Thursday, December 24, 2009

Pagbati

Sa mga minamahal kong kaibigan at mambabasa,



Lubos na sumasainyo,
Aris

Wednesday, December 23, 2009

High School Scandal 2

Ang hindi alam ni Archie, binabalak din ni Leslie na gumanti kay Toby. Pagkatapos iyakan ang nangyari, ipinagpasiya ni Leslie na hindi siya magpapaapi.

Kinabukasan, katulad ng nakagawian, dumiretso sa shower room si Toby pagkatapos maglaro ng basketball. Kasama niya ang iba pang mga players maliban kay Brad. Nag-report si Brad sa practice pero iniwasan siya ng buong team.

Nagpaiwan si Toby sa shower. Gusto niyang hintayin si Brad. Alam niya na magsa-shower din ito. Umiiwas lang din kaya hindi sumabay sa kanila.

Gusto niyang kausapin si Brad. Magkukunwari siya na nagsisisi sa kanyang ginawa, sasabihing joke lang iyon at hihingi siya ng sorry. Anyway, nakuha niya na ang gusto niya. Nasa kanya na si Stephanie at sila na ang magka-date sa prom.

Nangingiti si Toby habang nagsasabon ng katawan dahil nagtagumpay siya. Huwag lang malalaman ni Stephanie na pinlano niya ang lahat.

Tumapat siya sa dutsa at nakapikit na hinugasan ang sabon sa kanyang mukha at katawan. Wala siyang kamalay-malay na isang lalaki ang pumasok sa shower room. Dahan-dahang humakbang papalapit sa kanya, mahigpit na hawak ang isang pamalo.

Huli na nang mamalayan ni Toby na may tao sa likod niya. Pagharap niya, split second, nakita niya ang lalaki na nakamaskara at ang motion ng pamalo na kaagad tumama sa kanyang mukha. Na sinundan ng isa pa na tumama sa kanyang ulo. Nagdilim ang paningin ni Toby at siya ay natumba. Kaagad siyang nawalan ng malay.

Muling iniamba ng maskaradong lalaki ang pamalo upang muling ihampas kay Toby subalit pinigilan siya ng isang sigaw.

“Huwag!”

Umalingawngaw ang sigaw na iyon sa tiled wall ng shower room. Napatda sa kanyang kinatatayuan ang maskaradong lalaki.

Si Brad ang pinagmulan ng sigaw na patakbong sumugod. Sinunggaban niya ang maskaradong lalaki at pinilipit ang braso.

Nabitiwan ng maskaradong lalaki ang pamalo. Nagpumiglas ito at nanlaban sa pagkakahawak ni Brad. At nang makawala, kaagad na tumakbo palabas ng shower room. Hinabol siya ni Brad.

Naabutan siya nito. Muling sinunggaban upang pigilan. Nawalan ng panimbang ang maskaradong lalaki. Nabuwal na kasama si Brad. Nagpambuno sila at nagpagulong-gulong.

Hinablot ni Brad ang kanyang maskara. Nagulat ito sa mukhang tumambad sa kanya.

“Ikaw?!” ang halos hindi makapaniwalang sabi.

Si Archie ang nasa likod ng maskara.

Napatitig si Brad kay Archie. Sinalubong naman ni Archie ang kanyang mga mata.

For a moment, nakatingin lang sila sa isa’t isa.

Dahan-dahang lumuwag ang pagkakahawak ni Brad. Tumayo siya at inalalayang bumangon si Archie.

Akmang tatalikod na si Archie nang magsalita si Brad. “Bakit mo yun ginawa?”

Muling tumitig nang diretso si Archie kay Brad. “Para ipaghiganti ka.”

“Bakit?”

Pinaglakbay ni Archie ang kanyang mga mata sa makisig na kabuuan ni Brad.

“Because… I care for you.”

Hindi nakasagot si Brad.

“Mula first year, minahal na kita. Hindi ako umaasang mamahalin mo rin ako. Gusto ko lang gumawa ng isang bagay para sa’yo bago tayo grumadweyt at magkahiwalay.”

Sumundot sa puso ni Brad ang tinuran ni Archie. Napatitig siya rito. Ngayon niya lang napagmasdan nang husto si Archie. Ngayon niya lang napagtanto na may itsura pala ito sa kabila ng pagiging nerdy.

Nagsimulang humakbang palayo si Archie.

“Wait…” ang pigil sa kanya ni Brad.

Nilingon niya si Brad. Parang hinaplos ang puso niya nang makita niya itong nakangiti.

“Salamat,” ang sabi ni Brad.

Ngumiti rin siya.

Lumapit sa kanya si Brad. Hinawakan siya sa balikat. At habang nakatingin sa kanyang mga mata, ito ay nagsalita.

“Will you come with me to the prom?”

Hindi makapaniwala si Archie sa kanyang narinig.

Kung paanong hindi rin makapaniwala si Leslie sa kanyang nabungaran sa shower room.

Kalalabas lang nina Archie at Brad nang pumasok siya, maingat at dahan-dahan. Walang kamalay-malay sa naganap.

Ang balak niyang gawin bilang ganti: kuhanan ng video si Toby habang nagsa-shower at i-upload ito sa xtube. Pero laking gulat niya nang makita niya itong nakahandusay sa lapag, hubo’t hubad at walang malay.

Hinagod niya nang tingin ang kahubdan ni Toby at nakadama siya ng pagnanasa. Tingnan mo nga naman ang suwerte, magagantihan niya pala si Toby sa ibang paraan.

Lumuhod si Leslie at sinimulan niyang halikan si Toby. Pinagsawa niya ang kanyang mga labi sa matipuno nitong dibdib. Bumaba siya at dinila-dilaan ang tiyan sabay simsim sa pusod. At nang gumawi siya sa maselang bahagi, natuwa siya dahil napansin niya na may reaksiyon ito.

“Anong ginagawa mo?”

Nagulantang si Leslie sa tinig na iyon. Kaagad siyang bumitiw kay Toby.

Si Jason. Mulagat na nakatunghay sa kanila.

Nakahinga nang maluwag si Leslie. “Gumaganti,” ang sagot niya.

“Anong ginawa mo kay Toby? Bakit wala siyang malay?”

“Hindi ko alam. Dinatnan ko na siyang ganito.”

“Si Archie…” Kaagad na naisip ni Jason na si Archie ang may kagagawan. Ipinagtapat nito sa kanya ang binabalak. Kaya siya napasugod sa shower room para ito ay pigilan. Pero huli na ang lahat.

“Pulsuhan mo nga. Baka natuluyan na yan,” ang utos niya kay Leslie.

“Hinimatay lang.”

“Sigurado ka?”

“Sure na sure. Tingnan mo, o, buhay na buhay,” sabay turo sa pagkalalaki ni Toby.

Napailing na lamang si Jason.

Ibinigay ni Leslie ang hi-tech na celfone niya kay Jason.

“Ano ito? Bakit?”

Muling ibinaling ni Leslie ang atensyon sa hubad na katawan ni Toby. Hinimas-himas.

“Kuhanan mo kami ng video,” ang sabi.

(May karugtong)

Part 3

Tuesday, December 15, 2009

High School Scandal

Simple at tahimik lang si Archie. Maporma at sociable naman si Jason. Pareho silang disisyete, fourth year high school at magkaklase. Magkapitbahay sila at sabay na lumaki kaya kahit magkaiba ang personality, naging mag-bestfriend sila.

Alam ni Jason ang pinakamalaking sikreto ni Archie -- ang tunay na pagkatao nito – at tanggap niya ito.

Open si Archie kay Jason tungkol sa damdamin niya kay Brad, ang star player ng high school basketball team. Si Jason naman ay may crush kay Stephanie, ang cheerleader na girlfriend ni Brad.

Parang match made in heaven sina Brad at Stephanie. Guwapo at maganda, bagay na bagay sila. Kapag nakikita nina Archie at Jason ang dalawa, halos sabay pa silang napapabuntonghininga.

“Sana si Stephanie ang maging ka-date ko sa prom,” ang sabi ni Jason.

“Ako, sana si Brad,” ang sagot ni Archie.

“Pero, siyempre, silang dalawa na ang magkapareha.”

“Hindi naman masamang mangarap, di ba?”

Mula first year high school, magsyota na sina Brad at Stephanie. Parehong mayaman at magkaibigan ang kanilang mga pamilya kaya parang ipinagkasundo na sila. Ok lang kay Brad na parang itinakda na ang relasyon nila ni Stephanie. Kahit paminsan-minsan ay may pagtatanong at pag-aalinlangan siya, masaya naman sila. Mabait si Stephanie at mahal na mahal siya. Marami nga ang naiinggit sa kanya.

Isa na roon si Toby na katulad ni Jason ay may gusto rin kay Stephanie. Manlalaro rin ng basketball team si Toby at kaibigan ni Brad. Pero lingid sa kaalaman ni Brad, may masamang binabalak sa kanya si Toby at gagawin nito ang lahat, maagaw lang si Stephanie.

Matagal nang may kutob si Toby tungkol sa pagkatao ni Brad. Oo nga at machong-macho ito at pinakamahusay sa team, may duda siya tungkol sa pagkalalaki nito. Balak niyang patunayan na bakla si Brad at ibulgar ito sa buong eskuwelahan upang mapasakanya si Stephanie.

Bahagi ng balak ni Toby laban kay Brad ay ang gamitin si Leslie, ang lider ng high school dance group na kung saan miyembro si Jason. Bading si Leslie at may gusto kay Toby.

Pinuntahan ni Toby si Leslie sa auditorium na kung saan nagpapraktis ng sayaw ang kanyang grupo.

Natigilan si Leslie pagkakita kay Toby at nagulat siya nang lumapit ito sa kanya.

“Panay-panay ang practice ninyo ah,” ang sabi ni Toby.

“Malapit na kasi ang prom,” ang sagot ni Leslie na hindi makapaniwala na kinakausap siya ni Toby.

“Sino ang ka-date mo sa prom?”

“Wala. Sana ikaw,” ang tila nabiglang sagot ni Leslie.

Ngumiti si Toby. “Bakit hindi?”

“Huh?” Natulala si Leslie.

“Pero kailangan muna nating magkakilalang mabuti. Mamayang gabi, pumunta ka sa bahay. Mag-isa lang ako. Hihintayin kita.”

Hindi makapagsalita si Leslie. Nakatingin lang siya sa mapang-akit na mga mata ni Toby.

Tumalikod si Toby at umalis.

Saka lang parang natauhan si Leslie. Halos magkandarapa siya sa paglapit kay Jason at hindi magkandatuto sa pagkukuwento.

Hindi makapaniwala si Jason. Naisip niya na kapag ikinuwento niya ito kay Archie, maiinggit ang kanyang bestfriend kay Leslie.

Ipinagpatuloy nila ang pagpapraktis ng sayaw. Napansin ni Jason na masayang-masaya si Leslie at kitang-kita ito sa kanyang mga galaw.

Maagang tinapos ni Leslie ang kanilang rehearsal dahil parang hindi na siya makapaghintay na puntahan si Toby. Naglalaro sa isip niya ang mga pwedeng mangyari.

Subalit nagulat siya nang pagbungad niya sa salas ng bahay nina Toby, naroroon si Brad. Nakita niya na parang nagulat din si Brad. Gusto niya sanang umurong pero sinalubong siya ni Toby at inakbayan papasok sa loob. Nag-iinuman ang dalawa at pagkaupong-pagkaupo niya, inabutan kaagad siya ni Toby ng beer.

“Pare, inimbita ko si Leslie. I hope you don’t mind,” ang sabi ni Toby kay Brad.

“Sure, pare. No problem,” ang sagot ni Brad kahit may pagtataka.

“I was thinking kasi, graduating na tayo, hindi man lang natin naka-bonding ang mga kaklase natin na katulad ni Leslie. Tanggap naman natin sila, di ba?”

“Of course, pare.”

“Narinig mo yun, Leslie? Kaya relax ka lang diyan. Makipag-inuman ka sa amin. Ngayon lang ito.”

Ngumiti lang si Leslie sabay lagok ng beer. Pilit niyang pinapayapa ang sarili.

Kung sa una ay tahimik siya, kinalaunan nang malasing ay naging makuwento na. Panay naman ang tanong ni Toby tungkol sa kanyang pagiging bading.

“When did you realize na bading ka?”

“Bata pa ako, alam ko na.”

“Pero nagka-girlfriend ka ba kahit minsan?”

“Oo naman.”

“So, pwede pala yun. Bading tapos may girlfriend.”

Tumingin si Toby kay Brad. May napansin siya rito na parang pagkaasiwa. Lihim siyang nangiti.

Mabilis na nalasing sina Brad at Leslie. Wala silang kamalay-malay na may inilalagay na gamot si Toby sa iniinom nila. Unang nag-pass out si Brad. Si Leslie naman, pilit na nilalabanan ang epekto ng alak at gamot pero malabo na ang kanyang kamalayan. Naramdaman niyang hinuhubaran siya ni Toby.

“Make love to me, Leslie,” ang sabi.

Aandap-andap na ang kanyang diwa kaya naging sunud-sunuran na lamang siya. Nakapikit siyang dinama ang hubad na katawan sa tabi niya.

Ang hindi niya alam, hindi si Toby kundi si Brad ang nasa tabi niya. Tulog na tulog ito at hinubaran din ni Toby. Sinikap ni Leslie na paligayahin ang inaakala niyang si Toby.

Umungol si Brad at naging responsive sa ginagawa ni Leslie.

Hindi masukat ang ngiti at kasiyahan sa mukha ni Toby habang kinukuhanan niya ng mga litrato sina Brad at Leslie.

Kinabukasan, sumambulat ang isang iskandalo na ikinagulat ng lahat. Kumalat sa eskuwelahan ang mga litrato nina Brad at Leslie na nasa aktong nagse-sex.

Shocked si Stephanie nang mapasakamay niya ang mga litrato. Nang igala niya ang kanyang mga mata sa paligid, sa kanya nakatingin ang lahat ng mga estudyante.

Nanlamig naman si Brad. Halos sabay niyang naramdaman ang galit kay Toby at takot para sa sarili.

Napaiyak naman si Leslie kay Jason dahil sa panlilinlang sa kanya ni Toby.

Si Jason naman ay nag-alala sa damdamin ni Stephanie.

Naawa naman si Archie kay Brad.

Hindi alam ni Brad kung paano niya haharapin si Stephanie.

“Are you gay?” ang pasumbat na tanong nito sa kanya.

Hindi niya alam ang kanyang isasagot.

Nagsimulang umiyak si Stephanie.

“I was drunk. Hindi ko alam. Maybe I am.”

“Oh, God,” ang sambit ni Stephanie. “You should have told me.”

“I’m confused. I’ve had strange feelings about myself. Matagal na akong nagtatanong. Not until this happened na naisip ko na may kailangan nga akong harapin tungkol sa aking sexuality.”

Nagpatuloy sa pag-iyak si Stephanie.

“I think it’s best for us to break up. Nasaktan na kita. Ayokong patuloy kang masaktan dahil sa iskandalong ito,” ang sabi ni Brad.

Niyakap niya si Stephanie. “I love you and I’m sorry.”

Kumawala sa mga bisig niya si Stephanie. Humahagulgol itong nagtatakbo palayo sa kanya.

Nasalubong ni Stephanie sa corridor si Toby. Napaiyak siya sa balikat nito. Nagdiriwang ang kalooban ni Toby habang niyayakap siya.

Nakita ni Brad si Toby habang inaalo si Stephanie. Sumulak ang kanyang galit kaya sinugod niya ito.

Hinarap siya ni Toby. Kaagad niya itong binigwasan ng magkakasunod na suntok. Sa mukha. Sa dibdib. Sa sikmura. Napahandusay si Toby.

“Stop it! Stop it!” Kaagad na umawat si Stephanie at dinaluhan si Toby. Tinulungan itong tumayo at inalalayang maglakad palayo.

Naiwan si Brad na magkakahalo ang emosyon ng galit, hiya at lungkot.

Nasaksihan naman ni Archie ang naganap at parang gusto niyang yakapin si Brad. Awang-awa siya rito. Alam niya na tinraydor lang ito ni Toby. Ikinuwento na sa kanya ni Jason ang buong pangyayari ayon na rin sa pagkakakuwento ni Leslie. Dahil sa nangyari higit na sumidhi ang damdamin niya kay Brad at sa kanyang isip, binuo niya ang isang balak upang ipaghiganti ito.

(May Karugtong)

Part 2

Thursday, December 3, 2009

Salimuot

“Akala ko ba titigilan ka na niya.”

“Hindi ko siya inimbita.”

“Hiwalay na kayo, di ba?”

“Oo.”

“Bakit punta pa siya nang punta?”

“Hindi ko siya maaaring pagbawalang pumunta.”

“At bakit hindi?”

“Dahil siya ang nagbabayad ng apartment na ito.”

Puta.

“Nang lumuwas ako, siya ang kumupkop sa akin. Chatmate ko siya noong nasa Baguio pa ako. Siya ang tumulong sa akin na makahanap ng trabaho at ng matitirahan dito.”

Shit.

“Pamilyadong tao siya kaya itinago niya ang relasyon namin. Pero mabait siya. Naintindihan niya nang sabihin ko sa kanya na gusto ko nang kumalas. Pumayag siya. Pero hindi ibig sabihin niyon, tuluyan na siyang mawawala.”

“Pero tayo na.”

“Maaari naman siyang maging parte ng buhay natin, di ba?”

No.

“Malaki ang utang na loob ko sa kanya.”

“Do you still love him?”

“Yes. As a friend.”

“Do you still sleep with him?”

“That is the only way I can repay him.”

Fuck.

Monday, November 30, 2009

Bestman

I had to see him kasi nangako ako.

Ex-boyfriend ko si Leo. Nagkahiwalay kami noon dahil nagtrabaho siya sa Taiwan.

Pero buong panahon na nasa abroad siya, hindi naputol ang aming komunikasyon. Hindi nga lang madalas pero he made it a point to keep in touch.

Nag-e-email siya sa akin o kaya nagme-message sa Friendster. Nangungumusta. Nagkukuwento. Na sinasagot ko naman.

Inilagay niya rin ako sa featured friends niya. At ang shout-out niya, feeling ko, patungkol sa akin:

I hope you’re doing fine out there without me
‘Cause I’m not doing so good without you;
The things I thought you’d never know about me
Were the things I guess you always understood...

Nitong huli, panay ang “I miss you” niya. At ang sabi pa, uuwi siya bago magtapos ang taon. He made me promise na makikipagkita ako sa kanya.

Kahapon, nagulat ako sa tawag niya. Nasa Pilipinas na siya. Napaaga ang uwi niya.

Kagabi, tinupad ko ang pangako ko sa kanya.

***

Nagkakilala kami noon ni Leo isang gabi sa kanto ng Nakpil at Orosa.

Una kong napansin ang bad boy niyang porma. Sumunod ang guwapo niyang mukha. Pagkatapos, ang height at built niya. Matangkad siya at malaki ang kaha.

Binalewala ko ang posibilidad na callboy siya. Sinunod ko lang ang gut-feel ko na mabuting tao siya. Nginitian ko siya at kinausap. Naging responsive naman siya.

Niyaya ko siya sa NYC. Doon, uminom kami at nag-usap.

Natagpuan ko ang sarili ko na tumatawa sa mga jokes niya.

Tumugtog ang “Happy”. Tumayo si Leo at hinila ako upang magsayaw.

Nakipagsiksikan kami sa masikip na dancefloor. Nagsayaw kami na halos magkadikit ang aming mga katawan.

Dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t isa, hindi namin naiwasang magkatitigan. Maya-maya, namalayan ko na lamang na magkadikit na ang aming mga labi.

Napapikit ako at dinama ko ang kanyang mga halik. Matagal.

Nang matapos ang tugtog at magbitiw kami, muli kaming nagkatitigan. Nakita ko sa kanyang mga mata ang pagnanasa na alam kong nasa mga mata ko rin.

Bigla siyang nagyaya sa Biology.

Ang Biology ay isang maliit na bar na kung saan may darkroom sa itaas. Doon kami tumuloy at sa saliw ng “Dove”, nag-make out kami sa isang sulok.

Habang tinutuklas namin ang isa’t isa, hindi niya pinayagang mahipuan ako ng mga nangangapa sa dilim. May mga pagkakataong naging marahas siya sa mga nagtatangka.

Marahas man ang trato niya sa mga gustong makibahagi, marahan naman ang ginawa niyang pagdama sa aking katawan. Napakalambot ng kanyang mga labing dumadampi sa akin. Napakainit at napakalikot ng kanyang dila.

Binigyang laya ko rin ang pananabik ko sa kanya.

Sa mainit, masikip at magulong darkroom, nagkaroon ng kaganapan ang una naming pagniniig.

Nagtanong siya sa akin pagkatapos.

“Gusto mo, tayo na?”

“Gusto mo ba?” ang balik-tanong ko.

“Oo.”

“Sige. Tayo na.”

Ganoon kabilis kami naging mag-jowa.

***

Wala akong masyadong expectations sa relasyon namin. Inakala ko nga na kaagad din kaming maghihiwalay. Pero tumagal kami ng ilang buwan.

Mahirap nga lang dahil kinailangan naming mag-adjust sa isa’t isa. Magkaiba ang mundo namin, magkaiba ang circle of friends. Ipinakilala niya ako sa kanyang tropa na pulos straight. Nakipag-inuman ako sa kanila at naki-pagkuwentuhan tungkol sa basketball. Ipinakilala ko siya sa aking mga kaibigan. Nakipag-dinner siya sa amin at naki-chika tungkol kina Carrie at Samantha.

Na-appreciate ko ang effort niya to make things work. May mga awkward moments man kami dahil sa proseso ng getting to know you, pinangatawanan niya talaga ang pagiging mag-on namin.

Sa mga private moments namin, doon ko higit na nadama ang pagpapahalaga at pagmamahal niya sa akin. Kung sa harap ng ibang tao ay medyo rough ang dating niya, kapag kaming dalawa na lamang, napaka-tender niya. Napaka-comforting ng mga yakap niya at napaka-gentle ng mga halik niya.

If ever may mga naging away kami, sa akin nagsimula. At never niya akong pinatulan. Pinagpasensyahan niya ang mga quirks ko. Never niya akong sinaktan. Tahimik lang siya at kung meron man siyang ginawa, iyon ay ang ayusin lagi ang gusot sa pagitan namin.

But just when I was starting to realize how perfect he was for me and how lucky I was to have him, doon siya nagpaalam. Matagal niya nang inililihim sa akin ang pag-a-apply niya ng trabaho sa abroad. At nang matanggap siya, saka niya lang sinabi sa akin.

I cried. Doon ko nalaman sa sarili ko na sobrang mahal ko na siya at pakiramdam ko, hindi ko iyon naipakita sa kanya sa maiksing panahon ng aming pagsasama.

Lalo akong napaiyak nang makipag-break siya sa akin dahil hindi siya naniniwala sa long-distance relationship. Maraming maaaring mangyari sa pagkakalayo namin at gusto niya akong maging malaya. Ayaw niya rin akong paasahin dahil maraming maaaring mangyari hanggang sa kanyang pagbabalik.

That night, we made love for the last time.

***

Higit siyang gumuwapo. Bumilis ang tibok ng puso ko pagkakita sa kanya.

Pumuti siya at kuminis. Lalong gumanda ang katawan. Maayos ang kanyang pananamit at wala na ang bad boy image.

Nakangiti siya habang ako ay papalapit.

Tumayo siya, sinalubong ako at niyakap. Muli, nadama ko ang kanyang mga bisig at nanumbalik sa aking alaala ang mga sandaling wala akong pangamba sa piling niya. Yumakap din ako sa kanya nang buong pananabik.

Matagal na kaming nakaupo, wala pa rin sa aming nagsasalita. Nakatingin lang kami sa isa't isa at parang hindi makapaniwala na magkaharap kami pagkaraan ng mahabang panahon.

Ginagap niya ang aking kamay. May electricity na gumapang paakyat sa braso ko dahil sa pamilyar na pandama ng kanyang palad.

“Masaya ako na makita ka,” ang sabi niya.

“Ako rin,” ang sagot ko.

“Kumusta ka na?”

“Mabuti. You look good.”

“Ikaw rin.”

We ordered food.

Normal ang usapan namin habang kumakain. Parang magkaibigan lang na muling nagkita. Nagkuwento siya tungkol sa Taiwan experience niya. Nagtrabaho siya sa isang electronics factory doon. Tumira sa dorm. Nagkaroon ng maraming kaibigan. I was happy to know na nag-enjoy siya.

It was not until nagbe-beer na kami nang maiba at maging mas personal ang takbo ng usapan namin.

“Kumusta ang lovelife mo?” ang tanong niya. “Nagkaroon ba kaagad ako ng kapalit pag-alis ko?”

“Hindi naman, “ ang sagot ko. “I had a few attempts pero walang naging successful. But I am in a relationship right now.”

“Talaga?” Tumingin siya nang diretso sa akin. “That’s good.”

“Ikaw, nagkaroon ka ba kaagad ng karelasyon pagdating mo sa Taiwan?”

“Oo, pero hindi naman kaagad. Naging close ako sa isang kasamahan ko pero parang mag-bestfriend lang. Hindi katulad ng sa atin noon.”

“Kayo pa rin ba?”

“Hindi na. Para kasing hindi naman pormal na naging kami. May nangyari sa amin pero hindi namin iyon pinag-usapan. Parang wala lang. Ni hindi namin kinailangang mag-break. Basta naghiwalay na lang kami.”

“Bakit in a relationship pa rin ang status mo sa Friendster?” ang tanong ko.

“Dahil may bago na akong karelasyon ngayon,” ang sagot niya.

Ako naman ang tumingin nang diretso sa kanya. Nagtatanong ang aking mga mata.

“Katrabaho ko rin siya,” ang sabi niya. “Hindi ko inaasahan na magiging kami. Pero napakabait niya at napakamaalaga kaya na-in love ako sa kanya.”

Ewan ko pero parang may naramdaman akong kirot sa aking puso sa pag-amin niyang in-love siya.

“That makes us even,” ang pagbibiro ko. “Pareho tayong in-love ngayon sa iba.”

“Sa palagay mo ba, kung hindi ako umalis noon, tayong dalawa pa rin hanggang ngayon?”

Nagulat ako sa tanong niyang iyon.

“We had a perfect relationship,” ang sagot ko. “Mahal na mahal kita noon. It could have been forever.”

“Mahal na mahal din kita noon kahit madalas mo akong inaaway.” Bahagya siyang natawa.

“Lambing ko lang iyon.” Pinilit ko ring tumawa.

Pero sumeryoso si Leo. “Hanggang ngayon naman, mahal pa rin kita.”

Natahimik ako. Hindi ko alam ang aking isasagot. Please, huwag mong sabihin iyan. Baka bumigay ako. May boyfriend na ako.

“Pero siyempre, hindi na dapat,” ang bawi niya.

Bakit, ayaw mo na ba sa akin? Mas mahal mo na ba siya? Bakit ang sabi mo, na-miss mo ako? Na-miss din kita, Leo.

May sasabihin ako sa’yo,” ang sabi niya.

I held my breath in anticipation.

“I am so in love with my girl right now.”

Napakunot-noo ako. Tama ba ang dinig ko? “Girl?”

“Babae nga pala ang karelasyon ko ngayon,” ang pagliliwanag niya.

Muli akong napatingin sa kanya na parang hindi makapaniwala.

“Si Romina. Actually, kasama ko siyang umuwi. Isang araw, makikilala mo siya.”

“Are you sure about this?”

“Yeah. In fact, kaya kami umuwi dahil… magpapakasal na kami.”

What???” Gulat na gulat ako sa aking narinig.

“O, huwag kang masyadong ma-shock,” ang sabi niya.

I had a hard time composing myself. “Wait, Leo. Alam ko na kahit noon, mas nangingibabaw sa’yo ang pagiging lalaki mo. Pero hindi ka one hundred percent straight. Hindi kaya nabibigla ka lang? May panahon ka pa para mag-isip.”

“Nakapagdesisyon na ako. Pakakasalan ko si Romina.”

“Will you be happy kapag ginawa mo iyon?”

“I will be. Hindi na maaaring magbago ang desisyon ko.”

Naghahagilap pa ako ng sasabihin nang muli siyang magsalita.

“Buntis na siya.”

Parang saglit na tumigil ang mundo. I suddenly felt numb.

“Excited na akong maging daddy.”

Nakatingin lang ako sa kanya.

“Hindi ka ba natutuwa para sa akin?”

“Of course, I'm happy for you,” ang pagsisinungaling ko. “Kelan ang kasal?”

“January.”

I tried my best to smile. “Congratulations.”

Nag-toast kami at sabay na tumungga ng beer. Halos sairin ko ang laman ng aking bote. Gusto kong lunurin ang sakit na umaahon sa dibdib ko.

“May hihilingin sana ako sa’yo,” ang sabi niya pagkaraan.

“Let me guess. You want to sleep with me bago ka ikasal? Sure,” ang pagbibiro ko upang itago ang nararamdaman ko.

“Aris, seryoso. Makinig ka sa akin. And please don't say no.”

“Okay. Ano yun?” Pumormal ako.

Inapuhap niya muna ang mga mata ko bago siya nagsalita.

“Will you be my bestman?”

Tuesday, November 10, 2009

Tricky

Hindi ako lumabas Sabado nang gabi. No, hindi niya ako pinagbawalang mag-Malate. By choice kaya hindi ako nagpunta.

Out of town siya at panay ang tawag niya. Usap lang kami.

Wala naman kaming importanteng pinag-uusapan. Enjoy lang kami na marinig ang boses ng isa’t isa.

Pasado ala-una na nang mag-goodnight kami.

Nakatulog ako na iniisip siya habang yakap ang unan.

Napanaginipan ko tuloy siya.

***

Tanghali na nang magising ako kinabukasan. It was a beautiful day. Bumangon akong nakangiti.

May text siya sa akin: “Good morning. Nakauwi na ako.”

Reply ko: “Just woke up. Gandang umaga.”

Kaagad nag-ring ang phone ko.

“Na-miss kita,” ang sabi.

“Na-miss din kita. Gawa mo?”

“Nakahiga. Isip ka.”

“Patabi,” ang pagbibiro ko.

“Yun nga ang gusto ko. Sana katabi kita.”

At pagkatapos, naglambing na siya na puntahan ko siya sa apartment niya.

Usually kapag ganitong Sunday, tamad na tamad akong lumabas ng bahay. Nagsisimba lang ako tapos uwi na. Pahinga lang. Nood ng DVD, basa ng libro, internet. Ito yung pinaka-alone time ko. Kahit mga friends ko, hirap na hirap akong yayaing lumabas kapag Linggo. Pero hindi ko na-hindian ang imbitasyon niya. Gustung-gusto ko siyang makita at mayakap.

And so, nag-commit ako to see him around 4 pm.

He gave me directions to his place. Pero dahil hindi ako familiar sa mga landmark na sinasabi niya, I asked him na i-meet niya na lang ako sa Jollibee sa kanto ng kalye nila. Nag-agree siya. Ang usapan namin, I will text or call him kapag nasa Jollibee na ako.

After lunch, excited akong nag-prepare para makipagkita sa kanya.

***

“Nandito na ako sa Jollibee,” ang text ko kaagad pagdating ko. I was ten minutes early.

No reply. So, tumawag ako.

Nag-ring ang phone niya. Hinintay kong sagutin niya. Pero ang narinig ko ay: The subscriber cannot be reached.

Inulit ko. Boses pa rin ng friendly operator ang narinig ko.

Inisip ko, baka nakatulog siya. Puyat din kasi siya kagabi. Pagod pa sa biyahe.

I pressed redial, hoping na magigising siya sa ring ng phone. But still, he did not pick up.

Nag-text ako: “Hintay kita rito sa Jollibee.”

Pumila ako sa counter. Bumili muna ako ng kahit ano para hindi naman nakakahiyang makiupo habang naghihintay.

Pag-upo ko with my food, tinawagan ko uli siya pero hindi pa rin sumasagot.

Nagsimula na akong maging uncomfortable. Okay, mainis. Pinapunta niya ako tapos ngayong nasa meeting place na ako, hindi ko siya ma-contact. Nakakainis, di ba?

I texted him again: “Am here na at Jollibee. Bakit di ka sagot sa call ko? Am waiting.”

Nagsimula akong kumain. Dahan-dahan lang para puwede akong magtagal.

Patingin-tingin ako sa aking phone. Nagsisimula na akong mainip.

Nangangalahati na ako sa kinakain ko nang mag-ring ang phone ko.

It was him.

“Hey,” ang sagot ko. Parang pinalis ang inis at inip ko.

“I am sorry, I cannot meet you now.”

“What?” Nanlaki ang mga mata ko.

“Nandito ang boyfriend ko.”

I was jolted with disbelief. “Akala ko, break na kayo.”

“Ex-boyfriend, I mean.”

May pagpupuyos akong naramdaman.“Bakit siya nandiyan?”

“Bigla siyang dumating.”

Hindi ko alam ang sasabihin, I was trying to get hold of myself.

“I am sorry… This is a difficult situation for me.”

“Ano ang sadya niya sa’yo?”

“Gusto niyang mag-usap kami.”

“Bakit? Tungkol saan?”

“Gusto niyang makipagbalikan.”

***

Lumabas ako ng Jollibee na mabibigat ang aking mga hakbang. Ang sama-sama ng loob ko.

Wala sa sarili na sumakay ako ng jeep. Pagdating sa Taft, bumaba ako at sumakay ng bus. Occupied ako ng malalim na pag-iisip. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Nakarating ako ng MOA. Naglakad ako nang walang direksiyon, trying to make sense of what has happened.

Dinala ako ng aking mga paa sa may tabing-dagat sa likod ng mall. Gusto ko sanang umupo sa breakwater at tumanaw sa dagat habang papalubog ang araw pero napaka-cinematic naman nun kaya naglakad-lakad na lang ako. Hindi ko maiwasang mapatingin sa mga lovers na naglalakad-lakad din, magka-holding hands at sweet na sweet.

Nakaramdam ako ng inggit at lungkot. Ganun lang ba yun? Hanggang dito na lang? Whatever happened to my trick of fate? Akala ko pa naman, siya na… I felt so crushed.

Hurt ako but I did not want to feel sorry for myself. Instead, pinagalitan ko ang aking sarili: Ikaw kasi, alam mo nang may sabit, pinatulan mo pa. At ni-reassure: Marami namang nagkakagusto sa’yo, ikaw lang ang ayaw. At pinaalalahanan: Mahalin mo ang sarili mo para ok ka lang kahit walang magmahal sa’yo.

Muli akong bumalik sa mall na self-love ang nasa isip ko.

Pumasok ako sa Body Shop. Bumili ako ng facial wash at eye cream. Pati concealer na after-thought lang kasi nang mapatingin ako sa salamin, napansin ko ang aking dark circles (or rather ang lungkot sa mga mata ko na gusto kong ikubli). I felt better paglabas ko ng store bitbit ang mga pampaganda.

Tumuloy ako sa Blue Soda. Nakita ko na marami silang bago. Nagsukat ako nang nagsukat hanggang sa matagpuan ko ang perfect shirt para sa akin.

Hinagod ko ng tingin ang aking sarili sa harap ng salamin. My God, you’re so beautiful, ang bulong ko. Matagal kong in-admire ang aking reflection. Na-imagine ko na suot ko ang shirt sa Malate. Sa Sabado, babalik uli ako sa Malate. Sasayaw uli ako sa ledge. Magbibilang uli ako ng boys na mahahalikan...

I decided to buy the shirt.

Palabas ako ng fitting room para magbayad sa counter nang mag-ring ang aking phone.

May pumitlag sa aking dibdib nang makita ko kung sino ang tumatawag. Nag-atubili akong sagutin pero sinagot ko pa rin.

“Hello…” Pigil ang emosyon sa aking boses.

“Aris, I’m sorry…”

Hindi ako sumagot.

“Hindi pa ako handa na pagharapin kayo. Ikaw ang iniisip ko.”

Tahimik lang ako.

“Ayaw kitang idamay sa problema namin.”

Parang may pagbabara sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita.

“Nag-usap na kami… at nagkaintindihan.”

Inaasahan ko na ang bombshell: Kami na uli. I am sorry, Aris, pinaglaruan lang kita. Goodbye.

“Hindi naging mahirap sa akin ang magdesisyon…” ang patuloy niya.

Nasa harap na ako ng cashier, inabot ko ang shirt na bibilhin ko.

“Tuluyan na akong nakipaghiwalay sa kanya.”

Sir, that will be 899.95.

“Ikaw ang pinili ko.”

Sir, cash or charge?

“Aris, ikaw ang mahal ko.”

Sir…?

“Nasaan ka? Pupuntahan kita.”

Ibinigay ko ang credit card ko sa cashier.

“MOA,” I managed to say.

“Hintayin mo ako. Darating ako.”

Sinwipe ng cashier ang card ko.

“I love you and I don’t want to lose you.”

Hindi ko napigilan ang maiyak.

“Sir, are you ok?” ang tanong sa akin ng cashier.

“Yeah.” Ngumiti ako sabay pahid ng luha.

Inabot niya sa akin ang pipirmahan ko.

“Masaya lang ako,” ang sabi ko.

Thursday, November 5, 2009

Trick Or Treat

Dagsa ang tao sa Malate last Saturday para sa Halloween/Black Party.

The line to Bed was long and winding. Buti na lang hindi na kami pumila kasi nagpa-stamp na kami bago uminom sa Silya.

Out-of-stock pa rin ang Strong Ice at dahil hindi ako tinatamaan sa San Mig Light, nag-Red Horse ako. At dahil hindi ko ma-handle ang Red Horse, lasing ako nang pumasok sa Bed.

In full swing na ang party at sobrang siksikan. Agad kaming nagkahiwa-hiwalay at nagkawalaan ng aking mga kaibigan.

Nagpa-sober muna ako sa isang sulok habang nakikipag-kissing sa isang bagets. Ayaw niyang sumayaw sa ledge kaya iniwan ko siya at umakyat akong mag-isa.

Dahil lasing pa rin, high na high ako. I was feeling flirty kaya kung kani-kanino ako nakipagsayaw. At nakipag-kiss.

May tumapik sa akin habang nakikipag-landian ako sa isang cutie.

“Layuan mo siya,” ang sabi. He was tall, lean and shirtless.

“Huh?”

“Boyfriend ko siya.”

“Oh, I’m sorry,” ang sabi ko sabay bitiw kay cutie.

And then, I moved away. Nagpatuloy ako sa pagsasayaw na parang walang nangyari.

“Hey,” may bumati sa akin. Familiar face.

“Hey,” ang bati ko rin pero hindi ko maalala ang pangalan niya.

“Nag-sex na tayo,” ang sabi. “Mga four years ago.” Ang tagal na nun.

“Nagkakilala tayo sa Bath,” ang dugtong pa. Ang tagal nang nagsara ng Bath! Pero dahil sa sinabi niya, bigla ko siyang naalala. At naalala ko rin na may ipagmamalaki siya. Naging interesado uli ako sa kanya.

“Oh, hi,” ang sabi ko, nakangiti. “Wanna do it again?”

“No, hindi na pwede…”

“But why?” Bumalot ang braso ko sa baywang niya.

Nakipaghalikan muna siya sa akin bago sumagot.

“May boyfriend na ako. Kasama ko ngayon. Nag-CR lang.”

Para akong biglang napaso sa pagkakahawak sa kanya.

***

May boyfriend na ako.

Sanay na ako sa punchline na ‘yan. Sanay na ako na may makikilala, makaka-kissing o makaka-sex at pagkatapos saka magsasabi na taken na siya.

Pero si Jay, inamin niya kaagad sa akin pagkatapos ng hi and hello.

Nagkakilala kami sa pila ng restroom sa Silya noong umaga na.

He was so cute. Kaya hindi ko napigilan ang aking sarili. Nginitian ko siya at kinausap.

Dahil wala na akong masabi, tinanong ko ang kanyang relationship status.

“May boyfriend na ako,” ang sabi niya.

Hindi na ako nagulat.

“Sayang,” ang sabi ko. “Gusto pa naman kita.”

Siya ang parang nagulat.

Hinagod ko ng tingin ang napakaganda niyang mukha.

Tinitigan ko siya. Sinalubong niya ang aking mga mata.

Unti-unting naglapit ang aming mga mukha. Nagtagpo at naglapat ang aming mga labi.

Nagsalo kami sa isang mainit na halik. Parang huminto ang mundo. Napapikit ako habang nilalasap ang kanyang matamis na bibig.

Kinurot ako ng bestfriend kong si Ace na nasa likuran ko. Saka lang ako parang natauhan. Bumitiw ako kay Jay at napatingin ako sa mga taong nakapila sa restroom. They were smiling.

Mabilisan kaming nag-exchange number ni Jay.

Hinila na ako ni Ace.

“Teka, gurl, magbabanyo pa tayo,” ang protesta ko.

“Doon na tayo sa kabila magbanyo, malandi ka,” ang sabi ni Ace.

“Bye, Jay,” ang sabi ko. “Text me.”

***

Dahil sobrang dami ng tao sa Silya nang umagang iyon, sa McDo kami nag-almusal ng barkada.

I was halfway with my Big Breakfast nang tumunog ang aking phone.

Lumukso ang puso ko nang makita ko na siya ang tumatawag.

“Hello… Jay.”

“Nasaan ka?”

“Here at McDo Pedro Gil. Ikaw?”

“Andito sa Taft. Naghiwa-hiwalay na kami ng mga kasama ko.”

“Wanna come over and join us?” ang yaya ko.

“Ok lang ba?”

“Yeah.”

“Actually, I was thinking… Puwede ba akong sumama sa’yo?”

“Ha?”

“Ayoko pa kasing umuwi.”

Hindi na ako nag-isip pa. “Yeah, sure.”

“I want to sleep with you,” ang prangkang sabi niya.

Hindi kaagad ako nakasagot. Na-excite ako.

“What about your boyfriend?” ang tanong ko.

“What about him?” ang balik-tanong niya.

“Oh, nothing,” ang sagot ko. “Of course, you can sleep with me.” Sorry, pero hindi ako santo.

Pagkalipas ng ilang minuto, dumating siya.

Mainit ang naging pagtanggap sa kanya ng mga friends ko.

Pinaupo ko siya sa tabi ko. Ipinatong niya ang kamay niya sa hita ko.

Napangiti ako.

Hinawakan ko ang kamay niya.

Post-Halloween, nagkaroon ako ng trick. Or treat.

Friday, October 30, 2009

Ang Lalaki Sa Dilim

Nakatayo ako sa likod ng sinehan. At dahil last full show, konti lang ang tao. Ang karamihan ay hindi nanonood kundi naghahanap. Isa na ako roon.

May tumabi sa akin. Inaninag ko siya sa dilim. Napansin ko ang kakaibang luminosity ng kanyang mukha.

Pinagmasdan ko ang kanyang kabuuan. Matangkad siya at payat. Naka-jacket na itim.

Nang muli akong tumingin sa kanyang mukha, ako ay hinigop ng kakaibang ningning sa kanyang mga mata.

Nginitian niya ako. Natigagal ako habang nakatingin sa kanyang mga labi na luscious at napakapula.

Hinawakan niya ang aking mukha at ako ay kanyang hinagkan. Natikman ko ang kakaibang tamis ng kanyang mga labi. Napapikit ako. Nakaramdam ng unti-unting pagkalasing.

Niyakap niya ako. Nalanghap ko ang kakaiba niyang bango na lumango sa akin.

Hinalikan niya ako sa leeg. Nanghina ako sa kakaibang kiliti na ipinadama niya sa akin.

Nag-umigting ang aking pagnanasa at ako ay nagpaubaya.

Subalit kung gaano kabilis na ako ay kanyang sinunggaban, ganoon din kabilis na ako ay kanyang binitiwan. Nagulat ako at nagtaka. Napatingin ako sa kanyang mga mata.

Naroroon ang kakaiba niyang titig na tila tumatagos sa akin.

“Sa parking lot sa basement, hihintayin kita,” ang sabi niya. May kakaibang modulation at lamyos ang kanyang tinig na tila humagod sa akin.

Muli kong pinagmasdan ang kanyang kabuuan. Napakakisig niya na halos hindi kapani-paniwala. Kakaiba ang kanyang pang-akit na para siyang isang pangitain.

“Ano ang pangalan mo?” ang tanong ko.

“Lester,” ang sagot niya bago tumalikod at umalis.

Naiwan ako na parang namalikmata hanggang sa siya ay maglaho sa aking paningin.

***

Ipinagpasiya kong sundan siya. Hindi ako mapakali sa pananabik dahil sa ipinalasap niya sa akin.

Nasa fourth floor ang sinehan at sasakay lang ako ng elevator upang marating ang basement.

Madilim sa labas. Dahil siguro late na at nagtitipid sa kuryente ang mall.

Nagtungo ako sa elevator. Pinindot ko ang “open”. Bumukas ang pinto at nakita kong walang ilaw sa loob.

Nag-atubili akong sumakay.

Binitiwan ko ang buton. Sumara ang pinto. Subalit muli itong bumukas at nakita kong nakasindi na ang ilaw.

Sumakay ako.

Pinindot ko ang “close” at ang “B”. Muling sumara ang pinto ng elevator. Nakaramdam ako ng pag-uga bago ito dahan-dahang bumaba.

Nagulat ako nang biglang mamatay ang ilaw sabay sa paghinto ng elevator.

Kinabahan ako. Kinapa ko ang mga buton at hinanap ang “alarm”. Pero dahil sa taranta, kung anu-ano ang napindot ko.

“Tulong!” ang sigaw ko sabay katok nang malakas sa pinto ng elevator.

Ang dilim-dilim. Ang init-init. Parang hindi ako makahinga.

Nagsimula akong makaramdam ng takot.

Ipinagpatuloy ko ang pagsigaw at pagkatok.

“Tulungan n’yo ako!”

Biglang sumindi ang ilaw at muling gumalaw ang elevator. Unti-unti akong nakahinga nang maluwag.

Pagbukas ng pinto sa basement, siya ang tumambad sa akin.

Si Lester. Nakangiti. Nakatayo sa may bungad.

Kaagad akong bumaba. Madilim ang ilaw sa basement at ilang sasakyan na lamang ang naka-park. Wala ring ibang tao maliban sa amin.

“Sumunod ka sa akin,” ang tila nag-uutos na sabi niya.

Akala ko sasakay kami sa kotse pero dumiretso siya papasok sa banyo. Kahit walang ilaw, sumunod ako sa kanya.

Sa loob, naaninag ko ang makisig niyang tindig.

Lumapit siya sa akin.

Sa tanglaw ng kapirasong ilaw na naglalagos sa maliit na bintana ng banyo, muli kong napagmasdan ang kanyang mukha. Luminous pa rin ito sa dilim.

Tinitigan niya ako at muli, nahalina ako sa ningning ng kanyang mga mata. May nadama akong magkakahalong emosyon sa mga titig niyang tila tumatagos sa akin.

Sinimulan niya akong halikan. Muli, nalasahan ko ang kakaibang tamis ng kanyang bibig.

Hinubad niya ang aking t-shirt. Hinawakan niya ang magkabila kong braso at ako ay padipa niyang isinandal sa dingding.

Hinalikan niya ako sa leeg. Kakaiba ang sensasyong nanuot sa akin.

Bumaba ang kanyang bibig sa aking dibdib at sa bawat dampi ng kanyang mga labi, ginapangan ako ng kakaibang kiliti. Ang bawat hagod ng kanyang dila ay nagpaigtad sa akin. Ang bawat sipsip at kagat ay naghatid ng mga mumunting kuryente.

Binitiwan niya ang aking mga braso at hinalikan niya ang aking tiyan. Ang pagsundut-sundot ng kanyang dila sa aking pusod ay tuluyang nagpahina sa akin.

Binuksan niya ang aking zipper at ibinaba ang aking pantalon, kasunod ang aking brief.

Lumuhod siya upang halikan ang ibabang bahagi ng aking katawan. Sinapo ng kanyang mga palad ang aking puwitan.

Naramdaman ko ang mainit niyang bibig na bumalot sa akin. Napasabunot ako sa kanyang buhok.

Hindi lang kiliti at kuryente ang aking naramdaman. Para akong lumutang at idinuyan. Naglunoy sa ligaya ang bawat himaymay ng aking laman.

Naramdaman ko ang build-up ng climax mula sa aking kaibuturan. Parang rumaragasang agos na hindi ko mapigilan.

Ilang sandali pa, ako ay nanginig at sumambulat. Sabay sa pagkasaid ng lakas ay ang pagtakas ng aking ulirat.

Nagdilim sa akin ang lahat. At ako ay napahandusay.

***

Nagising ako sa tama ng flashlight sa aking mukha.

Nagmulat ako.

“Ayos ka lang?” ang tanong ng lalaking may hawak sa flashlight.

Dahan-dahan akong bumangon at saka ako naging aware na nakahubad ako.

Inabot sa akin ng lalaki ang aking damit.

Tinulungan niya akong tumayo at dali-dali akong nagbihis.

“Hindi ikaw ang unang natagpuan kong ganyan sa CR na ito,” ang sabi ng lalaki. Nakasuot-guwardiya siya.

Napatingin ako sa kanya, nagtatanong ang aking mga mata.

“Pang-apat ka na,” ang patuloy niya. “Kaya hindi na ako nagulat nang makita kita.”

Humakbang siya palabas ng banyo. Sumunod ako sa kanya.

“Sarado na ang CR na ito. Matagal nang hindi ipinapagamit.”

Saka ko napansin ang “Out of Order” sign sa pinto ng banyo.

“May pinatay kasing lalaki dito. Hanggang ngayon, hindi pa rin natatahimik at patuloy na nagmumulto.”

Kinilabutan ako sa aking narinig.

“Ako ang nakatuklas ng kanyang bangkay.”

“Ano ang itsura niya?” ang tanong ko.

“Payat. Matangkad. Maputi.”

“Nalaman n’yo ba kung sino siya?”

“Oo.”

“Ano ang pangalan niya?”

“Lester.”

***

Saklot ng matinding takot, halos patakbo kong tinungo ang elevator. Gusto kong makalayo kaagad sa lugar na iyon.

Pinindot ko ang “open” button.

“Sira ‘yan,” ang sabi ng guwardiya na nasa likuran ko.

“Ha? Dito ako sumakay kanina pababa.”

“Imposible. Matagal nang hindi gumagana yan.”

Higit na sumidhi ang aking takot.

“Gamitin mo na lang ang hagdan paakyat sa ground floor. Doon, pwede kang lumabas.”

Tinungo ko ang hagdan. Nagmamadali akong umakyat.

Madilim ang stairway. Parang never-ending ang mga baytang.

Tumingala ako upang tanawin ang hangganan.

Nanghilakbot ako sa aking nakita.

Naroroon si Lester sa itaas.

Nakangiti. Naghihintay sa akin.

Friday, October 23, 2009

Gym Boy

Lagi siyang dumadaan sa tapat ng bahay namin. Naka-sleeveless, shorts at rubber shoes, may dala pang bag.

Maganda ang katawan niya kaya in-assume ko na sa gym siya nagpupunta.

Hindi ako nagkamali dahil minsang nagawi ako sa gym na malapit sa amin, nakita kong naroroon siya.

Nagpunta ako roon upang sunduin ang dalawa kong kaibigan na naisipang mag-work out. Nagpamasahe ako noon at dahil katabi lang ng gym ang masahehan, dinaanan ko na sila at niyayang mag-dinner.

Nainggit ako at namangha pagkakita sa mga tao sa gym. Ang daming guwapo na pursigido sa pagpapaganda ng katawan.

Kabilang na siya roon. At sa dinami-dami ng maaari kong pag-ukulan ng pansin, sa kanya napako ang aking tingin.

Pinagmasdan ko siya habang abala sa kanyang work out. Higit siyang maganda sa malapitan at higit na kaakit-akit sa kanyang pawisang itsura habang nagbubuhat ng bakal. Napansin ko ang kanyang matipunong dibdib, impis na tiyan at maliit na baywang. Gayundin ang kanyang matambok na puwet at bilugang mga hita.

Hindi ko naiwasang tumitig sa kanya. Na napansin niya dahil napatingin siya sa akin. May nakita akong recognition sa kanyang mga mata subalit naglayo din siya kaagad ng tingin.

Dahil katatapos ko lang magpamasahe, confident ako na glowing ang aura ko kaya ipinagpatuloy ko ang pagpapapansin sa kanya. Hinintay ko na muli siyang tumingin sa akin.

At nang mangyari iyon, maagap ko siyang nginitian. Subalit sa halip na tumugon ay muli niyang inilayo ang mga mata sa akin.

Bumitiw ang atensyon ko sa kanya nang magyaya nang umalis ang aking mga kaibigan.

Habang papalabas ng gym, hindi ko napigilang muli siyang sulyapan. At nakita kong nakatingin siya sa akin.

Nagulat ako nang bigla niya akong ngitian.

***

Linggo nang gabi after mass, dumaan ako sa 7-11 para bumili ng snacks.

Napa-OMG ako nang makita ko siya na naroroon at bumibili rin. Parang bumagal ang mga sandali nang magkatinginan kami. Nag-alinlangan ako kung babatiin ko siya.

Paiwas akong umikot-ikot sa loob ng convenience store. Gayundin siya. At habang napapagitnaan kami ng mga shelves ng paninda, pasulyap-sulyap kami sa isa’t isa.

Napakaguwapo niya talaga at napakakinis. Dama ko na higit na nag-ibayo ang crush ko sa kanya.

Sinabayan ko siya sa counter. Napansin ko ang binibili niya: Fit N’ Right, yoghurt, saging. Samantalang ako: Mountain Dew, Potato Chips, Adobo Peanuts. May pahabol pa ako na Winston Lights. Para akong biglang nahiya sa kanya. Kitang-kita ang pagkakaiba ng health habits at lifestyle namin.

Muli kaming nagkatinginan. At siguro dahil hindi na namin mapigilan, kami ay nagkangitian.

“Hi,” ang sabi ko.

“Hi,” ang sabi rin niya.

Sabay kaming lumabas ng convenience store bitbit ang mga pinamili. At dahil sa iisang street lang kami nakatira, hindi naiwasang magkasabay kami sa paglalakad papasok sa village.

Since na-break na ang ice sa pagitan namin, naging madali na lang para sa amin ang mag-usap.

“Matagal ka na bang nagdyi-gym?” ang tanong ko.

“Oo,” ang sagot niya.

“Gusto ko rin sanang mag-gym uli…”

“Bakit hindi?”

“Wala kasi akong kasama.”

“E yung mga kaibigan mo?”

“Hindi naman sila regular na nagpupunta.”

“Sumabay ka sa akin, kung gusto mo.”

“Hindi rin ako confident sa routine.”

“No problem. Tuturuan kita.”

“Talaga?”

“Oo. Akong bahala.”

“Sige. Magdyi-gym na uli ako.”

“Kelan?”

“Next week siguro.”

“Bakit next week pa? Bakit hindi bukas na?”

“Ha?”

“Kung desidido ka, gawin mo na kaagad.”

“Pero…”

“Dadaanan kita bukas. Sumama ka na sa akin sa gym.”

Hindi na ako nakatanggi. “Ok.”

Saka lang namin naalala na hindi pa nga pala kami pormal na magkakilala. Halos sabay pa kaming nagsabihan ng pangalan.

“Ako nga pala si Ian.”

“Ako si Aris.”

Nagkamay kami habang parehong nakangiti.

***

Nahirapan ako sa pagbabalik-gym. Pero naroroon siya, trying to make things easy for me. Ang presence niya at ang mga ngiti niya ay sapat na upang ma-motivate ako.

May mga pagkakataon na habang tinuturuan niya ako ng dapat gawin, malapit na malapit siya sa akin. Nagkakadikit kami at naaamoy ko siya. Pawis na pawis siya pero napakabango pa rin niya.

Feeling ko napabayaan niya na ang kanyang work-out dahil sa pag-intindi sa akin. At hindi ako madaling turuan dahil ang awkward ko sa mga dapat gawin. Pero naging matiyaga siya sa akin.

At dahil grateful ako sa kanya, niyaya ko siyang kumain after. Nakita ko na medyo nag-alinlangan siya. Kasi naman, hello, kain after gym? Sa katulad niyang gym boy, mortal sin iyon dahil masasayang ang work-out. Pero naging mapilit ako at nang banggitin ko na dadalhin ko siya sa isang chicken house, pumayag na rin siya. He can always eat the breast, you know. Diet food na rin iyon.

And so, we took a tricycle papasok sa kabilang village. Naka shorts kami pareho at dahil sa sikip, buong biyaheng magkadikit ang aming mga legs.

Umorder ako ng pancit canton bukod sa Savory-style na manok. At dahil napagod ako sa gym, ginanahan akong kumain. Nakita kong pinagmamasdan ako ni Ian.

“Dahil nagdyi-gym ka na uli, we have to do something about your diet,” ang sabi niya. Na-take note ko ang we. Dahil doon, hindi ako na-offend, sa halip natuwa ako sa kanyang concern.

“Sure. So, ano ang dapat kong gawin? Ano ang mga pwede at hindi ko pwedeng kainin?” Hindi dahil wala akong alam sa proper diet kundi dahil gusto ko siyang i-draw out.

At nang magsimula siyang mag-explain tungkol sa tamang pagkain at sa benefits nito, doon ko na-realize kung gaano siya ka-dedicated sa physical fitness. Higit na tumindi ang admiration ko sa kanya.

“If you want to look good, hindi enough ang work out lang. You have to complement it with a good diet,” ang sabi niya.

“Okay, from now on, I will watch what I eat,” ang sabi ko.

“Good. You will be doing yourself a great favor.”

“I am not doing this for myself alone,” ang sabi ko.

“That’s good na may iba ka pang motivation.”

“Hindi lang motivation. Inspiration.”

Tumitig ako nang diretso sa kanya.

“I will also be doing this for you,” ang sabi ko.

Nakita ko na medyo nabigla siya.

“I like you,” ang dugtong ko pa.

Tuluyan na siyang nagulat at hindi nakasagot.

***

Tahimik kami sa tricycle habang palabas ng village. Hindi ko alam kung mas masikip ang nasakyan namin dahil parang masyado kaming magkasiksik. Hindi lang legs namin ang magkadikit kundi pati ang mga balikat at braso namin.

Hinawakan ko ang kamay niya.

Hindi siya tumutol, subalit hindi rin tumugon.

Dumaan kami sa 7-11. Nakigaya ako sa kanyang binili: Fit N’ Right, yoghurt at saging.

Naglakad kami papasok sa street namin.

Tahimik pa rin siya, mukhang nag-iisip.

Nag-iisip din ako, nag-aalala na baka dahil binigla ko siya, umiwas na siya. Sana hindi ko muna sinabi na gusto ko siya.

Maya-maya, inakbayan niya ako.

Napatingin ako sa kanya. Nagtagpo ang aming mga mata.

May ngiting sumilay sa kanyang mga labi.

“Bukas uli,” ang sabi niya. “Susunduin kita.”

Sunday, October 18, 2009

Happiness

Wala talagang plano.

Around 7 pm, tinext ko ang barkada. Bored lahat, gustong lumabas.

Eclipse ako kaagad para ma-refresh. I woke up around 9:30. Naligo, nagpaganda at gumora.

Ang mantra ko nang gabing iyon: “Happiness is mine tonight!” bukod sa “I am gorgeous and desirable!” (Choz!)

Nagkita-kita kami before 12 sa Malate.

Ang gaganda ng mga friendship. Masasaya ang aura.

Uminom kami sabay chika. Habang nalalasing, lalo kaming sumigla at sumaya.

Jumoin sa amin si YJ, kasama ang jowa. Nag-LFS sila sa Rob at nag-drop by lang sa Silya. Napanganga kami sa kaguwapuhan ng jowa! Pasimpleng kumerengkeng ang barkada. Kausap sila nang kausap sa jowa habang kausap ako nang kausap kay YJ. Gusto kong pagkukurutin sa singit ang mga malalandi! But I cannot blame them, winner kasi talaga ang jowa. Pag-alis nila after a few bottles, namatay kami lahat sa inggit!

Only to rise again pagpasok namin sa Bed. Jampacked as usual. Ang daming cute!

We went to our usual spot after grabbing a drink. Wala pang ten minutes, connected na kaming lahat.

Mine was a cutie with longish hair. We went up the ledge and there, we danced and kissed. Perfect na sana kaya lang nag-negative comment siya about my friend. Na-slight ako kaya nag-excuse ako at iniwan siya.

I saw Mksurf8 (with his very nice and handsome boyfriend!). He flew in from Singapore kasi miss na miss niya na ang Bed (sosyal!). Kasama niya sina Mcvie (na kinulit-kulit ko kung bakit on blog holiday siya) at Joaqui (na kinulit-kulit ko rin kung bakit two months nang walang update ang blog niya). Tinukso-tukso ko rin si Joaqui ng: “I am sure, may nami-miss ka na nasa America!”

Nakita ko rin si Kane. I was introduced to his entourage of good looking friends. Mukhang masaya na siya uli at naka-recover na sa heartbreak.

I was dancing with another boylet nang mamataan ko si Ewik na ka-join na ng mga blogger friends. Kaway-kaway ako sa kanya mula sa ledge. Paalis na siya kaya inabot niya lang ang kamay ko. Hindi na kami nakapag-chikahan kasi cameo appearance lang siya sa Bed.

I checked on my gurls. Aba, busy ang lahat! Cozy-cozy sa kani-kanilang mga partner. Maynard was with this beautiful black guy. Lance was being hugged by a tall semi-kalbo. Luigi was kissing a cute bagets. James was dancing with a hunky chinito. And Arnel was with a (former) G4M sensation. Smile na lang ako like a proud momma.

Then I met him. Ang guy na pwedeng ipantapat sa jowa ni YJ. Ang guy na feeling ko kaiinggitan din ng lahat! Ok, exaj ako. Pero nang mga sandaling iyon, siya ang pinaka-guwapo para sa akin!

Nagsimula kaming magsayaw na nasa likod niya ako. Dahan-dahan kaming nagdikit hanggang sa naka-lean na siya sa akin. Kinuha niya ang aking kamay at dinala sa kanyang tiyan. Sinalat-salat ko ang buhok sa kanyang pusod sabay halik sa kanyang leeg.

Humarap siya sa akin at naglapat ang aming mga labi. Napapikit ako sa sarap niyang humalik. Nagyakap kami at gumapang ang mga kamay niya sa katawan ko. We explored each other.

Nag-getting to know you kami. Pareho kaming single pero unsure sa commitment. We decided to see each other again kaya nag-exchange numbers kami. Kahit wala na kaming masabi, hindi pa rin namin iniwan ang isa’t isa. We just hugged and kissed.

Before the night came to a close, nag-gather kami ng barkada sa dancefloor. May ningning sa mga mata at ngiti sa mga labi ang bawat isa.

Nag-last dance kami at nagyakap-yakap.

It was a good night. Nag-translate sa reality ang mantra ko.

Thursday, October 15, 2009

Seventeen

“She’s the girl I am going to marry.”

Para akong sinampal sa sinabi niyang iyon.

“Paano ako?” ang tanong ko.

“Inisip mo ba na ipagpapalit ko siya sa’yo?”

“Paano tayo?”

“Anong tayo? Walang tayo.”

“Ano’ng tawag mo sa relasyon natin?”

“Eksperimento.”

“What?”

“Pareho tayong lalaki. Sinubukan lang natin ang mag-sex.”

“Akala ko sinubukan din natin ang magmahal.”

“Walang ibig sabihin yun.”

“Pero minsan mo na ring sinabi na mahal mo ako.”

“It was just an outburst.”

Nilapitan ko siya at niyakap.

“Mahal kita, alam mo ‘yan.” May pagsusumamo sa aking tinig.

Pilit siyang kumawala sa akin.

“Bitiwan mo ako,” ang sabi niya.

Lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. Nagpumiglas siya.

At nang makawala, itinulak niya ako palayo sa kanya.

Napaupo ako sa kama. Sa kama na kanina lang ay pinag-alab naming dalawa.

“Itigil na natin ito habang maaga pa,” ang sabi niya.

“Are you breaking up with me?”

“Yes. If that is how you want to put it.”

Nagsikip ang aking dibdib. Parang gusto kong maiyak.

“Hindi ako bakla,” ang mariin niyang sabi.

Tumalikod siya at lumabas ng aking silid.

Sa mesa, nakita kong nakalapag ang pinag-ugatan ng lahat. Ang imbitasyon sa debut ng kanyang girlfriend.

Kinuha ko ito at binuklat. Nakita ko ang pangalan niya bilang escort.

Nakaramdam ako ng galit.

Pinunit ko ang imbitasyon. Pinagpira-piraso at itinapon.

Napahagulgol ako ng iyak.

I was only seventeen.

***

Isang long-stemmed rose ang inaabot niya sa akin.

Sa gitna ng marangyang ballroom, natigilan ako at napatitig sa kanya. Napakaguwapo niya sa suot na coat and tie.

Tinanggap ko ang bulaklak.

“Para sa 18 roses,” ang sabi niya.

Akala ko, may ibig sabihin na.

“Maaari ba tayong mag-usap?” ang tanong ko.

“Wala na tayong dapat pag-usapan,” ang sagot niya.

“Please?” ang giit ko.

“Hindi ka ba makaintindi? Tapos na tayo.”

“Ganoon lang ba 'yun kadali?”

“Oo.”

“Hindi mo na ba ako mahal?”

Hindi na siya sumagot. Sa halip, ako ay kanyang tinalikuran.

Nagsimula ang programa. Dahan-dahang bumaba sa hagdan ang debutante. Nakangiti. Magarbo ang gown.

Sinalubong niya at inabutan ng rosas. Siya ang first dance.

Nag-waltz sila. Napakaganda ng debutante at napakaguwapo niya. Bagay na bagay sila.

Parang sasabog ang dibdib ko sa panibugho.

Humigpit ang hawak ko sa rose. Tumusok sa akin ang mga tinik.

Nagdugo ang aking kamay pero ang kirot ay nasa aking puso.

I was only seventeen nang ako ay mabigo.

Tuesday, October 13, 2009

Counterpoint

Papahupa na ang init sa dancefloor nang tayo ay magtagpo.

Sa liwanag ng aandap-andap na ilaw, hinagod natin ng tingin ang isa’t isa.

Nagngitian tayo at naglapit. Nagtitigan. At sabay sa kumpas ng maharot na tugtog, gumalaw tayo sa isang seduction dance.

Kusang nagtagpo ang ating mga labi. Naglapat at nagtunggalian sa isang sabik na halik.

May kakaibang tamis ang iyong mga labi na bumura sa alaala ng iba ko pang mga nakaulayaw nang gabing iyon. Para kang unang karanasan na nagdulot sa akin ng masidhing excitement.

Nagsabihan tayo ng pangalan at nagpalitan ng number.

“I want to see you again,” ang sabi mo.

Sa kabila ng pagnanasa, umusbong sa akin ang pag-asa para sa isang bagong simula.

***

Ang cute mo. Para kang bata. Malikot ka at makulit pero hindi ako naiinis. Natutuwa pa nga ako sa mga kilos mo. Madaldal ka rin at opinionated pero hindi ako nagsasawang makinig. Naaaliw ako sa mga kuwento mo at sa mga points-of-view mo. Refreshing ang take mo sa mga bagay-bagay na ikinaka-amuse ko. Nakakahawa rin ang iyong pagiging masayahin.

Iyan ang mga katangian mong nag-endear sa akin. Bukod pa sa iyong good looks. Kapag kasama kita, feeling ko maraming naiinggit sa akin. Malambing ka kasi at kahit nasa “ligawan” stage pa lang tayo, lagi kang nakaakbay sa akin at malagkit kung tumingin. Nagyayakapan at naghahalikan din tayo in public.

Actually, parang tayo na kahit wala pa naman tayong pinag-uusapang pormal tungkol sa atin. Hindi ko alam pero kahit nagawa na natin ang lahat, pagdating sa bagay na iyon, parang nagkakahiyaan tayo. Parang mas gusto pa natin iyong implied na lang ang ating relasyon.

Subalit ang pagkakamabutihan natin ay nahadlangan ng aking trabaho. Pumasok ang peak season at naging very demanding ang office sa time ko. I had to work extra, even at night. Humingi ako ng paumanhin at pang-unawa sa’yo dahil nawalan ako ng panahon. Nangako akong babawi kapag lumuwag na ang schedule ko. Pero hindi iyon nangyari dahil dumagdag nang dumagdag ang responsibilidad ko. Sa pagtupad ko sa aking tungkulin, napabayaan kita. Dumalang ang mga text at tawagan natin. Hindi na tayo nagkita. Bago ko namalayan, katahimikan na ang namamagitan sa ating dalawa.

Nagising ako isang araw na parang may void sa buhay ko. Hinahanap-hanap kita.

Tinext kita: “Hey, kumusta na?”

Ang reply mo: “Who’s this?”

Ouch! Kaya tinawagan kaagad kita.

“Myco, it’s me, Aris,” ang sabi ko nang mag-hello ka.

“Alam ko,” ang sagot mo.

“Bakit who’s this ang reply mo? Binura mo na ba ako sa phonebook mo?”

“Oo. Pero memorized ko ang number mo.”

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. “I miss you,” ang sabi ko na lang.

“I miss you, too.” Mabilis ang iyong sagot.

Nabuhayan ako ng loob. Sumigla ang aking pakiramdam.

“I’m sorry. Masyado akong naging busy. I didn’t mean to neglect you.”

“Akala ko, bumitaw ka na. Akala ko, ayaw mo na,” ang sagot mo.

“No. Mahal kita.” Hindi ko napigilang isatinig ang nararamdaman ko.

“Bakit ngayon mo lang sinabi ‘yan?”

“I don’t want to lose you. Magsimula tayo uli. Ipagpatuloy natin ang nasimulan natin noon.”

Wala kang tugon.

“Mahal mo rin ba ako?” ang tanong ko.

May na-sense akong hesitation bago ka sumagot. “Oo.”

“Mag-dinner tayo. Mag-usap. Gawin na nating pormal ang ating relasyon.”

Tahimik ka.

“Kailan tayo pwedeng magkita uli?” ang tanong ko.

Bumuntonghininga ka muna bago nagsalita. “Aris, hindi na puwede.”

“Ha? Bakit?”

Nanlumo ako sa iyong tinuran.

“May boyfriend na ako.”

***

Balik ako sa Malate upang limutin ka at ang nakapanghihinayang nating kabanata. Hurt ako pero kasalanan ko rin.

Magkasama kami ng bestfriend kong si Ace na umiinom sa Silya nang may bumati sa kanya. Matangkad, guwapo, maganda ang katawan. Nagulat ako nang makita kong ikaw ang kasama.

Ipinakilala ako ni Ace sa bumati sa kanya. “Aris, Drake. Drake, Aris.”

Higit akong nagulat nang ipakilala ka ni Drake na boyfriend niya. Nagulat din si Ace dahil alam niya ang tungkol sa atin pero hindi siya nagpahalata.

Nagkunwari tayong first time na nagkakilala.

Nang makaalis kayo saka nagsalita si Ace.

“Oh no! Alam ko, at this very moment, parang dinudurog ang puso mo.”

Tumungga lang ako ng Strong Ice.

“Akalain mo yun? Si Drake pa pala ang naging jowa niya. Ang liit ng mundo!”

“Ano ba yan. Kaya nga ako naririto para kalimutan siya tapos, makikita ko siya na kasama ang jowa.”

“Worried ako para kay Myco,” ang sabi ni Ace.

“Bakit naman?”

“Kilala ko ‘yang si Drake. Malandi ‘yan.”

“Really? Pero guwapo siya ha! Bagay sila ni Myco.”

“Nagmo-model model ‘yan. Alam ko pa nga, sumasali ‘yan sa bikini open.”

Hindi na ako nagsalita. Na-insecure na ako. At least, mas maganda ang ipinalit mo sa akin.

“Sabay-sabay ‘yan kung makipag-boyfriend,” ang patuloy na chika ni Ace.

Nag-alala ako para sa’yo. Ayaw kitang masaktan.

“Pero malay natin, baka nagbago na siya. Baka nagtino na siya dahil kay Myco.”

***

Nakita ko kayo ni Drake na nagsasayaw sa Bed nang gabing iyon. Magkahawak-kamay, magkayakap at panay ang halikan. Nagpakatatag ako sa kabila ng pagiging crushed. Pilit kong ibinaling sa iba ang aking pansin subalit patuloy ang kirot sa aking damdamin.

Later that evening, lumabas ako upang bumili ng yosi. Parang nananadya ang tadhana dahil naroroon ka at may binibili rin.

“Hey,” ang bati ko.

“Hey,” ang bati mo rin.

“Mag-isa ka. Nasaan si Drake?”

“Nasa loob with his friends.”

“You want to grab a beer?”

Nag-alinlangan ka. “I want to. Kaya lang baka hanapin niya ako.”

I forced a smile. “It’s ok. I understand.”

“Sorry, baka kasi magalit siya.”

I stared at you. Parang may na-sense akong pangamba sa’yo.

“Myco, masaya ka ba?” ang tanong ko.

Ngumiti ka.

“Yeah. Masaya ako.”

***

Hindi ko inaasahan na muli kitang makikita nitong Sabado. Sa nagdaang mahabang panahon, naka-get over na ako sa’yo. In fact, nakalimutan na kita.

Tila may nabago na sa iyong itsura na hindi ko matukoy exactly kung ano. Tumaba ka ba? Nagka-edad? Naging seryoso? Parang nawala na ang innocence at pagkamasayahin sa iyong mukha. Pero guwapo ka pa rin.

Ikaw kaagad ang aking nabungaran pagpasok ko sa Bed. At nakita ko, kasama mo si Drake. Kayo pa rin pala.

Parang hindi nagbago si Drake. Parang higit itong gumuwapo subalit parang naging cocky. Ewan ko, biased lang siguro ako pero parang yumabang ang tingin ko sa boyfriend mo.

At dahil kasama ko si Ace, hindi naiwasang mag-hello-hello tayo. Remember, magkakilala sila ni Drake.

When our eyes met, tahimik tayong nag-communicate. Dinaan natin sa ngiti ang mga bagay na hindi natin masabi.

Ayoko nang balikan pa ang nakaraan natin at ang naging pagdurusa ng aking damdamin. Kaya kahit nasa iisang bubong tayo, sa lugar na kung saan una tayong nagkatagpo, umiwas ako sa’yo. Pinilit kong mag-enjoy. I danced and flirted.

I saw you and Drake dancing. Ewan ko pero parang wala na ang dating sweetness na nakita ko sa inyo noong bago pa lang kayo. Wala na rin ang ngiti sa mukha mo.

I met and kissed a few guys. Nagkunwari akong masaya pero parang napagod lang ako. At the back of my mind, naroroon ka, hindi mawala anumang waksi ang gawin ko.

Then I saw Drake dancing with another guy. May nakita akong libog sa kanilang mga galaw. Hinanap kita subalit hindi kita makita.

Bigay na bigay sa pagsasayaw si Drake at ang kapareha niya. Nagulat ako nang maghalikan sila. Na-disturb ako para sa’yo. Nag-alala ako sa damdamin mo sakali mang nakita mo ang nakita ko. Muli kang hinanap ng aking mga mata. Subalit wala ka.

I felt uncomfortable na parang gusto ko munang umalis. At dahil hindi ko mahagilap si Ace, niyaya ko si James na lumabas. Uminom kami sa Silya. Nagkuwentuhan kami. Hindi ko napigilang magkuwento sa kanya ng mga nagpapasikip sa aking dibdib. Lately I have been feeling lousy, kailangan kong i-express ang halo-halong emosyon na nagpapahirap sa akin. Nakinig naman siya. No, I did not tell him about us.

Nang makaramdam na ako ng pagkalasing, nagyaya na akong bumalik sa loob. Humiwalay sa akin si James at mag-isa akong umakyat para mag-restroom.

At doon, muli kitang nakita at si Drake. Napahinto ako sa paghakbang dahil mula sa malayo, nakita kong nagtatalo kayo. Hindi ko man naririnig ang usapan ninyo, nabasa ko sa mga kilos ninyo na nag-aaway kayo. At si Drake, galit na galit sa’yo.

Pinanood ko kayo na saklot ako ng pag-aalala at pangamba para sa’yo.

Nakita kong dinuro-duro ka ni Drake. At pagkatapos, itinulak ka niya nang malakas. Napaupo ka sa couch at napayupyop sa iyong mga palad.

Umalis si Drake at iniwan ka. Nakita ko siyang dumiretso sa exit.

Matagal kitang pinagmasdan. Nag-alinlangan akong lapitan ka subalit nanaig ang malambot na damdamin ko para sa’yo.

Humakbang ako patungo sa kinaroroonan mo. Nanatili kang nakatungo at nakayupyop sa mga palad mo.

Marahan kong hinagod ang likod mo.

Nag-angat ka ng mukha. At nakita kong basa ng luha ang iyong mga mata.

Maingay at malakas ang music. Sa dancefloor at sa ledge, siksikan ang mga nagsasayaw. Masaya ang lahat. May mga nagtatawanan pa.

“Are you alright?” ang tanong ko sa’yo.

Hindi ka sumagot.

Inabot ko ang kamay mo at itinayo kita.

Kumapit ka sa akin.

Niyakap kita.

At sa balikat ko, muli kang umiyak.



Friday, October 9, 2009

Snap Out

Nakaka-100 posts na pala ako.

Sinusulat ko na ang pang-101 pero hindi ko matapos-tapos. Hindi ako maka-emote kasi masyado akong busy at laging pagod sa work.

At ang pagkapagod ko parang hindi lang physical kundi emotional din. Ewan ko ba kung bakit may mga bouts of loneliness ako ngayon.

Siguro dahil all work and no play ako lately. At dahil din siguro sa bad weather.

Anyway, tomorrow, Saturday, I am sure to hit Malate again after a long absence. Tinext ko na ang buong barkada at nag-confirm na silang lahat na pupunta.

I need to snap out of this physical and emotional state. Kailangan ko na uling uminom, sumayaw at makihalubilo. Kailangan kong sumaya at ma-inspire upang makapagsulat nang matino.

And yes, I have something to celebrate.

I just turned a year older.

Wednesday, September 30, 2009

Sulat | Bura

Nagkakilala kami sa isang party. Attracted ako sa kanya. Hindi ko alam, attracted din pala siya sa akin.

Pero nagkahiyaan kami. Imbes na mag-usap, nag-iwasan kami.

Nalaman ko lang na pareho kami ng nararamdaman nang ipagtanong ko siya sa common friend namin at sinabi sa akin na ipinagtanong niya rin daw ako.

Natuwa ako at hiningi ko ang number niya. Hiningi niya rin daw ang number ko. At bago pa ako makapag-text, naunahan niya na ako.

Hindi ko maipaliwanag ang excitement ko habang nagpapalitan kami ng mensahe. Higit lalo na nang maging makahulugan na ang mga ito.

Sa aming pag-uusap, naging bukas kami sa damdamin namin sa isa’t isa. We spent long hours on the phone every night. Naging masaya ako at inihanda ko ang aking sarili sa isang punumpuno ng pag-asang pakikipag-relasyon.

Subalit sa kabila ng pagsasabihan namin ng “I love you,” naunsyami ang lahat. Bigla siyang nanlamig at nanahimik.

Nagtaka ako pero kahit anong pilit ko, hindi ako makakuha ng paliwanag mula sa kanya.

May panghihinayang man at nasaktan, ipinagkibit-balikat ko na lamang ang naganap. Ipinagpasiya kong mag-move on at kalimutan siya.

Nang ipabatid ko sa common friend namin ang nangyari, nahanap ko ang sagot sa aking katanungan.

Nadiskubre niya ang blog ko. At nabasa niya ang mga ups and downs ng buhay pag-ibig ko.

Nag-selos siya sa mga kuwento ko.

Nangamba siya na baka maging isang blog entry lang siya.

***

Our common friend invited me to an afternoon gathering. Nagpunta ako na walang expectations. Ang hindi sinabi ng friend ko ay ang sorpresang naghihintay sa akin.

Naroroon siya, imbitado rin.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko pagkakita sa kanya. Ginawa ko ang pinaka-safe – nginitian ko siya.

Ngumiti rin siya. At nang lumabas ang mga dimples niya, higit siyang naging kaakit-akit sa akin at na-realize ko na naroroon pa rin ang pagtatangi ko sa kanya.

Hinanap ko ang ningning sa mga mata niya na nakita ko noong una kaming magkakilala. Hindi ako nabigo dahil natagpuan ko iyon habang nakatitig ako sa kanya.

It felt like the first time. Pero katulad din ng una naming pagtatagpo, imbes na mag-usap ay nag-iwasan kami.

Siguro dahil may kasama siyang iba. Na ipinakilala niya sa akin. Sa mga kilos at galaw nila, parang alam ko na kung mag-ano sila. Kaybilis niya naman akong pinalitan.

Subalit habang nagkakasarapan ang kuwentuhan sa pagtitipong iyon, madalas na nagkakatagpo ang aming mga mata sa mga panakaw na sulyap. Hindi ko matiis na hindi siya tingnan at siguro, ganoon din siya sa akin.

Napansin ko na naging possessive ang kasama niya na siguro ay nakahalata. Subalit hindi ako tumigil. Ipinagpatuloy ko ang pakikipag-communicate sa kanya sa pamamagitan ng aking mga titig.

At nagkabukingan na nga. Hindi ko alam kung sinadya ng common friend namin o nadulas lang siya. Basta natagpuan ko na lamang ang aking sarili na tinatanong nila tungkol sa aming brief past. Na hindi ko alam kung ano ang isasagot dahil ako nga itong ibinitin niya. Siya ang itinuro ko na tanungin.

Hindi niya masabi ang tunay na dahilan kung bakit hindi kami natuloy. Habang pilit siyang gumagawa ng paliwanag, naging uncomfortable ang kasama niya. Bagama't nakangiti, nabasa ko sa mukha nito ang selos at pagkainis.

Ako na ang kusang naglayo sa topic dahil inisip ko ang saloobin ng kasama niya. Nabaling sa ibang bagay ang usapan pero hindi ko nagawang ibaling sa iba ang aking atensyon.

***

“I’m sorry.”

“Ano ba talaga ang nangyari sa atin?”

“Nabasa ko ang blog mo.”

“Kaya iniwan mo ako?”

“Natakot ako na paglaruan mo.”

“Bakit mo naisip yun?”

“Dahil sa mga kuwento mo.”

“Walang kinalaman ang past ko sa present sana natin.”

“Nagduda ako sa intensyon mo.”

“Sincere ang intensyon ko sa’yo.”

“Hindi na ako sigurado.”

“Ano ang kailangan kong gawin para patunayan sa’yo?”

“Huli na ang lahat.”

“Hindi na ba tayo maaaring magpatuloy?”

“I am already in a relationship.”

Pause.

“Are you happy?”

“Yeah. I think so.”

Pagkatapos ng palitang iyon ng text messages, binura ko ang inbox at outbox ko. Binura ko rin ang kanyang number na parang pagbubura na rin sa damdamin ko. Tanggap ko na at ayoko nang makipag-ugnayan pa sa kanya. Ayoko nang umasa.

Kaya heto, naging isang blog entry na lang siya.

Thursday, September 24, 2009

Angkas 3

Muli, ang pamilyar na pakiramdam.

Nakaangkas ako sa motorsiklo ni Jeff at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.

Nang magpakita siya sa akin kanina, wala akong pagsidlan ng tuwa. Subalit nalungkot ako sa sinabi niya.

“Paalis na ako bukas.”

Natahimik ako habang nakatingin sa kanya. Napawi ang ngiti sa aking mga labi.

“Mabuti naman naalala mo akong daanan,” ang sabi ko.

“Maaari ba naman akong umalis na hindi sa’yo nagpapaalam?”

Kahit paano, pinawi ang lungkot ko ng kanyang tinuran.

“Halika, mag-drive tayo,” ang yaya niya.

“Saan tayo pupunta?” ang tanong ko.

“Bahala na.”

Hinaplos ko muna ang upuan ng kanyang motorsiklo bago ako umangkas.

Ang ugong ng makina habang bumibiyahe kami ay musika sa aking pandinig. Ang dapyo ng hangin sa aking mukha ay pumayapa sa damdamin kong may naghahalong lungkot at saya.

Mabilis pa ring magpatakbo si Jeff pero wala akong pangamba.

Humigpit ang kapit ko sa kanya. Dinama ko ang katawan niya at nilanghap ko ang amoy niya. Gusto kong manatili sa aking pandama ang alaala ng mga sandaling iyon na kasama ko siya.

***

Sa Tagaytay niya ako dinala. At doon sa Picnic Grove, sa overlooking, naupo kami sa isang bench at tinanaw ang lawa at bulkan ng Taal.

Masaya siya habang ako naman ay pilit na nagkukubli ng lungkot.

“Alam mo, madalas kaming mamasyal dito noon ng misis ko,” ang sabi niya.

Nakikinig lang ako sa kanya.

“Paborito ko ang lugar na ito,” ang patuloy niya. “Romantic kasi. Dito ko rin unang nahalikan ang first girlfriend ko.”

“Siguro ang dami-dami mo nang dinalang girlfriends dito,” ang sabi ko.

“Yung mga sineryoso ko lang. At minahal.”

“Siyempre hindi ako kasali roon kahit dinala mo ako rito ngayon.”

“Bakit, girl ka ba?” ang pabiro niyang tugon.

“Hindi. Ang sabi ko nga, hindi ako kasali. Exception to the rule.”

“Pero kaibigan kita at mahalaga ka,” ang bawi niya. “Kaya kita isinama rito.”

Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

“Ikaw ba, kahit minsan hindi nagkagusto sa babae?” ang tanong niya.

“Nagkagusto naman,” ang sagot ko. “Nagka-girlfriend din ako noon.”

“Bakit nagbago ang preference mo?”

“Ni-recognize ko lang at tinanggap kung ano ako.”

“Sabagay mas mabuti na yung hindi ka nagkunwari at nanloko. Mas naging masaya ka, di ba?”

“Tama ka.”

Katahimikan.

“Ikaw ba, nagkaroon na ng closeness sa kapwa lalaki?” ang tanong ko pagkaraan. “You know what I mean...”

“May mga kaibigan akong lalaki na ka-close ko.”

“Yung higit pa sa pagiging kaibigan. Yung may kakaibang damdamin.”

Hindi siya kaagad sumagot. Akala ko, na-offend siya sa tanong ko. Subalit pagkaraan ng ilang sandali, nagsalita siya.

“Oo. Minsan. Sa bestfriend ko noon. Kay Ramir.”

Tumingin ako sa kanya at hinintay ang kanyang pagpapatuloy.

“Magkaklase kami mula elementary. Naging matalik kaming magkaibigan noong high school. Noong fourth year, may ginawa kaming project kaya nag-overnight ako sa kanila. Malamig ang aircon sa kuwarto niya. Niyakap niya ako at yumakap din ako sa kanya. Nagulat ako nang halikan niya ako. Doon ko nalaman na higit pa pala sa pagiging kaibigan ang pagtingin niya sa akin. Na-disturb ako noon kaya umiwas ako sa kanya. Tuluyan na kaming nagkahiwalay noong college. Pumasok kami sa magkaibang eskuwelahan.”

“Hindi na kayo nagkita mula noon?”

“Hindi na. Pero aaminin ko, na-miss ko siya. Nagtaka nga ako sa sarili ko noon dahil sa lungkot na naramdaman ko nang mawala siya. Pero kaagad ko rin naman siyang nakalimutan nang magka-girlfriend ako. Mula noon, hindi na uli ako nagkaroon ng kaibigang katulad niya.”

“E anong tawag mo sa akin?”

“Not until nakilala nga kita. Akala ko, maiilang ako noong una. Pero hindi. Doon ko na-realize na wala na sa akin ang pangamba at maling akala sa mga katulad mo. Siguro dahil nag-mature na ako. Hindi na ako bata at mas kilala ko na ang sarili ko. Walang masama kung maging magkaibigan man tayo dahil nagkakaintindihan tayo at may respeto sa isa’t isa.”

Ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon.

“Pero alam mo, may aaminin ako sa’yo,” ang nakakaintriga niyang dugtong.

I held my breath in anticipation.

“Nang makita kita, magaan kaagad ang loob ko sa’yo dahil may hawig ka kay Ramir. Pati kumilos. Naalala ko siya sa’yo pati na ang magandang pinagsamahan namin noon.”

“Akala ko pa naman, napansin mo ako dahil sa pagiging ako,” ang sabi ko na tila may pagtatampo. “Yun pala...”

“Don’t get me wrong. First impression lang yun. Hindi ko na nakikita si Ramir sa’yo ngayon. Ikaw na mismo ang nakikita ko, ang pagkatao mo at ang mga katangian mo. Kaya nga I appreciate you even more. Kung si Ramir pa rin ang nakikita ko sa’yo, lalayuan na kita dahil magdududa ako sa sarili ko kung bakit gusto kong maging close sa’yo.”

Papalubog na ang araw at nagsisimula nang mabahiran ng iba't ibang kulay ang bughaw na pisngi ng langit. Ang repleksiyon ng liwanag sa mukha ni Jeff ay higit na nagpatingkad sa kanyang kaguwapuhan.

Napansin niya ang tila namamangha kong pagkakatingin sa kanya.

“Bakit?” Ngumiti siya. Sa sinag ng namamaalam na araw, higit siyang naging kaakit-akit sa aking paningin.

“Wala. Minememorya ko lang ang mukha mo para hindi kita makalimutan.”

Natawa siya. “Halika na nga. Kumain na tayo.”

***

Sa isang roadside eatery kami nagpunta. Pareho pala naming favorite ang bulalo kaya yun ang inorder namin. Gumawa pa kami ng sawsawang patis na may dinurog na sili. Nagulat kami nang isilbi na ang inorder namin. Ang laki ng serving.

“Kaya ba nating ubusin ito?” ang tanong ko.

“Kaya natin yan,” ang sagot niya sabay tawa.

Ipinagsandok niya pa ako ng sabaw sa isang mangkok.

“Alam mo, mami-miss ko ito.”

“Ang alin?”

“Ang ganito. Ang pagdala-dala mo sa akin sa mga lugar na ganito.”

“Ako rin. Walang mga ganitong pagkain sa pupuntahan ko.”

“Mami-miss din kita. Pati ang motorsiklo mo.”

“Bakit naman?”

“Ikaw lang ang gumawa sa akin ng ganito, yung ilabas-labas ako, iangkas-angkas ako. To think na straight ka at ako, hindi. Hindi naman tayo nagliligawan. At wala naman tayong relasyon.”

“Magkaibigan tayo, di ba?”

“Iba ka, Jeff. Hindi ko inakala na may makikilala akong kagaya mo. Cool sa ganitong bagay. Kapag kasama kita, naipapadama mo sa akin na importante ako. Kaya hindi ko siguro maiwasang may maramdaman ako sa’yo.”

“Opps, baka kung ano na yan. Huwag mo nang ituloy.”

“No. I just want to thank you and to let you know na importante ka rin sa akin. At hindi naman siguro masamang mahalin kita bilang kaibigan.”

Ngumiti lang siya pero hindi sumagot.

“Mami-miss kita, Jeff. Malulungkot ako sa pag-alis mo.”

“Ako rin, mami-miss kita. At nalulungkot din ako.”

***

Gabi na nang kami ay makauwi. Umaambon nang bumaba ako sa tapat ng bahay namin. Nanatili akong nakatayo, nakatingin sa kanya. Parang may bikig ang aking lalamunan at hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Kung paano ako sa kanya magpapaalam.

Nakatingin din siya sa akin habang nakaangkas sa kanyang motorsiklo. Pinatay niya muna ang makina at hindi siya umaalis.

Inabot ko ang aking kamay. “I guess, this is goodbye,” ang nasambit ko.

Mahigpit niyang ginagap ang aking kamay sabay hila sa akin upang ako ay yakapin.

Yumakap din ako sa kanya.

“Mag-ingat ka,” ang sabi ko.

“Ikaw rin.”

“Huwag mo akong kalilimutan.”

“Siyempre, hindi.”

Nagsimulang lumakas ang patak ng ulan.

Kumalas kami sa aming pagkakayakap.

“O, huwag ka nang malungkot,” ang sabi niya.

Pinilit kong ngumiti. “Hanggang sa muli nating pagkikita.”

“Babalik ako, promise.”

Binuhay niya ang makina ng motorsiklo niya. Ngumiti siya sa akin at nagmaniobra. Bahagya pa siyang kumaway bago umalis.

Tuluyan nang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ako tuminag sa aking kinatatayuan. Kahit nababasa na ako, nanatili akong nakatanaw sa kanya.

“Goodbye, Jeff,” ang bulong ko. “Maghihintay ako.”

Monday, September 21, 2009

Rain

Nagsisimula nang umambon nang sumakay ako ng bus. Nagmamadali ako dahil ayokong mahuli sa aking pupuntahan.

Medyo mabagal ang bus na nasakyan ko. Wala kasing pasahero kaya panay ang hinto para magsakay.

May dalawang bagets na sumakay. Parehong may itsura. At pamilyar sa akin ang isa.

Nagulat ako nang mapagtanto ko na si Xyrus ang isa sa kanila.

Nakaramdam ako ng excitement.

Babatiin ko sana siya subalit napansin ko na magkahawak-kamay sila ng kasama niya.

Napatingin na lamang ako sa kanya. Napatingin din siya sa akin.

May recognition sa kanyang mga mata pero hindi niya ako binati.

Umupo sila across the aisle, katapat ng upuan ko. Hindi ako mapakali at panay ang tingin ko sa kanya. Gayundin siya sa akin. Gusto ko siyang ngitian pero nag-alinlangan ako.

Napansin ko na bukod sa magka-holding hands ay masyado rin silang magkadikit ng kasama niya. Obvious na may namamagitan sa kanila.

Naglayo ako ng paningin. Tumanaw ako sa labas ng bintana. Nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Nanatiling maluwag ang bus dahil nawala ang mga pasaherong nag-aabang sa tabing-daan.

Pinipigil ko ang aking sarili na tumingin sa kinaroroonan ni Xyrus subalit sa gilid ng aking mga mata ay naaaninag ko ang mga galaw nila.

Hindi ko natiis na muling tumingin sa kanila. At nakita ko ang panakaw na paghalik kay Xyrus ng kasama niya. Ngumiti lang sa akin ang kasama niya. Napansin ko na naasiwa si Xyrus.

Walang masyadong tao sa bus at mataas ang backrest ng mga upuan kaya siguro malakas ang loob ng kasama niyang gawin iyon.

“Later… nakakahiya,” ang narinig kong sabi ni Xyrus.

“Ok lang yan kay kuya,” ang narinig kong sagot ng kasama niya. “Di ba, kuya, ok lang sa’yo?” ang baling na tanong sa akin.

Ngumiti lang ako. Nag-usap ang mga mata namin ni Xyrus.

At dahil ngumiti ako, parang na-encourage na muling magpumilit ang kasama ni Xyrus na halikan siya. Panay ang iwas ni Xyrus.

Tempted na tempted na akong kausapin siya para ma-distract ang kasama niya pero naisip ko, bakit naman makikisali pa ako sa kanila?

Maya-maya, tumigil din sa kapipilit ang kasama niya at humilig na lang ito sa balikat niya subalit napansin ko na ang kamay nito ay nakapatong at humihimas-himas sa crotch ni Xyrus.

Gulat ako sa pagka-agresibo ng kasama niya. Hindi na nangimi kahit nasa bus sila. Paano pa kaya kung nasa isang pribadong lugar sila? At paano rin kaya kapag nalaman ito ng mommy niya?

Muli akong naglayo ng paningin. Nilibang ko ang aking sarili sa panonood ng ulan sa labas ng bintana.

Pagkaraan ng ilang sandali, muli ko silang sinulyapan. Nakapikit na ang kasama ni Xyrus, tila natutulog. Nakatingin sa akin si Xyrus. Parang may gustong sabihin. Ako rin, parang gusto ko siyang kausapin subalit parang napakahirap gawin dahil napaka-awkward ng sitwasyon.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. Aaminin ko na attracted ako sa kanya, kesehodang malayo ang agwat ng edad namin at kaibigan ko ang mommy niya. Subalit hindi na pala siya kasing-inosente katulad ng akala ko.

Dumaan ang konduktor. Nagbayad ako at nagbayad sila. Nagpatuloy ang tahimik na biyahe. Sa labas, patuloy ang malakas na buhos ng ulan.

Hindi nagtagal, tumayo ako at pumara. Tumayo rin sila. Hindi ko inakala na iisang lugar lang pala ang bababaan namin.

Huminto ang bus. Bumaba ako at kaagad na nagbukas ng payong. Naglakad ako patungo sa tawiran.

Kasunod ko sila na naka-payong din.

Habang nakatayo sa bangketa at naghihintay sa stoplight, katabi ko sila. Hindi na ako nakatiis.

“Hey, Xyrus. Kumusta ka na?” ang sabi ko.

Taka ang kasama niya. “Magkakilala kayo?” ang tanong niya kay Xyrus.

Taka rin si Xyrus sa pambabati ko pero parang may nakita akong tuwa sa kanyang mukha. “Yeah, kaibigan siya ng mommy ko.”

“Ha? Bakit hindi mo sinabi kanina. Naku, baka isumbong niya tayo,” ang tila biglang na-praning na sagot ng kasama niya.

“Huwag kang mag-alala. Hindi naman kami close ng mommy niya,” ang sagot ko.

“Siyanga pala,” ang sabi ni Xyrus. “Aris, si Jericho. Jericho, si Aris.”

“Hi.” Kinamayan ko si Jericho. “Is he your boyfriend?” ang tanong ko kay Xyrus.

“Yeah,” si Jericho ang sumagot. “I am his boyfriend,” ang tila may pagmamalaki pang sabi.

Tahimik lang si Xyrus na nakatingin sa akin.

“Let’s go, babe,” ang biglang yaya ni Jericho nang magpalit ang ilaw. “Tumawid na tayo. Basambasa na ang shoes ko.”

“Bye, Aris,” ang paalam sa akin ni Xyrus.

“Bye.” Hindi ko na sila sinabayan sa pagtawid. Nagpaiwan ako.

Pinagmasdan ko sila habang papalayo. Nakapayong sa ulan at magkahawak-kamay.

Hindi ko alam pero parang may selos akong naramdaman.

Monday, September 14, 2009

La Vida Loca

Sabado nang gabi at maulan. Kung hindi lang birthday nina Ace at James, hindi ako susugod sa Malate.

Ilang hakbang na lang bago ko marating ang Silya nang bumuhos ang malakas na ulan. Sumilong muna ako sa kanto ng Nakpil at Bocobo. Nakasabay ko sa pagsilong ang mga callboys ng Supermen. Na-overhear ko ang kuwentuhan nila tungkol sa dick size.

Pagdating ko sa Silya, kumpleto na ang barkada. Kumakain na sila at umiinom. Bineso ko muna ang mga celebrants bago ang iba. Walang Strong Ice kaya nag-Red Horse ako.

Lumabas mula sa katapat na bar si YJ at hinila ako upang ipakilala sa mga kasama niya. Isang girl at dalawang guys na parehong guwapo. Napa-beautiful eyes ako. Kaya lang, may catch pala. Jowa nung girl yung maskulado at baby naman ni YJ yung matangkad. First timers ang tatlo sa Malate at curious sila sa going-ons. We agreed to meet later sa Bed.

I went back to my friends. Tuloy ang inom at kaagad akong nalasing. Hindi ko talaga carry ang Red Horse. Feeling ko, naging maingay ako at magulo.

Luis came with a friend and joined us. After a while, we trooped to Bed. It was almost 2am.

At dahil lasing ako, para akong paru-paro na hindi napirmi sa loob. Ikot-ikot. Beso-beso. Sayaw-sayaw.

Maya-maya, Ace handed me a beer. Red Horse na naman. Ugh! Ininom ko pa rin pero hindi ko na inubos dahil umiikot na ang tingin ko.

Higit akong naging maharot. I danced and circulated some more.

Then I went upstairs para magpahinga sandali. Nakiupo ako at naki-chika sa grupo ni YJ. Ang cute talaga ng baby niya! “Wala bang kakambal yan?” ang tanong ko sa kanya.

Nag-restroom ako. Nakita kong nakatambay sa bridge ang dalawa kong friends. I joined them.

Habang nagkukuwentuhan kami, napansin ko ang isang guwapong boylet sa tabi namin. Panay ang iwas niya sa isang older guy na pinipilit siyang halikan.

I stared at them.

Napansin ako ni older guy.

“Gusto mo siya?” ang tanong niya sa akin.

Hindi ako nagsinungaling. “Oo.”

Binitiwan niya si boylet. “You can have him. Masyado siyang maarte.”

Umalis si older guy na nagsusuplada. Naiwan kami ni boylet na nakatingin sa isa’t isa.

I smiled at him. He smiled back. Then I got closer and held him.

My friends were watching as I gently kissed him on the lips.

He did not resist.

***

It was a surprise to see Li’l Bro sa dancefloor. It must have been ages since I last saw him. Nag-away kasi sila ng isa naming kabarkada kaya nag-sabbatical muna siya. I hugged him tight. I missed him so much.

Nakita ko rin si Kane, kasayaw si J (Do I know him? Charing!). Ang sweet nila ha! Konting chika tapos iniwanan ko na sila.

I Gotta Feeling” was playing nang muli akong umakyat sa ledge. I swayed to the beat.

Doon ko na-meet si Patrick. The attraction was instant.

I made the first move and he responded. We danced and kissed. We hugged and held hands. He was the cutest thing I have seen that night and I could not be happier because he was mine.

He was just visiting from Pampanga. He’s taken pero nasa States ang jowa. He had the sweetest lips and the roughest kiss. Masakit siyang humalik but I liked it.

Ipinakilala niya ako sa kasama niya. Si Ronald.

Ipinakilala kami ni Ronald sa kahalikan niya. Si Warren.

Nagbiro si Patrick na mag-kiss kami ni Ronald.

Nagkatinginan kami ni Ronald. Nagkangitian. Unti-unting naglapit ang aming mga labi.

We kissed. His lips were soft and gentle.

Not wanting to be left out, sumali sa amin si Warren.

Naghalikan kaming tatlo. Matagal. Maalab.

Nang magbitiw kami, wala na si Patrick.

Muling nagtagpo ang mga labi namin ni Ronald.

Nagparaya si Warren. At umalis.

***

Pagbaba sa ledge, inalok ako ni Ronald na uminom ng zombie. Hindi ako nakatanggi. And then, nag-excuse siya sandali.

Namalayan ko na lamang na katabi ko na si Patrick.

Pinakiramdaman ko muna siya bago ko hinawakan ang kanyang kamay.

Niyakap ko siya. I tried kissing him but he resisted.

“Ayoko. Hinalikan mo na si Ronald,” ang sabi.

“Ikaw kasi. Binuyo mo kami,” ang sagot ko.

“It was just a joke.”

“Nagselos ka ba?” ang tanong ko.

Tumingin muna siya sa akin bago sumagot. “Oo.”

Humigpit ang hawak ko sa kamay niya.

“Alam mo,” ang sabi ko pagkaraan. “Gusto sana kita kaya lang…”

“Kaya lang ano?”

“May boyfriend ka na.”

“Ikaw rin, gusto na sana kita kaya lang…”

“Ano?”

“Player ka.”

Bumalik si Ronald. Muli niya akong pinainom ng zombie.

Maya-maya, nagpaalam na sila. Uuwi pa raw sila ng Pampanga.

I just waved at them.

I was so drunk to manage a proper goodbye.

***

Bandang 5am, lumabas na kami ng mga friends ko sa Bed.

Medyo umaambon kaya sumilong muna kami sa tolda sa labas ng O Bar. Ang daming taong nakikisilong. We thought about getting inside kaya lang masyadong siksikan.

Napatingin ako sa bagets na katabi ko. Tumingin din siya sa akin at ngumiti.

“Are you alone?” ang tanong ko.

“Yes,” ang sagot niya.

Inakbayan ko siya. I was poised to flirt.

“Bakit mag-isa ka lang?”

“Kasi…” Pause for effect. “Nagtitinda ako ng taho.”

Saka ko lang napansin ang dalawang stainless container sa may paanan niya.

OMG.

Me and my friends were laughing like crazy when we walked away.

The joke was on me.