta, friend, next Saturday, huwag ka nang mawawala sa gimik. Ngayon pa lang, magpaalam ka na kay Teddy.”

“Oo, sige.”

“Malay mo, baka sa Saturday, isama ko si Mark. Ipapakilala ko sa barkada. I am sure, you would not want to miss that.”

***

Nang mga sumunod na araw, naging maganda ang development sa amin ni Mark.

Bukod sa text exchanges namin araw-araw, nag-uusap din kami sa phone gabi-gabi.

“Matagal na akong single,” ang kanyang sabi. “At palagi ring broken-hearted.”

“Bakit naman?” ang tanong ko.

“I always fall for the wrong guy. And I always end up hurt. Ikaw, sasaktan mo rin ba ako?”

“Bakit kailangan mong itanong yan?”

“Because I think I am falling for you.”

Hindi ako nakasagot sa kanyang sinabi pero dama ko ang pag-uumapaw ng saya sa puso ko.

“Ikaw, may nararamdaman ka ba para sa akin?”

I stammered kahit alam ko ang sagot sa tanong niya. “Uhm, yeah, I think, I am falling for you, too.”

“Talaga? Baka naman may boyfriend ka na at niloloko mo lang ako. Ayokong maging kabit. Ayoko ng part-time love.”

“Single din ako at kagaya mo, palagi ring nabo-broken heart.”

“So, ano na tayo? Tayo na ba?”

“Kailangan ba nating magmadali?”

“Hindi naman. Kaya lang kung sigurado naman tayo, bakit kailangan pang patagalin?”

“Ok…”

“Anong ok? Tayo na?”

“Ang ibig kong sabihin, magkita tayo. Mag-dinner. Mag-usap tayo. At saka natin i-formalize ang ating relasyon. Mas magiging sigurado tayo kung face-to-face nating gagawin yun.”

“Kelan?”

“Sa Friday.”

“Sure.”

Pero bago pa man sumapit ang Friday, nag-on na kami sa phone. Masyado nang overwhelming ang feelings namin sa isa’t isa kaya hindi na kami nakapaghintay.

Sabado na kami nakapag-dinner. Wala nang kailangang i-formalize dahil officially, kami na. Ang saya-saya namin pareho and we could not be more sure about our feelings for each other.

Tumuloy kami sa Malate after dinner upang i-meet ang aking mga kaibigan.

***

I was aiming for a complete attendance kaya maaga pa lang tinext ko na ang aking mga kaibigan.

“Kitakits tonight. Ipakikilala ko ang bago kong boyfriend.”

Everybody was excited. Naroroon na sila pagdating namin.

Ngiting-ngiti sila nang i-introduce ko si Mark. I could tell by the look on their faces na aprub ito sa kanila. Bumulong pa sa akin si Axel: “Winner, mare.” I felt so proud.

Napansin ko na wala si Ace. Hinanap ko kaagad ito.

“Nag-CR lang,” ang sabi ni Arnel.

Naupo kami ni Mark at umorder ng drinks.

With fondness, kaagad siyang kinausap ng mga friends. Feeling ko, welcome na welcome sa kanila si Mark. I could not be happier.

Maya-maya, nakita ko si Ace na paparating. Ngiting-ngiti siya habang papalapit sa amin.

Subalit pagsapit niya sa table namin, kaagad na napawi ang kanyang ngiti. Kitang-kita ko ang kanyang pagkagulat nang makita si Mark.

Nagulat din si Mark pagkakita kay Ace.

Pinagkilala ko sila. “Ace… Mark. Mark… Ace.”

Hindi sila nagkamay. Nagpalitan lang ng makahulugang tingin.

“You know each other?” ang tanong ko.

“Yeah,” ang sagot ni Ace. “Nagkakilala na kami before.”

“Talaga? Paano? Saan?” Addressed iyon kay Mark.

Hindi siya sumagot. Sa halip, iniwas ang kanyang mga mata.

Then Ace dropped the bombshell.

“Si Mark at si Anthony ay iisa.”

Friday, October 21, 2011

Don’t Cha 2

I didn’t go immediately for the kill.

Pagkasampa ko sa kama, pinagmasdan ko muna siya. Para akong nananaginip.

At upang tiyaking hindi, hinipo ko siya. Sinalat ko ang contours ng kanyang dibdib at dinama ko ang makinis niyang kutis.

Dahan-dahang bumaba ang aking palad sa kanyang tiyan at nang mapadako iyon sa kanyang six-pack, dinaluyan ako ng kuryente na nagpasidhi sa aking pananabik. Higit lalo nang masagi ko ang umbok sa kanyang brief. Subalit bago ko pa nagawang dukutin iyon, hinila niya na ako upang balutin sa kanyang bisig at papagtagpuin ang aming mga bibig.

Hinimas niya ang aking likod at sinapo ang aking puwet. Marahan siyang kumanyod-kanyod. Nagbanggaan, nagkiskisan ang aming mga umbok. Sabay kaming naghubo upang papagdampiin iyon, kasunod ang paggagap upang laruin at higit na papagngalitin.

Humulagpos ako sa kanyang kapit at dumausdos. Binakas ko ng halik ang landas pababa sa kanyang katawan, may saglit na paghimpil sa mga sensitibong bahagi. Hanggang sapitin ko ang kanyang kaselanan na nais balutin hindi lamang ng aking palad kundi pati ng mga labi.

At ako ay nagpatuloy sa masigasig na pag-angkin. Napaliyad siya at napasinghap, nabalisa at napabiling-biling, hindi malaman kung uurong o susulong sa aking panginginain.

Bago ko pa siya tuluyang malupig, nagsagawa siya ng kontra-atake. Hinila niya ako paakyat, saglit na hinagkan, pinahiga at pinaibabawan. Siya naman ang gumawa sa akin ng mga ginawa ko sa kanya. Napapikit na lamang ako at nagpaubaya.

Nagpalitan kami at nagsalitan ng posisyon. Nagpagulong-gulong, nagpaikot-ikot nang makailang-ulit. Ang bawat pagkakataon ay puno ng masidhing pagnanasa at pagnanais na makapagdulot ng ligayang tatagos sa laman at titimo sa isip.

Pagkaraang makarating at masaid, nahiga kami nang magkaharap.

“You are so beautiful,” ang sabi ko habang siya ay pinagmamasdan.

“No. You are beautiful,” ang sabi niya.

Nagtitigan kami at nagngitian.

Maya-maya pa, hinila na kami ng antok.

***

Wala siya sa aking tabi nang ako ay magising.

Lumabas ako ng silid at sinalubong ako ng masarap na halimuyak ng bacon.

“Good morning,” ang bati niya habang nag-aayos ng mesa. “Halika na. Breakfast muna.”

Wala akong masabi. Talagang nag-abala siyang magluto!

Over breakfast, nagkaroon kami ng conversation.

“You’ve been going to Malate for how long now?” ang tanong niya.

“A year, I think,” ang sagot ko.

“You’ve met a lot of guys then?”

“Yeah. Not really a lot, though.”

“You’ve slept with them?”

“Yeah. With some of them.” Ayokong magsinungaling.

“Was it exciting?”

“No. Not really. Nobody has got me quite interested.”

“Why?”

“I don’t know. Maybe because too much of anything will make everything seem the same?”

“Really?”

“I guess the one you are supposed to fall in love with doesn’t come along that easy. Pero dumarating.” I looked at him meaningfully.

“Hmmm…” Ngumiti siya at hindi na muling nagsalita.

Pagkakain, niyaya niya akong mag-shower. Sabay kami. To which I willingly agreed. Siyempre, may nangyari uli.

Pagkatapos, inihatid niya na ako sa ibaba.

Binati siya ng guwardiya sa lobby.

Binati niya rin ito at ipinakilala ako.

“Si Aris nga pala. Tandaan mo na siya. Magiging madalas na siya rito.”

***

Nahadlangan ang muli at agaran naming pagkikita dahil nag-sem break at kinailangan niyang umuwi sa probinsiya.

Subalit naging walang patid ang komunikasyon namin sa text. At sa takbo ng mga mensahe namin, naramdaman ko na mayroong something. Kaya naging masaya ako at umasa, nanabik sa muli naming pagkikita.

At nang mangyari iyon, hindi ako nabigo.

Nag-meet kami sa bar. Hindi na namin kinailangang magpakalango sa beer o mag-foreplay sa dancefloor dahil nang magkita kami at magkatabi, instant ang naging sexual tension. Hindi na kami nag-stay nang matagal at kaagad na lumisan.

Sa condo niya, muli kaming nagtalik. Higit na mainit at matamis. Punumpuno ng pagnanasa at pananabik. Tuluyan na naming inihandog at inangkin, tinuklas at dinama nang buong-buo at sagad na sagad ang kaloob-looban ng isa’t isa.

Pagkaraang humupa ang init, pinagmasdan ko siya. Nag-uumapaw pa rin ako sa ligayang dulot ng muli naming pagniniig. At bunsod ng damdaming hindi matimpi, kumawala nang kusa sa aking bibig ang isang pagtatanong.

“Tayo na ba?”

Tumingin siya sa akin, ngumiti at saka sumagot.

“Matulog ka na.”

Natigilan ako.

At kahit niyakap niya ako, na-disturb ako.

I wanted to kick myself for asking.

***

Meeting him changed me.

Parang nawalan ng appeal sa akin ang Malate. At ang iba pang mga lalaki na nakilala ko roon at nakaniig. Parang all of a sudden, gusto ko nang iwan ang lugar na iyon at siya na lamang ang pag-ukulan ng panahon.

Dumalang man ang komunikasyon namin nang sumunod na linggo, hindi siya nawala sa aking isip. Pasukan na kasi kaya maaaring busy lang siya. Nagme-message naman siya, hindi nga lang kasindalas katulad noong bakasyon. At cliché man, totoo ang kasabihang “absence makes the heart grow fonder” dahil ang bawat mensahe niya ay naging mas mahalaga, mas makahulugan sa akin. Bagay na nagpasidhi sa damdamin ko sa kanya.

Yeah, I think I’m in love with him.

He did say that I am beautiful, didn’t he? It could mean na attracted din siya sa akin. And I could just hope na may damdamin din siya sa akin. Na maaari kaming magkaroon ng relasyon… maging mag-boyfriend.

May konting alinlangan man, kailangan kong bigyang-daan ang pangangarap. Alam ko, maaaring masyado lang akong nag-a-assume subalit kailangan kong makipagsapalaran. Itaya ang puso upang malaman kung kami nga ba ay may patutunguhan. Dedma na sa posibilidad na ako ay masaktan. Basta’t ang alam ko, I had to take the chance. Or I would never know.

Kaya nang Sabadong iyon, niyaya ko siyang magkita kaming muli. Medyo nag-worry pa ako na baka siya ay tumanggi. Subalit tinanggap niya ang imbitasyon ko.

At may pahabol pa na “I miss you.”

***

Excited ako nang dumating ang takdang araw ng aming pagkikita.

Sa NYC ang napag-usapan naming tagpuan. Dumating ako bago ang usapang oras subalit nakakadalawang bote na ako at isang oras na ang lumilipas, hindi pa rin siya dumarating.

Isang text ang natanggap ko mula sa kanya. “I’m sorry, I can’t make it tonight. I am not feeling well.”

Nanlumo ako. I was disappointed.

“Ok. Pahinga ka na lang. Get well soon,” ang reply ko na lang.

I thought about leaving nang may lumapit at nag-hello sa akin. Si Ace na isa sa mga acquaintances ko noon (he’s now my bestfriend!).

“Are you alone?”

“Yeah.”

“Then why don’t you join us?” ang sabi. May kasama siyang dalawang kaibigan na kaagad niyang ipinakilala sa akin.

Siguro dahil sa kagustuhan kong malibang at malimutan ang disappointment kay Jasper kaya kaagad akong pumayag. “Sure.”

At hindi kami sa Biology tumuloy (although doon kami nagkakilala) kundi sa Bed. Medyo sosyalin kasi ang kanyang mga kasama. I needed a change of atmosphere anyway para malayo ang isip ko kay Jasper.

Admittedly, I had fun. Maraming malandi sa loob pero umiwas ako. Inisip ko si Jasper. Ayokong gumawa ng mga bagay na maaari kong ika-guilty at pagsisihan.

Mag-uumaga na nang lumabas kami. Nagyaya pa sina Ace na mag-breakfast sa Silya. I went along with them.

At doon, hindi ko napigilan ang mag-confide kay Ace. Ewan ko, I just felt comfortable doing so with him.

Ikinuwento ko sa kanya ang tungkol sa amin ni Jasper . Gusto kong makuha ang kanyang opinyon tungkol sa aming dalawa, kung ano ba sa tingin niya ang meron kami. Kung tama ba ang ginagawa kong pag-a-assume, pag-e-effort at pag-e-expect na mauuwi kami sa isang relasyon.

Medyo maingat siya sa kanyang sagot. Basta ang sabi niya lang: “May mga bagay kasi na kailangan talaga nating pagpursigihan kung gusto nating makuha. Kailangan nating subukan, para sa huli hindi tayo nagwa-wonder sa mga what-could-have-been’s.”

At sa kanya nanggaling ang ideyang iyon: “Bakit hindi mo siya sorpresahin? Bakit hindi mo siya puntahan ngayon. Dalhan mo ng breakfast.”

“Ha? Okay lang ba? You think maa-appreciate niya ‘yun?”

“Maysakit kamo siya. Kailangan niya ng care. What could be a better way upang pakitaan mo siya ng pag-aalaga?”

I agreed with him kaya kaagad akong nagpaalam sa kanila.

Dumaan ako sa McDonald’s at nag-take out ng Big Breakfast.

Nagtaksi ako. At habang bumibiyahe papunta sa condo niya, I felt good about my decision na sundin ang suggestion ni Ace.

Pagpasok ko sa lobby, naroroon, naka-duty na ang guard na ipinakilala niya sa akin noon. Binati ako nang nakangiti.

“Punta ako kay Jasper,” ang sabi ko.

“Sige, sir, akyat ka na.”

Sumakay ako sa elevator at nang sapitin ko ang kanyang floor, mabibilis ang mga hakbang ko sa pasilyo patungo sa kanyang unit.

Akmang pipindutin ko na ang kanyang doorbell nang biglang bumukas ang pinto.

Bumungad si Jasper, papalabas, papaalis. Nagulat siya pagkakita sa akin.

Nagulat din ako at hindi nakakilos, para akong itinulos.

Hindi siya mag-isa. May lalaki siyang kasama, kasunod niya, magka-holding hands pa sila.

I caught a whiff of fried bacon galing sa loob.

At napansin ko, medyo basa pa ang kanilang buhok.

***

“Why?” ang sabi ko sa mahinang tinig, timpi ang emosyon.

“Because…” ang sagot niya na tila nag-aapuhap ng tamang salita.

“Because what?”

“Because I wanted to. And I am free whatever I want to do.”

“Sino siya?”

“Somebody I met in a moviehouse.”

“Nagsinungaling ka. Niloko mo ako,” ang sumbat ko.

“Nagsinungaling, oo. Pero hindi kita niloko,” ang diin niya.

“Akala ko, we have something special going.”

“Yes, we do. Pero wala tayong relasyon.”

Natigilan ako. Hindi nakasagot.

“Look, Aris. You’re special. But we are not boyfriends. Not yet, anyway.”

“So what are we?”

“Friends. Special friends.”

“Fucking friends?”

“We had sex. Pero wala tayong commitment.”

“Fucking friends then.”

“Kailangan ko pa bang magpaliwanag sa’yo? More than anybody else, ikaw ang dapat makaintindi sa akin.”

“No, I don’t understand you.”

“Nagsisimula pa lang akong mag-explore. Nagsisimula pa lang akong pakawalan ang sarili ko… ang tunay na sexuality ko. Ang daming possiblities and I want to experience them all.”

Hinayaan ko siyang magsalita.

“You’ve been there ahead of me,” ang patuloy niya. “Nang simulan mong tuklasin ang mga possiblities ng sexuality mo, I bet hindi mo rin muna binalak ang mag-seryoso. Naging laman ka ng mga bar, ng mga darkroom. Nakipaglaro ka muna. Nag-enjoy. Hind ka nag-isip ng pakikipag-relasyon. Mas maiintindihan mo ako kung iintindihin mo ang sarili mo.”

Napakurap-kurap ako.

“Hindi ako ready na magmahal at mag-seryoso. Masyadong maraming tukso sa paligid na hindi ko kayang i-resist. Mas excited akong makipag-sex kaysa makipag-boyfriend. Ayoko munang matali because I cannot be faithful. Makakasakit lang ako dahil hindi ko maiiwasan ang magtaksil.”

“Pero paano na…?”

“Ayaw kitang saktan kaya nagpapaka-honest ako. Ayaw kitang paasahin kaya sinasabi ko sa’yo ang totoo.”

“Palagay ko… mahal na kita.”

“No. Don’t.”

“Mahal na kita, Jasper.”

“Do yourself a favor. Please. Don’t fall in love with me.”

***

Mula sa malayo, pinagmamasdan ko siya. He was basking in the attention of his admirers, fully aware of how beautiful he is. He was confident and effortless habang nakikipag-flirt sa club na kung saan una kaming nagkita at nagkakilala.

He was still Mr. Perfect at nasasaktan ako na hindi na siya akin – was he ever? – at may distansiya na sa pagitan namin.

Nakita ko na hinila siya sa ledge ng isa sa mga kausap niya na guwapo rin at matangkad. At doon, hinubaran siya habang nagsasayaw. Nalantad ang maganda niyang katawan, ang kanyang tiyan, ang pusod na ginagapangan ng buhok pababa sa kanyang low-rise. Muli kong naramdaman ang familiar stirrings sa aking kaibuturan.

Ipinagpasiya kong umalis na lamang bago pa ako tuluyang lamunin ng frustration.

On my way out, may humarang sa aking daraanan.

“Hello, sexy,” ang bati.

Nang-angat ako ng paningin. Kaharap ko ang isang good looking guy. I’ve never seen him before but he was smiling like he knew me.

I smiled back at him.

“Wanna dance?” ang tanong niya.

“Sure,” ang sagot ko. I needed to to ease my pain.

“I’m Ethan,” ang pakilala niya.

“I’m Aris,” ang pakilala ko rin.

He held my hand at giniyahan niya ako. Akala ko sa dancefloor niya ako dadalhin subalit iniakyat niya ako sa ledge.

It was too late to say no.

And there, I found myself side by side with Jasper.

Hinubaran ako ni Ethan. Hindi ko alam kung bakit hindi ako tumutol. Siguro dahil may gusto akong patunayan. Na maaari rin akong maging sexy at desirable.

Naging aware si Jasper sa presence ko. Nagkatitigan kami at nagkangitian.

Maya-maya pa, magkaharap na kaming nagsasayaw, limot na ang mga partners pati na ang aming nakaraan.

I touched his body and he touched mine. Sinalat namin ang aming mga kahubdan.

We moved closer. So close na naglapat na ang aming mga dibdib at crotch. Nagyakap kami.

And then, we kissed. Buong pagkauhaw at pagkasabik.

Saglit na nag-linger sa amin ang spotlight.

The crowd cheered.

Wala kaming pakialam. Hindi kami nagbitiw.



Wednesday, October 12, 2011

Don’t Cha

Kasagsagan iyon ng pamumukadkad ko sa Malate.

Pupunta akong mag-isa. Iinom sa NYC.

At pagkatapos kapag may tama na, didiretso sa alinman sa mga bar na may darkroom.

Nang gabing iyon pinili ko ang Biology.

Pagpasok ko, in full swing na ang party. Nakipagsayaw muna ako sa ibaba. Nakipaglandian sa kung sinu-sino. Balak ko nang umakyat sa itaas upang makipaglaro nang makita ko siya.

Kapapasok lang niya. At hindi lang ako ang nakapansin. Marami sa dancefloor ang napalingon din sa kanyang pagdating.

Paano’y napakatangkad niya. 6 footer yata kung hindi man 5’11. Maputi. Makisig. May maamong mukha na luminous sa malamlam na ilaw. Para siyang isang diyoso na naligaw sa daigdig ng mga mortal.

Titig na titig ako sa kanya. Gayundin ang iba pa while he inched his way patungo sa bar. At ilang sandali pa, pinutakti na siya. Marami na ang lumapit at nakipagkilala.

From a distance, patuloy ang pagmamasid ko sa kanya. He seemed friendly dahil habang umiinom patuloy siya sa pag-e-entertain sa mga admirers niya.

Naghanap ako ng sapat na lakas ng loob upang lapitan din siya subalit nang matagpuan ko iyon ay paalis na siya sa bar, patungo na sa may hagdan upang umakyat sa darkroom. Nakasunod sa kanya ang mga makakating higad.

Dumaan siya sa harap ko at pahapyaw kaming nagkatinginan. Sandaling-sandali lang iyon subalit parang hinigop ako ng kanyang mga mata. Bumilis ang tibok ng puso ko. At nang malanghap ko ang pabango niya, nag-init ako.

Sinundan ko siya ng tingin habang papaakyat sa hagdan. Nakita ko ang outline ng kanyang V-shape na katawan at na-take note ko ang kanyang bubble butt. Higit na nag-init ang aking pakiramdam.

At nang mawala siya sa aking paningin, mabilis akong nagdesisyon sabay sa mabilis na paghakbang.

“I am going to get him,” ang pangako ko sa sarili.

Natalisod ako sa paghabol at muntik pang mahulog sa hagdan.

***

Hindi ako nahirapang maghanap dahil namumukod-tangi pa rin siya kahit sa dilim. Napapaligiran siya ng mga nagnanasa at nagbabakasakaling maangkin siya.

Lumapit ako at tumayo sa harap niya. Sa naglalagos na liwanag mula sa dancefloor sa ibaba, nagsalubong ang aming mga mata. I was thinking Nora Aunor and Tyra Banks while I was trying to communicate with my eyes. And I thought it was effective dahil nakuha ko ang kanyang atensiyon at hindi siya naglayo ng tingin.

I edged closer to him. Ibinalot ko ang aking mga bisig sa kanyang baywang at buong kapangahasan na siya ay hinalikan. Una, marahan na kinalaunan ay naging marahas. Kinailangan ko pang tumingkayad subalit unti-unti siyang nag-adjust, yumuko sabay sa pagtugon ng kanyang mga labi.

Ang mga bisig ko ay lumipat sa kanyang leeg at sinapo ko ang kanyang ulo upang higit na ipagdiinan ang kanyang bibig.

Bumalot din sa akin ang kanyang mga bisig at ako ay kanyang kinabig upang madiin naman sa kanyang dibdib.

Naramdaman kong may kumurot sa akin – isa sa mga nakapaligid na nainggit o nagalit – at may mga nagtangka ring makisali subalit naging manhid ako at maramot siya. Itinaboy namin ang mga gustong makibahagi subalit higit silang nagsumiksik.

Kaya bumitiw ako sa kanya. Hinagilap ko ang kanyang kamay at kaagad siyang hinila palayo sa mga piranha. Muli, may kumurot sa akin, higit na masakit kaysa una. But it was a small price to pay sa pang-aagaw sa kanya dahil nagtagumpay ako at akin na siya.

“Ako nga pala si Aris,” ang pakilala ko sa kanya pagkalabas namin ng Biology.

“Ako si Jasper,” ang pakilala rin niya.

Hindi na namin kinailangang magkamay dahil magka-holding hands pa rin kami.

Sinipat namin ng tingin ang isa’t isa sa liwanag ng poste.

I think we both liked what we saw dahil sabay kaming napangiti.

***

Dinala ko siya sa NYC. At doon habang umiinom, higit kong napagmasdan ang exceptional niyang kaguwapuhan. Na kinumpirma ng mga sulyap ng paghanga na natanggap niya mula sa iba pang mga naroroon. I felt so lucky and proud.

Nagsimula kaming mag-usap. Getting-to- know-you stuff.

Napag-alaman ko na 21 lang siya. Graduating. Psychology ang kurso. Taga-Bataan. Mag-isang namumuhay sa Maynila.

“Bakit wala kang kasama ngayon?” ang tanong ko.

“I am new to the scene,” ang kanyang sagot. “Wala akong kaibigan na maaari kong makasama sa ganitong lugar. Lahat sila straight at wala pang nakakaalam. Ikaw, bakit mag-isa ka rin?”

“Pareho siguro tayo. Although, hindi na ako bago. Pero sa ngayon, wala pa talaga akong masasabing friend dito. Pulos acquaintances lang.”

“First time ko sa Biology.”

“Buti hindi ka nagulat.”

“Nagulat. Pero na-excite.”

“Pinagkaguluhan ka kasi.”

“Oo nga. Di ko akalain.” Bahagya siyang tumawa.

“Buti hindi ka nagalit…”

“Nagalit?”

“Nung nilapitan kita at hinalikan.”

“Bakit naman ako magagalit?”

Hindi ako sumagot. Sa halip, tinitigan ko siya.

Sinalubong niya ang aking mga mata. Palaban siya at hindi pai-intimidate.

“Bakit mo ginawa iyon?” ang tanong niya.

“Dahil gusto kita,” ang walang gatol kong sagot.

Siya naman ang napatitig sa akin. At pagkatapos ay napangiti.

“Okay lang,” ang sabi niya. “I like it.”

Ako naman ang napangiti.

“In fact, I want more.”

Tumingin siya sa akin na parang nanghahamon. Bagay na hindi ko inurungan dahil right there and then, walang kaabog-abog, siya ay aking hinalikan. Sa lips. Dedma na sa mga naroroon.

Mabilis lang iyon at hindi siya nakatugon.

Pagkatapos niyon, tahimik kami. Pero hindi ang aming mga mata na patuloy na nag-usap.

Tinungga namin ang aming mga bote at sinaid ang laman niyon.

“Tara,” ang kanyang sabi pagkatapos.

“Saan?” ang tanong ko.

“Sa bahay. Iuuwi kita.”

“Ha?” Saglit na pagkabigla na sinundan ng pagguhit ng ngiti sa aking mga labi. Hindi ko inaasahan na tatapatan niya at hihigitan pa ang pagka-agresibo ko.

Tumayo siya at hinila ako. Wala akong nagawa kundi ang sumunod.

Nagtaksi kami. At habang bumibiyahe, gumapang ang mga kamay namin at humimas sa maseselang bahagi, lingid sa kaalaman ng drayber.

Ang inaasahan ko, boarding house o room-for-rent ang bahay na sinasabi niya. Subalit pinahinto niya ang taksi sa tapat ng isang condominium.

Bumaba kami.

“Dito ka nakatira?” ang tanong ko na tila hindi makapaniwala.

“Yup,” ang sagot niya.

Mangha ang ekspresyon sa aking mukha.

“Binili ng Dad ko para may matirhan ako habang nag-aaral dito sa Maynila.”

Hindi na ako nagsalita – wala akong masabi – habang papasok kami sa lobby.

***

Pagkapasok na pagkapasok namin sa kanyang unit, agad na nagtagpo ang aming mga labi. Naghalikan kami, may sense of urgency. Hinubaran niya ako at hinubaran ko siya. At nang kami ay pareho nang talop at brief na lamang ang suot, dinala niya ako sa kanyang silid.

Makalat ang kanyang silid. But it didn’t matter dahil kalat-mayaman iyon. Laptop. Pringles. Wireless phone. Men’s Health. Cadbury. Belt. Shoes. Dumbells. Hindi ko na naimbentaryo ang iba pa dahil nahiga na siya sa kama.

He stretched out his long legs and torso. Napasinghap ako. Sa backdrop ng powder blue niyang bedsheet at sa tama ng soft white na ilaw ng lampshade, nagmistula siyang isang buhay na imahe sa pornography. I mean, photography.

He wiggled his forefinger signalling me to come over with a “fuck me” look in his eyes.

I could feel myself straining in my briefs as I moved closer to him.

(May Karugtong)

Saturday, October 1, 2011

Getting Older

“Guess who’s having a birthday…”

“Who?”

“Eddie.”

“Eddie who?”

Eddie… AKO!”

(Corny)

***

Ang bilis ng panahon.

Baka bago ko mamalayan, retirable na ako.

Mababago na ang mundo ko.

Ang dating ganito…



Ay magiging ganito na…



But I guess, higit akong magiging masaya.

Matagal-tagal pa naman ito
Pero pinaplano ko na.

Dito ako titira…



Wala akong gagawin kundi ang magpahinga.

At magsulat nang magsulat.

Dahil kahit sa pagtanda
Patuloy akong mangangarap.



***

But for now…
Party muna!

Enjoyin ang mga nalalabing sandali
Ng pagiging bata.

Thursday, September 29, 2011

Live Show 5


“Sabay na tayong maligo.”

Napamaang si Angelo. Nagbibiro ba si Warren?

Seryoso ang mukha nito. At nang muling magsalita, nakumpirma niyang hindi.

“Magkapartner tayo sa live show. Kailangan na nating masanay. Maging kumportable na pareho tayong nakahubad.”

Hindi siya sumagot. Hindi rin tumutol.

Naghubo’t hubad si Warren sa harap niya mismo at nagpatiuna na sa banyo.

Naghubad na rin siya at sumunod dito.

Akala niya, sabay lang sila at kanya-kanya pa ring paligo. Subalit nagulat siya nang pagkatapos magsalok ng tubig sa balde, si Warren mismo ang nagbuhos sa kanya. At pagkatapos, saka ito nagbasa ng sarili.

Kinuha ni Warren ang sabon. At sinimulang sabunin ang katawan niya. Una sa balikat, sumunod sa dibdib, pababa sa tiyan. At bago pa man ito nakarating sa maselang bahagi, ibinigay na nito ang sabon sa kanya.

“Your turn,” ang sabi.

Siya naman ang sumabon kay Warren. Nadama niya ang depinisyon ng katawan nito. Balikat, dibdib, tiyan. Iiwasan niya rin sana ang ibabang bahagi subalit pinigilan ni Warren ang kanyang kamay.

Iginiya siya nito at ipinasalat ang ari. Pinahawakan iyon sa kanya at ipinahimas.

Inilapat ni Warren ang katawan sa katawan niya. Kumanyod-kanyod. Dumulas-dulas. Taas-babang kumiskis sa kanya.

Hindi niya napigilan ang tigasan.

Napangiti si Warren. Muling sumalok ng tubig at sabay na binanlawan ang kanilang mga katawan.

***

Asiwa siya sa harap ng camera. Naka-online na sila at hindi niya alam kung paano ipupuwesto ang sarili.

“Relax lang,” ang sabi ni Warren. “Look sexy.”

Naka-brief sila pareho at nako-conscious siya. Nakaupo siya sa kama, kita ang buong katawan niya. Si Warren ang may hawak sa keyboard at hindi lamang ang kanang kamay ang abala kundi pati ang kaliwa, salitan sa paghimas at pagtipa.

Kita ang itaas na bahagi ng katawan ni Warren, subalit obvious na may nilalaro ito sa ibaba.

“Laruin mo rin ‘yang iyo,” ang sabi. “Para tumigas na.”

Tumalima siya kahit naroroon pa rin ang pagkaasiwa.

“Himasin mo lang sa labas. Maaari mong dukutin pero takpan mo. Pabukulin mo lang sa brief pero huwag mong ipapakita.”

Buti na lang at walang audio ang chatroom nila dahil nakakahiya kung maririnig ng viewers na kino-coach siya ni Warren.

Sumilip siya sa screen at nakita niyang marami na silang bisita. Marami na ring chat messages sa iba’t ibang lengguwahe.

Hi boys. Zeigt euere schwaenze!

Muestra tu pene.

Vous êtes beaux garçons. Montrent bites.

“Ano’ng mga sinasabi?’ ang tanong niya. “Naiintindihan mo ba?”

“Hindi. Pero alin lang ‘yan sa dalawa. Sinasabing guwapo tayo o nagre-request na magpakita tayo ng ari.”

Nag-type ng sagot si Warren. “English please, BB. Let’s go private. We will show dick.”

Marami rin namang English na mensahe. At tama si Warren, ‘yun nga ang mga sinasabi.

Very sexy boys.

Show me, BB.

Pull down your briefs.

Siyempre ang atensiyon nila ay nasa mga members – ‘yung mga may nick – at hindi sa mga guest lang ang username. May briefing na sa kanya si Warren na sa members lang sila kikita at hindi sa mga guests na kung tutuusin ay mga panggulo lamang.

Magiliw sa mga members si Warren. Bukod sa nagre-reply ito sa mga mensahe, naghe-hello pa sa mga bagong pasok.

At napansin niya, kakaiba ang projection nito. Nang-aaya, nang-aakit. Nakangiti at may maaliwalas na mukha. Sexy rin ang mga galaw – ang paghimas-himas sa dibdib at tiyan, ang bahagyang pagpapasilip.

Sanay na sanay si Warren at kumpara rito, wala siyang kabuhay-buhay. Siguro dahil naninibago pa siya, nahihiya at hindi pa tiyak kung ano ba talaga ang dapat na maging kilos niya. At kinakabahan din siya dahil bago ang karanasang iyon at hindi niya alam kung saan sila hahantong.

At pagkaraan ng mahabang paghihintay at pakikipagbolahan, may member na nagpahayag ng interes na sila ay i-private. Cool lang si Warren pero siya, higit na tumindi ang kaba niya.

“Show me your dicks,” ang utos ng member nang sila ay naka-private na.

Kaagad na nagpakita si Warren samantalang siya ay nag-atubili pa.

Si Warren na mismo ang naghubo ng brief niya. Buti na lang, nanatili siyang matigas.

“Wow!” ang sabi ng member.

Pinagtabi ni Warren ang mga ari nila at nakita niyang magkasukat sila, halos magkapareho sa haba at taba. Akala niya, mas malaki ang kay Warren (batay sa mga pagkakataong ito ay nakitaan niya) subalit sa malapitang paghahambing, hindi pala siya pahuhuli. At higit pala silang bagay hindi lamang dahil magkasingkatawan sila, kundi dahil magkatulad din ang mga punong-katawan nila. ‘Yun nga lang, kape’t gatas pa rin ang mga kulay.

“Play with each other,” ang utos ng member.

Kaagad na hinagilap ni Warren ang ari niya at binalot ng palad. Hinawakan niya rin si Warren at nadama ang init at pagpintig-pintig ng mga ugat nito. Gayundin ang pagngangalit ng mga litid.

Nagsimula siya nitong hagurin nang taas-baba na kanya ring ginawa. May attitude si Warren habang ginagawa iyon – may libog, may landi – habang siya ay parang nagpipigil at may pasubali.

Nahalata iyon ni Warren kung kaya nag-extra effort ito. Inilapit nito ang bibig sa kanyang dibdib. Dinilaan at sinipsip ang mga utong. May naramdaman siyang kakaiba subalit walang rumehistrong reaksiyon sa kanyang mukha. Nanatili siyang parang tuod.

“I want a stiff dick but not a stiff body,” ang sabi ng nanonood.

Napagtanto niyang disappointed ito subalit ano mang pilit, parang hindi siya makagalaw. Hindi niya mapaglabanan ang pagkaasiwa. Medyo nanginginig pa siya.

At bago pa nila namalayan, nag-out na ang member. Wala pang dalawang minuto ang naging private session nila at magkano lang ba ang kanilang kinita?

Hiyang-hiya siya kay Warren, parang hindi siya makatingin. “Sorry,” ang kanyang banggit.

“Okay lang. Ganyan talaga sa simula. Masasanay ka rin.”

Na-appreciate niya ang sagot ni Warren pero sinisi pa rin niya ang sarili.

Muli silang bumalik sa free chat upang mang-entice na i-private. Sinikap niyang mag-project (to look sexy, sabi nga ni Warren) pero wala talaga. Hirap siya at hindi niya matimpla ang sarili.

Muli, may nag-private sa kanila. He tried his best pero wa epek. Saglit lang din iyon at hindi nila na-sustain ang interest ng viewer. Nag-sorry uli siya kay Warren subalit wala pa rin itong naging panunumbat.

Needless to say, napagod lang sila at napuyat, pero naging matumal ang kanilang unang gabi.

At habang nakahiga na upang matulog, balisa siya sa pag-iisip at pagtatanong. Hindi ba siya nagkamali sa kanyang desisyon? Nasa kanya ba ang katangian upang maging isang mahusay na live show performer?

***

Pag-uwi niya nang hapong iyon, kaagad siyang niyaya ni Warren sa harap ng computer. Akala niya, magso-show na sila, pero hindi. Dinala siya nito sa iba’t ibang chatrooms ng LiveJasmin, particularly sa chatroom ng mga couples.

At dito siya “na-introduce” kina ZergyAndRokie

Pagkaguguwapong mga latino. Artistahin. Matipuno. Mid-twenties. Nakaupo nang magkaharap. Nagyayakapan at naghahalikan. Nagtititigan na may kahulugan. Iisipin mong lovers sila dahil punumpuno ng pagnanasa sa isa’t isa.

Gayundin kina MaxAndRudolph

Latino rin ang parehang ito pero mga bata pa. Mga 18-21 years old lang. Si Max ang nakikipag-chat na maya’t maya ay nagpapasilip ng kanyang “ulo” samantalang si Rudolph naman ang nang-aakit at nanunukso. Ipinakikita ang payat na katawan at matambok na puwet, ang mahahabang binti at magagandang paa. Nilalaro ang ari na natatakpan ng kapirasong tela.

At kina TwoSensationXX

Napaka-playful ng dalawang ito. Panay ang landian at harutan. Nagdudukutan, nagsusubuan. Out of camera range nga lang. Pero nakikita ang pagtaas-baba ng mga ulo.

“Sila ang most popular na mga pareha,” ang sabi ni Warren. “Marami tayong matututunan sa kanila.”

Binisita rin nila ang chatrooms ng mga kulelat. Iyong mga walang kalatoy-latoy. Na kung hindi man absorbed na absorbed sa keyboard, nakatunganga lamang. Seryosong-seryoso ang mga mukha at walang ginagawa.

“Sila ang mga hindi natin dapat gayahin. Kitang-kita naman ang mali sa kanila.”

Akala niya, hanggang doon na lamang ang kanilang “tour” subalit dinala rin siya ni Warren sa GayTube.

At doon ipinapanood sa kanya ang Gay Asian Twinkz videos.

“Just to give you an idea kung paano ginagawa at ipinapakita nang tama ang M2M sex.”

Nagulat siya dahil pinoy ang mga nasa video. Nagtatagalog pa na may puntong bisaya.

Benjie and Enrique. Marky and Rodz. Jesse and Dylan.

Mga bagets na palaban. Sanay na sanay, bigay na bigay. Walang inhibisyon sa pakikipagtalik. At may mga itsura! Oral, anal, threesome. May mga sex toys pa. At mukhang enjoy na enjoy sila!

Halos hindi kumukurap si Angelo habang nanonood. Mangha. Antig.

“Well?” ang sabi ni Warren pagkatapos ng palabas.

“Lessons learned,” ang sagot niya. “Alam ko na ang aking gagawin.”

“Good.”

Ngumiti siya.

Hindi nalingid kay Warren ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata.

(May Karugtong)

Part 6

Wednesday, September 21, 2011

Live Show 4

Nasayang ang kanyang maghapon at umuwi siyang lumo. Kung mayroon man siyang nakita, mababa ang suweldo at walong oras ang trabaho.

May nakita rin siyang Wanted Waiter sa isang hosto bar. Kaya lang, GRO talaga ang hinahanap. At hangga’t maaari ay gusto niya iyong iwasan.

Nananaig pa rin sa kanya ang pagnanais na magpakarangal. Subalit hanggang kailan? Higit lalo at pakonti na nang pakonti ang kanyang pera at halos hindi na siya kumakain at naglalakad na lamang papasok sa eskuwela.

Ayaw niyang magsalita kay Warren. Hangga’t maaari, ayaw niya ritong lumapit. Subalit papalapit na nang papalapit ang exams at wala siyang pang-tuition. Sagad na sagad na rin siya at naubusan na ng pag-asa. At ayon nga sa kasabihan, ang taong nagigipit, kahit sa patalim ay kumakapit.

Kaya nang gabing iyon, hindi na siya nakatiis. Inilapit na niya kay Warren ang kanyang kalagayan at humingi na siya ng tulong.

Si Warren naman ay naghihintay lang pala na siya ay magsabi. Noong una ay pansamanatala lang muna ang ibinigay sa kanyang tulong. Pinahiram siya ng pera. Subalit paano niya iyon mababayaran kung jobless siya? At paano na ang mga susunod niyang pangangailangan?

Kaya kasunod niyon ay nagtanong na siya tungkol sa LiveJasmin. Nakapagdesisyon na siyang pasukin iyon. Bahala na. Wala na kasi siyang choice.

“Puwede kaya ako?” ang kanyang tanong.

“Bakit hindi?” ang sagot ni Warren. “Guwapo ka. Maganda ang katawan. Makinis. At ‘yang pagka-moreno mo, ‘yan ang hinahanap ng mga puti.”

Hindi niya alam kung natuwa si Warren pero kaagad itong nagprisinta na siya nang mag-a-apply para sa kanya. Subalit bago iyon naisagawa, na-realize nila na may problema. Iisa lang ang computer sa bahay at hindi sila maaaring magsabay. Paano na, e pareho ang kanilang free time. Out of the question ang pagbili ng isa pang computer dahil ano ang ipambibili? Si Warren ang nakaisip ng solusyon.

“Maaari tayong mag-partner kung gusto mo,” ang sabi. “First in the Philippines. Sa Colombia, maraming ganyan. Mabiling-bili sa mga viewers.”

“Huh?” Saglit siyang natigilan, hindi alam ang isasagot.

“Mas mataas ang pay-out ng couple. Halos doble. Dapat lang, kasi dalawa ang maghahati.”

“Ano ang dapat nating gawin kung magpa-partner tayo?”

“Magse-sex,” ang tahasang sagot. “Gagawin ang anumang iutos sa atin.”

Napaisip siya. Biglang-bigla, nagkaroon ng pag-aalinlangan sa kanyang papasukin.

“Huwag kang mag-alala,” ang patuloy ni Warren. “Maaari naman nating dayain. Magkukunwari lang tayo. Pero siyempre, may physical contact. Magkakahipuan at magkakatikiman tayo. Maaari pang magkasundutan. Pero walang ibig sabihin. Trabaho lang.”

May pag-aatubili pa rin si Angelo. “Paano kung may makapanood sa akin… sa atin?”

“Sino ba ang inaalala mong makakapanood sa’yo?”

“Ang mga magulang ko sa probinsiya… mga kapitbahay… mga kakilala…”

“Bakit, may internet na ba sa probinsiya n’yo?”

“Hindi ako sigurado…”

“Kung mayroon man, sa palagay mo ba gumagawi sila sa porn site? A gay porn site, for that matter?”

“E ‘yung mga kaklase ko rito?”

“E di kung may magtanong, i-deny mo. O kaya dedmahin mo. Hindi mo naman kailangang mag-explain. Bakit, alam ba nila ang pinagdaraanan mo?”

Napabuntonghininga si Angelo. Muling tinimbang-timbang sa isip ang desisyon.

“At saka, wala naman tayong gagawin sa free chat,” ang dugtong ni Warren. “Didisplay lang tayo at mang-aakit para i-private. At sa private naman, members lang ang maaaring mag-view. I don’t think gagasta sila para sa membership.”

Saglit na patlang. Pagkaraan, nagkibit-balikat si Angelo at tumango. “Ok, sige, mag-apply na tayo.”

Binuhay ni Warren ang computer.

“Maghubad ka na,” ang sabi.

“Ano?” Namilog ang kanyang mga mata sa pagkagulat at pagtataka.

Bahagyang natawa si Warren sa kanyang reaksyon. “Kailangan ng picture sa application. Magpi-pictorial muna tayo. Kailangan sexy.”

Inayos nito ang webcam upang gamitin sa pagkuha ng litrato. At pagkatapos, walang kaabog-abog na naghubad. Brief lang ang itinira.

Napagaya na rin si Angelo.

Magkatabi silang humarap sa computer. Nakita niya ang kanilang itsura sa monitor. Aaminin niya, nagandahan siya dahil bagay sila. Complementing ang kulay nila. Moreno siya, maputi si Warren. Para silang kape’t gatas.

Walang sabi-sabing umakbay si Warren sa kanya sabay pindot sa mouse. Click. Click.

Ang awkward sa simula. Pero kinalaunan, nag-loosen up siya. Sumandal siya kay Warren.

Click. Click.

Pumuwesto siya sa likod nito, yumakap nang mahigpit.

Click. Click.

Pa-sideview silang nagharap, anyong maghahalikan.

Click. Click.

After a few more poses, huminto sila at pinili ang litratong pinakamaganda.

Binuksan ni Warren ang website at nag-fill out ng application. Ito na rin ang nag-isip ng username na 2PinoyHotBoys.

Hindi alam ni Angelo kung bakit parang kinakabahan siya habang pinapanood si Warren.

Maya-maya, in-attach na ni Warren ang litrato nila at pagkatapos ay pinindot ang send.

This is it, ang naisip niya. There’s no turning back.

Aligaga siya buong araw habang nasa eskuwela. Isip siya nang isip, parang hindi makapag-concentrate. At nang umuwi siya, hindi niya alam kung natatakot siya o nae-excite sa inaasahang balita.

Nadatnan niya si Warren na nasa harap ng computer, nagtse-check ng email.

Nakangiti itong humarap sa kanya nang maramdaman ang kanyang pagdating.

“Guess what,” ang sabi.

Hindi siya sumagot. Hinintay niya ang sasabihin nito na more or less ay alam na niya.

“Application accepted and approved.”

Mixed ang pakiramdam niya kaya parang hindi siya makapag-react.

“Are you ok?” ang tanong ni Warren habang pinagmamasdan siya.

“Yeah,” ang sagot niya.

Tumayo ito at lumapit sa kanya.

“Welcome to LiveJasmin,” ang sabi. “Ngayong gabi ang una nating pagtatanghal!”

(May Karugtong)

Part 5

Wednesday, September 14, 2011

Vacay

I usually go on vacation in September. I don’t know why. Basta, nakasanayan ko na lang. Siguro dahil kailangan kong mag-recharge upang harapin ang peak season ng “ber” months sa trabaho. And this time, dito ako patungo…



I will be away for five days. I will just laze around by the beach. Read. Sleep. Write. Pagbalik ko, tuloy ang “Live Show” at ang Book II ng “Plantation Resort”. Dahil sa aking pupuntahan, natitiyak kong mai-inspire ako ng tahimik at maaliwalas na kapaligiran, gaganahan ako nang husto upang magsulat at mapupuno ang notebook ko. I may even tell you a story or two about my vacation. Depende sa mga mangyayari. *wink!*

So, wait lang, my dear readers and friends. Alis muna ako sandali. Pagbalik ko, pasasalubungan ko kayo ng mainit-init at mabuha-buhangin pang mga posts. Sa ngayon, tatapusin ko muna ang pag-eempake dahil maaga pa ang biyahe ko bukas.

See you all. Mwah!

Thursday, September 8, 2011

Live Show 3

“Hello, AsianDreamBoy,” ang bati ni PapaBear. May nick, ibig sabihin, member at may credit.

“Hello, PapaBear,” ang kaagad na tugon ni Warren a.k.a. AsianDreamBoy. “How are you today?”

“I’m good. And you, BB?”

“Horny and ready.”

“Nice. You are so sexy.”

Naka-sideview siya sa kamera. Nakahubad. Kita ang buong katawan sa pagkaka-recline sa kama. Nakataas ang isang binti upang takpan ang maselang bahagi.

“Mmmm… Thanks, BB,” ang sagot niya.

“Are you Thai?” ang tanong ni PapaBear.

“No, BB. Filipino.”

“Pinoy ka?”

“Oo. Ikaw rin?”

“Oo. Taga-saan ka?”

“Manila.”

“Manila rin ako.”

At nag-usap na sila habang nakatanga ang iba pang mga tao sa chatroom dahil hindi sila maintindihan. Although may pinoy guest din na panay ang butt-in subalit hindi niya pansin. No nick, no credit. Why bother?

“Gusto kitang makita nang buo,” ang sabi ni PapaBear. “Maaari mo bang ipasilip sa akin ang iyong itinatago?”

“Sure, BB.” At ibinaba niya ang nakataas na binti. Mabilisan, sapat lang upang makapanukso nang konti.

Sunud-sunod ang naging reaksiyon sa iba’t ibang lengguwahe ng iba pang mga nasa chatroom.

“Wow! I love it!”

“Penis belle!”

“Quiero probar el pene grande.”

Nangiti si Warren. “Nagustuhan mo ba, PapaBear?”

“May gusto pa akong ipagawa sa’yo,” ang sagot.

“Sure. Kahit ano. Let’s go private.”

“Ok.”

At sa pagkadismaya ng iba pang viewers, nawala ang imahe ni Warren sa free chat. Pumalit ang larawan ng isang entablado na nakasara ang kurtina.

I’m currently in private chat, ang sabi sa screen. Join me in private or take a peek behind the curtain. You can take a peek into my room for 1 credit.

***

Nang hapong iyon pag-uwi niya, nagulat si Warren nang madatnan niya sa bahay si Angelo.

“O, ano’ng ginagawa mo rito? Wala kang trabaho?”

Tumingin sa kanya si Angelo at napansin niya na ito ay malungkot.

“Bakit?” ang tanong niya. “May problema ba?”

Bumuntonghininga muna si Angelo bago nagsalita. “Na-lay off ako sa trabaho.”

“Ha? Bakit?”

“Humina kasi ang bar. Naisipan ng management na mag-cost cutting kaya nagbawas. Tinanggal lahat ng part-time.”

“Pababalikin ba kayo kapag lumakas na uli?”

“Mukhang malabo.”

“Paano ngayon ‘yan?’

“Ewan ko. Malapit pa naman na ang exams. Hindi ko alam ngayon kung saan ako kukuha ng pang-tuition.”

“Ano’ng plano mo?”

“Bukas, susubukan kong maghanap ng bagong trabaho. Sana lang suwertehin ako.”

***

Habang nakasalang ang sinaing, lumabas si Warren upang bumili ng ulam.

Pagbalik niya, nakita ni Angelo na Andok’s and dala niya.

“Naku,” ang sabi kaagad nito. “Wala akong pang-share diyan. Katatanggal ko lang. Kailangan kong magtipid.”

“Huwag kang mag-alala. Libre ko na ito.” Nais niya lang na kahit paano ay pasayahin si Angelo kaya iyon ang naisipan niyang bilhin.

“Naku, nakakahiya naman. Hayaan mo, kapag nagkatrabaho na uli ako, manlilibre rin ako.”

“Huwag mo nang isipin ‘yan. Halika, kumain na tayo.”

Habang naghahapunan, nagkaroon sila ng pagkakataong makapagkuwentuhan.

“Mahirap lang kami,” ang sabi ni Angelo. “Magsasaka lang ang mga magulang ko sa probinsiya. Pangarap ko ang makapagtapos kaya nagsisikap ako. Hindi nila ako kayang tustusan kaya self-supporting ako.”

“Ako naman, produkto ng broken family,” ang sabi ni Warren. “OFW ang tatay ko. Nakahanap ng iba sa abroad kaya iniwan kami. Ang nanay ko naman, naghanap din ng iba. Kaya naglayas na lang ako.”

“Hindi mo ba sila nami-miss?”

“Hindi. Nasanay na kasi ako na lagi silang wala.”

“Ako, miss na miss ko na sila. Kaya lang, kailangan ko talagang magtiis.”

“Ganoon talaga. Kailangang magsakripisyo para sa pangarap.”

“Ikaw, anong pangarap mo?”

“Makapagtapos din ng pag-aaral. Makapagtrabaho nang maayos. Yumaman.”

“Sana pareho nating matupad ang ating mga pangarap. At sana huwag tayong masyadong mahirapan.”

***

Maagang nagpaalam si Angelo upang matulog. “Aabsent muna ako sa klase bukas. Maghahanap ako ng trabaho,” ang sabi nito bago pumasok sa kanyang “silid”.

Si Warren naman, naghanda na upang mag-online.

Kaka-log-in lang niya, nakatanggap na kaagad siya ng mensahe mula sa isang pamilyar na pangalan. Kay PapaBear.

“Hey, sexy,” ang sabi.

“Hey, Papa Bear,” ang kanyang sagot.

“I want you again tonight, BB.”

“Sure, basta ikaw.”

“Private na kaagad tayo.”

“Ok.”

At nawala ang imahe ni Warren sa screen ng free chat. Nag-flash sa mga viewers ang pamilyar na mensahe: I am currently in private… At sa likod ng larawan ng entabladong nakasara ang kurtina, muli siyang naghandog ng private show kay PapaBear ayon sa direksiyon nito.

“Show me your asshole,” ang sabi.

“Yes, BB.”

“Ipasok mo ang iyong daliri. Isa muna. Pagkatapos, dalawa.”

“Yes, BB.”

“Ayan. Ganyan. Masarap ba?”

“Yes, BB.”

Hindi iyon totoo dahil nasasaktan siya. Pero sige, ride on lang sa trip ng customer. Umakting-akting siya. Ang mahalaga, magtagal ang private. Mas matagal, mas malaki ang kita. Kaya ginagawa niya ang lahat upang maging interesting siya.

Inutusan siya ni PapaBear na mag-masturbate habang nagfi-finger. At dito na siya nakadama ng kakaiba. Hindi na niya kailangang umarte dahil nagsimula na siyang masarapan. Masakit na masarap, actually.

“I want you to cum for me, BB.”

Hindi na niya nagawang mag-type ng reply. Tumango na lamang siya habang abala ang mga kamay.

“Ganyan. Ganyan. Harder, BB. Harder.”

Pinilit niyang i-delay ang orgasm. Subalit hindi nagtagal, hindi na niya ito mapigilan. Sumirit ang kanyang katas na parang ayaw tumigil. Napuno ang kanyang dibdib, may tumalsik pa malapit sa kanyang bibig.

“Sinabayan kita,” ang sabi ni PapaBear pagkaraan.

“Nice,” ang sabi niya. “You want more, BB?”

Hindi na sumagot si PapaBear. Nag-out na ito nang walang paalam.

Nag-ayos muna ng sarili si Warren bago muling nag-live sa chatroom. Parang walang nangyari, in fighting form pa rin. Kayang-kaya pa niyang magpalabas uli.

Ang hindi niya alam, bukod kay PapaBear, may iba pang sumabay nang siya ay labasan.

Sa kabilang side ng kurtinang nakapagitan sa kanila, ingat na ingat si Angelo na huwag lumikha ng ingay habang nagpupunas.

(May Karugtong)

Part 4

Sunday, September 4, 2011

Live Show 2

Naglulumiyad si Warren, damang-dama ang ginagawa. Subalit sa halip na nakapikit, nakatitig ito sa camera, namumungay ang mga mata at nang-aakit.

Habang ang kanang kamay ay nagtataas-baba, humihimas at sumasalat naman sa dibdib ang kaliwa.

Maya-maya, nag-aalumpihit na ito, napapakagat-labi habang pabilis nang pabilis sa pag-uurong-sulong.

At bago pa man ito sumapit, isinara na ni Angelo ang kurtina. Na-guilty siyang bigla dahil naalala niya ang respetuhang napag-usapan nila.

Subalit hindi pa rin nalingid sa kanya ang impit na mga ungol ni Warren nang ito ay makarating. Na sinundan ng katahimikan, mga kaluskos, pagtipa ng keyboard at pagpatay sa computer.

Muli, katahimikan bago ang pagpatay ng ilaw.

Nakiramdam siya sa dilim habang pinaglalabanan ang urge na muli itong silipin.

***

Kinabukasan, Lunes, pagbangon ni Angelo, gising na si Warren. Nakapaligo na ito at nagbibihis.

“Aalis ka ba?” ang tanong nito sa kanya.

“Oo, may pasok ako sa school,” ang sagot niya. “Ikaw, saan ang lakad mo?”

“May pasok din.”

“Sa trabaho?”

“Sa school. Kagaya mo, working student din ako.”

Hinagilap ni Angelo ang kanyang tuwalya at naghanda na ring maligo.

“Nandiyan sa mesa ang duplicate ng susi,” ang sabi ni Warren. “Sa’yo na ‘yan.”

“Ah, ok,” ang sabi niya. “Salamat.”

“Hanggang anong oras ang klase mo?”

“Alas-singko.”

“Pareho pala tayo.”

“Pagkatapos, diretso na ako sa trabaho.”

“Anong oras ang trabaho mo?”

“Six to twelve.”

“Saan ka nagtatrabaho?”

“Sa isang restobar. Waiter ako. Ikaw?”

“Dito lang sa bahay. On-line ang trabaho ko. Walang oras, basta’t sa gabi.”

At hindi inaasahan ni Angelo ang agaran at tuwiran nitong pagtatapat.

“Performer ako sa isang adult website,” ang kaswal na sabi ni Warren. “Naghuhubad ako, nagso-show sa internet.”

Natigilan siya. Hindi dahil nabigla siya kundi dahil hindi niya alam ang sasabihin.

“Kaya kung may nakita ka man kagabi, huwag ka nang magtaka. At masanay ka na dahil iyon ang trabaho ko.”

Napatango na lamang siya at nagmamadaling pumasok sa banyo.

Napansin kaya ni Warren ang kanyang ginawang paninilip?

***

At dahil wala nang inililihim, tila naging palagay na si Warren madatnan niya man itong nakahubad at may ginagawa. Wala nang conscious effort na magtakip o tumigil. Noong una ay asiwa siya at umiiwas ng tingin subalit kinalaunan ay nasanay na rin siya. Naging normal nang tanawin sa bahay ang kahubdan ni Warren. Maglakad-lakad man itong may erection, hindi na niya pansin. Marinig man niya ang mga ungol nito, hindi na siya naba-bother.

Subalit hindi iyon nangangahulugan na hindi na siya natutuksong umusyuso. Higit lalo kapag medyo unusual ang mga galaw at ingay nito. Palihim pa rin niyang hinahawi ang kurtina upang sumilip. At may mga pagkakataong nasa-shock pa rin siya. Katulad na lamang noong minsan na nakita niya itong may hawak na dildo.

Minsan naitanong niya kay Warren kung paano ito napasok sa ganoong trabaho.

“Nalaman ko ang tungkol sa LiveJasmin nang mag-pop up ito habang naka-XTube ako. Na-curious ako kaya tiningnan ko. Nakita ko na may mga lalaking performers. Aba, nagulat ako, may mga pinoy! Kabilang na roon ang isang dating bold actor.

“Napag-alaman ko na naka-base sa Portugal ang website. Na on-going ang kanilang recruitment. Na maaari kang magtrabaho mula sa bahay at flexible ang time. Na ang kanilang top earning performers ay kumikita ng daan-daang libo.

“Nagkataong kapos ako noon at naghahanap ng mapagkakakitaan kaya nagkainteres ako. Nag-email ako. Kaagad silang sumagot. At hindi nagtagal, mayroon na akong performer account.”

“Hindi ka ba nahirapan?” ang tanong ni Angelo.

“Noong una, oo,” ang sagot ni Warren. “Parang hindi ko alam ang gagawin. Ang hirap mang-akit at manghikayat na i-private. At kung ma-private man ako, hindi ko alam kung paano isu-sustain ang interest ng viewer, kung paano patatagalin para mas malaki ang aking kitain. Bukod pa sa ang dami kong kakumpetensiya, karamihan mga latino na pulos malalaki at guwapo.”

“So, anong ginawa mo?”

“Binisita ko ang chatroom ng mga popular at top-earning performers. Pinag-aralan ko ang kanilang ginagawa. Kung paano sila pumuwesto sa harap ng camera, kung paano sila kumilos, kung paano ang ekspresyon ng mukha, kung paano sumagot sa chat at magyaya. Tapos in-apply ko iyon. Awkward noong una dahil nakakangawit. Halimbawa, ‘yung wala kang suot tapos nakataas ang legs para itlog lang ang kita at hindi ang ari. O kaya yung pagma-masturbate na may balot na brief at ulo lang ang nasisilip. Pero sabi nga, practice makes perfect. At nang magsimulang dumami ang aking private, doon ko na-realize na natutunan ko rin ang tamang paraan ng pagse-seduce.”

“Kumusta naman ang bayad?”

“Every two weeks ang pay-out. ‘Yung pinakauna, hindi kalakihan pero higit sa aking inaasahan. Kaya nag-set ako ng goal, ng target earnings. Mula noon, kinarir ko na ang pagpe-perform. At sa ngayon, kumikita na ako ng malaki-laki. Hindi naman daan-daang libo pero sapat sa pangangailangan ko.”

“Mabuti naman at hindi ka nila niloko.”

“Hindi naman. Ikaw, bakit hindi mo subukan?”

Napatingin siya kay Warren tapos napailing. “Hindi ko kaya ang iyong ginagawa.”

“Wala namang hindi kakayanin kapag ginusto. Kesa nagtitiyaga ka sa pagwe-waiter. Bukod sa mahirap, maliit ang suweldo.”

“Hindi. Ok na ako sa pagwe-waiter. Kahit kailan, hinding-hindi ko magagawang pasukin ang pagiging sex performer.”

Nagkibit-balikat na lamang si Warren. Pero sa isip-isip nito, tingnan natin.

Dahil may kasabihan nga: Huwag magsalita nang tapos dahil baka sa huli, kainin mo ang iyong sinabi.

(May Karugtong)

Part 3

Thursday, September 1, 2011

Letters

Got this today and it made my day…

I discovered your blog just a week ago while on my annual recharging trip to the US wherein I practically just stay put and read. Never had I spent more time in a week on the web than this past week....and never had I shed more tears. Consequently, I havent read any of the pocketbooks I purchased as soon as I got here.

I love the overwhelming majority of your stories, most especially Dove, which prompted me to post this comment as soon as I finished reading it. I am only halfway through your collection and I am sure my comments will be even more superlative as I go through the rest of it.

The only drawback is my inability to understand very deep Tagalog words, Ilonggo kasi ako :). On the other hand, maybe this is where I can hone my Tagalog.

Keep doing what you have been doing, you are doing a great, great job at it. And thanks for making me pour my heart out, pangtanggal ng stress :)

Wow, ang ganda naman ng pasok ng September ko! Thank you very much.

***

Heto pa ang dalawang sulat na nagpasaya sa akin. Share ko na rin…

Hello Aris,

I saw your blog yesterday. Currently I have it on my google reader in order for me to read it while I am at the office.

Ang galing mong magsulat! I added your email sa ym ko, tapos I wrote there na lahat ng gawa mo, hindi lang tumatagos sa puso, pati sa soul. I havent read all of your post. Hindi ko pa sinisimulang basahin ang mga serye mo kasi medyo busy pa sa office e, ayaw kong mabitin. Hehe... Marami na akong favorites. I love the story about closure (yung kay Johann), tapos yung kwento ng “Happy Ending.” Special sa akin yun kasi that inspires me.

Thank you for sharing your stories. You just don’t know how much it makes my day. I’m a fan.

Thanks for reading my email.

Orange

===

Hi Aris,

Hindi mo ako kilala pero isa na ako sa iyong mga tagahanga at tagasubaybay ng iyong blog. Mahusay kang magsulat, pare ko. Ang paggamit mo sa ating wika sa iyong pagsasalaysay ay maipagmamalaki at napakahusay. Wala itong bahid ng kalaswaan. Hindi ka magsasawang basahin ito at mananabik ka sa susunod na kabanata sa buhay ni Aris.

Noong isang araw na wala akong magawa (dahil retirado na ako) ay naramdaman ko na parang binabalikan ko sa aking isipan ang aking kabataan. Naalala ko si Aris. Isang napaka-masayahing bata na may pagkapilyo at kung makangisi pati na ang utal na pagsasalita ay nakakatuwa. Nakikinikinita ko pa siyang naglalaro sa harap ng aming apartment. Akoy napangiti at naisipan kong i-yahoo search ang pangalang Aris. At una sa listahan ay ang Ako si Aris blogspot. Dahil Tagalog, itoy aking binuksan. Malay ko, baka ikaw na nga iyong si Aris na di ko na nakita simula nang akoy makipagsapalaran dito sa Amerika.

Inumpisahan kong basahin ang Indie at doon ko napagtanto na magkabaro pala tayo. Hindi ako mapuknat sa pagbabasa ng mga seryeng isinasalaysay mo. Hindi ko napansin hapon na pala at nalimutan ko nang magtanghalian. Nabusog, natuwa, naluha, naawa, nainggit, nalungkot ako at lahat na yata ng emosyon. Putris ka, Aris, parang lindol mong niyanig at niyugyog ang aking natutulog na sanang damdamin. Nabuhayan ako ng dugo, naantig ang aking damdamin at kalamnan lalo na sa mga maiinit na eksena ng pagmamahalan, pagtatalik, pati na kapangahasan. At ako ay nagtanong sa sarili kung hindi pa kaya huli ang lahat para ako’y magmahal at mahalin. Maramdaman ang yakap at halik ng isang kabiyak.

Sana makadaupang palad kita para magabayan mo ako sa pagtahak sa mundo natin na iyong natahak na, kung saka-sakaling maisipan kong umuwi diyan sa Pilipinas.

Ingat ka lagi at ipagpatuloy mo ang iyong pagsusulat.

Tatang

With all the love I’m getting, how can I not continue writing? Thanks, Orange and Tatang. You keep me going.

***

Keep your letters coming. Hindi n’yo lang alam at hindi ko rin maipahayag nang lubusan how much I appreciate them.

Hugs and kisses. :)