Sa nakikita ko, okay ka naman. Sosyal na sosyal pa nga eh
dahil diyan sa kaibigan mong de-kotse na hatid-sundo ka kapag may gimik. At
hindi sa kung saan-saan lang. Doon talaga sa mga sosyal na lugar. I wonder kung
sino ang nagbabayad sa mga inoorder nyo. Nakikita ko sa FB mo na, aba, hindi na
lang bote ng Tanduay Ice ang hawak mo ngayon kundi baso ng Jack Daniels na. Ang
impluwensiya nga naman ng mayaman mong kaibigan. Maitanong ko lang: siya ba ang
nagbabayad sa mga iniinom nyo? Dahil kung ikaw, wow, ang laking kabawasan niyan
sa kinikita mo, na imbes ipunin mo na, ginagasta mo lang sa alak. At alam ko na
bote-bote ang usapan diyan, hindi baso-baso lang. Kaya kumusta naman, hindi ka ba
kinakapos sa pera? Napapansin ko kasi, maingay ka lang kapag bagong suweldo.
Post dito, post doon ng mga sosyal na lakad nyo. Kapag mga alanganing araw,
wala, tahimik ka. Dahil ba sa wala nang budget? Dahil ba sa naubos na sa isang gabi
ang pinaghirapan mo sa loob ng 15 days? ‘Yan ang sinasabi na iayon sa payslip ang pagpapasosyal. In your case, wala, ubos-ubos biyaya. Yung friend
mo, rich yun. E ikaw? Hindi naman sa pangmamaliit, pero hindi ka mayaman. Imbes na
magbigay ka sa mga magulang mo ng pambayad sa ilaw at tubig, inuubos mo ang
sweldo mo para lang maka-keep up sa lifestyle ng kaibigan mo.
Wednesday, October 19, 2016
Social Climber
Wednesday, October 5, 2016
Reklamo
Muli kong narinig ang ating kanta mula sa mga
nagvivideokeng lasing. Sa kabila ng sintunadong tono, naramdaman ko ang kirot ng bawat salita. Sa
lalim ng gabi, muli akong dinalaw ng iyong mga alaala. Muling binagabag ng
pagsintang inakalang hindi magtatapos sa kabila ng mga pagsubok.
Nagpabiling-biling ako sa higaan, pilit na isinasara hindi lamang ang tenga
kundi pati ang puso, isip at pandama.
Tumawag ako sa Barangay at inireklamo ang maingay na kapitbahay.
Tumawag ako sa Barangay at inireklamo ang maingay na kapitbahay.
Saturday, September 24, 2016
Flawless
Nang magkaharap kami, napatunayan ko na totoo, wala ngang filter ang kanyang mga litrato. Napakapino ng kanyang kutis, napaka-flawless. Siguro may kaunti siyang BB cream pero hindi halata. At kung meron man, tiyak na mamahalin iyon -- 'yung Korean na tigtatatlong libo -- dahil ang kanyang mukha, sa kawalan ng pores, ay parang phinotoshop ng isang eksperto.
Tuesday, September 20, 2016
Sa Lumang Simbahan
Noong maliliit pa tayo, kasal-kasalan ang gusto kong laro. Pero ang gusto mo, pari-parian. Sa kalagitnaan ng "pagmimisa" mo, bigla kitang hinalikan.
"Huwag," ang sabi mo. "Masama."
At ngayong malalaki na tayo, sa muli kong pagdalaw sa simbahan, kumatok ako sa kumbento. Nang magbukas ang pinto, nagkagulatan tayo. Pagkaraan ng mahabang panahon, muli tayong nagkaharap.
"Marry me, Father," ang sabi ko.
Mapaglaro pa rin ako.
"Huwag," ang sabi mo. "Masama."
At ngayong malalaki na tayo, sa muli kong pagdalaw sa simbahan, kumatok ako sa kumbento. Nang magbukas ang pinto, nagkagulatan tayo. Pagkaraan ng mahabang panahon, muli tayong nagkaharap.
"Marry me, Father," ang sabi ko.
Mapaglaro pa rin ako.
Thursday, August 18, 2016
8 Years Old Na Ang Blog Ko!
Eight years old na pala ang blog ko and guess what, nakalimutan ko itong i-celebrate noong July 6. Ngayon ko lang naalala. Grabe, ganoon na ba talaga ako ka-busy o sadyang nawaglit lang sa isip ko dahil madalang na ang mga post ko? But still, buhay pa rin naman ang blog na ito kaya dapat lang na gunitain pa rin ang taong nagdaan. Parang kailan lang, hindi ko inasahang magtatagal ang blog ko nang ganito. (Heto na naman ako, parang sirang plaka.) Short term lang ito dapat pero nakagiliwan ko na nang husto kaya nagtagal nang ganito. Kung dumalang man ang mga post ko at medyo naging malalim ako, iyon ay dahil nag-mature na rin naman ako. Hindi na pwedeng ang mga post ko hanggang ngayon ay katulad pa rin ng mga post ko noong bata-bata pa ako. Siyempre, may nababago sa ating pananaw, pag-iisip, kilos, galaw habang nagkakaedad tayo. At sa paglipas ng panahon, siguro kung sisilipin nyo ang mga post ko, mapapansin ninyo ang pagkakaiba ng mga luma sa bago. But still, nandiyan pa rin kayo (I hope!). Kahit madalang na ang mga comments, alam ko na paisa-isa, may nagbabasa pa rin ng mga isinusulat ko. Sapat na yun upang ako ay magpatuloy. Sana lang ay bumalik sa dati ang sigla ng Blogspot pero parang wishful thinking na lang iyon. Unless magkasundo-sundo ang mga kasabayan kong bloggers noon na muli ay buhayin ito. I can't help but look back doon sa mga panahong pagbukas mo ng Blogspot, punumpuno ng updates ang dashboard mo. Nakaka-miss iyon. Ang dami ko ring naging kaibigan noon na kapwa blogger. Ilang ulit din akong nakipag-eyeball. At ang bawat pagkakataon ay tunay na memorable. Sarap balikan ng nakaraan. Sana kahit mukhang imposible na ay madugtungan pa rin ng panibagong sigla ang darating na panahon.
Saturday, July 30, 2016
Long Lost
OMG. Nahanap din kita sa FB. Ang common kasi ng name mo. Buti nabanggit sa akin ng isang common friend natin ang middle name mo. Kaya ayun nang sinubukan ko uli sa search, lumabas ang profile mo. Natigilan ako nang tumambad ang litrato mo. Ang inaasahan ko, medyo tumaba ka na at tumanda but no, payat ka pa rin at obvious na alaga mo ang iyong sarili dahil maliban sa konting crow’s feet sa iyong mga mata dahil nakangiti ka, ay bata pa rin ang iyong itsura. Parang katulad noong tayo pa. I would say you even look better dahil may character na ang bukas ng iyong mukha. Hindi katulad noong mga bata pa tayo. All I remember is your angelic face na palaging nakangiti at kung nakakanti naman ay parang iiyak palagi. Pero ngayon, nasa mukha mo na ang strength of character, ang wisdom na natutunan mo through the years and I so very much prefer yung ikaw ngayon kesa dati. Minessage na kita. At inadd na rin. Please accept.
Monday, June 20, 2016
Paglisan
Umiikot ang aking paningin at parang alon ng dagat na
pinagmasdan ko ang berdeng tabing habang humahampas sa dalampasigang dingding.
Ang pagkakahimlay ko sa kama ay isang pagpapatiubaya,
pagpapatianod, pagpapatiraya.
Nakasisilaw ang puting ilaw. Nakalulunod ang puting unan
at kumot. Nakapanlalamig ng mga kamay ang hangin.
At sa aandap-andap na hinagap, nabanaag ko ang iyong
larawan. Papalayo nang papalayo sa aking kinaroroonan.
Pumikit ako at ikaw ay sinundan.
Sunday, May 15, 2016
Musings Habang Nagliligpit Ng Cabinet
Kapag nagliligpit ka ng cabinet, hindi ka dapat maging sentimental dahil ang bawat piraso ng iyong mga damit ay may alaalang nakakabit. Mga alaalang masasaya o masasakit na mahirap pakawalan. Hindi ka matatapos. Wala kang maise-segregate. Nasa sa'yo kung gusto mong magkaroon ng magulo o maayos na cabinet. Nasa sa'yo kung gusto mong bigyang puwang ang alaala ng mga bagong damit.
***
Ang dami ko na palang naipong Boracay souvenir shirts. Ilang ulit na ba akong nakapunta? Tatlo? Apat? Lima? Hindi ko na maalala. Pero ikaw na sa bawat pagkakataon ay lagi kong kasama, hindi mawawaglit sa aking alaala. Nasaan ka na kaya at kumusta?
***
To throw or not to throw? Ito yung T-shirt na bigay mo sa akin noon. Ito yung T-shirt na paborito kong suotin kahit kupas na at may punit. Ito yung T-shirt na hindi ko ma-let go kahit hiwalay na tayo. Umasa kasi ako noon na ikaw ay magbabalik kaya patuloy akong nag-hold on. Pero luma na ang T-shirt at worn out na rin ako. Throw!
***
Ang dami ko na palang naipong Boracay souvenir shirts. Ilang ulit na ba akong nakapunta? Tatlo? Apat? Lima? Hindi ko na maalala. Pero ikaw na sa bawat pagkakataon ay lagi kong kasama, hindi mawawaglit sa aking alaala. Nasaan ka na kaya at kumusta?
***
To throw or not to throw? Ito yung T-shirt na bigay mo sa akin noon. Ito yung T-shirt na paborito kong suotin kahit kupas na at may punit. Ito yung T-shirt na hindi ko ma-let go kahit hiwalay na tayo. Umasa kasi ako noon na ikaw ay magbabalik kaya patuloy akong nag-hold on. Pero luma na ang T-shirt at worn out na rin ako. Throw!
Tuesday, April 26, 2016
Books Read In 2015
This post is long overdue. Dapat January ko pa ito inilabas pero ngayon ko lang naasikaso. And the bad news is -- hindi ko na-meet ang Goodreads challenge ko for 2015. 50 books ang target ko pero 40 lang ang nabasa ko. Na-in love kasi ako kaya, ayun, na-sidetrack. Nauwi rin naman sa wala dahil bago naghiwalay ang taon, naghiwalay din kami. Ang hirap kayang mag-Happy New Year nang broken-hearted. At kahit nagpalit na ang taon, parang hindi ko magawang palitan siya sa puso ko. Hindi lang pagbabasa kundi pati pagsusulat, napabayaan ko. Sorry sa mga nag-akalang magsasara na ako. Nahirapan lang akong mag-bounce back. Pero heto, nagbalik na ako. Pasensya na muna sa kakaunti at maiiksing posts. Pasasaan ba't dadami at hahaba rin uli ang aking mga kuwento lalo na't kapag dumating na ang bagong inspirasyon ko.
Sunday, April 3, 2016
Sa Dalampasigan
Ever After played. The perfect beach music. Nagyaya siyang sumayaw. Nagpaunlak ako nang walang pagdadalawang-isip. Sa maharot na beat ng kanta ni Bonnie Bailey, nag-ulayaw ang aming mga katawan. Hanggang sa hindi na namin mapigilan ang aming mga sarili, nagyakap kami. At sabay sa paghalik ng mga alon sa dalampasigan, kusang nagtagpo ang aming mga labi. Nalasahan ko ang tamis ng kanyang bibig. Humigpit ang yakap niya sa akin at ako'y napapikit. Higit siyang nakalalasing kaysa Mindoro Sling.
Tuesday, March 22, 2016
Wala Nang Tayo
Magpakatotoo ka. Pati ba naman sarili mo, lolokohin mo pa? Masaya ang projection mo sa Facebook pero aminin mo, nagkukunwari ka lang. Kung intensyon
mo na saktan ako at parusahan, I’m sorry pero wala na akong nararamdaman. Kalimutan mo na yung sinabi ko sa’yo na mahal
pa rin kita dahil hindi na ‘yun totoo. I’m seeing somebody now. Nag-move on na ako.
Sunday, March 20, 2016
Wisik
Akala ko hindi ka dumating. Kaagad kitang hinanap. At nang nagsisimula na akong mainip, saka kita namataan sa likod ng mga iwinawagayway na palaspas. Lumukso ang puso ko at ako ay napasinghap. Nang magbendita ang pari, napapikit ako upang damhin ang ginhawang dulot ng sagradong tubig. Parang basbas ng pag-ibig sa puso kong kaytagal nanimdim. Nang magmulat ako, nakangiti ka sa akin. At sa tama ng ilaw sa mga butil ng wisik, nagningning ka na kagaya ng isang panaginip!
Wednesday, March 16, 2016
Pagtanggap
Nagbuhos ako sa’yo ng sama ng loob. Nag-unload ng mga emosyonal na dala-dalahan. Nagpaka-ako na walang pagkukunwari. At ikaw ay hindi natinag. Nanatili ka sa aking harapan. Nakikinig. Nakikituwang. At nang ako ay masaid, hinawakan mo ang aking kamay. Nadama ko hindi lamang ang iyong pakikisimpatiya kundi pati ang iyong pagtanggap. Hindi mo na kailangang magsalita. Alam ko na ako’y hindi na mag-iisa.
Monday, March 14, 2016
6:30 Mass
Sa "Ama Namin" ay nagtagpo ang ating mga kamay at nadama ko ang init ng iyong palad. Sa pagbibigay ng tanda ng kapayapaan, sa halip na "Peace be with you" ay "Hi" ang iyong tinuran. Nagtama ang ating mga mata at kahit medyo nagkakahiyaan, napangiti tayo nang sabay.
Thursday, February 25, 2016
Huwag
Huwag mo na sana akong paasahin pa kung hindi na maaaring
muli ay maging tayong dalawa. Mahirap na parang pinaglalaruan mo pa rin ang pagmamahal
ko na alam mong hindi nawala.
Huwag mo na akong kumustahin sa text na kapag sinagot ko ng
pangungumusta rin, ika’y biglang tatahimik. Huwag mo nang sabihing nami-miss mo
ako kung ang paghahayag ko rin ng
pagka-miss sa’yo’y babalewalain mo lang din.
Huwag mo nang
sabihing mahal mo pa rin ako, dahil alam mong hindi ako makakapagpigil at
muling bubuhos hindi lang ang aking damdamin kundi pati ang idinulot mong sakit
na hanggang ngayo’y pilit kong sinisikil.
Hayaan mo na akong magkaroon ng pagkakataong ika’y malimot
dahil sabi mo nga, mayroon ka nang iba at ika’y masaya. Para saan pa at patuloy
ang iyong panggagambala?
Subscribe to:
Posts (Atom)